Wednesday, October 30, 2024

MONDAY REPORT – NOVEMBER 4, 2024

MONDAY REPORT – NOVEMBER 4, 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _____ (name), mula sa _________ (school).

NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________ (name), mula sa ______ (school).

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

PNP-Bayambang, May Bagong OIC Chief

Noong Oktubre 21, nagkaroon ng simpleng turnover ceremony ang PNP-Bayambang Municipal Station kung saan ipinakilala ni outgoing PNP-Bayambang Chief PLtCol. Rommel Bagsic ang bagong magsisilbing hepe ng pulisya na si PLtCol. Lawrence Keith Calub na tubong Baguio City. Isang mainit na pagtanggap ang sumalubong sa kaniya mula sa buong LGU. Nagpasalamat naman ang LGU kay Col. Bagsic sa kanyang mahusay na serbisyo.

Bb. Bayambang, Tumanggap ng P100,000 Mula kay Mayor Niña

Noong October 21, tinanggap ni Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim ang P100,000 pondo mula kay Mayor Niña. Ang pondo ay kanyang gagamitin para sa kanyang napiling adbokasiya, ang “Strengthening Inclusive Education in Bayambang.” Tiniyak ni Bb. Reign Joy na walang Bayambangueño ang mapag-iiwanan sa larangan ng edukasyon, lalo na ang mga may kapansanan.

Mayor Niña, Nagpa-raffle ng Flashlight sa mga Kawani

Noong October 28, nagpa-raffle ng flashlight si Mayor Niña Jose-Quiambao para sa mga mapapalad na LGU employees. Ito ang naisipang ipamahagi ng butihing mayor upang magamit ng mga Bayambangueños kapag may mga hindi inaasahang pagkakaroon ng power interruption dulot ng bagyo. Pagkatapos nito ay nagpamigay din siya ng libreng taho at ice cream sa lahat din ng mga empleyado.

Former DILG Sec. Abalos, Namigay ng Relief Goods

Noong October 27, naghatid ng relief goods si former DILG Secretary, Atty. Benhur Abalos, mula sa Mandaluyong City, sa Pangasinan para sa mga nasalanta ng bagyo. Mayroong tig-1,000 grocery packs ang inilaan para sa bayan ng Bayambang, Lingayen, at Calasiao, at lungsod ng Dagupan, at ang mga ayuda ay tinanggap ng mga representante ng mga bayang ito sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Bagong Officers ng Federated PTA, Nanumpa kay Mayor Niña

Nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Municipal Federated Parents-Teachers' Association kay Mayor Niña Jose-Quiambao, sa induction ceremony na ginanap noong October 28 sa Events Center.

Search for Best Barangay Nutrition Committee, Ikinasa

Ang mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee ay nagsagawa ng isang Search for Best Barangay Nutrition Committee. Sial ay naglibot upang magmonitor at mag-evaluate ng implementasyon ng mga Barangay Nutrition Committee ng mga nutrition programs ng gobyerno. Kanilang ginamit ang assessment tool ng National Nutrition Council na MELPPI Pro.

ALS Teachers, Nakatanggap ng School Supplies

 Ang LGU ay nagbigay ng school supplies sa mga Alternative Learning System teachers sa Bayambang. Kabilang sa mga ipinamahagi ang 375 yellow pad paper, 375 notebooks, 63 pencils, 32 ball pens, 25 reams ng coupon bond, 375 plastic envelopes, at 375 pencil sharpeners. Ang donasyon ay nagkakahalaga ng ₱73,990, at ang pondo ay mula sa Special Education Fund.

Lumang Central School, Muling Nilinis para sa SLP Congress

 Ang lahat ng departmento ng LGU at iba pang volunteers ay muling nakilahok sa isang clean-up drive sa lumang Bayambang Central School, bilang preparasyon sa gaganaping SLP Congress ng DSWD. Ang parte ng bakanteng lote ng Central ay pansamantalang patatayuan ng mga booth upang ang iba't ibang SLP associations mula sa Region I ay makagbenta ng kani-kanilang produkto.

Mga Chikiting, Muling Nagtagisan sa Halloween Costume Contest

Muling nagpatalbugan ang mga anak at apo ng LGU employees sa Halloween Costume Contest 2024, na ginanap noong October 29. Ang mga tsikiting ay rumampa sa entablado ng Events Center suot ang kani-kanilang Halloween costume contest. Itinanghal na grand winner si RJ Maeve Mathelma Orpilla, 1st runner up si Kendyleigh Valera, 2nd runner up is Iven Zephyr Romero, at 3rd runner up at Eziquel Josh Fama. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng iba't ibang papremyo mula kay Mayor Niña. Matapos ang contest, sila ay lumibot sa iba't ibang opisina para makipag-trick or treat.

LGU, Bumili ng Bagong Firetruck

 Isang bagong firetruck ang dumating noong October 30. Ito ay binili ng LGU gamit ang sariling pondo, at nakatakdang i-turn over sa Bureau of Fire Protection bilang adisyunal na firetruck sa ating bayan.

 TODA Officers, Naglakbay Aral sa San Fernando City 

Ang mga federation officers ng TODA o Tricycle Operators and Drivers Association ng Bayambang ay nagbenchmarking sa San Fernando City, La Union, noong October 22. Sa kanilang Lakbay Aral, kanilang natutunan ang mga best practices na patakaran at alituntunin ng TODA ng San Fernando City bilang modelo sa buong Pilipinas. Ang kanilang mga natutunan ay nakatakdang ipatupad sa ating bayan upang magkaroon din ng mas maayos, kanais-nais, at matiwasay na TODA operation. 

12.  MNC, 2023 Green Banner Awardee Muli at Regional CROWN Winner din!

Ang Bayambang Municipal Nutrition Committee ay muling naging Green Banner Awardee sa ikatlong magkakasunod na taon ng ebalwasyon, kaya ito ay naging contender sa unang pagkakataon sa CROWN Award o Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition ng National Nutrition Council Region I, at ito ay nanalo bilang CROWN winner ayon sa ebalwasyon ng Pangasinan Provincial Nutrition Team at NNC Region I.

***

It's Trivia Time!

Alam ba ninyo na ang bayan ng Bayambang ay may 77 na bilang ng daycare o Child Development Centers? Ang mga ito ay minamanage ng LGU sa pamamagitan ng MSWDO, partikular na ang Child Development Focal Person at kanyang team.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,980 naman na bilang ng naka-enroll na 3-4 year old na kabataan sa ating mga daycare.

Sa pinakahuling tala, mayroon naman tayong 80 na bilang ng Child Development Workers. Sila ay pinamumunuan ng President ng Federation of Child Development Workers of Bayambang na si Ms. Estherly Friaz.

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, ______ (name), mula sa ______ (school).

NEWSCASTER 2: At _________ (name) ng ______ (school).

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

***

Samantala, 51 days na lang… Pasko na!

No comments:

Post a Comment