Wednesday, February 19, 2025

Monday Report - February 24, 2025

 

Monday Report - February 24, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Marla Mica Castillo-Cruz.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Erika Paragas, at kami po ay mula sa Local Civil Registry Office.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. ๐“๐”๐๐€๐ƒ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š 877 Beneficiaries

Ang PESO-Bayambang, kasama ang DOLE, ay nagsagawa ng profiling activity para sa TUPAD program noong February 10 at 13 sa Events Center at Pavilion I. Nakatakdang pondohan ng ahensya ang ipapasahod sa may 877 beneficiaries na pawang mga solo parents, magsasakang apektado ng harabas, at teenagers na maagang nabuntis.

 

2. ๐Œ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐š๐จ ๐ƒ๐š๐ข๐ซ๐ฒ ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ฌ ๐€๐ ๐ซ๐ข ๐‚๐จ๐จ๐ฉ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐’๐ข๐ญ๐ž

Ang Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Mangayao at Managos Farmers Agriculture Cooperative ay pumasa sa isang on-site validation ng Agricultural Training Institute bilang mga Learning Sites for Agriculture 1 sa Bayambang. Ipinakita ng foundation ang kahusayan nito sa goat and cattle dairy farming at ang mga advanced na teknolohiya sa pagpaparami ng mga alagang kambing at baka. Ipinakita naman ng kooperatiba ang kanilang mga teknolohiya sa produksyon ng pananim na nakatuon sa mani, mais, palay, at gulay.

 

3. ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐“๐ข๐ฆ๐ž ๐Œ๐จ๐ฆ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฌ, ๐ƒ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‰๐Š๐ ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ & ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ

Bilang parte ng 2025 Oral Health Month Celebration, ang PDA Pangasinan Chapter kasama ang mga Rural Health Unit ay nagsagawa ulit ng seminar para sa unang batch ng first-time moms na kasali sa Project Buntis, at ito ay ginanap sa JKQ Medical & Wellness Center. Sila ay nakinig sa lecture ukol sa "Nutrition during Pregnancy" at "Maternal Health," at binigyan ng libreng oral prophylaxis.

4. ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‘๐š๐ง๐ค๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ , ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ 

Pinulong ang lahat ng mga LGU at agency heads ukol sa iba't ibang istratehiya upang mapag-ibayo ng bayan ng Bayambang ang competitiveness ranking nito batay sa mga indicators ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI). Naging resource persons ang academe partner ng Regional Competitiveness Council na si Prof. Keneth Bayani. Ang naturang nationwide Competitiveness Index ay siyang malimit gamitin ng mga investors bilang kongkretong batayan ng business-friendliness ng isang bayan.

 

5. 22 ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด 2025 ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€, ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ

Noong February 17, opisyal nang ipinakilala ang 22 kandidata ng Binibining Bayambang 2025. Bilang simula ng kanilang paglalakbay sa kompetisyon, sila ay isa-isang nagpakilala at rumampa, at pagkatapos ay ginanap ang isang sashing ceremony sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan. Ang pinakahihintay na Grand Coronation Night ay gaganapin sa darating na Abril 3, sa Balon Bayambang Events Center.

 

6. ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ขรฑ๐š, ๐Œ๐š๐ฒ ๐•๐š๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ž'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐ˆ๐œ๐ž ๐‚๐ซ๐ž๐š๐ฆ ๐“๐ซ๐ž๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐Š๐ฅ๐ข๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž

Bilang parte ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, naghandog si Mayor Niรฑa Jose-Quiambao ng surpresang ice cream treat sa lahat ng mga empleyado at kliyente ng munisipyo noong February 17. Ang lahat ng agency at department at unit heads naman ay binigyan ng espesyal na Purple Oven brownies.

 

7. ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ˆ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ, ๐“๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ

Noong February 17, ang Local Youth Development Council (LDYC) ay nagdaos ng 1st quarterly meeting para sa recomposition ng LYDC at upang tipunin ang mga youth leaders at stakeholders at talakayin at mag-strategize ukol sa mga key youth development initiatives sa ating komunidad. Kabilang sa mga pinag-usapan ay ang LYDC committee membership, roles and responsibilities ng Bantay Kabataan, partnerships sa mga youth-centered projects, formulation ng Local Youth Development Plan, at ang nakatakdang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.

 

 

 

8. NCPC, Nagdaos ng 2-Day Seminar ukol sa Pamamahala ng Peste at Sakit sa Pananim

A. Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng isang seminar-workshop ukol sa Insects Pest at Disease Management National Crop Protection Center (NCPC) ng University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB), katuwang ang Municipal Agriculture Office noong February 17 to 18.

Sa unang araw, tinalakay ang iba't ibang aspeto ng pest and disease management, kabilang na ang pagkilala sa mga karaniwang peste at sakit na nakakaapekto sa mga pananim sa rehiyon, ang mga epektibong paraan ng pagkontrol, at ang tamang paggamit ng mga pesticides. 

B. Ang ikalawang araw naman ay ginanap sa mga taniman sa Barangay Darawey at Manambong Parte, at sa Mangayao Dairy Farm upang mas maayos na maipaliwanag ang mga konsepto at teknikalidad ng pest and disease management.

 

9. ๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐จ๐›๐ข๐ฅ๐ž ๐‚๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐œ

A. Ang mga nurse at medical technologist ng mga Rural Health Units ay nakinig sa demonstration sa tamang paggamit ng Mobile Clinic na idinonate kamakailan sa LGU-Bayambang ng PCSO at Grand 88 Corp. Ang mga gagamit sa Mobile Clinic ay maaaring makapag-avail ng libreng X-ray, ECG, blood chemistry test, at urinalysis. Ang mobile clinic ay pagmamay-ari na ng LGU at gagamitin tuwing mag-iikot sa mga barangay lalo na kapag may Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.

B. Sa sumunod na araw, ang mobile clinic bus ay binasbasan sa isang simpleng blessing ceremony.

 

10. ๐‰๐จ๐› ๐…๐š๐ข๐ซ, ๐ƒ๐ขnumog ๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ ๐€๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ง๐ญ๐ฌ

Isa na namang job fair ang inorganisa ng PESO-Bayambang sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park noong February 19.  Dinagsa ng 181 job applicants ang mga booth ng 18 na kumpanya. Ang aktibidad ay nagtala ng 20 applicants na hired on the spot at 133 qualified applicants. Dumating din sa nasabing event ang Regional Director ng Department of Migrant Workers na si Christian Rey Sison.

 

 

 

 

 

11. 1,000 Katao, Benepisyaryo ng Ayudang AICS

Noong February 20, may 1,000 katao ang naging benepisyaryo ng ayuda ng DSWD na AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation. Bawat isa ay nakatanggap ng P3,000 cash sa tulong ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos, sa payout na ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

12. Sen. Imee, Nakipagdayalogo sa mga Magsasaka

Sa araw ding iyon, dumating si Sen. Imee Marcos upang makipagdayalogo sa may 50 na onion at cron farmers ng Bayambang. Kanyang inalam ng personal ang kanilang issues and concerns sa pagsasaka at tiningnan ung paano agarang masosolusyunan ang mga ito.

 

13. Mga Barangay, Nakatanggap ng Tig-isang Sako ng Bigas mula kay Mayor Niรฑa

Ang mga 77 barangays ay nakatanggap ng tig-iisang 25-kilo na bigas mula kay Mayor Niรฑa noong February 19. Ito ay magagamit ng mga kapitan para may supply ng pagkain ang mga Civilian Volunteer Officers at iba pang barangay officials habang ang mga ito ay naka-duty sa mga Barangay Hall.

 

14. Mayor Niรฑa, Pinadalahan ng Agarang Tulong ang Isang Ina sa Amanperez

Isang ina na taga-Brgy. Amanperez ang pinadalahan ng agarang tulong ni Mayor Niรฑa matapos malaman ang kalagayan nito. Ang ina ay isang labandera at wala nang asawa. Isa sa mga anak nito ay na-stroke at ang isa naman ay may sakit sa pag-iisip. Kaya naman agad na binigyan ng ayuda ang ina at ipinadala sa ospital ang anak. Bilang parte ng pagdiriwang ng Women's Month, patuloy nating hangaan ang mga ina na tumatayong poste, ilaw, at dingding ng tahanan.

 

15. LCR, May 1-Day Free Issuance ng Civil Registry Documents

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 Civil Registration Month, nagsagawa ang Local Civil Registry (LCR) ng libreng issuance ng civil registry documents para sa mga Bayambangueรฑo noong February 19. Sa naturang aktibidad, maraming residente ang naisyuhan ng mahahalagang dokumento ng libre tulad ng birth certificate, marriage certificate, at death certificate, kaya't nakatipid sa gastusin ang mga naturang kliyente sa araw na iyon.

 

 

***

It's Trivia Time!

ANO ANG TALAANG SIBIL o CIVIL REGISTRATION?

Ang talaang sibil ay ang tuluy-tuloy, permanente, sapilitan at pangkalahatang pagtatala ng pangyayari at katangiang nauukol sa populasyon ayon sa itinatadhana ng batas.

Ito ang pinakamahusay na mapagkukunan ng mahahalagang istatistika tulad ng live birth, death, fetal death, marriage, Muslim divorce, annulment of marriage, judicial separation of marriage, adoption, legitimation, at iba pa.

Ano ang mga batas na namamahala sa Talaang Sibil?

             THE CIVIL REGISTRY LAW (ACT NO. 3753)

Ang pagpaparehistrong sibil sa Pilipinas ay naging sapilitan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Batas sa Pagrerehistrong Sibil (Batas Blg. 3753) na inaprubahan noong Nobyembre 26, 1930 at nagsimula noong Pebrero 27, 1931.

             PRESIDENTIAL DECREE NO. 603 CHILD AND YOUTH WELFARE CODE

Ang lahat ng mga bata ay may karapatan sa mga pribilihiyong walang pagtatangi sa pagiging legitimate o illigitimate, kasarian, katayuan sa lipunan, relihiyon, at iba pang mga salik (factor). (Article 3)

             INTERNATIONAL CONVENTION ON THE RIGHTS OF THE CHILD (INTERNATIONAL LAW)

Ang bata ay dapat na irehistro kaagad pagkatapos ng kapanganakan at may karapatan na mabigyan ng pangalan, karapatang makakuha ng nasyonalidad at karapatang alagaan ng kanyang mga magulang. (Article 7)

 

Narito ang iba pang relevant legislation:

[ANDREW: Iscroll na lang ng mabilisan.]

 

             COMMONWEALTH ACT 591 OF 1940 (AN ACT TO CREATE A BUREAU OF CENSUS AND STATISTICS TO CONSOLIDATE STATISTICAL ACTIVITES OF THE GOVERNMENT THEREIN)

             PRESIDENTIAL DECREE NO. 856 (CODE OF SANITATION OF THE PHILIPPINES APPROVED ON DECEMBER 23, 1975

             EXECUTIVE ORDER NO. 209  THE FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES

             COMMONWEALTH ACT 3613: MARRIAGE LAW

             Presidential Decree No. 1083: CODE OF MUSLIM PERSONAL LAWS

             REPUBLIC ACT NO. 9255 AN ACT ALLOWING ILLEGITIMATE CHILDREN TO USE THE SURNAME OF THEIR FATHER, AMENDING FOR THE PURPOSE, ARTICLE 176 OF "FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES"

             REPUBLIC ACT NO. 9858 (AN ACT PROVIDING FOR THE LEGITIMATION OF CHILDREN BORN TO PARENTS BELOW MARRYING AGE, AMENDING FOR THE PURPOSE OF FAMILY CODE OF THE PHILIPPINES, AS AMENDED)

             REPUBLIC ACT NO. 10625 (THE PHILIPPINE STATISTICAL ACT)

             REPUBLIC ACT NO. 7160 (LOCAL GOVERNMENT CODE)

             REPUBLIC ACT NO. 9048 AND REPUBLIC ACT NO. 10172 (CORRECTION OF CLERICAL ERROR LAW)

             REPUBLIC ACT NO. 10173  (DATA PRIVACY ACT of 2012)

***

At alam ba ninyo na ayon sa "Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act o..."

[ANDREW: Flash Onscreen]

REPUBLIC ACT NO. 11909 (July 28, 2022)

AN ACT PROVIDING FOR THE PERMANENT VALIDITY OF THE CERTIFICATES OF LIVE BIRTH, DEATH, AND MARRIAGE ISSUED, SIGNED, CERTIFIED OR AUTHENTICATED BY THE PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA) AND ITS PREDECESSOR, THE NATIONAL STATISTICS OFFICE (NSO), AND THE LOCAL CIVIL REGISTRIES, AND THE REPORTS OF BIRTH, DEATH, AND MARRIAGE REGISTERED AND ISSUED BY THE PHILIPPINE FOREIGN SERVICE POSTS

...ang mga birth certificate na inissue ng PSA at NSO ay hindi nag-eexpire? Magagamit pa rin ang mga ito bilang valid na dokumento para sa pagpapalabas ng pasaporte, mga kinakailangan sa paaralan, at iba pang claim sa benepisyo. Ang sinumang mapatunayang nagkasala ng paglabag sa batas na ito ay maaaring makulong ng 1–6 na buwan at multang hindi bababa sa P5,000.

***

Samantala, ang [Andrew: FLASH onscreen] PROCLAMATION 682 (Jan. 27, 1991) ay isang proklamasyon na nagdedeklara sa buwan ng Pebrero bilang Civil Registration Month sa ating bansa, at ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tuluy-tuloy at compulsory na pagrecord ng birth, death, marriage, at iba pang civil status events para sa legal, administrative, at statistical purposes.

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Marla Mica Castillo-Cruz.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Erika Paragas, at kami ay mula sa Local Civil Registry Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews!

No comments:

Post a Comment