Wednesday, February 12, 2025

Trivia: BPC

BPC History

Alam ba ninyo na ang Bayambang Polytechnic College ay itinatag ng LGU-Bayambang noon lamang September 5, 2022.

Ngunit bago pa man ito maitatag, nauna nang magbalak ang dating Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, noong 2016 ng isang branch ng PUP o Polytechnic University of the Philippines upang punuan ang kakulangan sa oportunidad sa higher education sa mga kabataan ng Bayambang.

Hindi man ito natuloy, nauwi ito sa pagtatag ng isang panibagong eskwelahan.

At noong 2022, agad na nagsagawa ng public hearing ang Sangguniang Bayan ukol sa pagpapatayo nito hanggang sa maipasa ang isang ordinansang nagpapahintulot dito, at ito ay maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.

At noon na ngang termino ni Mayor Nina Jose-Quiambao, naitatag sa wakas ang pangarap na kolehiyo ni Mayor Cezar. Salamat sa milyun-milyong startup fund na kanilang idinonate, mabilis na nakumpleto ang mga pangangailangan ng kolehiyo.

Agad din itong dumaan sa Commission on Higher Education at TESDA accreditation sa loob lamang ng tatlong buwan --  pinakamabilis sa buong rehiyon, kundi man sa buong bansa.

Sa investiture na ginanap noong September 5, 2022, itinalagang unang presidente ng BPC si Dr. Rafael L. Saygo.

Ang BPC ay tumanggap ng paunang 400 na enrollees, kung saan karamihan sa kanila ay pinakaunang college student sa kanilang angkan o pamilya, at ang mga opisina at classrooms nito ay binuo sa 3rd floor ng Royal Mall at sa lumang Bayambang Central School.

Sa ngayon, ang BPC ay may halos isang libong estudyante na na nakapag-enroll sa mga kursong Computer Systems Servicing NC II, Electrical Installation and Maintenance Services NC II, Agribusiness, at Entrepreneurship.

No comments:

Post a Comment