Friday, July 3, 2026

LGU Accomplishments - June 2026

 

  

 

EVENTS COVERED

 

1.     Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi

2.     Hip-hop Dance Trainees, Nag-recital Din

3.     TESDA Scholars, Naghatid ng Nutrisyon at Pag-asa

4.     Mas Pinalakas na KSB, Abangan!

5.     Info Drive ukol sa San Roque Dam, Muling Isinagawa

6.     Strategic AIP Formulation Training, Isinagawa

7.     Parent Leader Summit para sa 4Ps, Ginanap

8.     Kilusang Kooperatiba, Mas Pinatatag sa Pulong ng MCDC

9.     Mga Papeles na Napulot ng TFD, Agad Naisauli sa May-ari

10.  DENR, Mag-iimbentaryo ng mga Istruktura sa Local Forestlands

11.  ESWMO Staff, Gumawang Muli ng mga DIY na Dustpan

12.  Bagong Commercial Building sa Quezon Blvd., Ininspeksyon

13.  Mobile LCR Services, Dumako sa Ambayat 1st

14.  License to Operate, Nakamit ng RHU I para sa Clinical Laboratory at Birthing Home Facility Nito

15.  BPSO, TFD, at PNP, Nakaantabay sa Unang Araw ng Klase

16.  School Supplies para sa 18,000 na Mag-aaral, Ipinamahagi

17.  Brigada Eskwela 2026, Sinuportahan ng LGU at NGOs

18.  Libreng Operasyon, Naipagkaloob sa 12 na Pasyente

19.  Bagong Uniporme, Natanggap ng BPSO Rescuers

20.  Barangay Officials, Nagtapos sa DRRM Course

21.  Tulong Pinansyal, Ipapamahagi sa 7,676 na Magsasaka at Mangingisda

22.  CDW Week, Ipinagdiwang

23.  BPRP Recalibration, Muling Isinagawa

24.  128th Independence Day, Ipinagdiwang

25.  Grupong BTS, May Bagong Outreach Activities

26.  "Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB Hearing

27.  Road Safety sa Tour de Pangasinan, Tiniyak ng LGU

28.  Agarang Tulong, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan

29.  Mayor Niña, Nagdonate ng mga Bola para sa mga Atleta

30.  Bagong Central School Campus, Binili na ng LGU para sa mga Mag-aaral!

31.  Usufruct Agreement sa Pagitan ng LGU at DepEd, Nilagdaan

32.   Kasunduan, Nagbigay ng Permanenteng Campus sa BCS

33.   Indonesian Students, Dumalaw sa Museo

34.  SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod

35.   Audit Orientation, Isinagawa

36.  Mga Ani ng Local Farmers, Direktang Tinangkilik ng Mamimili

37.   ESWMO, May IEC sa Lahat ng Paaralan

38.   ROR Review at Consultation, Isinagawa

39.  LGU, Dumalo sa PDC-PPOC-PADAC Meeting

40.   Isang Sanggol na May Cleft Lip at Cleft Palate, Naoperahan ng Libre

41.   CBMS Coordinating Board, Nag-convene

42.   Iba’t Ibang Isyung Pang-edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting

43.   Mayor Niña, Naghandog ng Fresh Milk sa mga CDC

44.   LGU, Muling Naging Aktibo sa 2Q NSED

45.   Mobile Local Civil Registry Services, Lumipat sa Managos

46.   Bayambang, Muling Kinilala sa Good Financial Housekeeping!

47.  IQA Team ng LGU, Sumabak sa Enhancement Training

48.  Mini-MRF para sa Plastic Bottles, Itinayo sa Plaza

49.  200 Fruit Trees, Itinanim sa MRF

50.  Kabataang Bayambangueño, Muling Nagpamalas ng Galing sa I.T.!

51.  Mayor Niña, Nagpamahagi ng Sampung Bahay Kubo

52.  Special Notice of Compliance for LPTRP, Iginawad sa LGU!

53.  MDRRMO, Nag-inspeksyon sa 58 Fire Hydrants sa Bayan

54.  2Q Social Pension, Ipinamahagi sa Senior Citizens

55.  Buklat Aklat Year 3, Inilunsad sa Buenlag 1st

56.  KSB Year 9, Dinala sa Ambayat 1st

57.  Seguridad sa mga Paaralan, Tinutukan sa MADAC-MPOC Meeting

58.  Bayambang, Host ng Meeting DOLE para sa PESO at Job Placement Offices

59.  Tatlong Pusa mula Animal Shelter Cats, Nagkaroon ng Bagong Fur-Ever Home

60.  Libreng Panganganak sa RHU 1, Nagpatuloy

61.  BPC, Matagumpay na Nagdaos ng Unang Commencement Exercises

62.  Mobile Blood Donation Drive, Gaganapin sa July 6

63.  Medical Mission ng BAIPHIL, Nakatulong sa Maraming Residente

 

 

 

 

SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi

 

Nagpamahagi ang LGU ng mga Brigada Eskwela Package sa mga pampublikong paaralan sa bayan bilang suporta sa pagsisimula ng Brigada Eskwela noong June 1. Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga kagamitan sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

 

School Supplies para sa 18,000 na Mag-aaral, Ipinamahagi


Nakatanggap ng mga bagong school supplies ang mahigit 18,000 na mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa Bayambang bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng LGU sa edukasyon upang matiyak na may sapat na gamit ang bawat batang Bayambangueño sa kanilang pag-aaral.


Brigada Eskwela 2026, Sinuportahan ng LGU at NGOs


Nakiisa ang LGU-Bayambang, Rotary Club of Bayambang, at TODA members sa Brigada Eskwela 2026 sa iba't ibang pampublikong paaralan sa bayan. Kabilang sa kanilang mga ibinigay na tulong ang clean-up drive, pruning operations, at pamamahagi ng mga cleaning supplies bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

 

Bagong Central School Campus, Binili na ng LGU para sa mga Mag-aaral!


Noong June 15, inanunsyo ni Mayor Niña Jose-Quiambao na opisyal nang nabili ng LGU-Bayambang ang titulado at pribadong lupang kinatitirikan ng bagong Bayambang Central School sa Brgy. Bical Norte, kasama ang mga nakatayong pasilidad nito. Ayon sa alkalde, bahagi ito ng judicially approved compromise agreement kaugnay ng matagal nang kaso ukol sa naturang paaralan.

 

Usufruct Agreement sa Pagitan ng LGU at DepEd, Nilagdaan


Sa araw ding iyon, pormal na nilagdaan ng LGU-Bayambang at Department of Education Region I ang Deed of Usufruct para sa lupang kinatitirikan ng bagong Bayambang Central School campus. Sa loob ng 25 taon na bisa ng kasunduan, magkakaroon ang DepEd ng karapatang gamitin at pangasiwaan ang campus para sa mga layuning pang-edukasyon habang nananatiling pag-aari ng LGU ang lupain at mga pasilidad nito.

 

Kasunduan, Nagbigay ng Permanenteng Campus sa BCS


Sa makasaysayang hakbang na ito, nagkaroon ng permanenteng tahanan ang paaralan, na magtitiyak ng tuluy-tuloy at mas maayos na pag-aaral para sa mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral. Kaya naman buong pasasalamat ng pamunuan ng DepEd Region I, Bayambang Central School, SPTA, at mga mag-aaral sa administrasyong Quimbao-Sabangan.

 

Iba’t Ibang Isyung Pang-edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting


Sa ginanap na pulong ng Local School Board noong June 17, pinag-usapan ang ukol sa bagong guidelines sa Special Education Fund, repair at maintenance ng mga paaralan, policy guidelines sa implementasyon ng 3-term school calendar sa basic education, Summer Aral Program, preparasyon ng 2027 SEF Budget, enrolment concerns, at iba pang mahalagang usapin.

 

Kabataang Bayambangueño, Muling Nagpamalas ng Galing sa I.T.!

 

Matagumpay na lumahok ang dalawang mag-aaral ng Bayambang National High School na sina Gabriel Matthew Castro at Dianbrei Mae Estrada sa ginanap na 4th Pangasinan I.T. Challenge for Youth with Disabilities sa Lingayen noong June 18, sa tulong ng PDAO. Dito ay nasungkit ni Miss Estrada ang first place sa kategoryang E-Tool PowerPoint Presentation, kaya't siya ay magiging isa sa mga kinatawan ng Pangasinan sa National I.T. Challenge na gaganapin sa Tagaytay City.

 

Buklat Aklat Year 3, Inilunsad sa Buenlag 1st

 

Inilunsad sa Barangay Buenlag 1st ang Buklat Aklat Project Year 3 ni Mayor Niña, upang maghatid ng mga aklat at reading exercises para sa mga mag-aaral doon. Sa pamamagitan ng programa, nahihikayat ang mga mag-aaral na paigtingin ang kanilang interes sa pagbabasa at palawakin ang kanilang kaalaman. Tuwang-tuwa ang mga chikiting dahil sila ay nilibre ng McDonald’s meal ni Mayor Nina.

 

BPC, Matagumpay na Nagdaos ng Unang Commencement Exercises

 

Isang makasaysayang yugto ang naitala sa Bayambang Polytechnic College matapos nitong idaos ang kauna-unahang Commencement Exercises noong June 25 para sa 91 students. Nagtapos ang may 40 na mag-aaral sa kursong BS Entrepreneurship at 51 naman sa BS Agribusiness, kung saan 55 sa kanila ay kauna-unahang college graduate sa kanilang pamilya, 11 ang 4Ps, at apat ang nagtapos nang may distinction. Naging panauhing pandangal sa okasyon si Dr. Mudjekeewis Santos ng National Academy of Science and Technology.

 

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

License to Operate, Nakamit ng RHU I para sa Clinical Laboratory at Birthing Home Facility Nito

 

Nakamit ng RHU I ang DOH License to Operate (LTO) para sa Secondary Clinical Laboratory at Municipal Birthing Home nito matapos matugunan ang mahigpit na pamantayan ng Department of Health. Magbibigay ito ng mas de-kalidad na laboratory at maternal care services sa mga residente at magsisilbi ring mahalagang hakbang tungo sa PhilHealth accreditation ng mga pasilidad.

 

Libreng Operasyon, Naipagkaloob sa 12 na Pasyente


Labindalawang indigent na pasyente ang matagumpay na naoperahan sa tulong ng Mayor’s Action Center sa ilalim ng programa ni Mayor Niña.
Kabilang dito ang mga pasyenteng sumailalim sa heart surgery, cancer surgery, eye surgery, at iba pang mahahalagang medical procedures sa iba't ibang ospital sa loob at labas ng Bayambang.

 

Libreng Panganganak sa RHU 1, Nagpatuloy

 

Magandang balita para sa mga buntis na kababaihan sa Bayambang! Matapos ang anim na buwang renovation, muling nagbubukas ang RHU I para sa libreng pagpapaanak ng mga low-risk pregnant mothers na may kumpletong prenatal check-up. Hinihikayat ang mga buntis na ina na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health workers o direktang bumisita sa RHU I para sa karagdagang impormasyon

 


Medical Mission ng BAIPHIL, Nakatulong sa Maraming Residente

 

Maraming residente ang nakinabang sa isinagawang medical mission ng BAIPHIL sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na organisasyon. Nagbigay ang programa ng libreng konsultasyon, pagsusuri, at iba pang serbisyong medikal para sa mga mamamayan. Ayon sa mga organizer, umabot sa libu-libong pasyente ang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa naturang aktibidad.

 

- Nutrition (MNAO)

 

TESDA Scholars, Naghatid ng Nutrisyon at Pag-asa

 

Noong May 30, ang mga scholar ng TESDA Events Management Services NC III ay matagumpay na nagsagawa ng isang Community Feeding and Wellness Drive para sa mga undernourished na kabataan ng District 5. Sa pakikipagtulungan ng Nutrition Office, sila ay nagbigay ng masustansyang pagkain at nagdaos ng makabuluhang aktibidad.

 

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

Mayor Niña, Nagdonate ng mga Bola para sa mga Atleta


Ang mga volleyball player na makikipagtunggali sa darating na Inter-town Competition sa buwang ito ay nagpapasalamat kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa binigay niyang anim na bola ng volleyball. Malaking tulong ito anila sa kanilang pag-eensayo at pagkakaroon ng kumpiyansa sa araw ng naturang kumpetisyon.

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

- Slaughterhouse Services

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Hip-hop Dance Trainees, Nag-recital Din

 

Ang ikalawang batch ng Summer Dance Class ay matagumpay na nagtapos sa ilalim ng kanilang coach na si John Jeremy Ong. Sa kanilang ginanap na recital, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang natutunang mga istilo ng pagsayaw sa hip-hop dance genre, at pagyabong ng kanilang talento sa kanilang kinahiligang larangan.

 

Parent Leader Summit para sa 4Ps, Ginanap

 

Noong Hunyo 3, nagsagawa ang DSWD ng isang summit para sa mga Parent Leader ng 4Ps, para palakasin ang kanilang kakayahan bilang katuwang sa paghahatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng 4Ps at mapabuti ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa 4Ps sa kanilang mga barangay. Tinalakay dito ang mga paksang beneficiary monitoring, grievance redress, at case management. Nagkaroon din ng leadership enhancement activity upang mapaunlad ang leadership skills ng Parent Leaders.

 

CDW Week, Ipinagdiwang

 

Nakiisa ang pamahalaang bayan sa pagdiriwang ng Child Development Workers' (CDW) and Child Development Teachers' Week bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga tagapag-alaga at guro sa maagang paghubog ng mga kabataan. Sa kanilang aktibidad, personal na binati at pinasalamatan ng mga opisyal ang mga Child Development Workers para sa kanilang walang sawang pag-aaruga, pagmamahal, at dedikasyon sa mga batang kanilang ginagabayan araw-araw.

 

Grupong BTS, May Bagong Outreach Activities


Ang grupong BTS o Born to Serve ay nagsagawa ng dalawang outreach activities, sa pakikipag-ugnayan sa MSWDO, MNAO, at GSO. Una ay ang Balik Eskwela program kung saan sila ay namigay ng libreng mga kagamitan sa eskwelahan sa 66 na estudyante ng Cason Elementary School at Amancosiling Elementary School. Sila ay nagsagawa ng isang feeding activity para sa mga children with disability (CWD) at undernourished children, kung saan sila ay may benepisyaryong 30 CWD at 5 undernourished children.

 

Agarang Tulong, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan


Noong June 12, sa utos ni Mayor Nina, agad na naghatid ng tulong ang MDRRMO at MSWDO sa dalawang pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sitio Balas, Brgy. Malimpec. Nakatanggap ng agarang ayuda sina Bobby Endriga at Ronnel de Vera, matapos maapula ang sunog ng BFP sa kanilang lugar. Ang pagbigay ng suporta sa mga pamilya ay nakatulong upang sila ay magsimulang makabangon mula sa pinsala.

 

Isang Sanggol na May Cleft Lip at Cleft Palate, Naoperahan ng Libre

 

Matagumpay na napa-operahan nang libre ang isang walong-buwang gulang na sanggol mula sa Brgy. Bongato East na may cleft lip at cleft palate sa tulong ng PDAO at Kapampangan Development Foundation. Siya ay inoperahan sa Dr. Jesus A. Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga, noong June 17 matapos maihatid-sundo ng BPSO.

 

Mayor Niña, Naghandog ng Fresh Milk sa mga CDC

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanyang anak, nagpamahagi si Mayor Niña ng libreng gatas sa lahat ng mga Child Development Center sa Bayambang. May 3,011 na musmos na kabataan ang nabiyayayan sa naturang gift-giving activity.

 

 

Mayor Niña, Nagpamahagi ng Sampung Bahay Kubo

 

Sampung pamilyang Bayambangueño mula sa iba't ibang barangay ang pinagkalooban ng bagong bahay kubo ni Mayor Niña Jose-Quiambao gamit ang personal na pondo. Bukod sa bahay, tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng solar light, solar electric fan, at tig-isang kaban ng bigas. Napuno ng emosyon ang seremonya dahil sa tuwa ng mg benepisyaryo, na umuwing punung-puno ng pasasalamat. Ang mga benepisyaryo ay dumaan sa masusing pagsusuri ng DSWD at MSWDO.

 

2Q Social Pension, Ipinamahagi sa Senior Citizens

 

Ipinamahagi ng MSWDO ang tig-P3,000 na social pension para sa mga kwalipikadong indigent senior citizens sa iba't ibang bahagi ng bayan. May kabuuang 3,091 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda na naglalayong makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan.

 

- Civil Registry Services (LCR)          

 

Mobile LCR Services, Dumako sa Ambayat 1st


Muling inilapit ng Local Civil Registry Office ang iba't ibang serbisyo nito sa malalayong barangay, nang sila ay dumako naman sa Ambayat 1st noong June 4. Sila ay nagbigay ng komprehensibong talakayan hinggil sa civil registration, mga pinakabagong abiso mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), at iba pang serbisyo, kabilang ang data capture para sa upgraded Community Service Card.

 

Mobile Local Civil Registry Services, Lumipat sa Managos


Sumunod namang isinagawa sa Brgy. Managos ang paghandog ng mga serbisyo ng LCR, sa layong dalhin sa malalayong barangay ang iba’t ibang civil registration services at palakasin ang kamalayan ng mamamayan sa kanilang legal na pagkakakilanlan. Tinalakay dito ang kahalagahan ng maayos na dokumento para sa edukasyon, seguridad, at oportunidad, habang isinagawa rin ang data capture para sa updated Community Service Card.

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

DENR, Mag-iimbentaryo ng mga Istruktura sa Local Forestlands

 

Nag-courtesy call ang DENR Region 1 sa tanggapan ni Mayor Niña, kaugnay ng kanilang pagsisimula ng inventory ng mga imprastruktura na matatagpuan sa mga lupaing classified bilang forestland sa Bayambang. Layunin ng nasabing imbentaryo na maisaayos at maitala ang lahat ng estruktura sa lugar bilang bahagi ng wastong pamamahala at pangangalaga ng naturang mga land asset.

 

ESWMO Staff, Gumawang Muli ng mga DIY na Dustpan

 

Muling gumawa ang garbage collection team ng ESWMO ng mga pandakot o dustpan gamit ang mga basyong galon na naipon ng tanggapan, base sa orihinal na ideya ng staff na si Bobby Manuel. Ang mga naturang do-it-yourself na dustpan ay matibay, at nakatakdang gamitin ng mga Bali-Bali'n Bayambang street sweeper.



ESWMO, May IEC sa Lahat ng Paaralan


Ang ESWMO ay nag-umpisang magsagawa ng information-education campaign sa lahat ng paaralan sa  Bayambang noong June 15 bilang parte ng selebrasyon ng Environmental Month. Nauna nilang binisita ang Ambayat Integrated School at Managos Elementary School, kung saan nagbigay ng lecture sa tamang waste management at tinalakay ang R.A. 9003 at mga lokal na ordinansang pangkalikasan.

 

 

Mini-MRF para sa Plastic Bottles, Itinayo sa Plaza


Ang ESWMO ay naglagay ng isang Materials Recovery Facility sa mga plastik na bote sa loob ng Municipal Public Plaza. Ayon sa MENRO, ang proyekto ay base sa mungkahi ng Municipal Administrator na magkaroon ng maayos at organisadong lagayan ng mga basurang plastic bottles sa lugar at maiwasan ang kalat dito.

 

200 Fruit Trees, Itinanim sa MRF


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Environmental Month, dalawang daang punong namumunga ang itinanim ng LGU sa Municipal Materials Recovery Facility, kabilang ang 50 na guyabano, 50 na langka, 40 na atis, 30 na kasoy, at tig-sampung puno ng bignay, cacao, at avocado, sa pakikipagtulungan ng ESWMO sa iba't ibang departmento, PPCLDO sa pangunguna ni G. Ellsworth Gonzales, at mga CSO. Sa aktibidad na ito, matagumpay na naisulong sa publiko ang pangangalaga sa kalikasan at paglikha ng mas luntian, mas malinis, at mas malusog na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

 

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

Mga Papeles na Napulot ng TFD, Agad Naisauli sa May-ari

 

Ilang envelope na naglalaman ng mahahalagang dokumento ang agad na naibalik sa may-ari nito matapos itong matagpuan ng isang enforcer ng Task Force Disiplina sa municipal plaza noong May 22. Ayon sa ulat, ang naturang mga envelope ay napulot ni TFD enforcer Leo Villanda habang naka-duty, at agad niya itong iniulat sa awtoridad, hanggang sa ma-claim ito ng may-ari, na isang residente ng Dagupan City.

 

BPSO, TFD, at PNP, Nakaantabay sa Unang Araw ng Klase

 

Nagsagawa ng pinaigting na pagbabantay ang BPSO, Task Force Disiplina, at PNP sa iba't ibang paaralan kasabay ng pagbubukas ng School Year 2026–2027. Nakatuon ang kanilang operasyon sa traffic management, pagpapanatili ng kaayusan, at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at magulang.

 

Bagong Uniporme, Natanggap ng BPSO Rescuers


Kamakailan ay nakatanggap ng mga bagong uniporme ang mga lay rescuer at ambulance driver ng Bayambang Public Safety Office. Ayon sa BPSO, makatutulong ito sa pagpapataas ng propesyonalismo, pagkakakilanlan, at kahandaan ng kanilang mga personnel sa pagtugon sa mga emergency at rescue operations.

 

Road Safety sa Tour de Pangasinan, Tiniyak ng LGU


Nagtulungan ang Bayambang Public Safety Office, Task Force Disiplina, at PNP upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa mga pangunahing lansangan ng bayan kaugnay ng pagdaraos ng Tour de Pangasinan cycling competition noong June 12. Maagang nag-deploy ng mga personnel sa mga rutang dinaanan ng karera ng mga siklista upang magsagawa ng traffic management, crowd control, at pag-aalis ng mga sagabal sa kalsada, kaya naman napanatiling ligtas ang mga kalahok at pati mga motorista.

 

Seguridad sa mga Paaralan, Tinutukan sa MADAC-MPOC Meeting

 

Sa isinagawang ng Joint Quarterly Meeting para sa ikalawang quarter ng 2026 ng Municipal Anti-Drug Abuse Council at Municipal Peace and Order Council, tinutukan ang isyu ukol sa seguridad sa mga paaralan, bunsod ng mga ulat ng insidente ng karahasan sa ibang lugar. Bukod dito, kapansin-pansin naman ang mga magagandang naisakatuparan ng mga miyembro ng MADAC at MPOC para sa kapayapaan at kaayusan, na nagreresulta sa isang progresibong Bayambang

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

Tulong Pinansyal, Ipapamahagi sa 7,676 na Magsasaka at Mangingisda


Noong June 9 hanggang 10, nagpamahagi ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa may 7,676 na kwalipikadong magsasaka at mangingisda sa Bayambang. Ito ay bilang tugon sa mga hamong pangkabuhayan na kinakaharap ng mga magsasaka at mangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin at presyo ng mga pangunahing bilihin. Bawat benepisyaryo ay nakatatanggap ng ₱2,325 cash.

 

Mga Ani ng Local Farmers, Direktang Tinangkilik ng Mamimili

 

Dinagsa ng mga mamimili ang bentahan sa tabi ng Municipal Legislative Building noong June 15 kung saan direktang ibinenta ng mga magsasakang Bayambangueño ang kanilang sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto. Sa aktibidad na ito, napalakas ang kita ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa komunidad.

 

Tatlong Pusa mula Animal Shelter Cats, Nagkaroon ng Bagong Fur-Ever Home

 

Ang Bayambang Animal Shelter ay matagumpay na nakapagpa-ampon ng mga stray cats noong June 22 at 23 sa tatlong adoptive parents. Ang mga naturang sheltered cats ay nakatanggap ng anti-rabies vaccination, deworming, at neutering upang masiguro na sila ay healthy at safe alagaan. Dahil dito, nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ligaw, inabandona, at napabayaang hayop, at nahanapan ng mga responsible pet owners.

 

 

 JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod


Natanggap na ng mga working student-beneficiaries na naka-assign sa Niñas Café ang kanilang paunang sahod na nagkakahalaga ng P6,060 sa ilalim ng Special Program for Employment of Students o SPES ng DOLE. Sa pamamagitan ng programang SPES at sa tulong ng PESO-Bayambang, nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng karagdagang kita at mahalagang karanasan sa trabaho habang naka-bakasyon.

 

 

Bayambang, Host ng Meeting DOLE para sa PESO at Job Placement Offices

Noong June 25, idinaos sa Bayambang ang 2nd quarter meeting ng DOLE para sa mga PESO at Job Placement Offices ng DOLE sa buong probinsya ng Pangasinan. Dito ay tinalakay ang mga programa at isyung pang-empleyo, kabuhayan, at labor compliance. Dumalo ang mga kinatawan ng PESO at JPO sa Pangasinan upang palakasin ang koordinasyon at serbisyo para sa mga manggagawa at mga job seeker.

 

- Economic Development (SEE)

Bagong Commercial Building sa Quezon Blvd., Ininspeksyon


Noong June 4, nag-inspeksyon ang LGU sa itinatayong gusali sa Quezon Boulevard sa Poblacion na dating kinatatayuan ng ilang ilegal na talipapa upang tiyakin ang pagsunod nito sa mga umiiral na batas at ordinansa. Nagtulung-tulong BPLO, Engineering, ESWMO, RHU Sanitary Inspector, at Task Force Disiplina upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na operasyon ng naturang establisimyento.

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

Kilusang Kooperatiba, Mas Pinatatag sa Pulong ng MCDC

 

Ang Municipal Cooperative Development Office ay nagpatawag ng pulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) members para sa 2nd quarter, upang talakayin ang iba’t ibang concern, kabilang ang estado ng pagsunod ng mga kooperatiba sa mga requirement ng CDA, gayundin ang pagmomonitor sa aplikasyon at pag-renew ng mga business permit ng mga rehistrado at aktibong kooperatiba, gayundin ang update hinggil sa resolusyon ng MCDC para sa opisyal na pagkilala ng CDA sa konseho.

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)


128th Independence Day, Ipinagdiwang


Noong June 12, muling nagtipon-tipon ang iba’t ibang sektor upang gunitain ang ika-128 na Araw ng Kalayaan ng ating bansa. Naging simple ngunit makabuluhan ang naging paggunita, na pinangunahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng kalayaan, bilang patuloy na hamon sa bawat

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

 

Indonesian Students, Dumalaw sa Museo


Binisita ng mga Indonesian students na panauhin ng Pangasinan State University ang Municipal Museum noong June 9 bilang bahagi ng kanilang familiarization tour. Sa pangunguna ni Museum Custodian Moises Palisoc, ipinakilala sa mga bisita ang mayamang kasaysayan, kultura, sining, at mga natatanging katangian ng Bayambang. Naging kapana-panabik para sa mga dayuhang estudyante ang pagtingin sa mga artifact at exhibit na matatagpuan sa iba't ibang gallery ng museo.

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)        

 

Info Drive ukol sa San Roque Dam, Muling Isinagawa

 

Muling nagsagawa ang MDRRMO ng Information and Education Campaign ukol sa San Roque Dam katuwang ang iba’t ibang national at provincial agencies. Tinalakay sa programa ang dam safety, flood forecasting, disaster preparedness, at evacuation protocols upang higit na mapalakas ang kahandaan at katatagan ng mga komunidad ng Bayambang laban sa mga sakuna.

 

Barangay Officials, Nagtapos sa DRRM Course


Sinimulan noong Hunyo 8 sa Balon Bayambang Events Center ang tatlong araw na Disaster Risk Reduction and Management Course for Public Sector para sa mga opisyal ng barangay sa iba’t ibang distrito. Dito ay pinalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga barangay leaders sa disaster preparedness, risk reduction, at emergency response upang higit na maprotektahan ang kanilang mga komunidad.

 

LGU, Muling Naging Aktibo sa 2Q NSED


A: Noong June 16, muling nakiisa ang LGU sa pagdaos ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa 2nd quarter, para pataasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagiging handa laban sa pagyanig. Hinahasa rin nito ang kapabilidad ng gobyernong lokal upang mas lubos na mapaghandaan ang anumang paglindol.

 

B: Ang NSED naman ay sinundan ng isang IT Disaster Recovery Drill ng ICT Office, kung saan tinesting ang pag-gana ng backup internet connection ng LGU sa oras na biglaang mawalan ito ng internet access dulot ng paglindol.

 

MDRRMO, Nag-inspeksyon sa 58 Fire Hydrants sa Bayan

 

Sa direktiba ni Mayor Niña, nagsagawa ang MDRRMO, katuwang ang BFP at Bayambang Water District, ng aktuwal na inspeksyon at pag-testing sa functionality ng 58 fire hydrants sa iba’t ibang bahagi ng bayan noong June 15. Bahagi ng aktibidad ang pagdodokumento, geo-tagging, at pagsubok sa lakas ng buga ng mga fire hydrant upang matiyak ang kahandaan ng mga ito at mapalakas ang kakayahan ng bayan sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang emerhensiya.

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

 

BPRP Recalibration, Muling Isinagawa


Noong June 10-11, muling nagsagawa ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng recalibration ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028 sa tulong ng National Anti-Poverty Commission. Ang aktibidad ay nilahukan ng mga representante ng 14 basic social sectors, municipal officials, department heads, at NAPC facilitators. Kanilang nirepaso ang mga naging accomplishments ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, binalangkas ang mga nararapat pang gawin, at planuhin ang mga istratehiya upang mapanatili at mapg-ibayo pa ang mga tagumpay na natamasa sa ilalim ng Rebolusyon.

 

Mas Pinalakas na KSB, Abangan!

 

Mas pinalakas at mas pinalawak ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa ikasiyam na taon nito, matapos magpulong ang buong team sa pangunguna ni Mayor Niña upang pag-aralan ang pagdaragdag ng mga bagong serbisyo sa programa. Layunin nitong gawing mas dynamic, mas kapaki-pakinabang, at mas accessible ang mga serbisyong medikal, dental, legal, pang-dokumentaryo, at iba pang ayuda para sa mga Bayambangueño, lalo na sa mga nasa malalayong barangay.

 

KSB Year 9, Dinala sa Ambayat 1st

 

Pinangunahan ni Mayor Nina ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 sa Barangay Ambayat 1st bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkomunidad sa mga residente ng malalayong barangay. Nakinabang sa programa ang 3,721 na residente sa pamamagitan ng iba't ibang libreng serbisyo, kabilang ang medical at dental services, bakuna sa  hayop, employment services, legal consultation, seeds at seedling distribution, libreng gupit, at marami pang iba. Ang mga benepisyaryo ay nakatipid ng halagang P209,079.

 

Audit Orientation, Isinagawa


Nagsagawa ang Internal Audit Service Office ng isang Audit Awareness Orientation para sa mga department at unit heads ng LGU noong July 11. Tinalakay rito ang pagkakaiba-iba ng mga saklaw na tungkulin ng Internal Audit Service, Commission on Audit, Municipal Accounting Office, at Internal Quality Audit upang mapalakas ang koordinasyon at maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng mga proseso at patakaran sa pamahalaang bayan.

 

 


 

- Planning and Development (MPDO)

 

Strategic AIP Formulation Training, Isinagawa

 

Noong June 3, nagsagawa ang MPDO ng isang training para sa Technical Workshop on Strategic Formulation of Annual Investment Plan. Ito ay dinaluhan ng lahat ng department at unit head ng LGU at ng iba't ibang national agency heads. Dito ay pinatibay ang proseso ng planning at investment programming ng LGU upang masiguro na ang mga panukalang programs, projects, at activities ay istratehiko, results-oriented, implementable, at naka-align sa aprubadong CDP, LDIP, at iba pang mandated plans ng gobyerno.

 

CBMS Coordinating Board, Nag-convene


Noong June 17, nag-convene ang 2027 Municipal CBMS Coordinating Board ng Bayambang, na kinabibilangan ng iba’t ibang departamento ng LGU at mga ahensya at grupo. Ang naturang coordinating board ay may layuning iimplementa ang 2027 CBMS o Community-Based Monitoring System sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority. Kaya naman maingat na tinalakay sa pulong ang kinakailangang kaalaman ukol sa CBMS implementation, paglilinaw ng mga papel ng bawat miyembro, at masusing koordinasyon at kolaborasyon.

 

Special Notice of Compliance for LPTRP, Iginawad sa LGU!

 

Isang mahalagang pagkilala ang natanggap ng LGU-Bayambang matapos itong pagkalooban ng Special Notice of Compliance para sa Local Public Transport Route Plan o LPTRP mula sa LTFRB. Ang nasabing pagkilala ay patunay ng pagsunod ng bayan sa mga itinakdang pamantayan para sa mas maayos at episyenteng pampublikong transportasyon. Malaking hakbang ito tungo sa patuloy na modernisasyon ng sistema ng transportasyon sa Bayambang.

 

 

- Legal Services (MLO)

 

 

 

- ICT Services (ICTO)



ROR Review at Consultation, Isinagawa


Nagsagawa ang LGU-Bayambang ng Risks and Opportunities Review and Consultation noong June 16 bilang bahagi ng paghahanda para sa ISO re-certification. Tinalakay rito ang mga potensyal na risks at opportunities sa operasyon ng kada departamento, upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng Quality Management System (QMS) at matiyak ang de-kalidad na serbisyo publiko.

 

IQA Team ng LGU, Sumabak sa Enhancement Training


Sumabak ang buong Internal Quality Audit (IQA) team ng LGU sa isang Enhancement Training na ginanap noong June 16 to 18 bilang pagpapatuloy ng layunin nitong makapaghatid ng de-kalidad at episyenteng serbisyo. Ang pagsasanay ay buong suportang isinusulong ni Mayor Niña, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kalidad ng pamamahala at serbisyo ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan.

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

 

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

Bayambang, Muling Kinilala sa Good Financial Housekeeping!


Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang mahusay at responsableng pamamahala sa pananalapi matapos nitong makamit ang 2025 Good Financial Housekeeping recognition mula sa DILG. Ito ay nagpapakita ng mataas na antas ng transparency, accountability, at wastong paggamit ng pondo ng bayan -- at patunay na patuloy na pagsunod sa mga pamantayan ng mabuting pamamahala at mahusay na financial management.

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

"Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB Hearing


Sa pagdinig ng Committee on Transportation and Communication ng Sangguniang Bayan, tinalakay ang kahilingan ng transport groups hinggil sa ipinatutupad na “salang arrangement” sa mga terminal ng apat na grupo sa bayan. Pinangunahan ni Councilor Zerex Terrado ang pagdinig kasama ang BPSO at Bayambang Police Station, at kanilang pinag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa sistema ng pagsasalang ng mga pampasaherong sasakyan sa mga terminal ng Bamacada, Baymaldag, New Bayambang ETC, at Baymacada.

 

 

 

 

 

 


BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Helmet Law

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – July 6, 2026

(Estimated runtime: 3 minutes and 54 seconds)

 

(Voice over habang nagpapakita ng mga balita tungkol sa mga aksidente sa kalsada, sirena, ambulansya, at mga rider na nakasuot ng helmet.)

 

Kapag pinahinto ka dahil wala kang suot na helmet, sino ba talaga ang pinoprotektahan? Ang pulis ba? Ang BPSO? Ang TFD? Ang munisipyo? Si Mayor?

 

O kapag may naaksidente, sila ba ang masusugatan? Sila ba ang mapupunta sa ospital? Sila ba ang magdurusa habang nagpapagaling? Pag-usapan natin yan. Ano, tara?

 

(KUYA NGEN INTRO)

 

This is Lans— ay maling intro!

 

Bayambang, dapat alam mo na ang Helmet Law ay hindi lamang ordinansa ng Bayambang. Isa itong pambansang batas.

 

O kilala rin bilang REPUBLIC ACT NO. 10054.

 

Ibig sabihin, hindi ito basta naisip lang ng LGU o ng mga nagpapatupad ng batas. Ipinatupad ito dahil may isang bagay na gustong iwasan ng pamahalaan:

 

ANG AKSIDENTE AT PAGKAWALA NG BUHAY.

 

Dahil eto ang masakit na katotohanan: WALANG PINIPILING ORAS AT PANAHON ANG DISGRASYA.

 

Hindi nito tinatanong kung malapit lang ba ang pupuntahan mo. Hindi nito tinitingnan kung kabisado mo ang daan. At lalong hindi nito iniisip kung sanay ka nang hindi nagsusuot ng helmet.

 

Isang segundo lang. Isang maling liko. Isang biglang preno. At puwedeng magbago ang lahat.

 

Kaya ang helmet ay hindi para sa pulis. Hindi para kay mayor. Hindi para sa implementer. PARA ITO SA IYO. Oo, ikaw na nanonood. Para rin ito sa angkas mo. At para sa pamilyang naghihintay na makauwi kang ligtas.

 

At tutal, nandito na rin tayo sa usapin ng kaligtasan, pag-usapan na rin natin ang sidewalk. May mga nagtatanong:

 

“Bakit bawal humarang sa sidewalk?”

 

Pero, hindi iyan ang tamang tanong e. Sa totoo langch.

 

Ang dapat nating tinatanong ay: Kapag ba may sasakyang nawalan ng kontrol at may nasagi o na-sideswipe, sino ang sasagot sa hospital bill? Sino ang makapagsasabing,

 

“Okay lang yan, ibabalik ko na lang buhay mo.”

 

ENGKKK. ZERO. NONE. WALA.

 

Kaya, Bayambang, dapat alam mo na ang batas ay may isang layunin: ANG MAIWASAN ANG TRAHEDYANG MAAARI PANG MAIWASAN.

 

Madalas kasi, ang mga batas pa na ayaw nating sundin ay siya ring mga batas na nagliligtas ng buhay natin.  At dapat alam mo rin na sa pagpapatupad ng batas,

 

WALANG PINIPILI.

 

Empleyado man ng munisipyo, opisyal ng gobyerno, o ordinaryong mamamayan, kapag lumabag, dapat managot. Dahil ang disiplina ay hindi para sa iilan. Kundi para sa lahat.

 

Kaya bago natin sabihing “masama” ang nagpapatupad ng batas, o bago natin sila murahin dahil lamang ginagawa nila ang kanilang trabaho, tanungin muna natin ang ating sarili:

 

Ang batas ba ay ginawa para mang-abala… o para mas marami pang makauwing ligtas sa kani-kanilang pamilya?

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay… Dapat Alam Mo!

 

Muli ako si Kuya Ngen na nagsasabing: Pangit man ako sa inyong paningin, at least hindi ako sinungaling. Ba-bye!

MONDAY REPORT – JULY 6, 2026

 

MONDAY REPORT – JULY 6, 2026

Magandang Monday morning, Bayambang! 

Narito kami upang ihatid ang mga ulat ng pagbabago.

Mga hakbang tungo sa mas progresibong bayan.

Kaya’t samahan ninyo kami sa lingguhang kwentuhan ng serbisyong totoo. Dito lang sa...

...BayambangueNews!

1.      Bayambang, Wagi sa Unang Araw ng Inter-Agency Basketball League

Panalo agad ang Team Bayambang matapos talunin ang MDRRMO-Basista sa opening day ng Inter-Agency Basketball League na inorganisa ng EZ Jersey Pangasinan. Buong-pusong sinuportahan nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang koponan sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang participation expenses at mga jersey uniform.

2.      BPSO at TFD, Nag-seminar sa Fire Safety at First Aid

Animnapu't limang personnel ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD) ang lumahok sa Fire Safety at Basic First Aid Seminar na ginanap sa Pinoy Workers Partylist Center noong June 27. Layon nitong higit pang palakasin ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga emergency at pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo publiko.

3.      TODA Federation, Pinulong ukol sa Disiplina sa Terminal

Pinulong ng BPSO at Task Force Disiplina ang mga miyembro ng TODA Federation upang mapatibay ang kaayusan, kalinisan, at pagpapatupad ng mga alituntunin sa Bayambang Tricycle Terminal. Tinalakay rin ang mga suliranin ng mga tricycle operator at driver upang mapanatili ang ligtas at disiplinadong operasyon ng terminal.

4.      BPSO, Umalalay sa Parking sa Central

Nakiisa ang BPSO at Task Force Disiplina sa pamunuan ng Bayambang Central School sa pagsasaayos ng parking area ng paaralan. Layunin nitong mapabuti ang daloy ng trapiko at matiyak ang mas ligtas at organisadong paradahan para sa mga guro, mag-aaral, magulang, at mga bisita.

5.      Mga Nawalang Wallet at Cell Phone, Naibalik sa mga May-ari

Agad na naibalik sa may-ari ang isang wallet at iba’t ibang cell phone na napulot sa daan at naiwan sa pamilihang bayan dahil sa mga tapat ng kawani ng lokal na pamahalaan. Ito ay naging posible dahil na rin sa maagap na koordinasyon ng BPSO at Task Force Disiplina at Special Economic Enterprise. Lubos na nagpapasalamat ang may-ari sa mga nakapulot ng mga nasabing gamit, at sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad.

6.      GAD-TWG, Sinuri ang Paggamit ng Pondo

Sa kanilang ikalawang quarterly meeting, tinalakay ng Gender and Development Technical Working Group ang utilization report, accomplishments, at iba pang mahahalagang usapin sa pagpapatupad ng GAD programs sa Bayambang gamit ang GAD Fund. Layon ng regular na pagpupulong na matiyak ang tamang paggamit ng naturang pondo at patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng sektor.

7.      School Safety at Security, Tinutukan sa LSB Meeting

Naging sentro ng special meeting ng Local School Board ang pagpapalakas ng school safety and security, sa tulong ng PNP, kabilang ang mungkahing paglalagay ng security guards sa mga paaralan. Tinalakay rin ang paghahanda ng 2027 Special Education Fund budget, pagpapanatili ng school facilities, at iba pang programang magpapahusay sa kalidad ng edukasyon sa Bayambang.

8.      Proteksyon sa Kababaihan at Kabataan, Pinagtibay ng LCPC at LCAT-VAWC

Muling pinagtibay ang mga polisiya, programa, at koordinasyon para sa kapakanan ng kababaihan at kabataan sa Bayambang, sa ginanap na joint quarterly meeting ng Local Council for the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children noong June 29. Tinalakay rin dito ang Children's Welfare Code, mga partnership sa iba't ibang sektor, at mga update sa child-friendly governance.

9.      DA, Namahagi ng Agri Intervention Measures

Ang Bical Elementary School, Bayambang Central School, at Naragsak Warding Farmers Association ay nakatanggap ng vegetable seeds, foliar fertilizer, at farming implements mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng High-Value Crops Development Program nito. Ang mga intervention measure na ito ay magpapalakas sa produksyon ng high-value crops, food security, at mas produktibong agrikultura.

10.  Professional Image at Workplace Etiquette, Tinalakay sa Seminar

Upang mapaunlad ang propesyonalismo sa serbisyo publiko ng mga LGU employees, nagsagawa ang HRMO ng isang Professional Image, Workplace Etiquette, and Values Formation activity noong June 30. Nagsilbing resource person at facilitator si Dr. Joel Torres ng Central Luzon State University, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paglilingkod nang may ngiti, integridad, at kahusayan.

11.   Food Security, Sentro ng Talakayan sa MNC Meeting

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang kampanya laban sa malnutrisyon at pagsulong ng food security, sa isinagawang 2nd Quarter Meeting ng Municipal Nutrition Committee noong June 30. Pangunahing tinalakay ang potensyal ng pagpapalakas ng food security sa buong bayan sa pamamagitan ng ibayong pagpapalawak ng mga HAPAG garden sa 77 na barangay at vertical gardening o hydroponic gardening sa likod ng mga barangay hall.

12.  PDEA On-Site Validation, Isinagawa

Ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay nagsagawa ng isang On-Site Validation para sa lahat ng mga barangay ng Bayambang noong July 1. Masusing sinuri ng mga PDEA Validation Officer ang mga programa at dokumento ng bawat barangay na sumalang. Kanilang inalam kung patuloy bang nagiging epektibo ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kani-kanilang nasasakupan.

13.  CDWs, Teachers' Aides, Sumailalim sa Capacity-Building Training

Noong June 30, nagsagawa ang MSWDO ng Child Development Workers' and Teachers' Aide Training. Tampok sa pagsasanay ang Parents Effectiveness Service (PES) Refresher Training. Tinalakay rin ang wastong food preparation, health, at nutrition upang higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pangangalaga at pag-unlad ng mga bata.

14.   Energy Efficiency and Conservation Orientation, Isinagawa

Nagsagawa ang LGU ng isa na namang Energy Efficiency and Conservation Orientation noong July 2. Tinalakay rito ang Republic Act No. 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act at mga best practices sa pagtitipid ng enerhiya, pati na solar installation, electrical permit application, atbp., upang palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa ligtas, episyente, at sustenableg paggamit ng enerhiya.

15.  Pang-19 na Kubo mula sa Grand Ukay for a Cause, Inihatid sa Nalsian Sur

Ang pang-19 na kubo mula sa Grand Ukay for a Cause ni Mayor Niña ay inihatid ng LGU sa napiling benepisyaryong pamilya sa Brgy. Nalsian Sur noong July 1. Ang pamilya ni G. Brian Japson de Vera, isang tricycle driver, ay nagpapasalamat sa donasyong bahay kubo na galing naman sa Pangasinan Brotherhood USA sa pagrerepresenta ni Councilor Raymund Camacho. Bitbit din ng Grand Ukay team ang mga adisyunal na donasyong solar lights, solar panel, at solar fan.

16.  Wawa Bridge Update

Kasalukuyan nang ibinubuhos ang semento sa mga pile cap ng Temporary Bridge sa Brgy. Wawa, matapos plantsahin ng DPWH ang kasunduan para sa pagpasok ng bagong contractor noong July 3, ang araw kung kailan ini-release din ang bayad para sa mga apektadong may-ari ng lupa. Patuloy na binabantayan at itinutulak ng pamunuan ang mabilis na pagkilos ng pambansang pamahalaan upang masigurong ligtas na magamit ang temporary bridge sa Wawa ngayong darating na Setyembre.

17.  Feeding Angels of Bayambang, Muling Naghatid ng Blessings

Ang Feeding Angels of Bayambang ay patuloy sa misyon nito na "Walang batang maiiwan sa pangarap," salamat sa lahat ng donors at volunteers na naging bahagi na ng mga aktibidad nito. Ito ay matapos magsagawa ang FAB ng isang feeding activity para sa 89 daycare pupils sa Barangay Tamaro, Zone 5, at Zone 7 noong July 1, sa pakikipag-ugnayan ng MSWDO at MNAO. Kasabay ng programa, nagbahagi rin ng birthday treats ang ilang miyembro ng FAB sa ilang undernourished na kabataan at indigent na pamilya.

18.  Mayor Niña, Nagkaloob ng Wheelchair sa Batang May Sakit

Bilang tugon sa panawagan ng isang inang humihingi ng tulong para sa kanyang anak na may osteomyelitis, agad na nagkaloob si Mayor Niña noong  July 1 ng isang wheelchair sa tulong ng Persons with Disablity Affairs Office. Malaking ginhawa ang hatid ng wheelchair upang mas mapadali ang paggalaw ng bata at ang kanyang pagpasok sa paaralan.

19.  LGU, Nagbenchmarking sa AILC Cold Storage

Isang benchmarking activity ang isinagawa ng mga kawani ng Engineering, Agriculture, Internal Audit, at Special Economic Enterprise (SEE) sa AILC Cold Storage sa Brgy. Amancosiling Norte. Kanilang sinuri at pinag-aralan ang operasyon, pamamahala, at pinakamahusay na mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng isang maayos na cold storage facility. Naging daan ito upang makakuha ng mahahalagang kaalaman na maaari nilang magamit sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga kaparehong agri-infrastructure projects ng LGU.

20.  Planong Slaughterhouse sa Inirangan, Isinailalim sa Public Consultation

Isang public consultation ang isinagawa para sa planong pagtatayo ng Bayambang Slaughterhouse upang maipresenta ang proyekto at makuha ang pananaw ng mga taga-barangay at iba pang stakeholder. Tinalakay ang proposed sub-project, operational guidelines, grievance mechanism, at iba pang mahahalagang usapin bago ang inaasahang pagpapatupad nito.

21.   Proposed Tricycle Management Code at Nighttime Visibility Ordinance, Tinalakay sa Pagdinig

Tinalakay ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang at ang Nighttime Visibility Ordinance sa isinagawang pampublikong pagdinig noong July 3. Aktibong nakibahagi ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng transportasyon sa pagbibigay ng kanilang mga mungkahi at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang mga panukalang ordinansa para sa mas organisadong transportasyon at mas ligtas na mga lansangan sa Bayambang.

22.  Bayambang, Kinilalang “IDEAL” sa LCPC Assessment

Ginawaran ang Bayambang ng IDEAL rating sa 2026 Local Council for the Protection of Children Assessment ng DILG Pangasinan. Kinikilala nito ang mahusay na pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata sa bayan.

Congratulations, LGU-Bayambang!

23.  Healthiest LGU Department Assessment, Inilunsad

Sinimulan noong July 2 ang Healthiest Department Assessment bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026. Lumahok sa naturang aktibidad ang bawat departamento ng LGU, at pinangunahan ang health assessment ng mga nurse ng RHU, kasama ang HRMO at MNAO. Sa aktibidad na ito, hinihikayat ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na isulong ang healthy lifestyle at palakasin ang kultura ng wellness sa hanay ng mga empleyado.

24.  Tamang Nutrisyon, Hatid sa mga SPED Students at Kanilang Caregivers

Sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, nagbigay ang MNAO noong July 2 ng healthy food treats sa mga SPED student ng Bayambang Central School, at nutrition-related information drive para sa kanilang mga magulang at caregivers katuwang ang Persons with Disability Affairs Office. Dahil dito, naitaguyod ang inklusibong serbisyong pangnutrisyon para sa mga kabataan.

25.  CSC at LGU, Nagpulong kung Paano Pa Mapapalakas ang HR Systems

Si Mayor Niña ay nakipagpulong sa Civil Service Commission noong July 1 upang pag-usapan ang best practices ng LGU at ang mga rekomendasyon ng CSC sa Learning and Development, Performance Management, at Rewards and Recognition systems nito. Ito ay alinsunod sa pagkilala na ang tapat at competent na mga kawani ay malaking tulong sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Kasama sa rekomendasyon ang pagtukoy ng mga nararapat na learning service providers.

26.  MDRRMO, Nag-info Drive sa DRRM Preparedness

Noong July 2 naman, sinimulan ang pamamahagi ng mga information materials sa 77 barangays at 64 public at private schools sa Bayambang. Kasabay nito ay ang pagsasagawa ng monitoring at inspeksyon sa kahandaan ng bawat barangay at paaralan sa pamamagitan ng pag-check sa kondisyon at availability ng kanilang DRR supplies at equipment, kabilang ang manual at electronic early warning bells, generator set, hazard maps, at DRR Corner.

27.  Bayambang, Nakiisa sa Regional Kick-Off ng NDRM 2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month  2026, dumalo ang LGU sa Regional Kick-Off Program noong July 1, sa Bauang, La Union. Kinatawan ang LGU ni LDRRMO Genevieve Uy. Tampok sa programa ang mga talakayan ukol sa iba't ibang DRRM concerns gaya ng standardization ng water search and rescue teams, relief augmentation process, management of the dead and missing, situation reporting. 

[OUTRO]

Sa bawat proyekto’t inisyatibo ng LGU, kabalikat ang bawat Bayambangueño.

At sa bawat ulat, nariyan ang puso ng serbisyo.

Kasama ninyo sa bawat kuwento ng pagbabago.

Hatid ang balita para sa bawat isa. 

Hanggang sa muli, ito ang… BayambangueNews!