EVENTS COVERED
1. Bayambang Animal Shelter, Binuksan! 2. Enhanced Bayambang Community Service Card, Inilunsad 3. Agri Trade Fair, Pinasinayaan 4. Pasasalamat na Misa, Idinaos 5. Bb. Bayambang 2026, Itinanghal 6. Mega Job Fair, Isinagawa para sa mga Naghahanap ng Trabaho 7. Mga Pintor Nagpaligsahan sa Mural Painting Contest 8. Farmers’ Day Celebration, Ipinagdiwang sa Balon Events Center 9. Little Mr. and Ms. Bayambang, Nagpasaya sa mga Manonood 10. 35 Pamilya, Nabiyayaan sa Grand Ukay for a Cause 11. People’s Night at Street Party, Dinumog sa Town Proper 12. Matalunggaring Award, Iginawad sa mga Natatanging Bayambangueño 13. Barangay Night, Pinagdiwang sa Municipal Plaza 14. Fireworks Display, Nagbigay-Liwanag sa Huling Gabi 15. BPSO Traffic Enforcers, May Bagong Uniporme 16. CFAG Training, Isinagawa ng BFP 17. Oplan Semana Santa, Summer Vacation, at Bantay Fiesta, Naging Matagumpay 18. General Clean-up Drive, Isinagawa 19. Mas Pinalakas na Governance, Economic, at Infra Programs, Tinalakay sa BPRAT Meeting 20. Banta ng El Niño, Pinaghandaan sa PDRA Meeting 21. Food Bazaar, Binuksan sa Central School 22. Kambal na Sanggol na May Cleft Lip Palate, Tinulungan 23. Onesies, Ipinamahagi sa 100 Sanggol 24. Mga Programang Pangkaunlaran, Tinutukan sa MDC Meeting 25. Egg Producers Assoc., Nagseminar ukol sa Kooperatiba 26. Lecture-Workshop ukol sa Katutubong Pagkain, Panitikan, at Pamana, Isinagawa 27. SATOM CTQ, Pinarangalan ng DTCMMS 28. JKQMWCI, Ginawaran ng 'Corporate Wellness Initiative' Award sa Singapore! 29. Mga Nagwagi sa Mural Painting Contest, Inanunsyo 30. Corn Husk, Ginawang Flower Decors ng mga Kababaihang Magsasaka 31. Rotary Club, Nagdonate ng ₱20,000 para sa “Grand Ukay for a Cause” 32. Laoac Bids and Awards Committee, Nagbenchmarking Visit 33. Profiling Activity para sa TUPAD Beneficiaries, Isinagawa 34. Low-Interest Financing para sa Traktora, Handog ng LS Tractor 35. Bookkeeping Seminar-Workshop, Nilahukan ng mga Kooperatiba 36. KSB Year 9, Inilunsad sa Hermoza 37.Mga Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi 38. School Supplies, Ipinamahagi sa 18,000 na Mag-aaral 39. Mga Isyu sa Barangay, Tinalakay sa Pulong 40.Price Monitoring Team, Muling Nag-inspeksyon 41. Rice Coffee Brand, Inilunsad ng RBAC 42. LCRO, May Outreach sa Inirangan 43. RHU III at PBSP, May Libreng Chest X-Ray 44. Iba’t Ibang Proyekto, Tinalakay sa ManCom Meeting 45. 521 na Benepisyaryo, Tumanggap ng Suweldo sa TUPAD 46. Summer Dance Camp, Umarangkada! 47. Pagbaha sa Purok 1, Wawa, Nasolusyunan 48. MDRRMO, Nag-clearing Operation sa Bonery 49. Global Documentary, Magbibigay-Exposure sa Bayambang 50. Red Ribbon, Nagbukas sa Royal Mall Bayambang 51. Mga Isyung Pang-Agrikultura, Pinag-usapan ng mga Magsasaka 52. PCA, Naghanda sa Pamamahagi ng Coconut Seedlings 53. RHU Dental Clinics, PHIC-Accredited na 54. Bacnono KALIPI, Nanguna sa Eco Space Competition 55. Management Review Meeting, Pinagtibay ang Serbisyong Publiko 56. Social Pension, Ipinamahagi sa Senior Citizens 57. Civil Registry Services, Inilapit sa Amanperez 58. BPC Campus, Malapit nang Makumpleto 59. LSB Meeting, Tinalakay ang Mga Pangangailangan sa Paaralan
SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Mga Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi Sa pamamagitan ng Local School Board, namahagi ang LGU ng mga Brigada Eskwela package sa mga pampublikong paaralang elementarya at hayskul upang suportahan ang paghahanda para sa nalalapit na pasukan. Kabilang sa mga ito ang mga gamit para sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga pasilidad. Ang programa ay nagkakahalaga ng ₱795,570, at pinondohan mula sa Special Education Fund.
