It’s TRIVIA time…
Alam niyo ba…
Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team o
BPRAT ay isang bagong unit sa ilalim ng Mayor’s Office na nabuo nong taong 2017
sa kagustuhan ni dating Mayor, Dr. Cezar Quiambao, na wakasan ang kahirapan sa
bayan ng Bayambang?
Ang BPRAT ay isang coordinative body, na siyang nakikipag-ugnayan
sa iba’t-ibang LGU departments at government agency sa pag-iimplementa ng
poverty reduction programs na nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan o
BPRP, gaya ng pagpapagraduate ng 4Ps beneficiaries, pag-aasikaso sa mga usaping
pang-edukasyon, pagbibigay ng kabuhayan sa mga survival cases, at pagsasaayos
ng mga programa para sa mga magsasaka.
Alam niyo rin ba na, noong nakaraang taon,
nagsagawa ng local survey ang Team upang malaman ang kasalukyamng populasyon at
poverty situation ng bayan? Ayon sa survey, nasa 150,840 na ang populasyon ng
Bayambang na binubuo ng 45,071 na pamilya. At 13,557 na mahihirap na pamilya ang
kailangan pa nating tulungang umahon sa kahirapan.
Apat na taon na lamang ang nalalabi upang
makumpleto natin ang implementasyon ng BPRP. Malapit na nating matuklasan kung naisakatuparan ba natin
ang mga target na ating nailagay sa time capsule na iyon.
Kaya naman ipagpatuloy natin ang ating pakikiisa
sa Rebolusyon at isagawa ang mga proyektong ating ipinangako. Sama-sama nating
pagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan!
No comments:
Post a Comment