Monday, October 7, 2024

MNAO 2022 ACCOMPLISHMENT REPORT

MNAO 2022 ACCOMPLISHMENT REPORT | "Tamang Nutrisyon Mula sa Sinapupunan Tungo sa Magandang Kinabukasan"

 

“Isa sa pinakamalaking sanhi ng kahirapan sa bayan ay ang pagkakaroon nito ng sakiting mamamayan.” Ang katotohanang ito ang isa sa pumukaw sa atensyon ng dating alkalde ng bayan na si Dr. Cezar T. Quiambao nang kanyang inilunsad ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

Ang pagfocus na ito sa kalusugan at nutrisyon ng mga Bayambangueño ay ipinagpapatuloy magpasa-hanggang ngayon ng bagong pamunuan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice Mayor Ian Camille Sabangan, na pawang mga kabiyak ng dating Mayor at Vice-Mayor. Bilang mga kauna-unahang babaeng lider ng Bayambang, lalo pa itong pinagtibay at pinagyaman dahil sa maka-inang istilo ng kanilang pinagsamang pamamahala.

 

 

• Creation of MNAO

 

Ang pagbuo ng pamunuan sa Municipal Nutrition Action Office (MNAO) noong taong 2016 ay isang napakalaking hakbang, dahil ito ang unang naging daan para masolusyunan ang naging mataas na antas ng malnutrisyon na minsang naging talamak sa Bayambang.

 

• Increase in Nutrition Budget

 

Matapos mabuo ang MNAO, agad namang tinaasan ang alokasyon ng pondo para sa mga programang pangnutrisyon. Mula P500,000 noong 2016, ang pondo – na hindi kasama ang personnel services – ay naging P2,947,704 noong 2017, P3M noong 2018, P3.8M noong 2019, 4.5 noong 2020, P4,847,600 noong 2021, at 7,674,600 noong 2022.

 

• Passage of Municipal Ordinance # 2 series of 2020: “Comprehensive Nutrition Program Ordinance”

 

Dahil sa buong suporta ng Sangguniang Bayan, natutukan ang pagpasa ng Municipal Ordinance No. 2 series of 2020 o ang “Comprehensive Nutrition Program Ordinance” ng Bayambang kung saan nakasaad na ang pondo ng mga nutrition program ay dapat i-allot ng lahat ng barangay, kaya naman ngayon, ang lahat ng barangay ay may kanya-kanya nang pondo at programang pangnutrisyon taun-taon.

 

• Quarterly MNC Meetings

 

Regular din na nagpupulong ang Municipal Nutrition Committee ng LGU upang maagap na pag-usapan ang iba’t-ibang usaping pangnutrisyon sa bawat quarter, at dito na rin naipipresenta ang lahat ng accomplishment ng bawat MNC member ukol sa mga plano, proyekto, at aktibidad na may kinalaman sa nutrisyon.

 

 

• Hiring of 9 District Nutrition Program Coordinators

 

Ang pag-hire ng siyam ng District Nutrition Program Coordinators (DNPC) noong 2019 ay nagsilbing daan ngayon upang mas lalo pang matutukan ang lahat ng distrito pagdating sa mga serbisyong pangnutrisyon. Ang Bayambang ay may siyam na distrito. Bawat distrito ay binubuo ng humigit-kumulang na 8 barangay, kaya’t ang paghire ng 9 na DNPC ay magandang estratehiya upang mas matutukan ang implementasyon ng nutrition program ng 77 barangay ng Bayambang.

 

• Nutrition Office Service Vehicle

 

Katulad ng iba pang mga opisina sa LGU, binigyan din ang MNAO ng sarili nitong service vehicle at binigyan pa ng additional staff na driver para mas madaling maikot at mamonitor ang mga barangay.

