BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! (Sanitary Permit)
Alam mo ba na dapat LAHAT ng mga business establishment ay may Sanitary Permit?
Ha? Bakit kailangan pa nito? Eh di ba lalong dadami ang mga requirement sa pagkuha ng business permit?!
Wait lang... Ano nga ba ang Sanitary Permit? Bakit kailangan nito?
Ito ang permit na iniisyu ng Rural Health Unit (RHU) para masigurong ang mga negosyo at manggagawa ay malinis, ligtas, at pasado sa health standards upang hindi maging banta sa kalusugan ng publiko bago payagang mag-operate.
Legal Basis
Ito ay alinsunod sa Presidential Decree No. 856 o Code on Sanitation of the Philippines, na nagtatakda ng mga patakaran para sa kalinisan at kaligtasan ng lahat.
**
Requirements for Sanitary Permit:
- Business Application Form for Renewal mula BPLO
- Occupancy Permit galing sa Engineering Office
- Kopya ng Sanitary Permit ng nakaraang taon
- Updated Health Certificate para sa lahat ng empleyado
- Master list ng mga empleyado
For new applicants, bring a picture of the business location and structure for proper evaluation.
**
Requirements for Health Certificate (o ang dating tinatawag na Health Card):
Para sa mga food establishment at employees, submit Normal results of the following:
- Fecalysis / stool examination – available in RHU
- Urinalysis - available in RHU
- Chest X-ray – from radiology provider
Para sa non-food handlers or industrial establishments like funeral homes, hotels, hospitals, motels, apartments, public laundry, tonsorials e.g. barber shops, beauty establishments, massage clinics, submit Normal results of the following:
- Normal chest X-ray-PA result
- CBC (if requested by the individual or physician)
Maaaring gamitin (o magparehistro upang magamit) ang PhilHealth sa Rural Health Unit para sa mga laboratory test na kailangan. (Magdala lamang ng valid I.D.)
**
Mahalagang Paalaala
Ang resulta ng laboratoryo ay batayan sa pag-iisyu ng Health Certificate na siyang isang requirement ng Sanitary Permit at pagpayag na makapagtrabaho sa isang establisimyento. Kapag hindi pasado ang resulta, kailangang magpagamot at magpa-clear muna bago maaprubahan.
At ang Sanitary Permit ay dapat nakadisplay sa mismong establishment at hindi ginagamit sa ibang business.
***
Proseso ng Pagkuha:
- Mag-apply at magsumite ng requirements sa RHU
- May sanitary inspection sa establisimyento
- Ayusin muna ang kakulangan kung meron
- Kapag pasado, iniisyu ang Sanitary Permit
**
Validity at Renewal
Ang Sanitary Permit ay valid ng isang taon at kailangang i-renew taun-taon.
Revocation o Pagkansela
Maaaring bawiin o kanselahin ang permit kung may paglabag sa sanitation standards o may banta sa kalusugan ng publiko.
Isang paala-ala… Ang Sanitary Permit ay hindi lang papel o requirement. Ito ay pangako ng proteksyon ng kalusugan at kaligtasan ng bawat Bayambangueño.
At mayroong tayong good news! In-extend ang deadline sa pag-aapply ng business permit mula January 20 ayon sa Local Revenue Code to January 30 sa bisa ng Executive Order No. 3, series of 2026.
Bayambang, ang lahat ng ito ay... dapat alam mo!
No comments:
Post a Comment