School Supplies, Ipinamahagi sa 18,000 na Mag-aaral Nagbigay din ang LGU ng mga school supply sa humigit-kumulang 18,000 na estudyante mula sa 49 na pampublikong paaralan bilang paghahanda sa bagong school year. Ang donasyong ito ay nagkakahalaga ng higit dalawang milyong piso, at pinondohan naman ng Children’s Welfare Fund.
BPC Campus Construction Update
Patuloy ang progreso ng ipinatatayong campus at Academic Building ng Bayambang Polytechnic College sa Brgy. Bical Norte. Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon ngayong taon, at target na makalipat ang mga mag-aaral sa unang bahagi ng 2027. Libu-libong estudyante ang nakatakdang makinabang sa mas malawak, mas maayos, at world-class na pasilidad dito mismo sa ating bayan.
Iba’t Ibang Bagong Concerns, Tinalakay sa LSB Meeting
Sa ginanap na pulong ng Local School Board noong April 30, pinag-uasapan ang ukol sa maintenance and repair activities para sa mga paaralan, Brigada Eskwela, enrolment, Summer Aral program, ang bagong 3-term school calendar, ang request para sa adisyunal na konstruksyon ng classroom building sa Catalino Castañeda Elementary School, at 500 wooden armchairs sa Don Teofilo Mataban Memorial School.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
RHU III at PBSP, May Libreng Chest X-Ray
Ang RHU III ay nagsagawa ng isang Cough Caravan o Free Chest X-Ray noong April 22 sa Brgy. Carungay Covered Court, sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress, na naglaan ng 200 slots para sa libreng chest X-ray ng mga kliyente sa distrito. Kabilang sa mga naging benepisyaryo ang mga kapamilya o household contacts ng kasalukuyan at dating TB patients, mga pasyenteng may sintomas, at mga kabilang sa vulnerable groups.
RHU I Dental Clinic, Accredited na ng PHIC!
Opisyal nang kinilala ng Philippine Health Insurance Corporation ang mga dental clinic ng RHU I at RHU II, at ito ay magbibigay-daan upang na makapagbigay ng mga libreng serbisyong dental sa mga residente. Kabilang dito ang cleaning, fluoride treatment, at iba pang preventive care services. Malaking hakbang ito upang mapabuti ang oral health ng komunidad.
- Nutrition (MNAO)
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
35 Pamilya, Nabiyayaan sa Grand Ukay for a Cause
Inilunsad ang isang “Grand Ukay for a Cause: OOTD Fashion for Compassion” bilang panibagong fundraising activity para sa 35 na kababayang walang maayos na tirahan. Sa pamamagitan ng isang pina-level-up na ukayan na umakit ng mga kalahok at mamimili, kasabay pa ng isang fashion show, pinaigting ang pagkakaisa ng komunidad at mga sponsors nito sa ngalan ng pagmamalasakit sa mga nangangailangan ng tulong.
Kambal na Sanggol na May Cleft Lip Palate, Tinulungan
Ang Persons with Disability Affairs Office ay agad na tumulong sa kambal na sanggol na may bingot o cleft lip palate matapos humingi ng tulong ang kanilang opisina. Sa tulong ng Public Safety Office, ang mga sanggol ay dinala sa Kapampangan Development Foundation Inc. sa Bacolor, Pampanga upang ma-check-up ng libre bago ang operasyon.
Onesies, Ipinamahagi sa 100 Sanggol
Ang MSWDO ay nagpamahagi ng onesies o damit na pang-sanggol sa isandaang zero0 to two-year old na mga indigent na bata. Ang aktibidad ay bahagi pa rin pagdiriwang ng Women's Month.
Rotary Club, Nagdonate ng ₱20,000 para sa “Grand Ukay for a Cause”
Samantala, nagbigay ang Rotary Club of Bayambang ng adisyunal na ₱20,000 cash donation para sa “Grand Ukay for a Cause,” na sumusuporta sa paghahandog ng bahay kubo para sa mga kapuspalad at nagpapakita ng diwa ng bayanihan sa komunidad - Civil Registry Services (LCR) Mga Senior Citizen, Tumanggap ng Social Pension
Sa pagtutulungan ng Treasury Office at MSWDO, maayos na tumanggap ng kani-kanilang social pension ang mga indigent na senior citizen noong April 28 at 29. Ang payout activity ay ginanap sa iba’t ibang barangay sa magkahiwalay na araw upang hindi na bumiyahe pa ang mga senior citizen sa sentro ng bayan.
Nag-umpisa na ang libreng Summer Dance Camp para sa ballet at hip-hop dance na inorganisa ng BPRAT, LYDO, at MSWDO, sa kagustuhang mabigyan ang mga kabataan ng mga makabuluhang summer activities. Ito ay ginanap noong April 14 at 15 sa dance studio ng LGU sa MSWDO Bldg. A. Nagsilbing dance instructor sa ballet si Perry Sevidal, isang respetado at batikang company member ng Ballet Philippines, at sa hip-hop dance si John Jeremy Ong, isang male pageant enthusiast at dance coach sa Urdaneta City.
LCRO, May Outreach sa Inirangan
Noong April 22, dinala ng Local Civil Registry Office ang information drive at mobile services nito sa Brgy. Inirangan upang mailapit sa mga residente ang iba’t ibang kaalaman at serbisyong may kinalaman sa civil registration. Maraming residente ang nakinabang sa pagproseso at pagwawasto ng dokumento, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng legal identity.
Civil Registry Services, Dinala sa Amanperez
Dinala ng LCRO ang kanilang rumurondang mga serbisyo sa Brgy. Amanperez noong April 29, kaya naman mas napadali para sa mga residente ang pag-aayos ng kanilang mahahalagang civil registry documents nang hindi na bumibiyahe. Marami ang nakinabang sa mga serbisyong tulad ng late registration, record correction, at iba pang proseso, habang nabigyan din ng kaalaman ang komunidad tungkol sa kahalagahan ng tamang dokumentasyon.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Mga Pintor Nagpaligsahan sa Mural Painting Contest
Maagang isinagawa ang isang dike cleaning and painting activity sa kahabaan ng dike sa Agno River bilang bahagi ng pangangalaga sa kapaligiran habang isinusulong naman ang sining at kultura. Muling binuhay ng kulay ng naturang paligsahan ang bahaging ito ng bayan na malimit tambayan ng mga kabataan.
General Clean-up Drive, Isinagawa
Isang general clean-up drive ang isinagawa ng LGU noong April 6, upang agad na maibalik ang kalinisan at kaayusan matapos ang pista at Semana Santa. Pinangunahan ito ng ESWMO katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng munisipyo at mga barangay, kabilang ang paglilinis ng mga lansangan, pampublikong lugar, at pagtanggal ng mga naiwan na tarpaulin at posters.
Mga Nagwagi sa Mural Painting Contest, Inanunsyo
Ang mga nagwagi sa Pista’y Baley Mural Painting Contest ay inanunsyo, kung saan kinilala ang husay ng mga lokal na artista habang isinusulong ang dike bilang isang malinis at maayos na pasyaan. Itinanghal ng organizer na LYDO at SK Federation si Ricardo Diaz bilang grand prize winner.
KALIPI ng Bacnono, Wagi sa Eco Space Competition Nanguna ang KALIPI members ng Brgy. Bacnono sa Eco Space Competition na isinagawa ng ESWMO bilang parte ng Bali-Balin Bayambang clean-green-and -bloom program. Sinundan ito ng Brgy. Bani at Brgy. Sanlibo batay sa creativity at sustainability ng kanilang entries. Ang patimpalak na ito ay lalong nagpalakas sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng inobasyon.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
BPSO Traffic Enforcers, May Bagong Uniporme
Ang mga traffic enforcer ng Bayambang Public Safety Office ay binigyan ng bagong kumpletong uniporme noong March 28, upang mapahusay ang kanilang kaligtasan at propesyonalismo. Kabilang dito ang mga reflectorized vest na magpapataas ng kanilang visibility lalo na sa gabi.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
Bayambang Animal Shelter, Binuksan!
Noong March 28, pormal na binuksan ang Bayambang Animal Shelter sa Brgy. Amanperez, tampok ang isang nakaaaliw na Animal Fashion Show na umani ng interes mula sa mga residente. Layunin ng bagong pasilidad na itaguyod ang malasakit at responsableng pag-aalaga sa mga hayop habang pinprotektahan ang ating mga kababayan laban sa sakit na rabies.
Agri Trade Fair, Pinasinayaan
Kasunod nito ay binuksan naman ang Agri Trade Fair sa Municipal Plaza bilang suporta sa lokal na agrikultura at mga produkto ng Bayambang. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang maipakita ang galing at sipag ng mga lokal na magsasaka at mga negosyanteng kabataan na naghandog ng mga innovative food products galing sa sariling ani ng mga kababayan
Farmers’ Day Celebration, Ipinagdiwang sa Balon Events Center
Ipinagdiwang ang Farmers’ Day bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga magsasaka sa bayan. Tampok sa programa ang iba’t ibang aktibidad at parangal para sa sektor ng agrikultura gaya ng singing contest at pinaka contest. Sinurpresa naman ni Mayor Nina ang isang libong farmer na dumalo ng tig-sampung litro ng gasolina.
Corn Husk, Ginawang Flower Decors ng mga Kababaihang Magsasaka
Itinampok noong April 13, ang mga produktong gawa sa pinatuyong balat ng mais, na bunga ng “Training on Processing Corn Husk into Novelty Items.” Layunin ng programa na gawing kapaki-pakinabang ang dati’y itinatapong materyales at mabigyan ng dagdag kita ang mga kalahok. Hinihikayat din ang publiko na suportahan ang lokal na produktong ito upang mapalago ang kabuhayan at agrikultura sa bayan.
Low-Interest Financing para sa Traktora, Handog ng LS Tractor
Higit na pinapalakas ang modernong pagsasaka sa Bayambang, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng CS First Green at LS Tractor upang mabigyan ang mga magsasaka ng abot-kaya at de-kalidad na makinarya, salamat sa handog na low-interest financing options ng kumpanya. Layunin ng naturang financing option na mapabilis ang produksyon, mapababa ang gastos, at mapataas ang ani, habang isinusulong ang sustainable at makabagong agrikultura.
Rice Coffee Brand, Inilunsad ng RBAC
Mga Isyu sa Agrikultura, Tinalakay sa Pulong Nagtipon ang mga lider ng mga samahang magsasaka upang talakayin ang updates sa Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program, paghahanda sa wet season planting, at iba pang usaping agrikultural. Kabilang din sa napag-usapan ang farm machinery inventory at epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Philippine Coconut Authority, Nag-Validation Activity sa Managos
Sa tulong ng MCDO, nagsagawa ang Philippine Coconut Authority ng isang validation activity para sa nakatakdang pamamahagi ng coconut seedlings sa mga miyembro ng kooperatiba sa Brgy. Managos, ang Managos Farmers Agriculture Cooperative. Dito ay tiniyak ng PCA na magiging maayos ay distribusyon ng naturang seedlings at mapapalakas ang industriya ng niyog sa lugar.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Mega Job Fair, Isinagawa para sa mga Naghahanap ng Trabaho
Isinagawang mula ang isang Mega Job Fair sa St. Vincent Ferrer Prayer Park upang magbigay ng oportunidad sa mga aplikante. Maraming kumpanya ang lumahok kabilang ang Philippine Army, upang mag-alok ng iba’t ibang posisyon, at naroon naman ng iba't ibang ahensya upang magsilbing one-stop shop para sa pre-employment requirements ng mga bagong hire.
Profiling Activity para sa TUPAD Beneficiaries, Isinagawa
Noong April 15, nagsagawa ang DOLE at PESO-Bayambang ng isang profiling activity para sa TUPAD program upang matukoy ang mga kwalipikadong benepisyaryo. May paunang 464 na miyembro ng TODA ang nakatakdang makatanggap ng ayuda bilang mga pangunahing naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
521 na Benepisyaryo, Tumanggap ng Suweldo sa TUPAD
May kabuuang na 521 benepisyaryo mula sa hanay ng mg PWDs at mga magulang ng child laborers ang tumanggap ng bayad mula sa kanilang serbisyo sa ilalim ng programa ng DOLE na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, sa payout activity na ginanap noong April 23.
- Economic Development (SEE) Food Bazaar, Binuksan sa Central School
Isang bagong food bazaar ang dinudumog ngayon sa lumang campus ng Bayambang Central School, dahil sa iba't ibang panindang pagkain at pati na rin mga abubot sa abot-kayang halaga. Ang proyektong ito ay isa na namang pampadagdag-sigla sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga maliliit na enterpreneur.
Egg Producers Assoc., Nagseminar ukol sa Kooperatiba
Sumailalim ang Pangasinan Egg Producers Association sa isang orientation activity ukol sa proseso kung paano maging kooperatiba, sa pag-oorganisa ng Municipal Cooperative Development Office at sa tulong ng Cooperative Development Authority. Isinagawa ang buong araw na aktibidad noong April 8.
Price Monitoring Team, Muling Nag-inspeksyon Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng price monitoring sa mga LPG outlet upang matiyak na makatarungan ang presyo sa gitna ng pandaigdigang sigalot na nakaaapekto sa suplay ng langis at gas. Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kaayusan sa merkado at maprotektahan ang interes ng publiko. Red Ribbon, Nagbukas ng Branch sa Bayambang!
Nag-courtesy call ang mga opisyal at staff ng Red Ribbon kasabay ng opening ng kanilang branch sa Royal Mall. Buong suporta at pasasalamat naman ang ipinabatid ng lokal na pamahalaan sa naturang bakery chain store.
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Pasasalamat na Misa, Idinaos
Kinaumagahan, idinaos ang isang Thanksgiving Mass sa Santuario de San Vicente Ferrer bilang pasasalamat sa mga biyayang natamo ng bayan. Dumalo rito ang mga opisyal at residente na nagkaisa sa panalangin.
Bb. Bayambang 2026, Itinanghal
Kinagabihan, ginanap ang Bb. Bayambang beauty pageant tampok ang kagandahan at talino ng mga kalahok. Naging makulay ang gabi sa suporta ng mga manonood matapos itanghal na grand winner si Bb. Chelsea Oranza ng Brgy. Macayocayo bilang Bb. Bayambang 2026.
Kinahapunan, ginanap ang Little Mr. and Ms. Bayambang pageant tampok ang talento at kumpiyansa ng mga kabataan. Umani ito ng tuwa at kagalakan mula sa mga pamilya at manonood. Itinanghal bilang Little Mr. Bayambang 2026 si Jandrix Keon E. San Juan ng Barangay Zone VI at Little Ms. Bayambang 2026 naman si Kye Astrid Miranda ng Barangay Zone I.
People’s Night at Street Party, Dinumog sa Town Proper
Dinumog ng mga residente at balikbayang bisita ang People’s Night at Street Party sa apat na sulok ng Bayambang Town Proper. Naging sentro ito ng kasiyahan, musika mula sa iba't ibang banda, at muling pagkikita ng magkakaibigan at pamilya.
Matalunggaring Award, Iginawad sa mga Natatanging Bayambangueño
Iginawad ang Matalunggaring Award kinahapunan bilang pagkilala sa mga natatanging indibidwal. Kinilala ang kontribusyon ng labing-isang tubong Bayambang sa kaunlaran ng bayan at sa kani-kanilang larangan kabilang ang showbiz personality na si Donita Rose at ang longest-serving mayor of Bayambang, Atty. Jaime Junio.
Fireworks Display, Nagbigay-Liwanag sa Huling Gabi
Nagbigay-liwanag sa kalangitan ang tradisyunal na engrandeng fireworks display bilang pagtatapos ng kapistahang bayan. Naging rurok ito ng saya at tagumpay ng mga ginawang pagdiriwang.
Lecture-Workshop ukol sa Katutubong Pagkain, Panitikan, at Pamana, Isinagawa
Isang libreng lecture-workshop ang inihatid ng grupong Katutubo Exchange Philippines, sa tulong ng MTICAO at Municipal Musuem, tungkol sa mga katutubong pagkain, panitikan, at pamana bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Literature Month at Filipino Food Month. Pinangunahan ito ni G. Edwin Antonio, isang member officer ng National Commission on Culture and the Arts, at dinaluhan ng mga kawani, guro, at mga estudyante na tuwang-tuwa sa mga bagong natutunan ukol sa ating mga indigenous cultural heritage.
International Film Director, Bumisita! Bumisita ang isang international film director kay Mayor Niña Jose-Quiambao para humingi ng permiso sa pagkuha ng footage sa St. Vincent Ferrer Statue bilang bahagi ng kanyang binubuong global documentary na “In the Shadow of Giants.” Tinalakay ni Burak Akyol, isang Turkish citizen, ang ukol sa permit at drone operations. Inaasahang magdadala ang naturang dokumentaryo ng mas malawak na pagkilala sa Bayambang. Isang world-class exposure para sa bayan.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
CFAG Training, Isinagawa ng BFP
Ang Bayambang Fire Station ay nagbigay ng isang training para sa mga Community Fire Auxiliary Group o CFAG na binubuo ng mga boluntaryo mula Brgy. Zone 1 at Magsaysay. Tinalakay dito ang fire prevention, paggamit ng fire extinguisher, at basic emergency response, kalakip ang hands-on drills upang palakasin ang kakayahan ng komunidad bilang first responders sa oras ng sunog.
Oplan Semana Santa, Summer Vacation, at Bantay Fiesta, Naging Matagumpay
Matagumpay na naipatupad ng MDRRM Council ng Bayambang ang tatlong major operations sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa kabila ng magkakasunod na pag-obserba sa Semana Santa at town fiesta, at kasabay pa ng summer vacation. Naglatag ng seguridad, medical teams, traffic management, at emergency response units sa buong bayan, upang siguraduhing ligtas ang mga naging pagdiriwang at aktibidad.
Banta ng El Niño, Pinaghandaan sa PDRA Meeting
Nagsagawa din ang MDRRM Council ng isang PDRA meeting bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño, alinsunod sa abiso ng DILG. Nagbahagi ang mga ahensya ng datos at ulat upang matukoy ang mga panganib at makapaglatag ng mga hakbang para mabawasan ang posibleng pinsala sa komunidad.
Pagbaha sa Purok 1, Wawa, Nasolusyunan
Sa wakas ay nasolusyunan na ang problema sa pagbaha sa may Purok 1 ng Brgy. Wawa, pagkatapos na makumpleto ang cross drainage project ng Munisipyo matapos ang masusing pag-aaral at pagtutulungan ng MDRRMO, Engineering Office, at Wawa BDRRMC. Inaasahan na mawawala na ang problema sa baha kung makikiisa ang mga residente sa maayos na pagdaloy ng kanilang mga kanal patungo sa bagong drainage system.
MDRRMO, Nag-clearing Operation sa Bonery
Ang MDRRMO ay nagsagawa ng iang clearing operation sa Municipal Bonery, sa pakikipagtulungan sa S.E.E., upang alisin ang mga mapanganib na puno at makakapal na damo bilang paghahanda sa tag-ulan at pag-iwas sa sunog ngayong panahon ng tag-init. Sa mabilis na pagtugon at koordinasyon ng mga ahensya, naging maayos at episyente ang operasyon para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Mas Pinalakas na Governance, Economic, at Infra Programs, Tinalakay sa BPRAT Meeting
Tinalakay sa BPRAT Good Governance, Economic, at Infrastructure Sectors meeting ang pagpapalakas ng koordinasyon, monitoring, at implementasyon ng mga programa sa mabuting pamamahala, ekonomiya, at imprastraktura, kabilang ang paggamit ng digitalization para sa mas episyenteng pag-uulat. Pinagtuunan din ng pansin ang mga posibleng epekto ng pandaigdigang tensyon sa ekonomiya, habang iniulat ang progreso ng mga proyekto at mga hakbang upang mapabilis ang kanilang implementasyon.
Laoac Bids and Awards Committee, Nagbenchmarking Visit
Bumisita ang Bids and Awards Committee ng LGU ng Laoac, Pangasinan sa LGU-Bayambang para sa benchmarking hinggil sa epektibong pagpapatupad ng PhilGEPS o Philippine Government Electronic Procurement System at pagpapahusay ng kanilang sistema sa pag-avail ng mga produkto at serbisyo. Malugod na nagbahagi ang LGU-Bayambang ng mga best practices nito tungo sa naturang proseso.
KSB Year 9, Inilunsad sa Hermoza
Samantala, inilunsad ang Komprehensibong Serbiso sa Bayan Year 9 sa Brgy. Hermoza noong April 16 upang muling mailapit ang iba’t ibang serbisyo ng munisipyo sa mga malalayong barangay. Ang team na pinangunahan ni Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. ay naghatid ng serbisyo sa mga taga-Barangay Hermoza, Malioer, at Caturay. Mga Isyu sa Barangay, Tinalakay sa Pulong Noong April 20, pinulong ni Mayor Niña ang 77 na punong barangay upang talakayin ang iba’t ibang isyu tulad ng imprastraktura, waste management, at pangkapaligiran. Nilinaw rin ang ilang isyu at hinikayat ang responsableng paggastos sa panahon ng krisis. Binigyang-diin din ang papel ng mga lider sa tamang pamamahala at paglaban sa maling impormasyon. Iba’t Ibang Proyekto, Tinalakay sa ManCom Meeting
Noong April 23, pinulong nina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao, ang lahat ng department at unit head upang talakayin ang estado ng lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan at mga barangay, ayusin ang anumang mga isyu, repasuhin ang lahat ng mga ginawang aksyon, at pagplanuhan ang mga nararapat na solusyon.
Management Review Meeting, Isinagawa
Isinagawa ang isang Management Review Meeting kung saan tinalakay ng mga departamento ang kanilang ulat kaugnay ng kani-kanilang quality management process at internal quality audit. Isa-isang nagbahagi ang bawat tanggapan ng kanilang accomplishments, mga naging hamon, at nakatakdang solusyon upang mapanatili ang epektibong serbisyo publiko.
- Planning and Development (MPDO)
Mga Programang Pangkaunlaran, Tinutukan sa MDC Meeting
Mas pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang mga programang pangkaunlaran sa isinagawang Municipal Development Council Meeting noong April 8, kung saan tinalakay ang Supplemental Investment Program No. 2, series of 2026. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan at iba’t ibang departamento at sektor, na naglatag ng kani-kanilang suhestiyon.
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
Enhanced Bayambang Community Service Card, Inilunsad
Pagkatapos nito ay pormal na inilunsad ni Mayor Nina Jose-Quiambao ang Pistay Baley 2026 sa isang payak nugnit masaya at makulay na programa. Kasabay nito ay ang paglulunsad din ng Enhanced Bayambang Community Service Card na pinapagana ng GCash. Ipinakita ng programa ang patuloy na inobasyon sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng digital innovation.
- Human Resource Management (HRMO)
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
SATOM CTQ, Pinarangalan ng DTCMMS
Pinarangalan si Dr. Cezar Quiambao ng Don Teofilo C. Mataban Memorial School bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pagtatayo ng unang gusali ng pampubikong paaralang elementarya sa Brgy. Ligue. Ayon sa pamunuan, naging pundasyon ito ng patuloy na pag-unlad ng institusyon at edukasyon sa komunidad. Tinanggap ang parangal ni Local School Board Executive Director Rolando Gloria.
JKQMWCI, Ginawaran ng 'Corporate Wellness Initiative' Award sa Singapore!
Nagwagi ang Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center ng prestihiyosong pagkilala na “Corporate Wellness Initiative of the Year – Philippines” sa Healthcare Asia Awards 2026 sa bansang Singapore. Kinilala ang institusyon dahil sa matagumpay nitong CARE Plan na nagbibigay ng abot-kaya, organisado, at maagap na serbisyong pangkalusugan sa mga empleyado sa pamamagitan ng isang integrated network. Sa programang ito, natutugunan ang pangangailangan ng kompanya na mapagamot ang kanilang mga enrolled na manggagawa nang hindi agad gumagastos para sa saklaw na serbisyong medikal.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
|
No comments:
Post a Comment