Tuesday, October 29, 2024

State of the Children’s Address 2023

 State of the Children’s Address 2023

 Bilang Alkalde ng bayan ng Bayambang, isa sa pinakamabigat na nakaatang sa aking balikat ay ang maging ina ng bayan, partikular na ng ating mga kabataaan. Dahil ako ay isang ina naman talaga sa aking tahanan sa totoong buhay, natural lang sa akin ang maging maalaga. Kaya naman ang aking administrasyon ay laging nakatutok sa lahat ng aspeto ng pagtataguyod sa kapakanan ng ating mga kabataan.

We don't do projects merely out of compliance to government requirements, but itong lahat ay mula sa puso, mula sa tunay na pagmamahal sa ating mga kabataan. When it comes to our children, we go the extra mile. Ito ay dahil buo ang ating paniniwala sa kanila bilang ating kinabukasan, ang susunod sa ating mga yapak patungo sa bukas na hopefully ay mas maliwanag, mas matiwasay, mas maunlad.

Ang panalangin natin ay sila ang maging tagapagmana ng lahat ng ating pagpupunyagi sa ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

Kaya naman, mga kabataan, aming mga anak, maraming salamat sa lahat sa inyo dahil kayo ang nagbibigay ng ngiti sa aming mga labi sa araw-araw. Kayo ang dahilan ng aming pagbangon sa bawat araw upang harapin ito ng buong tapang at tatag.

Masdan ninyo ang lahat ng mga plano, proyekto, at aktibidad ng inyong gobyernong lokal. Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ninyong lahat.

[START OF VIDEO]

Sa larangan ng SURVIVAL, laging nakatutok ang ating health department upang matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan sa maayos na nutrisyon at kalusugan.

Nariyan ang deworming, iron supplementation, pamimigay ng vitamins, pagmonitor ng tangkad at timbang, immunization, feeding activities, at iba pang regular na libreng serbisyo.

Mayroon pang regular health information drives at dental services na ibinibigay ng ating mga RHU. 

Libre din ang panganganak sa ating RHU I at II para sa mga regular na nagpapacheckup na mga buntis.

Ang mga batang may mga special medical condition ay ipinagamot natin sa tulong ng Mayor's Action Center.

Binuksan din natin ang bagong RHU sa Brgy. Mangayao, ang RHU VI. Ang kinatatayuan nitong lupa ay dinonate ng pamilya Quiambao.

Sa tuwing mayroon tayong outreach activity, ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, nagkakaroon tayo ng:

 - libreng circumcision

- tooth-brushing drill

- feeding activity

- medical check-up

- at giveaways (toothbrush, toothpaste, vitamins, medicine)

DEVELOPMENT

Tuluy-tuloy ang ating paglinang sa mga kabataan upang sila ay lumaking matalino at well-rounded.

Diri-diretso ang ating maayos na operasyon ng Child Development Centers, at alagang-alaga rin pati na ang kanilang mga Child Development Workers. Patuloy din ang pagmaintain natin sa ating Stimulation and Therapeutic Activity Center.

Ang ating budget para sa Special Education Fund ay umaabot na sa higit P13 million. Idagdag pa rito ang pagdonate ng buong sweldo ni Mayor Niña sa buong taon. Ang mga pondong ito ay ginagamit para pantustos sa mga pangangailangan ng ating mga mag-aaral katulad ng school supplies, financial assistance, at iba pang pangangailangan.

Kabilang sa ating big projects ay ang construction ng Ligue Elementary School Bldg. Ang gusali ay idinonate ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. sa lupang idinonate naman ng isang pribadong indibidwal.

Sa taong 2023, tinutukan natin ang pagbabasa upang maenganyong magbasa ang ating mga kabataan at hindi mahuli sa ibang mga kabataan.

Tumutulong din tayo sa DepEd sa kanilang mga work immersion at OJT program.

Sa kaso naman ng Bayambang Central School, dahil sa ating determinasyon, muling naibalik sa ating possession ngayon ang makasaysayang paaralang ito. Ipagdasal natin na ito ay matapos na at mapagwagian natin ang kaso at atin nang mabawi ito nang tuluyan.

 PARTICIPATION

Sinisikap nating laging kasama ang mga kabataan sa iba't ibang aktibidad na naaangkop sa kanila, gaya ng mga art contests noong Tourism Month, iba't ibang patimpalak tuwing Nutrition Month, International Youth Day Celebration, Halloween, Museums and Galleries Month celebration, Little Mr. and Ms. Bayambang noong town fiesta, tree planting projects, at iba pa.

 Sinuportahan natin ang marami sa kanila nung sila ay sumali sa iba't ibang kumpetisyon sa labas ng eskwelahan, maging ito ay sa abroad man, gaya ng ating pagsuporta sa mga nagpunta ng Malaysia at Abu Dhabi. At kapag sila ay nagwawagi, inaacknowledge natin ang kanilang mga naging accomplishment.

 Noong nakaraang fiesta, marami sa ating mga estudyante ang naging news reporter at writer. Ang iba naman ay nanood at nakipagparticipate sa mga live sessions ng Sangguniang Bayan.

Dahil tayo ay isang agricultural town, ineengganyo natin ang ating mga kabataan na mag-aral sa larangang ito, lalo na sa Agribusiness sa Bayambang Polytechnic Colege, at bigyan ng pagkakataong makapagseminar at training sa agriculture.

 PROTECTION

Regular nating sinasanay ang ating mga mag-aaral upang magkaroon sila ng culture of disaster resiliency sa pamamagitan ng mga earthquake drill at information campaign.

 Tayo ay patuloy na nagpapasa ng mga ordinansa na mas lalong magpapatibay sa pagsulong ng mga karapatang pambata. Sa taong ito, ating tinutukan ang VAWC, mental health, at teenage pregnancy.

 Patuloy ang ating pagkupkop sa mga batang nawawala sa pamamagitan ng Abong na Aro.

 Dahil sa lahat ng ating pagsusumikap kaya naman tayo consistent passer sa Child Friendly Local Governance Audit, partikular na sa taong 2022, isa sa pinkamahirap na audit ng national government sa isang LGU.

 [VIDEO ENDS]

Conclusion

Hayan, atin pong natunghayan ang ilan lamang sa ating mga nagawa at ginagawa upang isulong ang kapakanan ng ating mga kabataan. Hindi na po natin idedetalye lahat-lahat dahil baka abutin tayo ng maghapon. Pero sana ay naappreciate po ng lahat ang ating mga effort.

Alam kong sa dami ng ating mga kinakaharap na problema dala ng kahirapan, sana po ay mainspire kayo sa dami at lawak ng ginagawa ng inyong gobyernong lokal at magbigay din ng tulong sa anumang paraan tulad ng mga hatid na tulong ng ating mga civic-minded groups at mga taong may mabubuting kalooban at malapit ang puso sa ating mga kabataan – palakpakan din po natin sila – BNHS Batch 1990, Bountiful Children Foundation, ASA Foundation, Lions Club, Eagles Club, Rotary Club, at siyempre ang Kasama Kita sa Barangay Foundation.

Sa mga nais pang tumulong: Welcome na welcome po kayo sa LGU at sa bayan ng Bayambang.

Mabuhay ang mga kabataan ng Bayambang! Niña-aro ta kayon amin!

No comments:

Post a Comment