MONDAY REPORT –
OCTOBER 21, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1:
Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Mayor Niña Jose-Quiambao mula sa
Mayor's Office.
NEWSCASTER 2:
At ako naman po si Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad mula sa Administrator's
Office.
NEWSCASTER 1:
Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2:
Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito
ang….BayambangueNews!
***
[SALITAN NA
KAYO RITO]
Sa ulo ng
nagbabagang balita:
1. Bagong PNP
Provincial Director, Nag-courtesy Call
Pormal na
ipinakilala ni PNP-Bayambang Chief kina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang
bagong Pangasinan Provincial Director ng pulisya na si Police Colonel Rollyfer
J. Capoquian noong October 10. Ang pagbisita ay nagbukas ng daan sa ibayong
pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng bagong itinalagang Provincial Director at
ng pamunuan ng bayan ng Bayambang.
2. ONGOING:
Validation ng Nutrition Status ng mga Mag-aaral
Ang Nutrition
Office ay nag-umpisa ng isang serye ng validation activity ukol sa nutritional
status ng mga lokal na mag-aaral. Ito ay upang masigurong tama ang naitatalang
timbang ng mga mag-aaral at walang nakakalusot na mga kaso ng wasting at
stunting sa ating mga kabataan. Ang validation team ay nag-umpisang magvalidate
noong October 11 sa Bayambang Central School katuwang ang dalawang DepEd
Bayambang District Nurses.
3. M.C.D.O.,
Nakiisa sa Tree-Planting Activity
Ang Municipal
Cooperative Development Office ay sumali sa isinagawang tree-planting activity
sa Brgy. Managos ng Managos Farmers Agriculture Cooperative kasama ang Managos
Elementary School Parents-Teachers Association at mga mag-aaral ng Managos ES.
Ito ay bilang parte ng pagdiriwang ng Cooperative Month. Kabilang sa mga
itinanim na punla ay mga puno ng lawaan, narra, at wild cherry.
4. Bayambang,
Nakiisa sa Breast Cancer Awareness Month
Ang bayan ng
Bayambang, kabilang ang LGU, Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center,
St. Vincent Ferrer Prayer Park, at Rotary Club of Bayambang, ay nakiisa sa
isang nationwide Pink Lighting Activity ng Philippine College of Surgeons at
Inner Wheel Clubs of the Philippines upang paigtingin ang kamalayaan ng lahat
ukol sa breast cancer. Sa ika-anim ng gabi, sabay-sabay na sinindihan ng ICT at
MTICAO ng pink na ilaw ang JKQ hospital, Prayer Park statue, at Municipal Hall.
5. SK,
Nag-clean-up Drive sa BNHS
Noong October
11, pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation ang isang clean-up drive sa
Bayambang National High School, katuwang ang tatlong youth organizations na
Yes-O Camp, BKD o Barkada Kontra Droga, at BNHS Supreme Secondary Learner
Government. Sa sama-samang pagkilos, hindi lamang napaganda ang paaralan, kundi napalakas din ang
kamalayan ng mga estudyante sa kanilang tungkulin sa komunidad at pangangalaga
sa kalikasan.
6. Mayor Niña,
May Additional Cash Grant sa 2 Centenarians
Noong October
14, ang dalawang bagong centenarian mula sa Bayambang ay pinagkalooban ng
P100,000 cash gift bawat isa mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña. Ang cash
gift ay tinanggap ng mga apo nina lolo Adriano Herrera ng Brgy. Pangdel at lola
Magdalena Rico ng Brgy. Warding.
7. Mayor Niña,
Namigay ng Grocery Packs sa Seniors
Sa araw ding
iyon, naghandog si Mayor Niña ng mga grocery packages para sa lahat ng 77
Senior Citizens Federation presidents ng barangay. Ang dalawang aktibidad na
nabanggit ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.
8. Seminar ukol
sa Katarungang Pambarangay, Isinagawa
Noong October
14, isang seminar tungkol sa Katarungang Pambarangay Law, DAR Land Use
Conversion, at DA Certification for Reclassification of Agricultural Lands ang
isinagawa ng Municipal Legal Office para sa mga barangay officials. Kabilang sa
tinalakay ang responsibilidad ng mga barangay officials sa pagresolba ng mga
alitan sa kanilang nasasakupan. Tinalakay din ang ukol sa DAR Land Use Conversion
at DA Certification for Reclassification, na mga pangunahing requirement bago
gamitin ang isang agricultural land para sa non-agricultural purposes.