 

 

• Nutrition Month Celebration

 

Tuwing buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ang Nutrition Month kung saan ay mas nalilinawan at nabibigyang-kaalaman ang publiko sa kahalagahan ng opisinang ito at ng mga aktibidad, proyekto at programang isinasagawa nito. Bilang parte ng selebrasyon noong 2022, nagkaroon ng Family Cooking Show Kick Off Activity, Tree Planting Activity, Online Photo Contest, BNS Singing Contest, kasabay ng mga regular o taunang Nutrition Month activities katulad ng Search for A1 Child in Nutrition featuring CDC Learners, Search for Idol Nanay, Healthy Food Treats, at Culminating Activity. Sa taong 2023 naman, ilan pa sa mga unique Nutrition Month activity ay ang Amazing Race Kick Off, Regional Dairy Caravan, at Fundraising Activity for Malnourished Children. Ang MNAO ang nangunguna upang bumuo ng Technical Working Group na kinabibilangan ng mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee upang matiyak ang partisipasyon ng mga stakeholder at mas maging maayos ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga Nutrition Month activity.

 

• 90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant Women

 

Mayroon namang programa at aksyon na ginagawa ang MNAO mula sinapupunan pa lamang hanggang sa paglaki ng bata upang masiguro ang hangarin nitong “healthy mommy at healthy baby.” Ilan dito ay ang 90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant Women at Infant and Young Child Feeding Program na pawang nakapaloob sa Early Childhood Care and Development - First 1000 Days Program ng National Nutrition Council.

 

Ayon sa pag-aaral, natuklasan na isa sa pinaka-epektibong paraan upang malabanan ang malnutrisyon ay ang pagsasagawa ng mga intervention programs sa first 1000 days pa lamang ng bata o simula sa pagbubuntis ng isang ina hanggang sa ikalawang taon ni baby. Isa ang 90-Day Dietary Supplementation Program for Pregnant Women sa mga in-adopt na ng LGU na pondohan taun-taon simula noong taong 2021. Sa naturang programa, mga masusustansyang pagkain gaya ng fresh milk, gulay, prutas, itlog at iba pa ang ipinamimigay sa mga buntis na nutritionally at risk sa loob ng tatlong buwan. At base sa follow-up monitoring ng lahat ng pregnant beneficiaries noong sila ay nanganak, 100% ng mga batang naipanganak ay may healthy birthweight.

 

• Infant & Young Child Feeding (IYCF) Program

 

Mga Buntis Forum at Mother’s Class naman ang madalas na isinasagawa rin ng MNAO katuwang ang RHU at iba pang miyembro ng Municipal Nutrition Committee upang masigurong malusog at nutritionally sound ang mga infant. Minomonitor din ng MNAO ang lahat ng mga Idol Ko Si Nanay Class na isinagasagawa sa mga barangay.

 

• Operation Timbang Plus

 

Upang mamonitor kung sinu-sino, ilan at nasaan ang mga bata na mas nangangailangan ng agarang suportang pangkalusugan, nakikipagtulungan sa RHU ang opisina para sa Operation Timbang Plus upang ma-assess ang nutritional status ng bawat bata. Mayroon ding Checklist for Child Developmental Milestone Assessment na pinagbabatayan upang makita kung may delay ba sa kanilang development.

 

• Routine Dietary Supplementation Program for 6-59 Month-Old Children

 

Lahat ng naassess sa OPT Plus na mga malnourished, partikular ang mga moderately wasted, severely underweight, at stunted, ay inienrol sa Routine Dietary Supplementation Program for preschool children sa loob ng tatlong buwan, upang maisailalim sila sa rehabilitasyon para masiguro ang kanilang recovery.

 

• Regular Calibration of Weighing Scales

 

Sa inisyatibo ng Nutrition Office, taunan ding naisasagawa ang calibration, sa tulong ng Department of Science and Technology, ng mga timbangan na ginagamit sa 77 na barangay ng Bayambang upang masiguro na maayos at wasto ang timbangan at maiwasan ang false positive result sa malnutrisyon. Nakapagbigay na rin ang Nutrition Office ng mga Salter scales at beam balances sa mga nakaraang taon sa mga barangay na walang mga timbangan. Dito ay mapapansin na full support din sa mga barangay ang opisina upang maimprove ang kanilang kagamitan sa pagmomonitor ng kalusugan ng mga bata.

