Friday, February 7, 2025

Monday Report - February 10, 2025

 

Monday Report - February 10, 2025

 

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _________ mula sa _______ Office.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________ mula sa ________ Office.

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 

***

 

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

 

1. Farmers' Class, Idinaos ng OPAG

 

Isang Farmers' Class ang idinaos ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) at ng Municipal Agriculture Office sa ilalim ng Corporate Farming Program ng probinsya. Ang klaseng ito ay binubuo ng anim na session, at ang unang session ay ginanap sa Bani Barangay Hall noong January 30, kung saan ito ay may 30 participants.

 

 

 

2. Mga TODA, Muling Pinulong ukol sa Iba't Ibang Isyu

 

Noong January 30, isang pulong ang ipinatawag ng Municipal Administrator upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng mga tricyle operators at drivers. Kabilang sa mga isyung tinalakay ang kawalan ng updated na prangkisa ng ilang mga nag-ooperate na driver; overcharging ng ilang drivers; ang pagkakaroon ng mga bagong ruta sa apat na barangay; at ang striktong pagpapatupad ng tamang istasyon ng mga tricycle driver base sa kanilang nakatalagang TODA.

 

 

3. Mga Reklamo sa Tricycle Terminal, Agarang Inaksyunan

 

Noong February 3, nagpulong at personal na ininspeksyon ng mga miyembro ng Traffic Management Council sa pangunguna ni Councilor Amory Junio ang Bagsakan/Tricycle Terminal area upang ivalidate ang sari-saring reklamo ukol dito. Kanilang tiningnan ang mga obstruction sa kalsada, ang pagsunod sa schedule ng mga vendor at tricycle driver, ang lagay ng palikuran at pagtatapon ng basura, at iba pang concerns. Matapos ang inspeksyon ay isa-isang ipinatawag ang mga concerned na tanggapan at ahensya upang agaran ding resolbahin ang mga naturang isyu.

 

 

4. Libu-Libong Bayambangueno, Sumali sa 1st Toothbrushing Marathon

 

Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang oral health team ng Municipal Health Office, nang magsagawa ito ng first-ever municipal-wide toothbrushing marathon bilang pakikiisa sa National Toothbrushing Day,  kung saan imbitado ang lahat ng residente na sumali sa pagpatak ng ala-una ng hapon noong Lunes, February 3. Ang lahat ng participants ay inabisuhang magpost sa social media ng kanilang video o selfie ng nasabing aktibidad. Sa huli ay nagtala ang aktibidad ng 3,670 participants, kung saan karamihan sa mga sumali ay mga learners ng 77 Child Development Centers.

 

 

5. Kick-Off Ceremony, Idinaos para 𝘀𝗮 21𝘀𝘁 𝗢𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵

 

Noong February 5, isang kick-off ceremony ang isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) para sa 21st National Oral Health Month, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Dental Association (PDA) Pangasinan Chapter. Ito ay inumpisahan sa isang parada at float presentation kasama ang lahat ng Child Development Centers. Sumunod naman ang isang programa sa Events Center kung saan tampok ang iba't ibang aktibidad na nagbigay-diin sa kahalagahan ng oral health.

 

 

6. Proyektong 'Lab for All' ng Unang Ginang, Dinala sa Bayambang

 

Naging matagumpay ang pagdala ng Unang Ginang Louise Araneta-Marcos ng proyekto nitong Lab for All sa Bayambang, na isinabay sa pagbabalik ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan project ng administrasyong Quiambao-Sabangan. Ito ay sinimulan sa Obillo Elementary School sa Brgy. Pantol at Caturay Elementary School noong February 3 at 4, at nagpatuloy noong February 6 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

Kabilang sa mga serbisyong handog ng Lab for All ay libreng laboratory tests, libreng medical services, kabilang ang mga serbisyo ng mga espeyalista, libreng dental services, at iba pang serbisyo, bukod pa sa mga serbisyong mula sa iba't ibang mga departamento ng LGU. Nagkaroon ng ENT at OB Gyne, pedia, at ophthalmic consultation kabilang ang cataract screening. Mayroon ding minor surgery para sa mga may mass at libreng tuli, at mayroon ding mga major surgery.

 

***

 

7. PCSO at Grand 88, Namigay ng Mobile Clinic 

 

Iba't ibang departamento at ahensya naman mula sa national government ang bumisita at may dala-dalang sari-saring tulong.

 

A. Namigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Grand 88 Gaming Corp. ng isang Mobile Clinic sa LGU Bayambang na magagamit natin sa kada may Komprehensibong Serbisyo sa mga barangay.

 

B. Ang PCSO ay nagbigay din ng 1,500 Charitimba food packs sa mga rehistradong miyembro ng Bayambang Federation of Tricycle Operators and Drivers Associations.

 

***

 

8. Senate Public Assistance Office, Namahagi ng mga Guarantee Letter

 

Ang Senate Public Assistance Office ay namahagi ng mga guarantee letter para sa iba't ibang medical assistance.

 

***

 

9. PAG-IBIG Fund, Dumating Din

 

Ang PAG-IBIG Fund ay nagbigay ng Lingkod Pag-Ibig on Wheels. Kabilang sa mga serbisyong kanilang hatid ay ang pagsagot sa mga inquiries, registration, Loyalty Card Plus application, verification ng contribution, housing loan, at Provident claims application.  

 

***

 

10. LTO, Nagdaos ng Libreng Driving Course

 

A. Ang Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang libreng 2-day Theoretical Driving Course sa mahigit 150 katao. Ito ay nauna nang isinagawa noong January 1-2 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Naroon sa nasabing aktibidad si LTO Regional Director, Glorioso Daniel Martinez at mga LTO chiefs.

 

B. Ang Land Transportation Office ay namahagi rin ng mga plaka, at nagbigay ng assistance sa aplikasyon para sa driver's license at vehicle registration.

 

C. Nagbigay din ng libreng sakay ang LTO patungo at paalis ng venue para sa Lab for All.

 

***

 

11. PAO, Naghandog ng Legal Assistance

 

Ang Public Attorney's Office naman, sa pangunguna ni PAO Chief, Atty. Persida Acosta, ay namigay ng libreng legal assistance.

 

***

 

12. FDA, May Libreng Assistance Din

 

Ang Food and Drug Administration ay namigay ng assistance sa licensing ng food manufacturers, pharmacy at iba pang kaugnay na establisimyento.

 

***

 

13. DA, Nag-award ng Livelihood Projects, Atbp.

 

Ang Department of Agriculture ay namahagi ng seeds, seedlings, at IEC materials. Sila rin ay nag-award ng mga certificate para sa 11 beneficiaries ng chicken egg laying project sa ilalim ng LOVE o Livelihood Opportunities for Viable Enterprise Project.

 

***

 

14. Go Negosyo, Naghandog ng Entrepreneurship Mentoring

 

Ang Go Negosyo ng Department of Trade and Industry ay nagsagawa ng libreng entrepreneurship mentoring sessions upang gabayan ang mga aspiring entrepreneurs sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.

 

***

 

15. CHED, May TES Grants

 

Ang Commission on Higher Education ay namahagi ng mga Tertiary Education Subsidy o TES grant at scholarship opportunities. Sila rin ay nagsagawa ng scholarship campaign upang hikayatin ang mga estudyante na mag-avail ng mga scholarship program ng gobyerno.

 

***

 

16. 1,500 Katao, Benepisyaryo ng DSWD-AICS

 

Ang Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng cash grant sa 1,500 na katao sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program nito. Ang ahensya ay namigay rin ng cash grants sa walong SLP o Sustainable Livelihood Program Associations at pati na rin mga food packs.

 

***

 

17. Unang Ginang at CHED Chairman, Nanguna sa BPC Groundbreaking

 

Nanguna si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at Commission on Higher Education, Dr. J. Prospero 'Popoy' de Vera III, sa groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng Bayambang Polytechnic College Academic Building I at Campus sa Brgy. Bical Norte. Kasama siyempre ang founder ng BPC na si Dr. Cezar Quiambao at BPC College President, Dr. Rafael Saygo sa naturang seremonya.

 

 

18. Dalawang Major Infra Projects, Aprubado ng PRDP!

 

Dalawang naglalakihang infrastructure projects ang muling in-award ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Scale-Up sa bayan ng Bayambang, matapos makatanggap ang aplikasyon ng LGU ng isang No Objection Letter 1 (NOL1) mula kay DA Undersecretary for Operations, Engr. Roger V. Navarro. Ang mga ito ay ang Road Opening and Concreting of San Gabriel II-Pantol Farm-to-Market Road worth P319.18 million at Construction of Bayambang Onion Cold Storage Facility worth P246.01 million. Matatandang matagumpay na idinipensa ng team ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad ang naturang aplikasyon.

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo na ang kinatatayuang gusali ng ating Municipal Public Library ay dating isang mataas na tore ng NAWASA?

 

Ayon sa Bayambang Water District, ang water tower ay tinatayang ipinatayo noong bandang 1960s, at nagsilbi itong opisina ng Bayambang Waterworks and Sewerage System.

 

Naging siren o "sirena” din ito na tumutunog tuwing sasapit ang alas siyete ng umaga at alas sais ng gabi.

 

Kapag narinig na ang sirena ng mga Bayambangueño na umugong ng alas sais ng gabi, sila ay nagdarasal ng orasyon o Angelus mapasa-loob man ng bahay o sa daan. Kung inabot ng pagtunog ng sirena sa daan habang naglalakad, sila ay tumitigil sandali upang mag-orasyon.

 

Matapos ang malakas na paglindol noong July 16, 1990, ito ay ipinatapyas at ginawang two-story na lamang upang hindi maging panganib.

 

At sa pag-upo ng dating mayor, Cezar Quiambao, dito na nga inilipat ang Bayambang Municipal Library noong January 18, 2018 mula sa dati nitong kinalalagyan sa loob ng Municipal Hall.

 

 

***

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _______, ng _____ Office.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____________ mula sa ______ Office.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment