Thursday, January 30, 2025

Trivia: Internal Audit Service

[IAS]

Alam niyo ba na ang Internal Audit Service ang siyang nagsisilbing independent advisor para mapabuti ang governance, risk management, at control processes ng pamahalaan?

Sa kasalukuyan ang Internal Audit Service ay kinabibilangan ng apat (4) na Certified Public Accountants (CPAs) mula sa siyam (9) na CPAs ng LGU.

Kabilang sa mga pangunahing tungkuling ginagawa ng Internal Audit ay magsagawa ng:

1.        Cash Examination - upang siguraduhing lahat ng koleksyon ng LGU ay nadedeposito ng tama at may sapat na pera pambayad sa iba’t ibang gastusin at proyekyo ng LGU.

2.        Procurement Audit - upang siguraduhing lahat ng procurement activities ay alinsunod na itinakda ng RA 9184 o Government Procurement Reform Act.

3.        Compliance and Operations Audit - upang siguraduhing nasusunod ang lahat ng itinakdang batas, regulasyon at polisiya sa paghahatid ng serbisyo-publiko.

Alam niyo rin ba na ang Internal Audit Service, Commission on Audit, at Internal Quality Audit ay magkakaibang tanggapan na may kani-kaniyang itinakdang tungkulin?

Ang Internal Audit Service ay nakatuon sa pagpapabuti ng Internal Control System ng LGU upang siguraduhing lahat ng itinakdang batas, regulasyon, polisiya at proseso sa paghahatid ng serbisyo-publiko ay nasusunod.

Ang Commission on Audit or COA naman ay nakatuon sa pagsusuri sa mga transakyon ng LGU upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng taong bayan.

Samantala, ang Internal Quality Audit or IQA ay nakatuon upang tiyakin na ang mga proseso at sistema ng LGU ay sumusunod sa mga pamantayang itinakda sa ISO 9001:2015 standard.

Kaya laging tandaan, ang Internal Audit Service ay katuwang ng tapat na pamahalaan.

No comments:

Post a Comment