Sunday, January 11, 2026

Bayambang, Dapat Alam Mo: RHU II & III Medical Services

Bayambang, Dapat Alam Mo: RHU II Medical Services:

Bayambang, dapat alam mo na maaari kang mag-avail ng mga sumusunod na medical services mula sa RHU II at III lalo na kung ikaw ay nakatira sa kanilang catchment area.

 - Animal Bite Treatment

Nagbibigay ang RHU II at III ng agarang lunas at bakuna laban sa rabies para sa mga nakagat ng aso o pusa upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.

 ==============================================

[Schedule:

RHU II: kada Martes at Biyernes

==============================================

 - Implementation of YaKap o Yaman sa Kalusagan Program

Aktibong ipinatutupad ang YaKap o Yaman sa Kalusagan Program upang makapagbigay ng libreng konsultasyon, laboratory services, at piling gamot para sa mga rehistradong miyembro ng PhilHealth.

 - Mobile Blood Donation Drives

Regular na nagsasagawa ng mobile blood donation activities upang matiyak ang sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.

 - Spearheading of Komprehensibong Serbisyo sa Bayan o KSB

Nangunguna ang RHU II at III sa pagpapatupad ng KSB, isang one-stop-shop na nagdadala ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan diretso sa mga barangay.

 - Health Promotion Activities (IEC)

Patuloy ang kanilang information at education campaigns o IEC hinggil sa maternal at child care, communicable at non-communicable diseases, kalusugan ng kabataan, mental health, environmental sanitation, at oral health.

 - Provision of Prescribed Medicines to Consulted Patients

Nagbibigay ang mga RHU ng mga available na iniresetang gamot upang matiyak ang tuluy-tuloy na gamutan ng mga pasyenteng kumukunsulta.

 - Provision of Maintenance Medications for Hypertensive and Diabetic Patients

Tinutulungan ang mga pasyenteng may altapresyon at diabetes sa pamamagitan ng pamamahagi ng available na maintenance medicines para sa mas maayos na pangangasiwa ng kanilang kondisyon.

 - Mental Health Assessment and Counselling

Nagbibigay din ang RHU II at III ng mental health assessment at counselling upang suportahan ang emosyonal na kalusugan at kapakanan ng mga BayambangueƱo.

 - TB DOTS Center

May TB DOTS Center ang din sila para sa libreng pagsusuri, gamutan, at masusing pagmo-monitor ng mga pasyenteng may tuberculosis.

 - STI/HIV Counselling

Nagkakaloob naman ng kumpidensyal na counselling, impormasyon, at gabay ang mga naturang RHU kaugnay ng sexually transmitted infections at HIV para sa maagang pag-iwas at tamang pangangalaga.

- Birthing Facility

May ligtas at kumpletong serbisyo sa panganganak ang birthing facility ng RHU II upang matiyak ang maayos na pangangalaga sa mga buntis at bagong silang na sanggol.

 - Dental Services

Maaari ring magpacheck-up at magpabunot ng ngipin sa RHU II araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes.

 Kaya't kung ikaw ay taga-Bayambang, lalo na kung taga-Barangay Wawa at mga kalapit na mga barangay, kabilang ka sa catchment area ng RHU II at maaaring mag-avail ng mga serbisyo nito.

 Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!                

No comments:

Post a Comment