MONDAY REPORT – January
26, 2026
INTRO:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______ ng _____.
2: At ako naman po si _____ ng _______.
1: Narito na ang mga pinakahuling
balita at kaganapan sa ating bayan.
2: Tampok ang iba't ibang hakbang tungo
sa kaunlaran.
1&2: Ito ang...BayambangueNews!
1. Mga RHU, Muling Humakot ng
Parangal sa Health Summit
Muling nagbigay
karangalan sa bayan ang RHU matapos nilang mag-uwi ng iba’t ibang parangal sa
15th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding na ginanap noong
January 16 sa Calasiao, Pangasinan. Kinilala ang Bayambang bilang Champion sa
Epidemiological Surveillance Unit, Annual Operational Plan, at Mental Health
Program, habang Runner-Up naman sa Health Promotions at Maternal Health
Programs.
2. Mayor Niña, Naghandog ng
Responder sa BFP
Isang bagong
responder vehicle na pinondohan ng MDRRMO ang opisyal na ipinagkaloob ni Mayor
Niña sa Bureau of Fire Protection. Ang bagong sasakyan ay isa na namang
instrumento ng mabilis na aksyon upang mas maraming buhay ang maililigtas sa
oras ng sakuna.
3. Mandatory Calibration ng mga
Timbangan, Muling Isinagawa
Muling
nagsagawa ang Office of Special Economic Enterprises ng mandatory calibration
ng mga timbangan na ginagamit ng mga nagtitinda sa Pamilihang Bayan upang
matiyak ang tamang timbang ng mga paninda. Saklaw nito ang mga fish, vegetable,
at meat vendors, sari-sari stores, at mga nagtitinda ng iba pang produkto.
Isinulong sa aktibidad ang patas na kalakalan at proteksyon sa karapatan ng mga
mamimili.
4. DRRM Orientation at Scientific
Meeting, Ginanap
Noong January
19, nagsagawa ang MDRRMO ng DRRM Orientation at Scientific Meeting upang higit
na maihanda ang mga barangay at lokal na opisyal sa anumang sakuna. Tinalakay
sa aktibidad ang Philippine Risk Reduction Management Act, hydro-meteorological
hazards, at ang SOP ng operasyon ng San Roque Dam. Nagpamahagi rin ng rescue
equipment at disaster preparedness kits sa mga barangay.
5. LGU at Rotary Club, Nagbuklod
para sa Bali-Balin Bayambang
Pormal na
nilagdaan ng LGU-Bayambang at Rotary Club of Bayambang ang isang Memorandum of
Understanding upang isulong ang mga programang pangkalikasan sa bayan. Saklaw
ng kasunduan ang waste management, tree planting, at iba pang inisyatiba para
sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Bahagi rin ng MOU ang pagsama ng
Rotary Club bilang miyembro ng Bagong Bali-Balin Bayambang Committee.
6. Women’s Month 2026,
Pinaghahandaan
Noong January
20, pinangunahan ng MSWDO ang isang pulong upang planuhin ang mga aktibidad
para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2026. Dito ay tiniyak ang
pagkakaroon ng mga makabuluhang aktibidad upang maisulong ang adbokasiya para
sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.
7. Iba't Ibang Tulong
Pang-edukasyon, Tinalakay sa Pulong
Sa pinakahuling
pulong ng Local School Board, tinalakay ang approval ng badyet na mahigit 11.2-million
pesos para sa Special Education Fund 2026, ang pagsumite ng Project Procurement
Management Plan at Calendar of Activities ngayong taon, Division Meet 2026,
rehistrasyon para sa Boy Scout of the Philippines, at iba pang usapin.
8. 356 Indigent Solo Parents,
Tumanggap ng Financial Subsidy
Noong January 22, tumanggap ng
financial subsidy mula sa LGU ang may 356 indigent solo parents bilang bahagi
ng implementasyon ng Expanded Solo Parents Welfare Act na naglalayong magbigay
ng buwanang tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents. Ito ay matapos
dumaan sa masusing validation process ng MSWDO ang mga benepisyaryo.
9. LGU Officials, Dumalo sa COA
Entrance Conference
Noong January
23, nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng entrance conference upang pormal
na simulan ang audit process para sa Fiscal Year 2026. Tinalakay nila sa mga
opisyal ang magiging audit timeline, mga kinakailangang dokumento, at mga
responsibilidad ng auditor at auditee, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng
transparency at accountability sa pamamahala sa kabang yaman ng bayan.
[RESERVE THIS SPACE FOR POSSIBLE
VOs]
--. MTICAO, National Contender sa
2nd Tourism Challenge!
Pasok ang
Bayambang bilang isa sa apat na regional entries sa 2nd Tourism Champions
Challenge ng Department of Tourism Region I, kaya't kakatawan ito sa rehiyon sa
national level. Ito ay matapos matagumpay na idepensa ng MTICAO ang kanilang
infrastructure tourism project na “Bayambang Expo Cultural Greenhouse,” na
siyang tanging entry ng rehiyon mula sa probinsya ng Pangasinan.
--. Medalya ng Kadakilaan,
Ipinagkaloob sa Hepe ng PNP-Bayambang
Pinarangalan
ng Medalya ng Kadakilaan (o PNP Heroism Medal) si PLtCol Rommel Bagsic, Acting
Chief of Police ng Bayambang Municipal Police Station, at si PSSg Albert Junio
bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at matagumpay na resolusyon ng
isang kaso ng pagpatay noong taong 2025. Iginawad ang parangal sa Lungsod ng
San Fernando, La Union. Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang matibay na
paninindigan sa katarungan, paghahari ng batas, at tapat na paglilingkod sa
mamamayan ng Bayambang.
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! (Sanitary
Permit)
Alam mo ba na dapat LAHAT ng mga
business establishment ay may Sanitary Permit?
Ha? Bakit kailangan pa nito? Eh di ba
lalong dadami ang mga requirement sa pagkuha ng business permit?!
Wait lang... Ano nga ba ang Sanitary
Permit? Bakit kailangan nito?
Ito ang permit na iniisyu ng Rural
Health Unit (RHU) para masigurong ang mga negosyo at manggagawa ay malinis,
ligtas, at pasado sa health standards upang hindi maging banta sa kalusugan ng
publiko bago payagang mag-operate.
Legal Basis
Ito ay alinsunod sa Presidential Decree
No. 856 o Code on Sanitation of the Philippines, na nagtatakda ng mga patakaran
para sa kalinisan at kaligtasan ng lahat.
**
Requirements for Sanitary Permit:
- Business Application Form for Renewal
mula BPLO
- Occupancy Permit galing sa
Engineering Office
- Kopya ng Sanitary Permit ng nakaraang
taon
- Updated Health Certificate para sa
lahat ng empleyado
- Master list ng mga empleyado
For new applicants, bring a picture of
the business location and structure for proper evaluation.
**
Requirements for Health Certificate (o
ang dating tinatawag na Health Card):
Para sa mga food establishment at employees,
submit Normal results of the following:
- Fecalysis / stool examination –
available in RHU
- Urinalysis - available in RHU
- Chest X-ray – from radiology provider
Para sa non-food handlers or industrial
establishments like funeral homes, hotels, hospitals, motels, apartments,
public laundry, tonsorials e.g. barber shops, beauty establishments, massage
clinics, submit Normal results of the following:
- Normal chest X-ray-PA result
- CBC (if requested by the individual
or physician)
Maaaring gamitin (o magparehistro upang
magamit) ang PhilHealth sa Rural Health Unit para sa mga laboratory test na
kailangan. (Magdala lamang ng valid I.D.)
**
Mahalagang Paalaala
Ang resulta ng laboratoryo ay batayan
sa pag-iisyu ng Health Certificate na siyang isang requirement ng Sanitary
Permit at pagpayag na makapagtrabaho sa isang establisimyento. Kapag hindi
pasado ang resulta, kailangang magpagamot at magpa-clear muna bago maaprubahan.
At ang Sanitary Permit ay dapat
nakadisplay sa mismong establishment at hindi ginagamit sa ibang business.
***
Proseso ng Pagkuha:
- Mag-apply at magsumite ng
requirements sa RHU
- May sanitary inspection sa
establisimyento
- Ayusin muna ang kakulangan kung meron
- Kapag pasado, iniisyu ang Sanitary
Permit
**
Validity at Renewal
Ang Sanitary Permit ay valid ng isang
taon at kailangang i-renew taun-taon.
Revocation o Pagkansela
Maaaring bawiin o kanselahin ang permit
kung may paglabag sa sanitation standards o may banta sa kalusugan ng publiko.
Isang paala-ala… Ang Sanitary Permit ay
hindi lang papel o requirement. Ito ay pangako ng proteksyon ng kalusugan at
kaligtasan ng bawat Bayambangueño.
At mayroong tayong good news! In-extend
ang deadline sa pag-aapply ng business permit mula January 20 ayon sa Local
Revenue Code to January 30 sa bisa ng Executive Order No. 3, series of 2026.
Bayambang, ang lahat ng ito ay... dapat
alam mo!
KONKLUSYON:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin
sa patuloy na adbokasiya para sa maayos na pamamahala.
2: Sama-sama nating isulong ang isang maunlad
na Bayambang.
1: Muli, ako po si ____ ng ______.
2: At ako naman po si ___ ng ______.
1&2: At ito ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment