Friday, May 17, 2024

Trivia: ESWMO

 

Alam ba ninyo na ang Solid Waste Management Office ay unang binuo noong taong 2016 sa bisa ng Executive Order No. 13, at naunang itinalaga si G. Rogelio dela Peña bilang Focal Person nito.

Ang Materials Recovery Facility naman nito ay nagsisilbing transfer station ng mga nakolektang basura bago ang mga ito ay ilagak sa isang sanitary landfill. Ito ay upang magkaroon ng maayos na central processing facility ng mga nakokolektang basura ang bayan ng Bayambang na naayon sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang Ecological Solid Waste Management Office naman ay itinatag ni Mayor Cezar Quiambao noong taong 2016 upang mas lalong matutukan pa ang pagkolekta at pamamalaha ng basura.

Isa sa pinakamahalagang mandato sa ESWMO ay ang pag-eenforce ng waste segregation ayon sa batas at ang no segregation-no collection policy na nagsusulong sa lahat na maging responsable sa disposal ng sariling basura.

 

No comments:

Post a Comment