Friday, January 30, 2026

MONDAY REPORT – February 2, 2026

 MONDAY REPORT – February 2, 2026

 INTRO:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Magandang araw, Bayambang!  Ako po si Councilo ______ .

2: At ako naman po si Councilor _____.

1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan.

2: Tampok ang iba't ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

1&2: Ito ang...BayambangueNews!

 

1.   Autism Consciousness Week, Ipinagdiwang

Noong January 25, nagtulungan ang LGU at Autism Society of Bayambang (ASB) sa pagdiriwang ng 30th National Autism Consciousness Week 2026 sa pamamagitan isang parada, programa, at sari-saring aktibidad. Binigyang-diin sa okasyong ito ang kamalayan, pagtanggap, at mga serbisyong nakalaan para sa mga indibidwal na nasa autism spectrum, tungo sa isang mas inklusibong pamayanan.

2. Annual Budget Hearing ng SK, Ikinasa

Noong January 22, inumpisahan ang panibagong round ng Annual Budget Hearing ng Sangguniang Kabataan kung saan inilahad ng mga SK leader ang kanilang mga panukalang programa at proyekto para sa taon. Tinalakay sa pagdinig ang mga planong nakatuon sa pangangailangan ng kabataan at komunidad, kasabay ng pagbibigay-diin sa maayos na pagpaplano, transparency, at responsableng paggamit ng pondo.

 

3.   TFD, Nagpulong ukol sa Trapiko, Permits, at Iba pang Isyu

Ang Task Force Disiplina (TFD) ay nagpulong noong January 26, upang talakayin ang mga usapin hinggil sa traffic management, kabilang ang resulta ng volume traffic count survey at ang pangangailangan ng karagdagang traffic enforcers. Tinalakay rin ang mga hakbang kaugnay sa reklamong mabahong amoy sa Quezon Blvd. at ang compliance ng mga vendor sa Nalsian Sur.

 

4.   Mga Kawani ng LGU, Binigyan ng Hard Hats

Namahagi si Mayor Nina, sa tulong ng MDRRMO, ng kabuuang 965 hard hats na may kasamang mini-flashlight, whistle, at ballpen sa mga kawani ng munisipyo. Ang mga ito ay magsisilbing personal emergency kits na maaaring magamit sa oras ng mga di inaasahang sakuna, at magpapalakas sa kahandaan at kaligtasan ng mga empleyado ng pamahalaang bayan.

 

5.   Bagong Batch ng Work Immersion Students, Winelcome

Mainit na tinanggap ng LGU ang mga mag-aaral na sumailalim sa 10-day work immersion program bilang bahagi ng kanilang pagsasanay. Layunin ng programa na mabigyan ang kabataan ng aktwal na karanasan at kaalaman sa trabaho sa iba’t ibang tanggapan kung saan sila naka-deploy.

 

6.   2 Bayambangueña, Binigyan ng Wheelchair

Dalawang residente na may kapansanan -- isang taga-Hermoza at taga-Telbang -- ang tumanggap ng wheelchair sa tulong ng LGU sa pamamagitan ng PDAO. Ang wheelchair na galing kina Samuel Lomboy at Morries Camorongan ay bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga PWD upang mapabuti ang kanilang mobility at kalidad ng buhay.

 

7.   Solar Lights, Ikinabit sa Bani

Noong Janury 27, nagtulungan ang Engineering Office at MDRRMO sa pag-install ng solar streetlights sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Bani, upang mapabuti ang seguridad at visibility sa isang accident-prone area roon.

 

8.   Libreng Gulay, Ipinamahagi sa BDH

Nagpamahagi ng libreng gulay sa Bayambang District Hospital ang Gabs Pharmacy & Coop-venience Store at Gabriel Medical Clinic, katuwang ang Nutrition Office, bilang suporta sa adbokasiya para sa tamang nutrisyon. Nakinabang sa aktibidad ang mga pasyente at kanilang mga bantay, at mga kawani ng ospital. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang LGU at BDH sa mga regular isponsor ng programa.

 

9.   OPT+ Refresher Training, Isinagawa

Nagsagawa ang Municipal Nutrition Action Office ng Operation Timbang Plus (OPT+) Refresher Training noong January 28. At ito ay dinaluhan ng MNAO staff, Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Health Workers. Layunin nitong paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa tamang proseso ng pagtitimbang at wastong pag-fill out ng OPT+ Data Quality Check forms.

 

10.                   38 na Pasyente, Naasistehan sa Buwan ng Enero

May kabuuang 38 indigent na pasyenteng Bayambangueño ang natulungan ng Mayor’s Action Center noong buwan ng Enero sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal at transportasyon para sa follow-up check-ups ng mga ito. Kabilang sa mga serbisyong natanggap ay laboratory tests, specialty consultations, at libreng gamot mula sa iba’t ibang ospital sa loob at labas ng rehiyon.

 

11.                   70 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation & Counseling

Lumahok ang 70 couples na nakatakdang mag-isang-dibdib sa Kasalang Bayan 2026 sa isinagawang Pre-Marriage Orientation and Counseling noong January 28. Tinalakay ng MSWDO at LCRO ang mga usaping may kinalaman sa responsableng pagsasama at pagpapamilya upang ihanda ang mga ikakasal sa matatag at responsableng buhay mag-asawa.

 

12.                   Senior Citizen Presidents, Nagtipon sa General Assembly

 

Ang 77 Senior Citizen Association Presidents ng Bayambang ay nagtipon sa isang General Assembly upang talakayin ang muling paghalal ng mga opisyal ng mga senior citizens association. Ito ay upang mas mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa, benepisyo, at serbisyong para sa mga seniors, at matiyak ang patas at maayos na pamamahala ng mga samahan.

 

13.                   Mga Usapang 4Ps, Tinalakay sa MAC Meeting

 

Sa 1st Quarter Meeting ng Municipal Advisory Council, tinalakay ang mga isyu at update kaugnay ng implementasyon ng iba’t ibang 4Ps activities. Sinuri sa pulong ang natitirang budget, mga nakaraang usapin, at mga plano ng LGU para sa taong 2026.

 

14.                   Monitoring at Evaluation para sa “Bali-Balin Bayambang,” Ikinasa!

 

Nag-umpisa na ang Bali-Balin Bayambang Committee sa pagmomonitor sa mga barangay para sa Bali-Balin Bayambang clean-and-green project ni Mayor Niña noong January 28. Dalawang monitoring team ang nag-ikot sa mga barangay ng District 5. Kanilang sinuri ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

 

15.                   Mahahalagang Isyu, Tinalakay sa MPOC-MADAC Meeting

Noong January 29, isinagawa ang 1st Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace & Order Council at Municipal Anti-Drug Abuse Council bilang bahagi ng pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa Bayambang. Tinalakay dito ang mga accomplishment, isyu, at susunod na hakbang sa larangan ng anti-criminality, anti-insurgency, at kampanya laban sa ilegal na droga.

 

16.                   635 Applicants, Nakilahok sa Job Fair, Kung Saan May 89 HOTS

Noong January 29, dumagsa ang 635 job applicants sa isinagawang job fair na nag-alok ng daan-daang oportunidad sa trabaho, kabilang ang overseas employment. May 89 na aplikante ang hired-on-the-spot,  at 32 sa mga ito ay overseas job placements: 30 mula sa Prime Search Manpower Agency at dalawa mula sa Hopewell Overseas Manpower Network.

 

17.                   Bayambang MPS, Best Municipal Police Station (Class A) Nationwide!

Itinanghal ang Bayambang Municipal Police Station sa ilalim ni PLtCol. Romel Bagsic bilang Best Municipal Police Station (Class A category) nationwide, sa ginanap na PNP Day Celebration 2026 sa Camp Crame, Quezon City! Ito matapos makapagtala ng 89.80% performance rating ang PNP-Bayambang. …Patunay ng mataas na antas ng propesyonalismo, mahusay na pamumuno, at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan at kaayusan ng bayan sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

 

***

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Ano ang Matalunggaring Awards?

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

Bayambang, dapat alam mo!

Bayambang, alam mo ba na mayroong pinakamataas na karangalan ang iginagawad ng bayan ng Bayambang sa mga pinaka-natatanging Bayambangueño?

Ito ay ang tinaguriang Matalunggaring Awards. Ang matalunggaring ay isang salitang Pangasinan na nangangahulugan ng "having a winning or superior quality."

Sino ba ang nakaisip nito?

Ang Matalunggaring Awards ay naisip ni Dr. Cezar T. Quiambao noong taong 2017, sa tulong ng isang komite na kanyang hiningan ng technical assistance. Ito ay kinabibilangan ng mga retired dean at propesor ng PSU at iba pang municipal consultants, na siyang nag-formulate ng rules and regulations ng selection process.

Pawang third party ang mga miyembro ng Selection Committee, upang hindi mabahiran ng pulitika ang nasabing parangal.

Ang karangalang ito ay na-institutionalize sa pamamagitan ng isang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang at agad namang inaprubahan ang ordinansang ito ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Simula nang mag-gawad ang LGU ng Matalunggaring Awards noong taong 2018 hanggang sa taong 2025, mayroon na tayong 61 na natatanging indibidwal na ginawarang sa walong taon ng pagkilalang ito.

Kabilang dito ang national scientist na si Carmen Velasquez, mga educator na sina former CHED Chairman Prospero 'Popoy' de Vera, former UP President Danilo Lardizabal Concepcion, Sister Mary John Mananzan, at former PSU College Dean, Dr. Clarita Jimenez, father of Philippine cycling, Atty. Gerry Lacuesta, multi-awarded indie film director Christopher Gozum, fashion designer Rusty Lopez, former Labor Secretary Onofre Guevara, Police Director Noli Taliño, actor na si Carlos Salazar, Philippine Navy Commodore Luzviminda A. Camacho, Ten Outstanding Police Officer of the Philippines Awardee Eduardo Santiago, at 2007 Nobel Peace Prize Winner Patricia C. Todio Annie Courtin.

Kaya naman kung mayroon kayong kakilalang deserving sa award na ito, huwag mag-atubiling magtungo sa tanggapan ng Sangguniang Bayan Secretary upang kumuha ng nomination form. Ang inyong impormasyon at mga supporting documents ang siyang magiging basehan ng Selection Committee sa pagpili ng bagong batch ng awardees sa darating na kapistahan ng bayan sa taong ito.

Lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!

 

***

KONKLUSYON:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na adbokasiya para sa maayos na pamamahala.

2: Sama-sama nating isulong ang isang maunlad na bayan ng Bayambang.

1: Muli, ako po si Councilor ____

2: At ako naman po si Councilor ___ .

1&2: At ito ang... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment