Wednesday, January 28, 2026

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Ano ang Matalunggaring Awards?

 

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Ano ang Matalunggaring Awards?

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

Bayambang, dapat alam mo!

Bayambang, alam mo ba na mayroong pinakamataas na karangalan ang iginagawad ng bayan ng Bayambang sa mga pinaka-natatanging Bayambangueño?

Ito ay ang tinaguriang Matalunggaring Awards. Ang matalunggaring ay isang salitang Pangasinan na nangangahulugan ng "having a winning or superior quality."

Sino ba ang nakaisip nito?

Ang Matalunggaring Awards ay naisip ni Dr. Cezar T. Quiambao noong taong 2017, sa tulong ng isang komite na kanyang hiningan ng technical assistance. Ito ay kinabibilangan ng mga retired dean at propesor ng PSU at iba pang municipal consultants, na siyang nag-formulate ng rules and regulations ng selection process.

Pawang third party ang mga miyembro ng Selection Committee, upang hindi mabahiran ng pulitika ang nasabing parangal.

Ang karangalang ito ay na-institutionalize sa pamamagitan ng isang ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Bayambang at agad namang inaprubahan ang ordinansang ito ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Simula nang mag-gawad ang LGU ng Matalunggaring Awards noong taong 2018 hanggang sa taong 2025, mayroon na tayong 61 na natatanging indibidwal na ginawarang sa walong taon ng pagkilalang ito.

Kabilang dito ang national scientist na si Carmen Velasquez, mga educator na sina former CHED Chairman Prospero 'Popoy' de Vera, former UP President Danilo Lardizabal Concepcion, Sister Mary John Mananzan, at former PSU College Dean, Dr. Clarita Jimenez, father of Philippine cycling, Atty. Gerry Lacuesta, multi-awarded indie film director Christopher Gozum, fashion designer Rusty Lopez, former Labor Secretary Oscar Guevara, Police Director Noli Taliño, actor na si Carlos Salazar, Philippine Navy Commodore Luzviminda A. Camacho, Ten Outstanding Police Officer of the Philippines Awardee Eduardo Santiago, at 2007 Nobel Peace Prize Winner Patricia C. Todio Annie Courtin.

Kaya naman kung mayroon kayong kakilalang deserving sa award na ito, huwag mag-atubiling magtungo sa tanggapan ng Sangguniang Bayan Secretary upang kumuha ng nomination form. Ang inyong impormasyon at mga supporting documents ang siyang magiging basehan ng Selection Committee sa pagpili ng bagong batch ng awardees sa darating na kapistahan ng bayan sa taong ito.

Lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!

 

No comments:

Post a Comment