MONDAY REPORT –
OCTOBER 28, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1:
Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _____.
NEWSCASTER 2:
At ako naman po si __________, at kami po ay mula sa Barangay Kagawad
Association of Bayambang.
NEWSCASTER 1:
Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2:
Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito
ang….BayambangueNews!
***
[SALITAN NA
KAYO RITO]
Sa ulo ng
nagbabagang balita:
1. MAC,
Nagrelease ng Burial at Medical Assistance
Ang Mayor's
Action Center (MAC), sa ilalim ng bagong pinuno nito na si Josie Estrada
Niverba, ay nagpamahagi ng financial assistance sa 223 residente na nagrequest
ng tulong mula sa LGU. Ang MAC, sa tulong ng Treasury, ay nakapagpamahagi ng
kabuuang P241,000.00 na financial assistance mula sa kabuuang budget na
P500,000 na nakalaan para sa nasabing layunin.
2. ESWMO,
Lumahok sa Bureau of Soils Seminar
Ang ESWMO ay
lumahok sa seminar ng Bureau of Soils and Water Management na pinamagatang
"Enhancing Capabilities of Composting Facilities for Biodegradable Wastes
Beneficiaries" noong October 15-17 sa Calasiao. Layunin ng training na
mapabuti ang pagproseso ng ating mga biodegradable waste sa pamamagitan ng
composting facility na isang grant ng ahensya sa LGU mga anim na taon na ang
nakalilipas. Ang departamento ay nag-uwi ng mga soil test kits na bigay ng
ahensya.
3. Cough
Caravan, May 115 Clients Served
Isang Cough
Caravan ang muling isinagawa sa harap ng Munipall Hall ng Philippine Business
for Social Progress kasama ang District TB Coordinator ng Bayambang District
Hospital at RHU Bayambang. May 115 total clients served sa nasabing aktibidad
na naglalayong ma-screen ang mga pinaghihinalaang kaso ng TB o tuberculosis.
4. Farmers'
Presidents, Pinulong ukol sa NFA Palay Procurement Program
Noong October
16, pinulong ng National Food Authority ang mga farmers' association presidents
ng Bayambang upang iparating sa kanila ang tungkol sa Palay Procurement Program
ng ahensya. Kabilang sa mga tinalakay ang palay procurement procedures ng NFA,
palay quality specifications, payment schemes/procedures, at mode of delivery.
5. United
Nations Month, Ipinagdiwang
Noong October
21, masayang ipinagdiwang ng LGU ang United Nations Month sa pamamagitan ng
isang magarbong costume contest. Iniuwi ni MTICAO department head, Dr. Rafael
Saygo, ang grand prize na P50,000 cash. Most dramatic entrance naman si Sammy
Lomboy na nag-uwi ng P30,000 sa 2nd place, at third place si Lemuel Tamayo ng
MTICAO na nakatanggap ng P20,000. Ang lahat ng premyo at consolation prize ay
mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
6. Blood Drive
sa Manambong Sur, May 24 Donors
Isang mobile
blood donation ang isinagawa ng RHU II sa Manambong Sur Evacuation Center noong
October 21, sa pakikipagtulungan ng Region I Medical Center. Ang aktibidad ay
may 24 successful donors.
7. MDRRMC,
Naghanda bunsod ng Bagyong “Kristine”
A.
Ang MDRRM Council, sa pangunguna ni Mayor Niña,
ay kaagad nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment noong October 21 at 23 bunsod
ng banta ng Bagyong "Kristine." Tinalakay dito ang trajectory at
intensity forecast ng bagyo at nagpaalaala sa mga bagay na dapat gawin ng lahat
upang maging ligtas at makaiwas sa sakuna.
B.
Kasabay nito, inihanda ng MDRRMC ang mga rescue
vehicle at equipment, at nagmonitor sa tropical cyclone bulletin na inilalabas
ng PAG-ASA at nagsagawa ng komunikasyon at koordinasyon sa mga barangay.
C.
Pinaalalahanan naman ng MTICAO sa social media
ang lahat na maging handa sa posibleng maging epekto ng bagyo.
D.
Agad ding naka-antabay ang Quick Response Team
sa mga nabahang residente sa iba't ibang barangay.
8. Mga
Observations, Tinalakay sa IQA Meeting
Isang closing
meeting ang idinaos para sa Internal Quality Audit ng LGU noong October 21 sa
Events Center. Tinalakay dito sa lahat ng departamento ang mga internal audit
findings ng Internal Quality Audit Team, upang ang mga suggestions,
observations, at non-conformities ay ma-address ng bawat departamento ayon sa
ISO quality objectives ng LGU.
