It's Trivia Tiiiiiime!
Alam ba
ninyo, na simula nang maupo ang Team Quiambao-Sabangan, naging
puspusan ang iba't ibang construction projects ng Engineering Office gamit ang
20% Development Fund at iba pang pondo ng pamahaalan?
Mula July 2016 hanggang May 2024, tayo ay nakapagpatayo na ng:
PROJECTS QTY UNITS
Water Sealed 400 units
Multi-Purpose
Hall 47 units
Covered Court 49 units
Road
Concreting 42,454 L.M.
Drainage 3,476 L.M.
Asphalt
Overlays 8,277 L.M.
Police
Community Precinct 7 units
Talipapa 9 units
Solar Dryer 3,353 sqm
Rural Health Units 3 units
na may kabuuang
halaga na humigit
kumulang P 387,692,726.00
Bukod pa
ito sa road widening, electrical works, renovation at expansion, at iba pang
proyekto.
Sa mga
insfrastructure projects na ito, kitang-kita ng mga taga-barangay kung saan
napupunta ang kanilang ibinabayad na buwis.
*
At alam
niyo rin ba na hindi lamang construction projects ang trabaho ng Engineering
Office?
Tama po.
Hawak din ng Engineering Office ang Office of
the Building Official na kung saan nag-iissue ng permits katulad ng
Building Permit, Certificate of Occupancy, Electrical
Permit at Fencing Permit, alinsunod sa National Building Code
of the Philippines.
Ngayong
taon, nakapag-issue ang opisina na ng:
38 clients sa Building Permit
16 clients sa Certificate of
Occupancy
280 clients sa Electrical Permit
3 clients sa Fencing Permit
na may kabuuang halaga na P765,280.00
Ayon sa
NBCP, bago magpatayo ng istraktura, dapat munang kumuha ng Building Permit sa
opisina at bago ito gamitin ay kailangang kumuha muna
ng Certificate of Occupancy. Ito ay upang
masiguro na ligtas at maayos ang lahat ng istrukturang itinatayo sa ating
bayan.
No comments:
Post a Comment