 

• BNS Capacity-Building

 

Iba’t ibang training ang ibinibigay para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) – na sa ngayon ay 77 na mula sa dating 20 lamang noong 2016. Ang mga BNS ang nagiging focal person ng bawat barangay, at nagiging daan rin sila upang maaprubahan at maipatupad ang Nutrition Plan ng kada barangay. Kabilang sa mga training na inorganisa na ng MNAO katuwang ang Provincial Nutrition Office at National Nutrition Council ay ang Basic BNS Course, E-OPT Plus Workshops, at ECCD F1K Phase 1 to Phase 3. Hindi rin nakakaligtaan ng MNAO na magsagawa ng mga team-building activity para sa kanila taun-taon. (Flash team building pictures esp in 2022)

 

• Distribution of Multivitamins

 

Mayroon ding branded na mga multivitamin na ibinibigay sa mga target malnourished children bukod pa sa ibinibigay ng RHU para naman sa lahat ng bata.

 

• Food Fortification Monitoring

 

Minomonitor at hinihikayat din ng MNAO katuwang ang mga BNS ang lahat ng mga bakery at retail store na gumamit at magbenta ng mga fortified product gaya ng vitamin A-fortified flour, iodized salt, at vitamin A-fortified cooking oil. Ito ay para mapanatiling masustansya ang pagkain na kinukonsumo ng mga Bayambangueño sa araw-araw alinsunod sa Food Fortification Act o RA 8976.

 

• Healthy Options at School Canteens

 

Sumasama rin ang opisina sa taunang monitoring ng LGU sa mga eskwelahan, ang Brigada Eskwela, bago mag-umpisa ang pasukan, at chinecheck kung may mga healthy option sa school canteen at upang maiwasan din ang pagbebenta ng mga junk food na makakasama sa kalusugan ng mga mag-aaral. Natigil lamang ito dahil sa pagpostpone ng pasok sa mga paaralan noong pandemya hanggang 2022.

 

• Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Feeding Activities

 

Kada Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, kung saan nagkakaroon ng outreach program ang Munisipyo sa mga malalayong barangay, naroon lagi ang Nutrition Office upang mamigay ng veggie ice cream, fresh fruits, at itlog sa mga benepisyaryo sa lugar.

 

 

• Monitoring of Backyard Gardens

 

Ang opisina ay involved din sa monitoring ng mga backyard garden sa mga kabahayan lalo na ng mga target beneficiary, sa tulong ng Municipal Agriculture Office. Ang MNAO ay nagpapamigay din ng gardening inputs sa pamamagitan ng First 1000 Days Program nito at minomonitor ang impact sa kanila ng proyekto.

 

 

• Provision of Fresh Veggies and fruits to Beneficiaries from ECCD F1K Greenhouse

 

Ang mga sariwang ani at mga vegetable seedlings mula sa ECCD F1K Greenhouse ay ipinamamahagi sa mga benepisyaryo. Ipinapaalam din sa kanila na pansamantala lamang ang feeding program, at mas mainam pa rin ang pagkaroon ng sariling sustainable food sources lalung-lalo na sa panahon ng pandemya.

 

• Provision of Additional Honorarium to BNSs

 

Namimigay din ang LGU ng P500 kada buwan o P6,000 kada taon bilang karagdagang honorarium para sa lahat ng mga BNS. Ito ay isang pagpapahalaga sa kanila bilang nutrition frontliners o focal persons sa mga barangay pagdating sa delivery ng nutrition services ng Munisipyo.

 

• Monitoring ng Barangay Nutrition Action Plans

 

Nakatutok din ang MNAO sa lahat ng mga Barangay Nutrition Action Plan upang makita kung ang mga ito ay naipapatupad ng maayos ng bawat barangay.

 

• Coordinator of Researches and Conduct of Nutrition Surveys in Barangays

 

Ang MNAO ang coordinator sa mga survey at research, gaya ng mga nagdaang mga pananaliksik ng FNRI-DOST at ng mga Nutrition Early Warning System survey kung saan sinusukat ang lawak ng kagutuman at malnutrisyon sa kabataan sa isang partikular na quarter ng taon para sa maayos na pagpaplano.

 

• Coordinator of Privately Sponsored Projects

 

Ang MNAO din ang coordinator ng mga private sponsorship ng mga proyekto tulad ng mga feeding activity at donasyon para sa mga malnourished na bata sa mga barangay, dahil hawak nila ang nutrition data ng mga kabataan sa lahat ng barangay. Mula 2022 ay may humigit kumulang na 10 private sponsors na aktibong nakikibahagi sa mga mga nutrition activities ng LGU.  (Flash the list sa video). Upang maipakita naman ang pasasalamat ng MNAO at buong MNC sa mga donors and sponsors para sa nutrisyon, kinikilala at pinaparangalan sila tuwing Nutrition Month Culminating Activity.

 

 

 

 

 

 

 

 

• Capacity Development for MNAO Staff

 

Upang mas mahasa ang kakayahan ng mga Staff ng MNAO ay nagsasagawa rin ang opisina ng mga Capacity-Building Activity katulad ng Team-Building Activities, Refresher Courses at Leadership Training.

 

• Wellness Program for Employees

 

Isa rin sa mga pangunahing programa ng MNAO sa larangan ng Overweight and Obesity Management ay ang pagconduct ng Weight Loss at Physical Fitness Challenge para sa mga LGU employees na nagsimula noong taong 2022. Kaakibat ng programa ay ang pagsiguro na mayroong mga physical activities ang mga empleyado gaya ng Pilates, sportsfest, Zumba, at gym sessions. Sinisiguro rin ng MNAO at LGU na fully functional ang Municipal Gym para sa programa.

 

• ISO Certification

 

Dahil sa masidhing adhikain ng LGU na mas mapataas pa ang pamantayan ng serbisyo publiko, inumpisahan noong 2022 ang opisyal na pagsasaayos ng mga dokumento para sa ISO 9001:2015 certification. Isa ang opisina ng MNAO sa 34 departments at units na sumailalim sa matinding validation process at nakamit ang ISO 9001:2015 certification sa taong 2023.

 

 

• Awards

 

Ang mga nabanggit ang iba’t ibang pamamaraan ng MNAO at ng LGU upang maitaguyod ang wastong nutrisyon sa ating bayan para ang lahat ng kabataan ay lumaking malusog at produktibong miyembro ng pamayanan.

 

Kaya naman hindi nakapagtataka na makatanggap ang LGU ng mga parangal dahil sa opisina ng MNAO, tulad ng mga sumusunod:

 

CY 2018

3rd Most Outstanding Municipal Nutrition Committee in Pangasinan

 

CY 2019

a. Most Outstanding Municipal Nutrition Action Officer in the Province of Pangasinan

b. Barangay Nutrition Scholar Marcelina Macaraeg of Brgy. Bacnono, Bayambang as 2019 Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar

 

CY 2021

a. Green Banner Seal of Compliance (1st Year)

b. Bayambang MNAO Venus M. Bueno as 2021 Regional Municipal Nutrition Action Officer of the Year (1st Runner Up)

c. Barangay Nutrition Scholar Analiza M. Natividad of Brgy. Sancagulis as 2021 Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar

 

2022

a. Heathy Pilipinas Award - Nutrition Category for the entry, ECCD F1K Dietary Supplementation Program for Pregnant Women

b. Green Banner Seal of Compliance (2nd Year Maintenance)

c. Bayambang MNAO Venus M. Bueno as 2022 Regional Municipal Nutrition Action Officer of the Year

 

 

Ang lahat ng ito ay naisakatuparan dahil sa magandang pamamalakad ni Mayor Niña-Jose Quiambao at ng buong Team Quiambao-Sabangan, at hindi tayo titigil magbigay-serbisyo kahit ano pa mang pagsubok ang dumating, dahil buo ang ating pangarap na magkroon ng isang malusog na pamayanan para sa bayan ng Bayambang!

 

No comments:

Post a Comment