Wednesday, January 21, 2026

ANUNSYO: APLIKASYON PARA SA MGA BENEPISYARYONG OCTOGENARIAN AT NONAGENARIAN

 ANUNSYO

APLIKASYON PARA SA MGA BENEPISYARYONG OCTOGENARIAN AT NONAGENARIAN

 

Aming ipinapaalam sa lahat na maaari nang tumanggap at mag-endorso ng mga aplikasyon patungo sa NCSC Regional Office, kaugnay ng pagpapatupad ng RA 10868 na kilala bilang Centenarians Act of 2016 at RA 11982 na isang batas na nagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipinong octogenarians at nonagenarians.

Upang mapadali ang pagproseso at ebalwasyon ng mga application form, narito ang mga sumusunod na iskedyul at pamamaraan: [Tingnan ang graphic sa baba.]

 

 

 

Mga Pamamaraan sa Pagpapasa ng mga Dokumento sa MSWDO, OSCA, at Barangay Senior Citizen President

Upang higit pang mapabilis ang beripikasyon, pag-eencode, at pag-endorso ng mga application form, hinihiling naming sundin ang mga sumusunod na pamamaraan sa pagsumite:

1. Hinihikayat ng NCSC Regional Office I ang mga LGU na gamitin ang pinakabagong application form (Annex “A”) na maaaring i-download sa link na ito: https://tinyurl.com/ra11982application

 

2. Ang mga application form na naisumite bago ang Enero 15, 2026 ay hindi na kailangang sumunod sa mga pamamaraang nakasaad dito. Ang mga focal person ng NCSC Regional Office ay makikipag-ugnayan sa mga LGU na nakapagsumite na ng kanilang aplikasyon bago ang itinakdang petsa upang mapadali ang pagproseso nito.

 

Pagtupad sa mga Kulang na Kinakailangan at Dokumento

Ipapaalam ng itinalagang focal person ng NCSC sa kani-kanilang LGU ang mga kulang na kinakailangan at dokumento matapos ang beripikasyon ng mga application form at mga kalakip nito.

 

NOTE: Ang approval at ang pondo ng nasabing programa ay manggagaling sa NCSC (national government agency). Ang LGU-Bayambang ay ang tutulong para isumite ang inyong mga aplikasyon sa NCSC. Ang benepisyong ito ay hindi automatikong benepisyo kundi inaaplayan ng benepisyaryo.

No comments:

Post a Comment