9. Committee
Hearing, Isinagawa para sa Application for Accreditation
Noong October
14, isang Committee Hearing ang isinagawa ng SB Committee on Transportation at
Committee on People's Participation, para sa application for accreditation ng
United TODA Federation of Bayambang, Inc. upang ang pederasyon ay makasali sa
mga local special bodies ng LGU. Ang pagdinig ay pinangunahan ni Councilor
Amory Junio.
10. Job Fair,
May 157 Applicants
Isa sa namang
job fair ang isinagawa ng PESO sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong October
15. Sila ay napag-attract ng 157 job applicants, kung saan 7 sa mga ito ang
hired on the spot. Mayroon namang
sampung dumating na job recruiters, kabilang ang SM Hypermarket, One Document
Corporation, at ulius K. Quiambao Medical and Wellness Center.
11. Mga
Paghahanda sa UNDAS, Pinagpulungan
Noong October
16, pinagpulungan ng lahat ng departamento at ahensya ang mga gagawing
paghahanda sa darating na Undas o All Saints’ Day celebrations na siguradong
uuwian ng mga Bayambangueño mula sa iba’t ibang dako. Ito ay upang matiyak ang
kaayusan at seguridad ng lahat sa nasabing okasyon.
12.
Team-Building para sa OFW Children, Isinagawa ng OWWA
Ang Overseas
Workers Welfare Administration ay nagsagawa ng isang team-building activity
para sa mga anak ng OFW sa Bayambang. Dito ay matapang na hinarap ng mga
kabataan ang mga hamon ng kanilang pagkawalay sa mga magulang na piniling
makipagsapalaran sa ibang bansa. Ang mga aktibidad ay nakatulong sa mga
kabataan sa pagharap sa iba't-ibang pagsubok habang malayo sa piling ng
kanilang magulang.
13.
School-based Immunization, Inumpisahan ng mga RHU
Noong mga
nakaraang linggo, ang ating mga Rural Health Units ay nag-umpisa nang magsagawa
ng school-based immunization (SBI) sa lahat ng mga paaralan. Kanilang naging
target ang mga Grade 1 at Grade 7 students para sa booster dose ng measles,
rubella, tetanus, at diphtheria, at Grade 4 o mga kababaihang edad 9 hanggang
14 para sa human papilloma virus (HPV) vaccine.
14. Julius K.
Quiambao Medical & Wellness Center, Opisyal nang Binuksan
Ang Julius K.
Quiambao Medical & Wellness Center ay opisyal nang binuksan noong Oktubre
18 sa Brgy. Ligue, sa pangunguna nina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña at ng pamilya
Quiambao. Naging panauhing pandangal si First Lady Liza Araneta-Marcos bilang
kinatawan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. Ang nasabing ospital ay isang
112-bed-capacity tertiary hospital na may pitong palapag. Ito ay imamamage ng
The Medical City Group at mayroong mga makabagong equipment gaya ng MRI, CT
scan, at iba pa.
***
It's Trivia
Time!
Happy United
Nations Month! Ano nga ba ang United Nations o UN?
Ang United
Nations ay isang pandaigdigang organisasyon na itinatag noong 1945 matapos ang World
War II, upang magkaroon ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad at kooperasyon
sa pagitan ng mga bansa sa pagresolba sa mga economic, social, at humanitarian
problems.
Ang UN ay may
orihinal na 51 member states, kung saan isa ang Pilipinas sa mga founding
members. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 193 na kasaping bansa.
Alam niyo ba na
isang Pilipino ang minsan ay naging Presidente ng United Nations General
Assembly? Siya ay walang iba kundi si General Carlos P. Romulo. Yan ang OG na
lodi!
Bakit nga ba
ipinagdiriwang natin ang United Nations Day, lalo na sa mga paaralan? Ito ay dahil
nais nating gunitain ang pagkakaisa ng lahat ng bansa sa pagtatapos ng World
War II, at bilang pagdiriwang sa kapayapaang natamo ng mundo dahil sa
pagkakatatag nito.
Sama-sama
tayong manalangin upang, sa tulong ng UN, ay maresolba ang mga umiiral na alitan
at giyera at ang lahat ng mga bansa ay laging nagkakaisa para mapanatili ang
kapayapaan sa buong daigdig.
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1:
At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng
LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2:
Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1:
Muli, ako po ang inyong lingkod, Mayor Niña Jose-Quiambao ng Mayor's Office.
NEWSCASTER 2:
At Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad mula sa Administrator's Office.
[SABAYANG
BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
***
Samantala, 68
days na lang… Pasko na!
No comments:
Post a Comment