Friday, February 7, 2025

Trivia: Municipal Library

 It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang gusali ng ating Municipal Public Library ay dating isang mataas na tore ng NAWASA?

Ayon sa Bayambang Water District, ang water tower ay tinatayang ipinatayo noong bandang 1960s, at nagsilbi itong opisina ng Bayambang Waterworks and Sewerage System.

Naging siren o "sirena” din ito na tumutunog tuwing sasapit ang alas siyete ng umaga at alas sais ng gabi.

Kapag narinig na ang sirena ng mga Bayambangueño na umugong ng alas sais ng gabi, sila ay nagdarasal ng orasyon o Angelus mapasa-loob man ng bahay o sa daan. Kung inabot ng pagtunog ng sirena sa daan habang naglalakad, sila ay tumitigil sandali upang mag-orasyon.

Matapos ang malakas na paglindol noong July 16, 1990, ito ay ipinatapyas at ginawang two-story na lamang upang hindi maging panganib.

At sa pag-upo ng dating mayor, Cezar Quiambao, dito na nga inilipat ang Bayambang Municipal Library noong January 18, 2018 mula sa dati nitong kinalalagyan sa loob ng Municipal Hall.


No comments:

Post a Comment