Sunday, May 31, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Mga Investment sa Edukasyon ng Team Quiambao-Sabangan

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

Bayambang, dapat alam mo… kung may isang investment na hindi kailanman lugi, ‘yan ay edukasyon. At mukhang gets na gets ‘yan ng kasalukuyang administrasyon dahil sunod-sunod talaga ang suporta para sa mga estudyante, guro, at paaralan sa bayan.

Una, dapat alam mo na noong 2015 bago umupo ang Administrasyong Quiambao Sabangan wala pang 2 milyon ang pinagkakasya sa mahigit 56 na pampublikong paaralan, but nowww umaabot na sa 8 milyon hanggang 11 milyon taun-taon ang Special Education Fund o SEF para mas maraming educational programs, projects, at school needs ang masuportahan. Dahil na rin ito sa masigasig na pangongolekta ng amilyar…. Oops sa ibang episode ko idiscuss to! dagdag pa rito, ang sahod ni former CTQ and Mayor Nina ay sa edukasyon binigay kasama na rin ang mga tulong sa ating mga kababayan… oo totoo yan walang sahod sila Mayor since 2016… wala silang nahihita sa munisiyo… kahit gasolina, security at sasakyan hindi charge sa munisipyo… kaya niyo yornnn??

Kasi real talk lang, hindi sapat ang “good luck students” lang. Ang pag-popost sa FB page. Dapat may actual support. Hindi pwedeng “manifesting” lang ang baon ng mga estuzents.

At speaking of support, Bayambang, dapat alam mo rin na libo-libong school supplies ang ipinamamahagi para makatulong sa mga mag-aaral lalo na sa mga estudyante mula Kinder to grade 6 sa lahat ng elementarya sa bayan. Actually, kahit yung mga schools sa labas ng Bayambang pero karamihan ng students ay mga taga Bayambang, tulad ng Nalneran Elementary School sa Basista at Batangcaoa South Elementary School at Baug Elementary School sa Urbiztondo.

 

Kung noon aligaga, hindi mapakali, hindi magkamayaw, at may agam-agam ang magulang kung saan kukuha ng pambili ng gamit ng mga bata, ngayon dahil sa adminsitaryong Quiambao Sabangan ay siguradong papasok ang mga bata na may gamit na…

 

For your information nga, for this school year 18 thousand na mga bata ang mabibigyan ng gamit! Pasabog! Atake!. Papasok ka nalang na nasa schools na ang mga gamit mo talaga….

 

Bayambang, dapat alam mo na noon ay kelangan pa ng mga guro na manghingi kani-kanino ng mga gamit panglinis at pintura para sa brigada Eskwela… pero ngayooon! Dahil kay Mayor Nina intant na instant may panimulang gamit at pintura na ang bawat paaralan mula elementary hanggang high school. Oh teka, teka, teka! Start pa lang ito, pwedeng pwede ka paring magdonate, wag ka na lang papilit para hindi stress sila Sir and Madam… by the way highway, today is the start of brigada, samahan natin sila, ano tara?

 

At syempre, hindi pwedeng maiwan ang tekenoloja! tekenoloja!

Kung noon ang mga guro ang bumibili ng sarili nilang gamit… Dapat alam mo na ngayon ang LGU Bayambang ay namigay at namimigay rin ng printers, TV, ICT equipment, at iba pang learning tools para sa mas moderno at effective na pagtuturo. Kasi beh, digital era na tayo. 75 inches TV binigay ng LGU ha! Kita pati pores ni Auntie sa laki ng TV! Alam mo ha?

 

Pero hindi lang academics ang priority.

Bayambang, dapat alam mo rin na tuloy-tuloy ang suporta para sa mga atleta ng bayan. Mula trainings, kagamitan, at assistance sa competitions, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may talento sa sports na mas mahasa pa ang kanilang kakayahan. Actually, sunud-sunod ang panalo ng mga pambato natin. Ang problema? Habang pataas nang pataas ang level ng kompetisyon, pataas din nang pataas ang presyo ng pamasahe—at siyempre, ang kaba ng ating mga atleta na baka hanggang panalo na lang sila, pero hindi makalipad papuntang susunod na laban.

 

Kaya naman para sa Palarong Pambansa 2026, hindi hinayaang mapurnada ni Mommy Niña ang kanilang pinaghirapan. Gamit ang personal niyang pera, naglaan lang naman sha ng mahigit 170,000 para sa plane tickets ng ating mga atleta upang makabiyahe at makalaban sa Agusan. Dahil for her, ang problema ng pamasahe ay hindi dapat maging hadlang sa pangarap na magdala ng karangalan para sa Bayambang. Malay niyo ang susunod na Carlos Yulo ay nasa barangay niyo lang pala.


Keri pa ba? Yung totoo? …. Oh ito pa ang pasabog ng taon…. Noong 2016 bago maupo ang Team Quiambao-Sabangan, muntikan na tayong manakawan ng isang bilyong piso… yan kasi ang halaga ng lupa ng old Central School….whaat!!! oo dahil illegal na kinuha  ang old central school… buti na lang to the rescue sila Mayor…. Kaya matapos ang halos isang dekada, Nabawi na natin ang lupa ng old central school…. Yehey yehey….. pero teka tatanungin mo siguro baka paalisin na yung mga bata sa bagong central school sa Magsaysay… don’t ya worry!

 

Dapat alam mo na ang lupa, mga buildings, sugar, spice, and everything nice sa bagong Central school… nabili na ng LGU… ibig sabihin forever na ang bagong Central School… hindi na ito mananakaw at hinding hindi mapapalis ang mga bata….

 

At eto ang talagang pinakamalaking flex.

Dapat alam mo na noon ay kelangan pang maglakad ng mahigit 3 kilometro ang mga taga ligue at karamihan sa kanila ay hindi na nakakapagtapos ng elementary dahil sa layo ng paaralan. Well, well, wititi na ngayon dahil nagpagawa lang naman tayo ng bagong elementary school sa Ligue. Ang  Don Teofilo C. Mataban Memorial School.

Dapat alam mo rin na dahil sa Kasama kita sa Barangay Foundation ay naipatayo ang unang mga classrooms… oh yes donasyon ulit ito nila Mayor! Isa kang genius na niallang, Mayora! Maliban na rin sa donasyong lupa ng pamilya mataban…. Oh edi bong is ga talaga! At sa ngayon nakapagpa-graduate na ang school ng first batch ng Grade 6 last March. San ka pa? 

Bukod sa basic education syempre nandyan ang Bayambang Polytechnic College na patuloy na nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang gustong makapag-aral at makapagtapos. Imagine mo ‘yun. Mas maraming pangarap ang nabibigyan ng chance maging reality. Dahil ito sa 20 million na yearly donation ni Mayor Niña! Main character behavior. Kween things. Slay! Slayyyyyy! Sa BPC may TESDA programs at mga 4-year degree courses… at ito pa beh!

Pogi daw yung presidente jan… uhmmm check natin? Ehhh chismosa! free Tuition Fee talaga ang check, at itong batch naman free graduation fee pa… check na check!

Pero kung akala mo season finale na… ay beh, pilot episode pa lang yan sha! Dahil sa dami ng suportang ibinibigay ngayon sa edukasyon, hindi pa rin ito tapos. Mas marami pang programs, scholarships, school improvements, at educational opportunities ang inaasahan sa mga susunod na taon.

Kaya Bayambang, kung napapansin mong mas lumalakas ang suporta sa edukasyon ngayon… hindi ka nag-iilusyon. Hindi ka nagdedeliryo. Totoo talaga sha! Hindi ka nanaginip…dahil totoong gising na gising ang Bayambang sa dami ng tulong at suporta sa edukasyon… oh ano gising ka na ba belek???


Kaya mga kabaleyan, handa tayo sa pagbubukas ng pasukan ngayong June 8… Samahan natin ang ating mga magigiting na guro at mga mahal nating students…

Bayambang, ang lahat ng ito ay dapat alam mo!


No comments:

Post a Comment