Bayambang, Dapat Alam Mo!
Bayambang, dapat alam mo na ang buwan ng Enero ay Zero Waste Month!
Ayon sa Presidential Proclamation No. 760, ang Zero Waste Month ay idinedeklara tuwing buwan ng Enero sa Pilipinas sa bisa ng Presidential Proclamation No. 760 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Mayo 5, 2014. Layunin ng proklamasyong ito na isulong ang kamalayan at pagkilos tungo sa mga prinsipyo ng zero waste, sa pamamagitan ng tinaguriang 7 Rs of Solid Waste Management:
1. REDUCE (BAWASAN)
Bawasan ang paggamit ng hindi kailangang balot o packaging. Sa halip ay pumili ng mga alternatibo.
2. REUSE (GAMITING MULI)
Tumanggi sa mga hindi kailangang gamit. Gumamit ng mga refillable na bote, mga telang bag sa halip na plastic, matitibay na straw, at iwasan ang mga gamit na isang beses lang ginagamit (single-use items).
3. RECYCLE (MAG-RESIKLO)
Paghiwa-hiwalayin nang tama ang basura at i-recycle ang mga maaaring i-recycle.
4. RETHINK (MAG-ISIP MUNA)
Piliin ang mga makakalikasang gawain sa araw-araw!
5. ROT (BULUKIN)
Ibalik sa lupa ang mga nabubulok na bagay.
6. REFUSE (TUMANGGI)
Tumanggi sa mga basurang hindi mo naman kailangan.
7. REPURPOSE (MULING GAMITIN SA IBA)
Bigyan ng bagong gamit ang mga bagay sa halip na itapon lang.
Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
========================================
[Insert hugot joke here:
Dapat alam mo na na mahal ka niya!
(Play Eva't Adan song)]
========================================
No comments:
Post a Comment