MONDAY REPORT –
MAY 18, 2026
INTRO
Newscaster 1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ____ ng Bayambang
Public Safety Office.
Narito na naman tayo upang ihatid ang mga pinakabagong
balita at mahahalagang kaganapan sa ating bayan.
Newscaster 2: At ako po naman si _____ ng Bayambang Public
Safety Office. Mula sa mga programang pabahay hanggang sa paglapit ng mga
oportunidad—patuloy na gumagalaw ang LGU-Bayambang tungo sa mas maunlad na
kinabukasan.
Both: Ito ang… BayambangueNews!
HEADLINES
- Adisyunal
na Kubo, Tinanggap ng 3 Pamilya
Muling naghatid ng pag-asa ang
LGU, kasama ang Rotary Club of Bayambang, sa pamamagitan ng pamamahagi ng
ika-anim, -pito, at -walong bahay kubo mula sa “Grand Ukay for a Cause” project
ni Mayor Niña. Naging benepisyaryo ang pamilya ni Gng. Annalyn E. Bato ng Brgy.
Dusoc, Jovelyn A. Repiroga ng Inirangan, at Jorelyn N. Valdez ng Carungay. Ang
kubo ay may kasamang solar panels, solar lights, at solar fan. Naging posible
ang proyekto sa tulong ng personal na donasyon ni Mayor Niña at Rotary Club, at
ang kinita mula sa Grand Ukay for a Cause.
2. Mang
Inasal, Nag-exploratory Visit
Bumisita ang mga kinatawan ng Mang Inasal noong May 11 upang
makipagpulong kay Mayor Niña kaugnay ng posibilidad ng pagbubukas ng franchise
sa BYB Metro o iba pang posibleng lokasyon sa bayan ng Bayambang. Sinamahan ang
mga bisita ni SEE head, Atty. Justine Alvarez, sa tanggapan ng alkalde.
3. Bagong
Social Annex Building, Pinasinayaan
Pinasinayaan ni Mayor Niña ang bagong Social Annex Building
A o Bougainvillea Building sa Brgy. Magsaysay sa ilalim ng pangangasiwa ng
MSWDO. Layunin nitong palawakin at pagandahin ang paghahatid ng social services
ng Office of the Senior Citizens Affairs at Local Youth Development Office, at magsilbing
dance studio naman ang ikatlong palapag para sa mga kabataan.
4. 'Ausome
Parents,' Nakatanggap ng Tulong Pinansiyal
Ang unang batch ng mga magulang na may anak na may autism
spectrum condition ay nakatanggap ng financial assistance na P1,000 kada isa
para ipandagdag sa naganap na psychiatric assessment ng kanilang mga anak. Ang
tulong pinansiyal ay inihatid ng MAC at PDAO sa tulong ni Mayor Niña.
5. 4,104
Coconut Seedlings, Ipinamahagi ng PCA sa Managos
Sa tulong ng M.C.D.O., namahagi ang Philippine Coconut
Authority (PCA) ng 4,104 na piraso ng coconut seedlings sa mga miyembro ng
Managos Farmers Agriculture Cooperative. Tinuruan din ng PCA ang mga miyembro
ng kooperatiba ng tamang pagtatanim at wastong pangangalaga sa mga ito upang
tumubo ng maayos at mamunga ng sagana.
6. Makabagong
Sistema ng Document Disposition, Tinalakay
Nagtipun-tipon noong Mayo 12, 2026 ang mga department head,
Document Control Custodian, at Internal Quality Auditor sa isang pulong na
inorganisa ng ICT Office upang talakayin ang Modernized Document Management
System ng LGU. Tinalakay rin ang bagong Records Disposition Schedule bilang
gabay sa wastong pag-archive at pag-dispose ng mga dokumento alinsunod sa
batas, bilang bahagi ng layunin na mas mapabilis ang pagproseso ng mga papeles
at dokumento ng Munisipyo.
7. MDRRMC,
Agarang Umksyon para sa Kaligtasan ng Publiko
A. Agad na rumesponde ang MDRRMC Bayambang sa iba’t ibang
operasyon para sa kaligtasan ng mamamayan noong May 12 to 13. Kabilang dito ang
pag-aalis ng mga tuyot na punong posibleng panganib sa luamng campus ng
Bayambang Central School.
B. Sumunod dito ay ang pagpapalit ng sirang streetlight
upang mapanatili ang kaligtasan sa mga pampublikong lugar sa Brgy. Bani.
C. At sa request ng Tourism Office, nagbigay rin sila ng
standby medical at security assistance para sa Tour of Luzon 2026 bilang
suporta sa malakihang event.
8. Mga
Senior Citizen, Dumalo sa Seminar ukol sa RA 9994
Isang seminar ang dinaluhan ng mga senior citizen kung saan
tinalakay ang mga karapatan, benepisyo, at legal na proteksyon ng mga senior
citizen alinsunod sa R.A. 9994. Pinangunahan ang seminar na ito ng mga legal
experts mula sa PHINMA University of Pangasinan at Integrated Bar of the
Philippines. Sa naturang aktibidad, mas napalawak ang kaalaman ng mga
nakatatanda upang mas maprotektahan ang kanilang karapatan at maiwasan ang
diskriminasyon.
9. Mga
Usaping IT at AI, Tinalakay
Noong May 13, sa 2nd Quarter meeting ng IT Technical Working
Group, tinalakay ang pagpapalakas ng mga ICT service at digital coordination sa
lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga naging paksa ang basic internet
troubleshooting at basic AI prompting bilang bahagi ng layunin ng LGU na
mapahusay ang kaalaman ng mga kawani at maisulong ang modernisasyon para sa mas
episyenteng serbisyo publiko.
10. Dayalogo
para sa Pagtataguyod ng Reservist Monitoring at Disaster Volunteer Corps
Isinagawa sa Bayambang ang isang dayalogo sa pamumuno ng
Philippine Army 104th Community Defense Center upang palakasin ang koordinasyon
sa reservist monitoring at disaster response initiatives. Tinalakay dito ang
papel ng focal persons sa pagmo-monitor ng aktibong reservists at pagpapadali
ng recruitment para sa Basic Citizen Military Training (BCMT). Pinag-usapan din
ang pakikipag-ugnayan sa LGUs para sa pagbuo ng Army Disaster Volunteer Corps
(ADVC) bilang suporta sa disaster preparedness at mobilisasyon.
11. Task
Force Disiplina, May Bagong Uniporme
Naipamahagi ang bagong uniporme ng mga opisyales at miyembro
ng Task Force Disiplina, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang
organisasyon. Lubos namang ikinatuwa ng mga miyembro ang pagtanggap ng bagong
kasuotan na magsisilbing pagkakakilanlan nila habang nagsasagawa ng mga
operasyon at programa para sa kapakanan ng publiko.
12. Mga
Serbisyong Sibil, Dinala sa Langiran
Isinagawa sa Barangay Langiran ang “Your Name, Your Right”
na naglalayong dalhin sa malalayong barangay ang iba’t ibang civil registration
services at palakasin ang kamalayan ng mamamayan sa kanilang legal na
pagkakakilanlan. Tinalakay ang kahalagahan ng maayos na dokumento para sa
edukasyon, seguridad, at oportunidad, habang isinagawa rin ang mobile
registration services.
13. 1,629
TODA Members, Tumanggap ng P5,000 Fuel Subsidy
May 1,629 lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and
Drivers’ Association ang tumanggap ng tig-₱5,000 fuel subsidy sa isang payout
activity na ginanap noong May 14. Ang nasabing subsidy ay ipinagkaloob ng lokal
na pamahalaan sa tulong ng DSWD bilang agarang tulong sa mga tricycle driver na
naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng digmaan
sa Middle East.
14. Nalsian
Sur Talipapa Vendors, Ginabayan sa Requirements upang Maging Legal ang
Operasyon
Noong May 14, pinulong ng LGU ang mga vendor ng talipapa sa Nalsian
Sur upang pag-usapan ang tungkol sa business permit at mga kinakailangang
dokumento gaya ng Affidavit of Undertaking para maging legal o compliant sa
batas ang operasyon ng kani-kanilang negosyo. Dumalo sa pagpupulong ang mga
concerned department head sa pangunguna ng BPLO kasama si Punong Barangay
Martin Delfin sa Nalsian Sur Barangay Hall.
15. Isang
Buwang IEC sa mga Barangay, Isinagawa ng RHU I
Matagumpay na naisagawa ng RHU 1 ang isang buwang health IEC
campaign sa 42 barangay na umabot sa 2,669 na residente ang nakinabang.
Tinutukan nito ang rabies prevention, non-communicable diseases tulad ng
hypertension at diabetes, at pagpapalakas ng health communication systems sa
barangay level. Kasabay nito ang PhilHealth enrollment upang masigurong mas
malawak ang access ng mga mamamayan sa serbisyong pangkalusugan.
16. RHU,
Tagumpay sa Annual Surveillance ng DOH!
Lumabas na ganap na compliant ang RHU 1 sa isinagawang
taunang surveillance inspection ng Regulatory, Licensing and Enforcement
Division ng DOH upang tiyakin ang pagsunod ng Birthing Facility at Clinical
Laboratory ng RHU I sa mga pamantayan sa kalusugan. Sinuri ang birthing
facility at laboratoryo kabilang ang safety, hygiene, records management, at
infection control systems. Ang finding ng compliance ay patunay ng mataas na
kalidad ng serbisyong medikal ng RHU I.
***
***
Bayambang, Dapat Alam Mo!
Bayambang, dapat alam mo na ang Bayambang Public Safety
Office o BPSO, kasama ng Task Force Disiplina, ay katuwang ng PNP bilang force
multiplier, upang siguraduhin ang kaayusan at seguridad ng mga empleyado,
bisita, at kagamitan sa lahat ng major facilities ng LGU. Kasama na rin dito
ang mga major events ng LGU at mga NGO.
Sinisiguro rin ng BPSO na maayos na nasusunod ang mga batas
trapiko upang maayos ang daloy ng lahat ng pangunahing daan sa ating bayan.
Noong 2025, ang BPSO ay nagkaron ng 11,268 na bilang ng apprehended violators:
---------------------------------------
[FLASH ONSCREEN]
SUMMARY OF APPREHENDED VIOLATORS FOR 2025:
Riding a
motorcycle without protective helmet - 6,052
Driving without
license - 4,375
Failure to obey
police order - 959
Disregarding
traffic lights/signs - 641
Illegal parking
- 634
No side mirror
- 379
No OR/CR - 266
Obstruction -
191
Driving with an
expired license - 137
Truck ban - 122
Unregistered motorcycle
- 106
No franchise -
85
Reckless
driving - 56
No plate number
- 35
Modified muffler
- 35
Expired OR/CR -
26
Total number of apprehended violators: 11,268
---------------------------------------
Sakop na rin ng BPSO ang pangangasiwa sa mga ambulansya at
PTV o patient transport vehicle ng LGU. Sa taong 2025, mayroon po tayong 1,516 na
pasyente na dinala sa mga major
hospital tulad ng Philippine Heart Center, Philippine General Hospital, Baguio General
Hospital, Ilocos Training and Regional Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical
Center, at iba pa, upang mabigyan ng kaukulang lunas medikal. Mayroon namang 79
na pasyente ang dinala sa hospital at ibang health facilities dito sa
Pangasinan.
---------------------------------------
[FLASH ONSCREEN]
SUMMARY OF AMBULANCE SERVICES FOR 2025
Vehicular Accident - 445
Residence to Hospital - 627
Transfer hospital to hospital - 444
Patient transported outside Pangasinan - 79
Total: 1,595 clients
----------------------------------------
At mayroon namang 1,956 na pasyente ang inihatid ng ating
PTV o Patient Transport Vehicle para sa mga non-emergency cases.
[FLASH ONSCREEN]
PATIENT TRANSPORT VEHICLE o PTV SERVICES (Non-emergency Cases)
FOR 2025:
Within Pangasinan: 339
Outside Pangasinan: 22
Total: 361 clients
Grand Total: 1,956
------------------------------------------
Sa kabuuan, mayroon tayong 1,956 na pasyente na natulungan sa
buong 2025.
***
Pingangasiwaan din ng BPSO personnel 24/7 ang Command
Center, kung saan matatagpuan ang #4357 na katulad ng 911 sa Amerika. Dito rin
nakalagay ang mga CCTV monitoring system na nakakapagpabilis sa paglutas ng
kaso na hawak ng ating kapulisan tulad ng pagnanakaw, pananakit, o pambubully,
missing items or person, at vehicular accident. Sa kasalukuyan, mayroong 192 na
aktibong CCTV ang minomonitor ng BPSO.
Sa taong 2025, may kabuuang 225 na playback requests for
CCTV footage kaugnay ng mga vehicular traffic incident, shooting incident,
carnapping, missing person, pang-iiscam, atbp. ang ating natugunan. May daan-daang
emergency calls naman ang nabigyan ng mabilisang aksyon ng ating #4357.
Mahigpit ding binabantayan ng BPSO ang lahat ng building at
pasilidad ng Munisipyo upang maprotektahan ang mga ito laban sa sunog,
panloloob, pagnanakaw, at paninira.
Ito ang mga iba’t ibang gawain ng ating mga tauhan sa
Bayambang Public Safety Office (BPSO).
Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
***
OUTRO
Newscaster 1: Sa bawat proyektong naipapatupad at bawat
Bayambangueñong kinikilala, patuloy na pinatutunayan na ang tunay na serbisyo
ay ramdam ng mamamayan.
Newscaster 2: Asahan ninyo ang patuloy naming paghahatid ng
mga balitang makabuluhan, napapanahon, at may malasakit para sa bawat
Bayambangueño.
Newscaster 1: Muli ako po si _____.
Newscaster 2: At ako naman po si ______, mula sa Bayambang
Public Safety Office.
Both: Ito ang… BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment