Wednesday, October 2, 2024

MONDAY REPORT – OCTOBER 7, 2024

 

MONDAY REPORT – OCTOBER 7, 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _______.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ___________, at kami po ay mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

 

1.    District 7 Corn Farmers, Tumanggap ng Combine Harvester mula DA

 Ang Bayambang District 7 Corn Cluster Organization, Inc.  ay tumanggap ng isang combine harvester mula sa Department of Agriculture Region I  sa ilalim ng Corn Banner Program ng ahensya noong September 25, 2024.

 

2.    PDA-Pangasinan, Nagbigay ng Oral Health Seminar sa CDWs

Ang Philippine Dental Association (PDA)-Pangasinan Chapter ay nagbigay ng isang seminar at workshop sa lahat ng 80 Child Development Workers ng Bayambang noong September 27 sa SB Hall. Layunin ng proyektong ito na ihanda ang mga CDW na isama ang oral health sa kanilang kurikulum, upang makatulong maiwasan ang maagang pagkasira ng ngipin sa ating mga Child Development Learners.

 

3.    Weighing Scales, Muling Ipinamahagi sa Elementary Schools

Ang Municipal Nutrition Committee ay namahagi ng bagong batch ng mga weighing scale sa lahat ng public elementary schools sa bayan noong September 26, sa hangaring masiguro ang tamang nutrisyon at kalusugan ng mga batang Bayambangueño. Magkakaroon din ang naturang kumite ng quarterly monitoring ng mga school nutrition programs simula sa buwan ng Oktubre.

 

4.    30 Bayambangueñas, Nag-avail ng Libreng Family Planning Service

May 30 na mga kababaihan ang nag-avail ng libreng family planning procedure na PSI (progestin subdermal implant) insertion na hatid ng mga RHU at Department of Health noong September 27. Ito ay parte ng pagdiriwang ng Family Planning sa buwan ng Agosto.

 

5.    SK Federation, Nag-team Building

Ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Kabataan Federation ng Bayambang at Local Youth Development Office ay nakilahok sa isang Youth Leadership Camp sa Pueblo del Amore Mountain Resort, Lipa City, Batangas mula September 25 hanggang 28. Sila ay nakisali sa team-building activities ng group facilitator na Hero Strategies. Dito ay natuto ang mga SK members kung paano maging epektibong leader sa kanilang mga kapwa kabataan sa kani-kanilang barangay.

 

6.    Municipal Budget at AIP for 2025, Aprubado ng SB

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang municipal budget para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P651,673,168.26 at Annual Investment Program na P5,070,726,937.60, sa isinagawang Committee Hearing ng Sangguniang Bayan (SB) noong October 1 sa SB Session Hall. Sa pagdinig ay isa-isang dinipensahan ng mga LGU department heads ng executive branch, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang kani-kanilang naihandang 2025 budget. At base sa pagsusuri ng SB Committee on Finance, Budget, and Appropriations, ang mga budget na ito ay nakitang naaayon sa itinakda ng batas at sa nakabalangkas na budget sa Annual Investment Plan ng LGU.

 

7.    DOH, Nagbigay ng Orientation para sa Nutrition Support Group ng Bayambang

Ang Department of Health ay nagbigay ng isang Nutrition Support Group Orientation noong October 1 sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office. Ang aktibidad ay isang funding grant mula sa Department of Health (DOH) na kailangang gamitin para sa mga meeting, training, o capacity-building, at pati health and nutrition-related commodities para sa Nutrition Support Group ng LGU. Ito ay dinaluhan ng mga kapitan, Barangay Kagawad on health, Barangay Health Workers' (BHW) President, at Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa Bayambang.

 

8.    1-Day Training sa Bread and Pastry-Making, Handog ng TESDA at PSAT

Isang libreng 1-day training sa bread at pastry-making ang inihandog ng TESDA at Pangasinan School of Arts and Trade sa pakikipagtulungan sa PESO-Bayambang mga local na OFWs noong October 10 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay isa na namang dagdag-kaalaman at kakayahan para sa mga napiling benepisaryo upang makapag-umpisa sa isang bagong pagkakakitaan.

 

9.    3-Day Nutrition in Emergencies Training, Dinaluhan ng MNC at BNS

Isang training ukol sa Nutrition in Emergencies ang isinagawa ng MNAO para sa mga miyembro ng Municipal Nutrition Council (MNC) at Bayambang Nutrition Scholars (BNS), upang mapaigting ang kaalaman ng bawat miyembro sa tamang paraan ng pag-implementa ng nutrition program sa panahon ng anumang emergency. Ang training ay ginanap mula October 2 hanggang 4 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Ariel & Fe Garden Resort and Restaurant.

 

Local Teachers, May Libreng Training at Special Treat sa Teachers' Month Celebration

Noong October 3, naghandog si Mayor Niña ng isang In-Service Training for Teaching and Non-Teaching Personnel sa Bayambang bilang parte ng 2024 World Teachers’ Day Celebration. At kasabay nito ay naghandog din siya sa kanila ng mga special treats. Naroon po ang ating special field reporter na si Angel Veloria para sa mga detalye.

 

Angel: 

Narito ako ngayon sa fully air-conditioned na The Tent dito sa likod ng JKQ Medical & Wellness Center para sa In-Service Training for Teaching and Non-Teaching Personnel in Bayambang bilang parte ng 2024 World Teachers’ Day Celebration.

Nagbahagi ng kasanayan at kaalaman sa training na ito ang guest of honor and speaker na si Dr. Nino D. Naldoza, Associate Dean of Philippine Normal University, Faculty of Education and Information Sciences.

Matapos ang training, ay may inihandang treats ang LGU-Bayambang sa pangunguna ni Mayor Niña para sa mga teaching and non-teaching personnel bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa kanilang propesyon. Kabilang dito ang libreng concert, free food and drinks, raffle prizes, at P2.1-million worth of cash gifts depende sa length of service!

 

RHU I, 2023 Highest Performing Konsulta Provider sa Pangasinan

Ang Rural Health Unit I ay pinarangalan ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth bilang “Highest Performing PhilHealth Konsulta Package Provider in Pangasinan for 2023,” sa Monarch Hotel, Calasiao, Pangasinan noong September 30. Nakamit ng RHU I ang naturang parangal dahil sa aktibong pagbibigay nito ng de-kalidad at abot-kayang health care goods at services sa mga outpatient gamit ang PhilHealth Konsultasyong Sulit Tama (Konsulta) package na mandato sa ilalim ng Universal Health Care Law. Ang parangal na ito ay personal na iginawad nina Governor Ramon Guico III at PhilHealth Regional Vice-President Dennis Adre, kasama ang iba pang PHIC Central officers.

 

Bauang MDRRM Council, Bumisita

 Ang MDRRM Council ng Bauang, La Union ay naglakbay aral sa Bayambang noong October 2. Ang mga bisita ay pinangunahan ni Bauang MDRRM Officer Joel Vincent Caniezo. Sila ay winelcome ng MDRRMO at ipinasyal sa MDRRM Operation Center, Wawa Evacuation Center, at MDRRMO Satellite Office, kung saan nagpresenta ang MDRRMO ng ating mga best practices. Sa Mayor’s Conference Room naman, nakipagpulong ang mga bisita kina Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, DPA, at Councilor Levinson Nessus Uy.

 

***

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang MTICAO o Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office ay laging nasa likod ng lahat ng aktibidad ng Munisipyo, maliliit man o malaki?

Ang MTICAO ay may apat na division: ang Public Information, Tourism Site and Infrastructure, Multimedia, at Cultural Affairs and Events.

Noong taong 2023, may average na 1,825 articles ang naireport ng MTICAO sa iba’t ibang platforms: Facebook, Monday video, website, radio, at newsletter.

Ang departamentong ito ay sumasagot sa daan-daang komento at libo-libong private messages buwan-buwan sa Facebook.

Ito ay nakapaglimbag na rin ng mga 20 na libro, kabilang na ang taunang State of the Municipality Address at souvenir programs ng town fiesta.

Maliban pa ito sa Balon Bayambang newsletter at iba’t ibang information materials kada buwan at taun-taon.

Ganyan po kaaktibo ang MTICAO. In fact, kaya nitong maglabas ng mga pitong news articles sa isang araw na punung-puno ng balita.

At alam ba ninyo na ang MTICAO ay isang multi-awarded department? Ito ay ilang beses nang recipient ng Most Outstanding in Tourism Week/Month Celebration at ang prestihiyosong Pearl Award mula sa Department of Tourism dahil naging grand champion nationwide ang Bayambang Culture Mapping Project sa kategoryang Best Practices on Community-Based Responsible Tourism.

Bukod pa ito sa Multimedia Award na iginawad ng DILG noong taong 2023.

Happy Tourism Month!

 

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, ___________________.

NEWSCASTER 2: At ___________ mula sa Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 ***

Samantala, 79  days na lang before Christmas!

No comments:

Post a Comment