Thursday, August 13, 2026

MONDAY REPORT - August 17, 2026

 

MONDAY REPORT - August 17, 2026

 

 

[Observe proper pacing (relaxed speed) and volume, and don't forget to smile.]

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ___, mula sa ____ Office.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _____, mula rin sa ____ Office. Kami ang inyong katuwang sa paghahatid ng mga napapanahong balita.

 

NEWSCASTER 1: Mga balitang patungo sa pagbabago, para sa maliwanag na kinabukasan.

 

NEWSCASTER 2: Ito ang tinig ng bayan, ang tinig ng serbisyo publiko...

 

SABAY: Ito ang…BayambangueNews!

 

 

1. SB Members, Dumalo sa LNB Provincial Congress

 

A. Dumalo sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan at mga konsehal ng Bayambang sa 4th Liga ng mga Barangay Pangasinan Provincial Congress 2026 noong August 6–8 sa Tagaytay City, na pinangunahan ni LNB Provincial President Raul Sabangan. Naging pagkakataon ito para sa mga lokal na opisyal na mapalalim ang kaalaman sa mahusay na pamamahala, magbahagi ng best practices, at mapagtibay ang ugnayan ng mga barangay at LGU.

 

B. Pinarangalan din sa okasyon ang mga Punong Barangay at Barangay Kagawad na nasa kanilang huling termino.

 

[Verna: separate the photos into 2 separate folders.]

 

2. MDRRM Council, Naka-alerto sa Kasagsagan ng Bagyo

 

Noong kasagsagan ng walang patid na ulan, nakaalerto ang buong MDRRM Council ng Bayambang sa epekto ng bagyong ‘Luis’ at ‘Maymay’ na nagpasidhi sa habagat. Kanilang minonitor ang lahat ng mga bahaing lugar at ang lebel ng tubig sa Agno River sa may Calvo Bridge at Romulo Bridge. 

 

Tumulong din ang MDRRMO sa isang Elf truck na sumadsad sa putik. At nanatiling naka-standby ang mga rescue vehicle at ang iba pang mga miyembro para sa anumang pangangailangan.

 

 

3. Mga Binahang Barangay, Binigyan ng Ayuda

 

Agad ding naghatid ng tulong ang LGU sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Barangay Managos, Paragos, at San Gabriel 2nd. Kabilang sa ipinamahagi ang mga food pack, mineral water, mga gamot, at bitamina. Nag-monitor din sa mga sakahan sa lugar.

 

 

4. BPSO at TFD, Walang Patid sa Pagbibigay-Serbisyo

 

Patuloy na nagbibigay ng mabilis at maaasahang serbisyo ang BPSO lay rescuers at Task Force Disiplina. Nananatiling handa ang mga ito sa pagtugon sa medical emergencies, aksidente, at iba pang insidente, gayundin sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga aktibidad ng bayan. Hinihikayat nila ang mga mamamayan na makiisa upang mapanatili ang isang bayan na ligtas, maayos, at may kahandaan sa anumang oras.

 

5. Recruitment para sa mga Nais Magtrabaho sa Japan, Isinagawa

 

Sa pag-oorganisa ng PESO-Bayambang, isang special recruitment activity ang isinagawa ng Goldmarc International Career Corp. noong August 5–6 para sa mga kuwalipikadong aplikanteng nais magtrabaho sa construction sector sa Japan. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga Bayambangueño na makahanap ng lehitimong overseas employment.

 

6. UPLB Chancellor, Nakipagpulong para sa Proposed Bamboo Project

 

Noong August 4, nakipagdayalogo si LDRRMO Genevieve Uy kay UPLB Chancellor, Dr. Jose Camacho Jr., upang talakayin ang posibleng pakikipagtulungan sa bamboo craft making at product development. Tinalakay ang pagtatanim at wastong pamamahala ng kawayan, gayundin ang paggamit nito bilang sustainable livelihood at nature-based solution para sa climate change adaptation at disaster risk reduction.

