Monday, October 28, 2024

Trivia: Barangay Kagawad

 It's Trivia Time!

Alam niyo ba na may kabuuang 539 na kagawad ng barangay sa bayan ng Bayambang?

At bawat barangay ay may tinatawag na purok kagawad na kung saan ang bawat isa ay may hinahawakang committee: • ang Committee on Appropriation; • Education; • Health; • Children, Women, and Family; • Barangay Affairs; • Peace and Order; • Agriculture; • Infrastructure; at • Environmental Protection.

Maaari nilang isagawa ang gawaing lehislatibo tulad ng:

• Magmungkahi at magpatibay ng mga ordinansa at resolusyon para sa kaunlaran, kaayusan, at kagalingan ng barangay at ng mga naninirahan dito

• Makilahok sa mga talakayan sa oras ng sesyon

• Magsagawa ng mga pamamaraan para siguruhin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo (basic services)

• Bumoto para sa pagsang-ayon o 'di pagsang-ayon sa mga panukalang ordinansa at resolusyon

• Tumulong sa Punong Barangay sa pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin

• Gumanap bilang tagapamayapa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasang pampubliko

• Ganapan ang iba pang tungkuling maaaring itakda ng Punong Barangay alinsunod sa batas

At alam ba ninyo na ang Bayambang Barangay Kagawad Association of Pangasinan Inc., o mas kilala bilang BBKAPI, ay mayroon nang bagong pangalan. Mula sa BBKAPI, ito ay opisyal nang nakarehistro bilang Samahan ng Barangay Kagawad sa Balon Bayambang Pangasinan Inc. sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang pagbabagong ito ay bahagi ng ating pagsusumikap na maging mas pormal at organisado ang samahan para sa ikabubuti ng bayan.



No comments:

Post a Comment