Wednesday, August 19, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – August 24, 2026 - School Violence

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – August 24, 2026

(Estimated Runtime: 3 minutes and 34 seconds)

 

(Kuya Ngen Intro)

 

Pansin mo rin ba? Parang mas madalas na nating naririnig ang mga balitang related sa suntukan, pananakit, o gulo sa loob mismo ng paaralan.

 

Kaya hindi ko rin maiwasan mapaisip kung paaralan pa ba ang tingin natin dito o boxing gym na?

 

Engkkk! Mali ’yan.

 

Dahil ang paaralan ay lugar para matuto, hindi para manakit. At ang pinakaimportante sa lahat…

 

WALANG PUWANG ANG KARAHASAN SA LOOB NG ESKWELAHAN

 

Hindi mahalaga kung ang dahilan ay asaran, selosan, “napikon lang,” o “sinimulan niya.”

 

Kapag nauwi sa pananakit, hindi na ito simpleng away-estudyante. Maaari na itong magkaroon ng legal na pananagutan.

 

Bayambang, dapat alam mo na kapag may nanakit, nanuntok, nanaksak, o sadyang nanakit ng kapwa, maaaring pumasok ang iba’t ibang paglabag sa batas depende sa nangyari at sa naging pinsala.

 

At kung menor de edad man ang sangkot, hindi ibig sabihin ay wala nang mangyayari.

 

May mga batas na nagpoprotekta sa mga bata, pero mayroon ding mga proseso upang mapanagot ang mga kabataang nakagawa ng seryosong paglabag. Maaari ring managot ang kanilang mga magulang sa ilalim ng ilang sitwasyon na itinatadhana ng batas.

 

Kaya huwag nating isipin na…

 

“Away bata lang ’yan.”

 

Dahil minsan, ang isang suntok ay maaaring mag-iwan ng habambuhay na trauma.

 

Hindi rin katanggap-tanggap ang panonood lang habang may binubully o sinasaktan. Kung kaya mong tumulong nang ligtas, tumulong ka.

 

Kung hindi, ipagbigay-alam agad sa guro, school authorities, o sa mga kinauukulang awtoridad.

 

At sa mga magulang naman: Turuan natin ang ating mga anak na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa lakas ng kamao, kundi sa kakayahang kontrolin ang galit, rumespeto sa kapwa, at piliing makipag-usap kaysa makipagsuntukan.

 

Bayambang, dapat alam mo na hindi cool ang pagiging bayolente. Hindi badge of honor ang pagiging kinatatakutan. Mas kahanga-hanga ang taong marunong rumesolba ng problema nang kalmado at may respeto sa kapwa.

 

Kaya naman, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lokal ang mga programa at inisyatibong nagtataguyod ng ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa ating mga paaralan. Dahil ang bawat mag-aaral ay may karapatang matuto nang walang takot.

 

Kaya Bayambang, tandaan natin at aking uulit-ulitin: WALANG PUWANG ANG KARAHASAN SA PAARALAN.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay Dapat Alam Mo!

 

Muli, ako si Kuya Ngen na nagsasabing:

No comments:

Post a Comment