Wednesday, August 19, 2026

Monday Report - August 24, 2026

 

Monday Report - August 24, 2026

 

(Special Edition - 8th Anniversary of Rebolusyon Laban sa Kahirapan)

 

 

INTRO

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si ___, mula sa ____ Office.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _____, mula sa ____ Office. Walong taon na nating kasama ang isang adhikaing naglalayong baguhin hindi lamang ang kalagayan ng ating mga mamamayan, kundi ang kinabukasan ng buong Bayambang.

 

NEWSCASTER 1: Walong taon ng pagkakaisa, mapagmalasakit na serbisyo, at walang humpay na laban—ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

NEWSCASTER 2: At sa bawat programang naihahatid, bawat pamilyang natutulungan, at bawat buhay na nabibigyan ng bagong pagkakataon, patuloy nating isinusulat ang kuwento ng isang Bayambang na umaangat at walang iniiwan.

 

SABAY: Ito ang tinig ng walong taong pagbabago. Ito ang tinig ng serbisyo publiko.

Ito ang… BayambangueNews!

 

 

1.    Mga Binaha, Agad Tinulungan

 

A. Agarang tumugon ang LGU sa mga pamilyang naapektuhan ng habagat, kabilang ang pamamahagi ng daan-daang relief packs, timba na may hygiene kits, mga katre, itlog, at micronutrient powder para sa mga evacuee sa Manambong Sur. Ang mga miyembro ng MDRRMC ay personal na nagtungo sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Purok 7, Brgy. Managos; Sitio Lagare ng San Gabriel 2nd at Paragos; Sitio Nalseban ng San Gabriel 2nd at Paragos; at Sitio Leksab, Manambong Sur.

 

B. Kasama sa operasyon ang briefing sa MDRRMO Operations Center, pakikipag-koordinasyon sa mga barangay, at inspeksyon at paglilinis ng evacuation centers. Pinangunahan ang operasyon ng MDRRMO katuwang ang MSWDO, PNP, BFP, RHU, MNAO, at mga barangay DRRMC.

 

[Note to Verna and Lara: These 2 news bullets are a mix of different news reports, so pls make sure the details and photos match.]

 

2.    Karagdagang Tulong ni Mayor Niña, Ipinamahagi

 

A. Sa gitna ng walang humpay na ulan at pagbaha, muling namayani ang malasakit sa pamamagitan ng mga munting inisyatiba ni Mayor Niña: ang pag-iikot ng “Galila Mangan Tila” food truck sa bayan at sa mga barangay upang maghatid ng libreng bagong-lutong lugaw sa gitna ng lamig na naranasan.

 

B. At bukod pa rito, bilang dagdag na tugon, naglaan din si Mayor Niña ng sariling pondo para sa karagdagang grocery packs na agad ipinamahagi sa mga residente ng mga binahang barangay.

 

[Note to Verna and Lara: pls make sure the details and photos match.]

 

 

3.    Bayambang, Nakibahagi sa Unang Ling̃áy Professorial Lecture

 

Nakibahagi ang MTICAO, Municipal Museum, at Bayambang Municipal Council for Culture and Arts sa inaugural Ling̃áy Professorial Lecture sa Sison Auditorium sa Lingayen, na nakatuon sa pagpapahalaga sa kasaysayan at pamanang kultural ng Pangasinan. Tampok sa talakayan ng batikang historyador na si Prof. Regalado Trota Jose ang kasaysayan ng sining at arkitekturang pangsimbahan noong panahon ng Kastila at ang paglawak ng Dominican mission sa Pangasinan—mga kaalamang mahalaga sa patuloy na pangangalaga ng sariling pamana ng Bayambang.

 

 

4.    Bagong Konsehal, Nag-courtesy Call kay Mayor Niña

 

Nag-courtesy call noong August 19 kay Mayor Niña ang bagong itinalagang Municipal Councilor na si Councilor Mylvin “Boying” Junio bilang bagong miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang. Si Councilor Junio ay itinalaga bilang kapalit ng kanyang yumaong anak na si Coun. Jan Nazer B. Junio, na dating nagsilbi sa konseho. Ang pagkakataong ito ay patunay na sa kabila ng mga hamon, nananatiling matatag, maayos, at nagkakaisa ang Executive at Legislative branches ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang.

 

 

5.    Pulong ukol sa Uncoordinated Land Surveys, Ipinatawag sa Mangabul

 

Ipinatawag ni Municipal Legal Officer at OIC–Municipal Assessor, Atty. Bayani B. Brillante, Jr., ang isang urgent public dialogue noong August 19 hinggil sa mga iniulat na uncoordinated land surveys sa Mangabul Lake Reservation. Dumalo si Dr. Cezar T. Quiambao, kasama ang mga punong barangay ng pitong barangay sa paligid ng Mangabul Lake, gayundin sina Engr. Manuel Romin at G. Rodolfo Camacho ng Federation of Free Farmers at Mangabul Lake Farmers Association. Sa dayalogong ito, nilinaw ang isyu at nabigyan ng pagkakataon ang mga residenteng may pagmamay-ari, interes o concern sa lugar na maipahayag ang kanilang panig tungo sa maayos at konstruktibong solusyon.

 

 

6.    PDRA para sa Namuong Sama ng Panahon, Isinagawa

 

Pinangunahan ni Mayor Niña ang ginawang Pre-Disaster Risk Assessment ng MDRRM Council noong August 19 upang maliwanagan ang lahat ukol sa sitwasyon at matukoy ang mga nararapat gawin sa pagdating ng bagyong Neneng at iba pang weather disturbances. Dahil dito, maayos na naihanda ang mga rescue vehicle at equipment, at maayos na nasabihan ang lahat ng personnel sa kani-kanilang gampanin upang matulungan ang lahat ng apektado ng dumaang bagyo at naging pagbaha.

 

 

7.    Stray Animals, Patuloy na Nahahanapan ng Adoptive Parents ng Local Shelter

 

Patuloy ang Bayambang Animal Shelter sa pagkalinga sa mga stray pets na aso at pusa, matapos itong makahanap ng mga bagong adoptive fur parents sa mga alagang napabayaan at natagpuan na lamang na pagala-gala kung saan-saan. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga at paghahanap ng responsableng mga tagapag-ampon, nabibigyan ang mga ito ng pagkakataong magkaroon ng ligtas, maayos, at mapagmahal na tahanan.

 

 

8.    Mga Natagpuang Gamit, Naibalik sa May-ari

 

Patuloy na naibabalik sa kanilang mga tunay na may-ari ang mga nawawalang gamit, kabilang ang mga wallet at cell phone, sa tulong ng mga tapat na kawani ng Munisipyo. Sa tulong ng mga departamento gaya ng BPSO, TFD, at SEE, mabilis na nahahanap ang mga lehitimong may-ari ng mga ito. Dahil sa kanilang katapatan at malasakit sa kapwa, naipapakita ng mga kawani na ang integridad sa paglilingkod-bayan ay nasusukat din sa maliliit ngunit makabuluhang paggawa ng kabutihan sa kapwa.

 

[Show at least 3 different photo sets.]

---

 

OUTRO

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po si ___ ng ____ Office, naghahatid sa inyo ng mga kuwento ng serbisyo, pagbabago, at pag-asa sa ating bayan.

 

NEWSCASTER 2: Walong taon man ang lumipas, hindi nagtatapos ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Sa halip, nagpapatuloy ito—sa bawat serbisyong naihahatid, bawat pamilyang inaabot at ating isinasama sa pag-unlad.

 

NEWSCASTER 1: Dahil ang tunay na pagbabago ay hindi nasusukat lamang sa mga nagawa na, kundi sa mga buhay na patuloy nating binabago at sa kinabukasang sama-sama nating binubuo.

 

NEWSCASTER 2: Mula sa unang hakbang hanggang sa ikawalong taon, at patungo sa mga susunod pang taon—kasama ninyo kami sa pagpapatuloy ng rebolusyong ito.

 

SABAY: Walong taon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Walong taon ng serbisyo. Walong taon ng pagbabago. At sa laban na ito ay nagpapatuloy tayo!

 

Ito ang… BayambangueNews!

No comments:

Post a Comment