9. 192 PWDs,
Ini-screen para sa TUPAD Program
Ang
PESO-Bayambang, kasama ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay
nagsagawa ng isa na namang profiling activity para sa may 192 na PWDs na bagong
batch na target beneficiaries ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating
Distressed/Disadvantaged Workers ng DOLE. Ang profiling activity ay ginanap
noong October 22 sa Events Center.
10. Local
Health Board, Tinalakay ang Iba't Ibang Health Programs
Sa latest
meeting ng Local Health Board ng Bayambang, noong October 22, tinalakay ang
iba't ibang health concerns gaya ng HIV at Animal Bite Treament Center updates,
hazardous waste temporary holding area, ang Oral Health Month celebration para
sa taong 2025, health budget para sa taong 2025, at ang E-Konsulta at
G-Konsulta ng DOH.
11. RHU ng
LGU-Rizal, Laguna, Bumisita
Ang Rural
Health Unit ng Rizal, Laguna ay nag-Lakbay Aral sa Rural Health Unit I October
23. Ang 30-katao na mga bisita ay pinangunahan ni LGU-Rizal Municipal Health
Officer, Dr. Sam Cirillo. Sila ay winelcome ni Municipal Health Officer, Dr.
Paz Vallo.
12. RHU Staff,
Nag-refresher Course sa Basic Life Support
Ang mga staff
ng RHU II at RHU III ay nag-renew ng kanilang training sa Basic Life Support sa
Red Cross noong October 23-25, 2024 sa Bayambang Polytechnic College. (RSO; RHU
2)
13. LGU,
Kinilala sa 4Ps Summit
Ang
LGU-Bayambang ay dumalo sa 2024 4Ps Partnership Summit noong October 16 sa
Dagupan City upang tanggapin ang pagkilala ng DSWD sa mga kontribusyon ng mga
LGU at CSOs sa implementasyon ng 4Ps sa Rehiyon Uno. Kabilang sa mga kinilala
ng DSWD ang pag-allocate ng LGU ng budget sa 2024 Annual Investment Plan nito
para sa implementasyon ng 4Ps, ang inisyatibong 4Ps members' graduation, at ang
suporta at commitment nito sa programa.
***
It's Trivia
Time!
Alam niyo ba na
may kabuuang 539 na kagawad ng barangay sa bayan ng Bayambang?
At bawat
barangay ay may tinatawag na purok kagawad na kung saan ang bawat isa ay may
hinahawakang committee: • ang Committee on Appropriation; • Education; •
Health; • Children, Women, and Family; • Barangay Affairs; • Peace and Order; •
Agriculture; • Infrastructure; at • Environmental Protection.
Maaari nilang
isagawa ang gawaing lehislatibo tulad ng:
• Magmungkahi
at magpatibay ng mga ordinansa at resolusyon para sa kaunlaran, kaayusan, at
kagalingan ng barangay at ng mga naninirahan dito
• Makilahok sa
mga talakayan sa oras ng sesyon
• Magsagawa ng
mga pamamaraan para siguruhin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo (basic
services)
• Bumoto para
sa pagsang-ayon o 'di pagsang-ayon sa mga panukalang ordinansa at resolusyon
• Tumulong sa
Punong Barangay sa pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin
• Gumanap
bilang tagapamayapa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasang pampubliko
• Ganapan ang
iba pang tungkuling maaaring itakda ng Punong Barangay alinsunod sa batas
At alam ba
ninyo na ang Bayambang Barangay Kagawad Association of Pangasinan Inc., o mas
kilala bilang BBKAPI, ay mayroon nang bagong pangalan. Mula sa BBKAPI, ito ay
opisyal nang nakarehistro bilang Samahan ng Barangay Kagawad sa Balon Bayambang
Pangasinan Inc. sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Ang pagbabagong
ito ay bahagi ng ating pagsusumikap na maging mas pormal at organisado ang
samahan para sa ikabubuti ng bayan.
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1:
At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng
LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2:
Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1:
Muli, ako po ang inyong lingkod, ______.
NEWSCASTER 2:
At _________, mula sa Barangay Kagawad Association of Bayambang.
[SABAYANG
BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
***
Samantala, 58
days na lang… Pasko na!
No comments:
Post a Comment