Friday, May 17, 2024

Trivia: Municipal Slaughterhouse

At alam din ba ninyo na ang Municipal Slaughterhouse ng LGU ay itinayo noong 1999? Ito ay upang magkaroon ng maayos na katayan ng baboy at malalaking hayop tulad ng baka ng naaayon sa RA 9296 o "The Meat Inspection Code of the Philippines."

Nang maupo ang Team Quiambao-Sabangan, tinutukan ang pag-upgrade ng pasilidad. At noong 2019, matapos ang malawakang renovation at expansion, ginanap ang inagurasyon ng isang makabagong Slaughterhouse ng Bayambang. Kabilang sa mga ginawang pagbabago ay ang pagbili ng mga makabagong makinarya upang mabawasan ang manual na pagkatay. Sa ganitong paraan, makakasiguro ang mga mamimili na malinis at ligtas ang kanilang binibiling karne sa merkado.

Noong nakaraang taon, nakapagpatayo din sa pasilidad ng isang malaking water tank na kayang maka-puno ng 7,000 na litro ng tubig. Ang tubig sa tangke ay dumadaan sa chlorination tuwing ika-tatlong buwan upang mapanatili ang kalinisan. Sa ngayon ay isang project proposal na may titulong "Development and Rehabilitation of the Municipal Slaughterhouse" ang isinumite ng kasalukuyang Municipal Slaughterhouse head upang lalong maging maayos ang bahay-katayan ng munisipyo. Kabilang sa mga naka-linyang proyekto para sa taong kasalukuyan ay ang konstruksyon ng Sewerage System, renovation ng Hog Holding Pens at re-painting ng Steel Structures ng Water Tank. Ginagawa ang lahat ng pagbabagong ito upang sa lalong madaling panahon ay maka-pasa ang ating bahay-katayan bilang isang "Double A Standard Slaughterhouse." 


No comments:

Post a Comment