Alam niyo ba na ang Bayambang lamang ang nag-iisang Munisipyo sa buong Pangasinan na mayroong Internal Audit Service?
Sa paglalayong paigtingin ang Internal Control Systems sa gobyerno, isinulong ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang paglikha ng Internal Audit Service sa pamamagitan ng Administrative Order No. 70 nuong April 14, 2003.
Ang Internal Audit Service ay naitatag naman sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang nuong 2017 sa ilalim ng pamamahala ng Team Quiambao-Sabangan sa hangarin nilang mabigyan ng Total Quality Service ang mga BayambangueƱo. Ang Internal Audit Service ay naging isang departamento nuong March 22, 2021 sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 07.
Ang Internal Audit Service ay pinamumunuan ng nag-iisang Mrs. Erlinda Alvarez, ang aming superwoman!
Ngunit, alam niyo ba kung anu ano ang mga tungkulin ng Internal Audit Service?
Ilan dito ay ang:
1. Pag-audit ng pamamahala at operasyon sa lahat ng tanggapan at aktibidad ng LGU at tukuyin kung ang mga ito ay naaayon sa batas at itinakdang layunin
2. Suriin ang mga sistema at proseso, istraktura ng organisasyon, mga praktis ng pamamahala, mga tala, ulat, at performance kung naayon ang mga ito sa standards
3. Pag-aralan at suriin ang mga kakulangan sa internal control at magrekomenda ng mga makatotohanang pamamaraan
O di ba, parang may sariling Commission on Audit sa loob ng LGU-Bayambang! Kaya sigurado kang mayroong tatak Total Quality Service ang bawat transaksyon dito.
No comments:
Post a Comment