BAYAMBANGUENEWS – MONDAY REPORT
– JANUARY 12, 2026
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
INTRO:
1: Magandang
araw, mga Kabaleyan! Ako po si _____________ mula sa Rural Health Unit II.
2: At ako naman
po si _____________ mula rin sa Rural Health Unit II.
1: Hatid namin
ang mga balita ukol sa mga makabuluhang programa, proyekto, at aktibidad ng
lokal na pamahalaan at ang pakikiisa ng ating komunidad.
2: Sama-sama
nating tunghayan ang mga kaganapang patunay ng malasakit, disiplina, at
pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.
1&2: Ito ang...
BayambangueNews
=====================
HEADLINES
1. Mayor Niña, Namahagi ng Pamaskong Handog sa
Iba't Ibang Sektor
Bukod sa
pamaskong handog sa bawat sambahayan at pamilya, namahagi rin si Mayor Niña,
mula sa sariling bulsa, ng handog na pamasko sa iba't ibang sektor ng bawat
barangay gaya ng mga senior citizen, teacher, PTA member, OFW, TODA, at SK at
barangay officials, kabilang ang mga tanod.
2. Simpleng Composting Method, Ibinahagi ng ESWMO
Ibinahagi ng
ESWMO-Bayambang ang isang simple at praktikal na composting method gamit ang
kitchen at food waste na sinubukan mismo ng isang staff sa kanyang tahanan.
Layunin nitong hikayatin ang mga household, lalo na sa urban barangays, na
mag-divert ng biodegradable waste kahit may limitadong espasyo, alinsunod sa RA
9003.
3. Switch Cafe, Muling Naghatid ng Tulong sa
Indigent Families
Muling
nagsagawa ng outreach program ang Switch Cafe para sa may 100 na indigent na
benepisyaryo noong December 27, katuwang ang MNAO at iba pang sponsors. Saklaw
ng programa ang mga pamilya mula sa siyam na barangay na nangangailangan ng
tulong sa nutrisyon at kalusugan.
4. Sibol MPC, Nagbigay-Saya sa mga Graduate ng
STAC
Nagsponsor
ang Sibol Multi-Purpose Cooperative ng isang outreach activity para sa mga
dating estudyante ng STAC-Bayambang noong December 29. Sa tulong ng mga
sponsors mula sa LGU-Bayambang Employees' Association, naipahatid ang saya at
alaala ng Kapaskuhan sa mga benepisyaryo.
5. Kampanya Kontra Ilegal na Paputok, Pinaigting
Sa bisperas
ng bagong taon, as pinahigpit ng PNP-Bayambang ang kanilang operasyon laban sa
ilegal na paputok. Sila ay mahigpit na nag-inspeksyon sa itinalagang
firecracker zone at mahigpit na nagbantay laban sa ilegal na paputok aat
ipinagbabawal at improvised firecrackers.
6. Mayor Niña, May Raffle Surprise sa Mga Kawani
ng Munisipyo
Noong
January 6, si Mayor Niña ay naghatid ng tuwa at saya sa mga empleyado ng
Munisipyo sa pamamagitan ng isang raffle matapos ang unang flag-raising
ceremony ngayong taon. Ipinamahagi ang iba’t ibang kapaki-pakinabang na gamit
sa bahay, kabilang ang mga grand prize na washing machine at smart TV sa halos
isang libong kawani. Ang surpresang handog ay nagbigay ng napakasiglang simula
ng panibagong taon ng pagbibigay ng serbisyo publiko.
7. Mga Aktibidad sa Pistay Baley 2026, Inilatag sa
Pulong
Sa isang
pulong, pinangunahan ni Mayor Niña ang mga paghahanda para sa gaganaping
Pista’y Baley 2026, kung saan binalangkas ang mga aktibidad na bubuo sa
selebrasyon na nakatakdang ganapin sa March 28 hanggang April 1, at sa April 5.
Isasagawa ang pista sa napagkasunduang tema na, “Bayambang: Ang Bayang
Pinapangarap.”
8. EEC Officers ng LGU, Muling Pinulong ukol sa
Pagtitipid sa Kuryente
Muling pinulong ng Munisipyo ang mga Energy Efficiency and Conservation Officers
nito upang talakayin ang energy conservation measures at recalibration
strategies bilang bahagi ng pagtitipid sa konsumo ng kuryente sa mga tanggapan.
Dito ay sinuri ang mga nakagawian at mga praktikal na hakbang para mas mapababa
pa ang paggamit ng enerhiya.
9. TFD, Inilatag ang mga Susunod na Hakbang
Sa pulong ng Task Force Disiplina noong January 8, tinalakay ang mga susunod na direksyon sa pagpapatupad ng disiplina at kaayusan sa pagsisimula ng taong 2026. Ibinahagi sa pulong ang mga update sa traffic management kabilang ang planong pagkabit ng traffic signal lights sa mga pangunahing interseksiyon, progreso ng field operations, at mga rekomendasyon ng traffic consultant.
Noong January 6, sinuri ng MDRRMO ang imbakan ng emergency disaster preparedness kits sa Obillo Elementary School sa Brgy. Pantol at ang kondisyon ng Pantol Evacuation Center. Sila rin ay nagsukat sa mga lugar na malubhang binaha noong nakaraang Hulyo upang magkaroon ng kongkretong datos sa naging epekto ng mga kalamidad, para sa mas epektibong disaster preparedness at risk reduction.
11. Congratulations, Bar Passers!
Ang
LGU-Bayambang ay mainit na bumabati sa lahat ng mga Bayambangueño na pumasa sa
pinakahuling Bar Exam, partikular na ang dating opisyal at dalawang kawani
nito!
=====================
[FLASH]
Atty.
Charlemagne Perez Papio - Municipal Legal Staff
Atty. Mary
Grace Caguioa Agas - Business Permits and Licensing Office Head
Atty.
Gabriel Tristan P. Fernandez - former Sangguniang Kabataan Federation President
=====================
Bayambang, Dapat Alam Mo: RHU II Medical Services:
(host: ____________ )
Bayambang,
dapat alam mo na maaari kang mag-avail ng mga sumusunod na medical services
mula sa RHU II at III lalo na kung ikaw ay nakatira sa kanilang catchment area.
- Animal
Bite Treatment
Nagbibigay
ang RHU II at III ng agarang lunas at bakuna laban sa rabies para sa mga
nakagat ng aso o pusa upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.
==============================================
[FLASH ONLY]
Schedule:
RHU II: kada Martes at Biyernes
==============================================
-
Implementation of YaKap o Yaman sa Kalusagan Program
Aktibong
ipinatutupad ang YaKap o Yaman sa Kalusagan Program upang makapagbigay ng
libreng konsultasyon, laboratory services, at piling gamot para sa mga
rehistradong miyembro ng PhilHealth.
- Mobile
Blood Donation Drives
Regular na
nagsasagawa ng mobile blood donation activities upang matiyak ang sapat na
suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.
-
Spearheading of Komprehensibong Serbisyo sa Bayan o KSB
Nangunguna
ang RHU II at III sa pagpapatupad ng KSB, isang one-stop-shop na nagdadala ng
iba’t ibang serbisyong pangkalusugan diretso sa mga barangay.
- Health
Promotion Activities (IEC)
Patuloy ang
kanilang information at education campaigns o IEC hinggil sa maternal at child
care, communicable at non-communicable diseases, kalusugan ng kabataan, mental
health, environmental sanitation, at oral health.
- Provision
of Prescribed Medicines to Consulted Patients
Nagbibigay
ang mga RHU ng mga available na iniresetang gamot upang matiyak ang tuluy-tuloy
na gamutan ng mga pasyenteng kumukunsulta.
- Provision
of Maintenance Medications for Hypertensive and Diabetic Patients
Tinutulungan
ang mga pasyenteng may altapresyon at diabetes sa pamamagitan ng pamamahagi ng
available na maintenance medicines para sa mas maayos na pangangasiwa ng
kanilang kondisyon.
- Mental Health
Assessment and Counselling
Nagbibigay
din ang RHU II at III ng mental health assessment at counselling upang
suportahan ang emosyonal na kalusugan at kapakanan ng mga Bayambangueño.
- TB DOTS
Center
May TB DOTS
Center ang din sila para sa libreng pagsusuri, gamutan, at masusing
pagmo-monitor ng mga pasyenteng may tuberculosis.
- STI/HIV
Counselling
Nagkakaloob
naman ng kumpidensyal na counselling, impormasyon, at gabay ang mga naturang
RHU kaugnay ng sexually transmitted infections at HIV para sa maagang pag-iwas
at tamang pangangalaga.
- Birthing
Facility
May ligtas
at kumpletong serbisyo sa panganganak ang birthing facility ng RHU II upang
matiyak ang maayos na pangangalaga sa mga buntis at bagong silang na sanggol.
- Dental
Services
Maaari ring
magpacheck-up at magpabunot ng ngipin sa RHU II araw-araw mula Lunes hanggang
Biyernes.
Kaya't kung
ikaw ay taga-Bayambang, lalo na kung taga-Barangay Wawa at mga kalapit na mga
barangay, kabilang ka sa catchment area ng RHU II at maaaring mag-avail ng mga
serbisyo nito.
Ang lahat ng
ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
==============================================
OUTRO:
1: At iyan po
ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan. Muli, ako po
si _____________ ng Rural Health Unit II. ?
2: At ako naman
po si ____________ ng Rural Health Unit II. ?
1: Sa patuloy
na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan,
2: ...Mas
nagiging maliwanag ang kinabukasan ng Bayambang.
1: Hanggang sa
muli...
1&2: Ito ang...
BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment