Friday, May 15, 2026

Bayambang, Dapat Alam Mo! - BPSO/TFD Services

  

Bayambang, Dapat Alam Mo! - BPSO/TFD Services

Bayambang, dapat alam mo na ang Bayambang Public Safety Office o BPSO, kasama ng Task Force Disiplina, ay katuwang ng PNP bilang force multiplier, upang siguraduhin ang kaayusan at seguridad ng mga empleyado, bisita, at kagamitan sa lahat ng major facilities ng LGU. Kasama na rin dito ang mga major events ng LGU at mga NGO.

Sinisiguro rin ng BPSO na maayos na nasusunod ang mga batas trapiko upang maayos ang daloy ng lahat ng pangunahing daan sa ating bayan. Noong 2025, ang BPSO ay nagkaron ng 11,268 na bilang ng apprehended violators:

---------------------------------------

[FLASH ONSCREEN]

SUMMARY OF APPREHENDED VIOLATORS FOR 2025:

Riding a motorcycle without protective helmet - 6,052

Driving without license - 4,375

Failure to obey police order - 959

Disregarding traffic lights/signs - 641

Illegal parking - 634

No side mirror - 379

No OR/CR - 266

Obstruction - 191

Driving with an expired license - 137

Truck ban - 122

Unregistered motorcycle - 106

No franchise - 85

Reckless driving - 56

No plate number - 35

Modified muffler - 35

Expired OR/CR - 26

 

Total number of apprehended violators: 11,268

---------------------------------------

Sakop na rin ng BPSO ang pangangasiwa sa mga ambulansya at PTV o patient transport vehicle ng LGU. Sa taong 2025, mayroon po tayong 1,516 na pasyente na dinala sa mga major hospital tulad ng Philippine Heart Center, Philippine General Hospital, Baguio General Hospital, Ilocos Training and Regional Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, at iba pa, upang mabigyan ng kaukulang lunas medikal. Mayroon namang 79 na pasyente ang dinala sa hospital at ibang health facilities dito sa Pangasinan.

---------------------------------------

[FLASH ONSCREEN]

SUMMARY OF AMBULANCE SERVICES FOR 2025

Vehicular Accident - 445

Residence to Hospital - 627

Transfer hospital to hospital - 444

Patient transported outside Pangasinan - 79

Total: 1,595 clients

----------------------------------------

At mayroon namang 1,956 na pasyente ang inihatid ng ating PTV o Patient Transport Vehicle para sa mga non-emergency cases.

[FLASH ONSCREEN]

PATIENT TRANSPORT VEHICLE o PTV SERVICES (Non-emergency Cases) FOR 2025:

Within Pangasinan: 339

Outside Pangasinan: 22

Total: 361 clients

Grand Total: 1,956

------------------------------------------

Sa kabuuan, mayroon tayong 1,956 na pasyente na natulungan sa buong 2025.

***

Pingangasiwaan din ng BPSO personnel 24/7 ang Command Center, kung saan matatagpuan ang #4357 na katulad ng 911 sa Amerika. Dito rin nakalagay ang mga CCTV monitoring system na nakakapagpabilis sa paglutas ng kaso na hawak ng ating kapulisan tulad ng pagnanakaw, pananakit, o pambubully, missing items or person, at vehicular accident. Sa kasalukuyan, mayroong 192 na aktibong CCTV ang minomonitor ng BPSO.

Sa taong 2025, may kabuuang 225 na playback requests for CCTV footage kaugnay ng mga vehicular traffic incident, shooting incident, carnapping, missing person, pang-iiscam, atbp. ang ating natugunan. May daan-daang emergency calls naman ang nabigyan ng mabilisang aksyon ng ating #4357.

Mahigpit ding binabantayan ng BPSO ang lahat ng building at pasilidad ng Munisipyo upang maprotektahan ang mga ito laban sa sunog, panloloob, pagnanakaw, at paninira.

Ito ang mga iba’t ibang gawain ng ating mga tauhan sa Bayambang Public Safety Office (BPSO).

Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!

No comments:

Post a Comment