BAYAMBANG, DAPAT
ALAM MO! – August 3, 2026
(Estimated runtime: 2
minutes and 45 seconds)
(Kuya Ngen Intro)
Bayambang, dapat alam mo!
May mga biro na nakakatawa. May
mga biro na corny. At meron ding mga biro na… pwede kang makasuhan. Oo, hindi
ako nagbibiro.
Laganap ngayon ang mga linyang,
“May bomba riyan!”
“May iniwan akong bomba sa
bag!”
“Bombahin ko ’yan!”
Tapos sasabihin, “Joke
lang!” Engkkk! Maliii! Kasi hindi lahat ng joke ay harmless. At lalong
hindi nakakatawa ang bomb joke.
Bayambang, dapat alam mo na may
batas laban dito. Ito ang Presidential Decree No. 1727 o mas kilala
bilang Anti-Bomb Joke Law, kung saan ipinagbabawal nito ang pagpapakalat
ng maling impormasyon o pagbibiro tungkol sa bomba o anumang eksplosibo na
maaaring magdulot ng takot, alarma, o kaguluhan sa publiko.
Kahit sabihin mo pang: “Prank
lang naman,” o “Content lang,” o “Trip lang,”
Kapag naparesponde ang mga
awtoridad o nagdulot ng takot sa publiko, maaari kang managot sa batas.
Isipin mo ito. Isang biro lang
ang sinabi mo, pero maaaring mapatigil ang biyahe ng toda, maantala ang kita ng
mga karinderya, ma-evacuate ang mga estudyante, o mapakilos ang mga pulis,
bumbero, at rescue personnel. Hindi lang oras ang nasasayang—pati pondo ng
gobyerno at lakas ng ating mga first responders.
At habang abala sila sa isang
pekeng alarma, paano kung may totoong sunog? May aksidente? May taong
nangangailangan ng agarang tulong?
Kaya tandaan, ang bomb joke ay
hindi simpleng biro. Maaari itong maglagay sa panganib ng buhay ng ibang tao.
Pero don’t worry, Bayambang
kasi dito sa ating bayan, walang puwang ang ganitong mga biro. Mahigpit ang
pagpapatupad ng batas at patuloy ang pagbabantay ng ating Bayambang Municipal
Police Station, BPSO, TFD kasama ang iba pang law enforcement at emergency
response agencies, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat
Bayambangueno.
Bahagi ito ng patuloy na
pagsisikap at pagtitiyak ni Mayor Niña na ang bawat Bayambangueño ay ligtas. Sa
paaralan, lansangan, o sa anumang pampublikong lugar.
At ngayong uso na ang social
media, mas lalo tayong dapat maging maingat. Isang post, isang comment, isang
chat, o isang voice message lang, puwedeng makarating agad sa mga awtoridad.
Tandaan, ang digital footprint ay hindi basta-basta nabubura.
Kaya Bayambang, bago ka
magbiro, mag-post, o gumawa ng content, itanong mo muna sa sarili mo: Nakakatawa
ba talaga ito, o makakaperwisyo lang sa iba? Dahil ang tunay na joke ay hindi dapat
nagdudulot ng takot.
Bayambang, ang lahat ng ito ay
Dapat Alam Mo!
Muli ako si Kuya Ngen na
nagsasabing:
No comments:
Post a Comment