 

 

7. Emergency Inspection, Isinagawa sa Warding–San Vicente Bridge

 

Noong August 10, nagsagawa ang DPWH–District 4 Office ng isang emergency inspection sa Warding–San Vicente Bridge upang suriin ang kondisyon nito at matukoy ang mga kinakailangang hakbang matapos mapansin ang ilang minor damages. Bagama’t passable pa rin ang tulay, nilimitahan muna sa limang tonelada ang bigat ng mga sasakyang maaaring dumaan dito, bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

 

 

8. Measles-Rubella Supplemental Immunization Program, Nag-umpisa Na

 

Noong August 10, nagsimula ang mga Rural Health Unit (RHU) ng libreng pagbabakuna para sa mga sanggol at batang edad 6–59 na buwan upang mapalakas ang proteksiyon laban sa tigdas o measles at rubella. Ipinaliwanag ng mga health worker sa mga magulang ang layunin ng programa na makatulong sa pagpigil sa pagdami ng kaso ng tigdas at rubella sa bansa, mga posibleng side effect ng bakuna, at mga kondisyong hindi dapat bakunahan, habang hinihikayat ang lahat na dalhin ang kanilang mga anak sa itinalagang vaccination sites.

 

[Use photos from all RHUs, not just one.]

 

9. Mayor Niña, Muling Naglaan ng Personal na Pondo para sa Tuition Fees ng BPC Students

 

Muling naglaan si Mayor Niña ng personal na pondo na nagkakahalaga ng mahigit 15 milyon pesos para sa tuition fees ng mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College (BPC) para sa ikatlong quarter ng 2026, at pati para sa operasyon at iba pang pangangailangan ng kolehiyo. Dahil wala pang tinatanggap na regular na subsidy mula sa national government, patuloy ang suporta sa BPC ng alkalde at LGU simula pa noong 2022 at sa mahigit 1,200 na estudyante nito upang mapanatili ang dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa kabataan.

 

 

10. Mayor Niña, Nag-donate ng Bagong Uniporme sa mga BHW

 

Sa regular na pagpupulong ng mga Barangay Health Workers (BHWs) mula sa 77 barangays, tinalakay ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity at pagpapalakas ng kakayahan ng mga BHW sa pamamagitan ng pagkuha ng National Certificate II o NC II mula sa TESDA. Nagdonate naman si Mayor Niña  ng bagong uniporme para sa lahat ng BHW bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa serbisyong pangkalusugan sa barangay.

 

 

11. Cardiac Imaging Equipment sa JKQMWC, Kauna-unahan sa Pangasinan

 

Nilagdaan ang kasunduan para sa paglalagay ng makabagong cardiac imaging equipment sa pagitan ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center at Aimed Advanced Imaging Solutions, na magiging kauna-unahang uri ng medical equipment sa probinsya ng Pangasinan. Inaasahang mapapalapit at mapapabilis ng Philips Azurion 7 Biplane B20 System ang specialized cardiac care para sa mga pasyenteng may sakit sa puso. Target makumpleto ang installation sa loob ng anim hanggang siyam na buwan.

 

12. Mga Accomplishment sa Limang Sektor, Tinalakay sa BPRP Sectoral Meeting

 

Isinagawa noong August 11 hanggang 13 ang 2nd Quarter Sectoral Meeting ng BPRAT para sa Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) para suriin ang mga accomplishment at update sa Economic and Infrastructure Development, Good Governance, Agricultural Modernization, Environmental Protection and Disaster Resiliency, Sociocultural Development and Social Protection sectors.

 

Tinalakay ang iba't ibang proyekto tulad ng ANCOP Ville, irrigation project, solar lights installation.

 

 

13. Panukalang Nutrition Research sa Bayambang, Tinalakay sa Pulong

 

Noong August 12, nakipagpulong ang mga kinatawan ng kumpanyang GIPDEX sa MNAO, RHU, at MSWDO upang talakayin ang planong nutrition research para sa mga batang edad 3–5 taong gulang. Layunin ng pag-aaral na suriin ang epekto ng fortified milk at dietary counseling sa nutritional status ng mga underweight na bata sa mga piling day care centers sa Bayambang.

 

 

14. KSB Year 9, Dinala sa Warding

 

Kasunod namang binista ng team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 ang Warding Elementary School upang dalhin doon ang lahat ng serbisyo ng Munisipyo sa mga residente ng Brgy. Warding at Managos. Kabilang sa mga serbisyong handog ang libreng medical at dental services, late registration of birth, libreng bakuna sa hayop, employment services, renewal ng business permit, legal advice, libreng buto at punla, libreng gupit, at marami pang iba.

 

15. Energy Consumption mg LGU, Muling Sinuri sa Pulong

 

Sa pinakahuling pulong ng Energy Efficiency and Conservation TWG noong August 13, muling nirepaso ang pagkonsumo ng enerhiya ng lahat ng Local Government Unit (LGU) accounts at mga gusali mula Enero hanggang Hulyo 2026, at muling tinukoy ng mga paraan upang higit pang mapababa ang konsumo sa mga natitirang buwan ng taon. Layunin ng pagsusuring ito na mapababa ang taunang konsumo ng enerhiya at mapalakas ang episyenteng paggamit ng kuryente sa mga pasilidad ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng responsableng pamamahala ng public resources.

 

16. LGU-Bayambang, Kinilala ng CDA National Office

 

Tinanggap ng LGU-Bayambang at ni Mayor Niña ang Plaque of Recognition mula sa Cooperative Development Authority-National Office para sa patuloy na suporta at commitment nito sa Merger/Consolidation Program ng CDA. Ang pagkilalang ito ay iginawad noong August 6, kung saan nirepresenta si Mayor Nina ni former Councilor Amory Junio.

 

[Reserve this space for VO.]

 

17. 3Q Meeting ng PWD Presidents, Isinagawa

 

Isinagawa noong August 13 ang 3rd Quarterly Meeting of PWD Presidents ng Bayambang, na pinangunahan ni DAO Johnson Abalos. Tampok dito ang mid-year reporting ng bawat distrito hinggil sa kanilang mga programa, accomplishments, serbisyo, hamon, at pangangailangan upang mapalakas ang accountability, participation, empowerment, at inclusive development ng local PWD community.

 

18. UPLIFT Program, Naghatid ng Tulong sa 3,843 Benepisyaryo

 

Noong August 13 at 14, nagsagawa ng isang payout activity para sa UPLIFT Program na naglalayong maghatid ng ayuda sa 3,843 kwalipikadong benepisyaryo, at ito ay binisita ni Mayor Niña kasama ang MSWDO. Ayon sa DSWD, ang mga benepisyaryo ay mula sa 2024 CBMS data ng Philippine Statistics Authority, partikular sa mga pamilyang nasa “poor” at “near-poor” categories na higit na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

19. LGU-Bayambang, Dumalo sa Anti-Drug Training

 

noong August 12–13, Kinatawan ang LGU-Bayambang nina Councilor Rhyan de Vera at Liga ng mga Barangay Secretary Sergio delos Santos sa Orientation and Capacity Training for Anti-Drug Council Focal Persons sa Lingayen. Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kapasidad sa Barangay Drug Clearing Program at higit pang palakasin ang koordinasyon tungo sa ligtas at drug-free na mga komunidad.

 

20. Velpets Veterinary Clinic, Nagsagawa ng Veterinary Medical Mission

 

Noong August 15, isang veterinary medical mission ang inihatid ng Velpets Veterinary Clinic sa pakikipagtulungan sa Agriculture Office at Bayambang Animal Shelter. Dito, ang mga pet owners ay nalibre sa antirabies vaccination at purga para sa mga alagang aso at pusa. Nagsagawa din sila ng libreng kapon o castration para sa mga pusa.

 

 

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po si ___ ng ____ Office, naghahatid sa inyo ng iba't ibang kuwento ng serbisyo ng pamahalaang lokal sa nagdaang linggo.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _______________ ng ______________ Office. Magsama-sama tayong muli sa susunod na Lunes.

 

SABAY: Ito ang...BayambangueNews!

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment