Wednesday, February 12, 2025

Monday Report - February 17, 2025

Monday Report - February 17, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _________ mula sa _______ (Office).

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________ mula sa ________ (Office).

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. ๐„๐’๐–๐Œ๐Ž, Nagseminar ukol sa Operasyon ng ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐…๐š๐œ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ

Ang ESWMO-Bayambang ay nakilahok sa isang training-seminar na Capacity Enhancement on the Operation and Maintenance of Composting Facilities for Biodegradable Waste noong February 4-5 sa San Carlos City.

Matatandaang ang nasabing composting facility ay iniaward sa LGU-Bayambang ng Bureau of Soil and Water Management noong December 2024.

2. ๐„๐ง๐ž๐ซ๐ ๐ฒ ๐„๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐ˆ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง

Noong February 5, pinulong ni Engr. Rudyfer Macaranas, bilang Energy Efficiency and Conservation (EEC) Officer ng LGU, ang lahat ng mga EEC Coordinators mula sa iba't ibang departamento, Inter-Agency EEC Committee members, at EEC Task Force members, upang talakayin ang mga dapat gawin ng inatasang EEC Coordination Task Force members. Ito ay upang maayos na makasunod ang LGU sa batas ukol sa energy conservation at makatipid ng husto sa pagkonsumo ng kuryente.

3. ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐’๐ฉ๐ซ๐š๐ฒ๐ข๐ง๐  ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐‡๐š๐ซ๐š๐›๐š๐ฌ, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

Noong February 7, nagsagawa ng massive spraying activity ang LGU upang aksyunan ang pananalasa ng harabas o armyworm sa ilang taniman ng sibuyas sa may Brgy. San Gabriel 2nd. Ang Department of Agriculture-Regional Field Office I ay naglaan ng 20 kahon ng Parker Neem para upang gamitin sa massive spraying para sa 16 ektarya ng sakahan ng sibuyas. Isinagawa ang spraying activity ng Agriculture Office sa tulong ng DA Region I, Office of the Provincial Agriculturist, at Bureau of Plant Industry.

4. ๐๐๐’๐Ž ๐’๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ, ๐ˆ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ

Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay nagdaos ng general assembly noong February 8, kung saan tinalakay ng BPSO Chief ang mga polisiya ng departamento at duties at responsibilities ng mga tauhan nito, mga legal basis at concerns, mga polisiya ng LGU sa iba't ibang aspeto, gaya ng leave credits, penalties, at pati na rin health benefits.

5. ๐…๐จ๐จ๐ ๐๐š๐œ๐ค๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š DSWD ๐…๐ž๐ž๐๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ, ๐ƒ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐ง๐ 

Dumating noong February 7 ang partial set ng food packs mula sa DSWD na parte ng pagpapatuloy ng Supplemental Feeding Program ng ahensya para sa 14th cycle. Ang mga food packs ay agarang ipinamahagi ng MSWDO sa mga Child Development Workers ng 77 Child Development Centers sa Bayambang.

6. ๐‹๐‚๐‘, ๐ƒ๐ฎ๐ฆ๐š๐ค๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ข ๐ฉ๐š๐ซ๐š Mag-๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž

Noong February 7, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Bani Elementary School upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa Philippine Statistics Authority memorandum circulars. Inimbitahan dito ang mga residente upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga Civil Registry records. Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at mag-asiste sa iba pang proseso ng Local Civil Registry.

7. ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐๐„๐€, ๐ˆ๐ง๐ข๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ ๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐‰๐

Ang mga bagong halal na opisyal ng Balon Bayambang Employees Association (BBEA) ay nanumpa sa harap ni Mayor Niรฑa Jose Quiambao, sa ginanap na induction ceremony noong February 10. Ang mga bagong hanay ng BBEA officers ay ay pinangunahan ni Dennis Aldrin Malicdem, matapos sila ay manalo sa eleksyon ng asosasyon noong January 20.

8. ๐“๐Ž๐ƒ๐€ ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ก๐ข๐ฌ๐ž ๐‘๐ž๐ง๐ž๐ฐ๐š๐ฅ at ๐‹๐๐“๐‘ ๐๐ฅ๐š๐ง, ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š Pulong

Muling nagpulong ang mga miyembro ng Traffic Management Council upang mag-follow-up sa mga napag-usapang aksyon sa pinakahuling ginawang pagpupulong. Kabilang sa pinag-usapan ang pagrenew ng TODA franchise o prangkisa mula sa Municipal Treasurer's Office ng mga 30 drivers na hindi pa nagrerenew; mga iba't-ibang isyu ukol sa Bagsakan at Tricycle Terminal; at ang pormulasyon ng Local Public Transport Route Plan 2025-2029 ng Municipal Planning and Development Office.

9. ๐—–๐—ฉ๐—ข๐˜€, ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด Amelioration Pay ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ Probinsya

May 1,494 barangay tanod o CVOs ang nakatanggap ng financial grant mula sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III, sa taunang amelioration pay distrubution noong Febraury 11. Bilang pagkilala sa kanilang serbisyo, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-iisang libong piso at Guiconsulta Card, isang lifetime health insurance card at digital medical record na magagamit nila sa pag-avail ng mga serbisyong medikal ng provincial government.

10. ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ, ๐Œ๐š๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ž'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ!

Ang Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang (FSCAB) ay masayang nag-bonding sa idinaos na Valentine's Day celebration noong February 11 sa Events Center. Sa buong suporta ni Mayor Nina, ito ay dinaluhan ng 77 senior citizen association presidents. Sa ngalan ni Mayor Niรฑa, naghatid ng mensahe ang Focal Person on Senior Citizens ng BPRAT na si John Paul Domingo. Naghandog naman ng palaro at papremyo si Bayambang Integrated Business Association President Younne Bautista.

11. ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐š๐ญ ๐†๐ซ๐ž๐ž๐ง ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐, Iginawad sa LGU!

Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng Solid Waste Enforcement Excellence Award at Green Governance Excellence Award, sa ginanap na 9th Ecological Solid Waste Management Summit ng Department of the Environment and Natural Resources-Environment Management Bureau Ilocos Region noong February 5 sa Candon City, Ilocos Sur. Sa ngalan ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, tinanggap ang naturang dalawang parangal ng ESWMO-Bayambang.

12.  ๐๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐š๐ง๐ ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ง๐  CSC ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ

Noong February 12, ang mga department at unit heads ng LGU ay sumailaim sa isang orientation activity ng Civil Service Commission Director II Flordeliza C. Bugtong tungkol sa Performance Management and Learning and Development. Ang aktibidad ay nagbigay ng mga insights at patnubay pagdating sa alignment ng mga layunin ng mga departamento sa mga naitakdang performance standards at pagsulong ng isang "culture of continuous learning and development" sa LGU.

13. Ferrer Family, Muling Nagdonate ng mga Aklat

Ang LGU ay muling nagpapasalamat kay Mr. Joey M. Ferrer at kanyang pamilya ng Roxas St., Bayambang at Pittsburg, California, sa kanilang bagong batch ng mga donasyong libro at kagamitan sa iba't ibang paaralan at indibidwal sa Bayambang. Mula noon pa, ang pamilya Ferrer ay isa sa mga malimit magdonate ng mga aklat sa ating Municipal Library.

14. 57 Couples, Nag-isang-dibdib sa Kasalang Bayan 2025

Bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at Civil Registration Month, matagumpay na ikinasal ang 57 na magkasintahan sa isang engrandeng Kasalang Bayan na muling inihatid ng LGU sa pag-oorganisa ng Local Civil Registry Office noong February 13. Ang seremonyas na ginanap sa Events Center ay pinangunahan ni Municipal Trial Court Presiding Judge Djoanivie Jomare Junasa at iba pang Municipal Officials. Gaya noong mga nakaraan, ang 57 couples ay nabiyayaan ng mga libreng regalo mula sa mga opisyal at sa LGU.

15. ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐’๐š๐ง๐œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฌ, ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐’๐†๐‹๐† ๐๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ซ!

Ang LGU-Bayambang ay mainit na bumabati sa Barangay Sancagulis sa pamumuno ni Punong Barangay Melencio M. Papio sampu ng lahat ng Brgy Sancagulis officials sa kanilang pagkakasungkit ng 2025 Seal of Good Local Governance for Barangays o SGLGB ng DILG, ang pinakamataas na pagkilala na maaaring matamo ng isang barangay mula sa national government! Ang pagtanggap ng seal na BSGLG ay isang kongkretong patunay ng dedikasyon ng naturang mga barangay officials sa mahusay na pamamahala, transparency, at epektibong paglilingkod sa kanilang komunidad.

***

It's Trivia Time!

UPLB

Alam ba ninyo...? Ang Unibersidad ng Pilipinas Los Baรฑos (UPLB) ay nagsimula bilang Kolehiyo ng Agrikultura sa Los Baรฑos, Laguna, noong 1909 na itinatag ng pamahalaang Amerikano upang mapabuti ang edukasyong pang-agrikultura sa bansa. Sa paglipas ng panahon, naging lider ito sa pananaliksik, partikular sa pagsasaka, paggugubat, at bioteknolohiya.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang UPLB ay sinakop ng mga Hapones, at ang ilan sa mga gusali nito ay ginamit bilang mga internment camp para sa mga bilanggo. Pagkatapos ng digmaan, patuloy itong lumawak at naging isang independiyenteng unibersidad noong 1972.

Ngayon, kilala ang UPLB sa mga kontribusyon nito sa agham, pangangalaga sa kapaligiran, at agrikultura, na tumutulong sa pagbuo ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka at pagdiskubre ng mga varieties ng pananim na kapakipakinabang sa Pilipinas at sa buong mundo.

***

NCPC

At alam ba ninyo kung ano ang National Crop Protection Center?

Ang National Crop Protection Center o NCPC ay isang extension agency ng UP Los Baรฑos na dalubhasa sa pagtataguyod ng seguridad sa pagkain at katatagan ng agrikultura mula sa mga peste sa pamamagitan ng mga programa sa pamamahala ng peste. Ito ay itinatag noong May 19, 1976 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ay may tungkuling suriin ang mga problema, magsaliksik, at magpaplano para sa proteksyon ng pananim. Nag-aalok sila ng mga seminar sa mga magsasaka at agri-industrial sektor upang matulungan silang maunawaan at bumuo ng mga kasanayan at kaalaman sa pagproprotekta ng kanilang pananim.

***

Dr. Jose V Camacho Jr.

Alam niyo ba na ang ika-10 Chancellor ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baรฑos (UPLB) na si Dr. Jose V. 'Dong' Camacho Jr. ay tubong Bayambang?

Si Chancellor Camacho ay dalubhasa sa economics, nagtapos ng Bachelor of Science in Economics mula sa UPLB, Master of Arts in Economics mula sa International Institute of Social Studies sa Netherlands, at Doctor of Economics mula sa Kyoto University sa Japan. Bago naging Chancellor, nagsilbi siya bilang Dean ng UPLB Graduate School at humawak ng iba't ibang academic positions sa unibersidad.

Isa sa kaniyang pangunahing adbokasiya ay ang "Future-Proofing UPLB," na naglalayong panatilihing makabago at handa sa hinaharap ang unibersidad.  Bukod sa kanyang pamamahala sa unibersidad, mayroon din siyang karanasan sa pagtuturo sa UP Rural High School, na nagpatibay sa kanyang kakayahan bilang guro at pinuno sa larangan ng edukasyon.

***

BPC History

Alam ba ninyo na ang Bayambang Polytechnic College ay itinatag ng LGU-Bayambang noon lamang September 5, 2022.

Ngunit bago pa man ito maitatag, nauna nang magbalak ang dating Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, noong 2016 ng isang branch ng PUP o Polytechnic University of the Philippines upang punuan ang kakulangan sa oportunidad sa higher education sa mga kabataan ng Bayambang.

Hindi man ito natuloy, nauwi ito sa pagtatag ng isang panibagong eskwelahan.

At noong 2022, agad na nagsagawa ng public hearing ang Sangguniang Bayan ukol sa pagpapatayo nito hanggang sa maipasa ang isang ordinansang nagpapahintulot dito, at ito ay maaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.

At noon na ngang termino ni Mayor Nina Jose-Quiambao, naitatag sa wakas ang pangarap na kolehiyo ni Mayor Cezar. Salamat sa milyun-milyong startup fund na kanilang idinonate, mabilis na nakumpleto ang mga pangangailangan ng kolehiyo.

Agad din itong dumaan sa Commission on Higher Education at TESDA accreditation sa loob lamang ng tatlong buwan --  pinakamabilis sa buong rehiyon, kundi man sa buong bansa.

Sa investiture na ginanap noong September 5, 2022, itinalagang unang presidente ng BPC si Dr. Rafael L. Saygo.

Ang BPC ay tumanggap ng paunang 400 na enrollees, kung saan karamihan sa kanila ay pinakaunang college student sa kanilang angkan o pamilya, at ang mga opisina at classrooms nito ay binuo sa 3rd floor ng Royal Mall at sa lumang Bayambang Central School.

Sa ngayon, ang BPC ay may halos isang libong estudyante na na nakapag-enroll sa mga kursong Computer Systems Servicing NC II, Electrical Installation and Maintenance Services NC II, Agribusiness, at Entrepreneurship.

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _______, ng _____ Office.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____________ mula sa ______ Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews!

No comments:

Post a Comment