[Budget Office]
Alam niyo ba na
simula ng naupo ang administrasyong Team Quiаmbао-Sabangan, bahagyang tumaas
ang ating annual budget?
Narito ang datos
ng ating annual budget mula sa taong 2016 hanggang sa kasalukuyang taong 2024.
Sa taong 2015, ang LGU Bayambang ay merong annual budget na: P206,000,000.00.
Nang maupo ang pinakamamahal nating former Mayor Cezar T. Quiambao nong 2016
naging: P435,000,000.00, tumaas ng 211% ang ating annual budget kumpara sa
taong 2015.
Nasundan po ito ng bahagyang pagtaas hanggang sa naupo ang pinakamamahal
nating Punong Bayan Hon. Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao. At ngayong
taong 2024, meron tayong Annual Budget na 575,049,618.04.
2017: 412,650,000.00
2018: 420,100,000.00
2019: 506,500,000.00
2020: 557,000,000.00
2021: 626,809,962.80
2022: 700,645,077.00
2023: 555,576,836.07
2024: 575,049,618.04
Pagdating naman sa
annual budget ng ating mga barangay, alam niyo ba na ang lahat ng annual budget
ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ay dumadaan sa Municipal Budget
Office bago aprobahan ng Sanggunang Bayan?
Ang lahat ng ito'y
masusing sinusuri ni Gng. Prinsecita Sabangan bago pirmahan ng ating Municipal
Budget Officer. Ito ay upang matiyak na ang lahat ng nakapaloob ay naaayon sa
itinalaga ng batas.
[PWEDENG WAG NA
ISAMA TO? >>Sa katunayan, 98.7% na barangay annual budget at 25% ng
Sangguniang Kabataan budget para sa taong ito ay kaniyang nasuri at naendorso
na sa Sangguniang Bayan.]
Alam niyo ba na
bukod sa pagiging Designated HRM Office ang ating Municipal Budget Officer
Peter Caragan noon, itinalaga ng Department of Budget and Management din siyang
Designated Municipal Budget Officer sa bayan ng Bautista sa taong 1980s
hanggang 1990? Isa si Sir Peter Caragan sa mga devolved employees ng DBM nung
nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment