Sunday, May 19, 2024

Trivia: General Services Office

It's Trivia Tiiiiime...


General Services Office Trivia

Alam ba ninyo na ang General Services Office ay itinatag taong 2017 pag-upo sa ni dating Mayor Cezar Quiambao?

Sa bisa ng Ordinance No. 07 s. 2017, ang GSO ay itinalaga bilang tagapamahala at taga-kumpuni ng lahat ng ari-arian at pasilidad ng LGU. Ito ay pinamunuan ng Consultant at ibat-ibang OIC hanggang sa opisyal na mahirang si Gng. Chinita S. De Vera bilang Supply Officer III noong September 18, 2017 at finally naging department head noong October 1, 2020.

Bukod sa property at equipment management, ang GSO ay nagbibigay din ng administrative services kaugnay sa insurance ng lahat ng buildings at municipal vehicles sa GSIS, at nire-rehistro itong huli sa LTO. Kabilang din ang logistics services katulad ng pag-deliver ng mga upuan at mesa sa Komprehensibong Serbisyo at pagsasa-ayos nito at sa iba pang mga request, paglilinis ng municipal grounds at mga comfort rooms, ganun din ang maintenance ng buildings kasama na dyan ang regular na pag-check sa mga faucet at CR. GSO din ang in-charge sa pagtanggap at pag-inspect ng mga deliveries ng commonly used supplies and equipment, tulad ng office, janitorial, IT equipment, at construction materials.

Ayon sa kanilang imbentaryo, ang LGU sa kasalukuyan ay may 5 ambulance, 7 Avanza, 15 L300, 4 motor with sidecar, 23 single motor, 2 garbage compactors, 5 dump trucks, 2 boom trucks, 1 garbage truck, 9 mini-dump trucks, 10 pick-up, 1 passenger van, 1 minibus, 1 water tanker, 2 wing vans, 1 van, 9 multicabs, and 12 heavy equipment, a total of 109 serviceable vehicles.

Mayroon namang ensured na 37 vehicles sa GSIS as of May 3, 2024 at registered sa LTO na 26 vehicles as of May 15, 2024.

Meron tayong 26 buildings. At sa kasalukuyan meron nang 18 buildings na insured sa GSIS amounting to P2,428,460.37. And as of December 31, 2023, ang total assets ng LGU Bayambang ay P1,871,980,599.55.

Dahil sa suportang ito ng GSO behind the scenes, ang lahat ng opisina ng Munisipyo ay nakakapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga BayambangueƱo.


No comments:

Post a Comment