Monday, January 6, 2025

Monday Report - January 6, 2024

Monday Report - January 6, 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _________.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ________, at kami po ay mula sa _________.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. Mga Wheelchair mula PSWDO, Inaward sa 5 Beneficiaries

Limang wheelchair ang iniaward ng Persons with Disability Affairs Office ng MSWDO sa limang PWD at bed-ridden na senior citizen, matapos magrequest ang tanggapan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office. Agad na itinurn-over ang mga naturang mobility devices sa mga kanag-anak ng mga benepisyaryo noong December 19.

2. Preparatory Meeting, Ginanap para sa Town Fiesta

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpatawag ng isang preparatory meeting ang Municipal Administrator para sa lahat ng department, unit, at agency heads ng LGU ukol sa pagdiriwang ng ika-411 Bayambang town fiesta sa taong 2025, upang matiyak ang tagumpay ng pagdiriwang. Tinalakay sa pulong ang mga posibleng tema, binuo ang iba’t ibang komite, iminungkahi ang line-up at schedule ng mga aktibidad, pati na ang budget.

3. Implementasyon ng RA 11285, Pinagpulungan

Pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang iba't ibang departamento upang talakayin ang patungkol sa RA 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act at ang mga nararapat gawin kaugnay nito. Nakapaloob sa naturang batas ang Government Energy Management Program, na nagmamandato sa lahat ng LGU na isakatuparan ang target na 10% savings sa energy consumption nito simula January 2025. Kasama sa mga dapat gawin ay ang pagpapatupad ng isang Local Energy Efficiency and Conservation Plan, kabilang ang paghahanap ng pondo para rito.

4. Meat at Fish Section ng Public Market, Ininspeksyon

Noong December 23, ang Rural Health Unit I, kasama ang Office of the Special Economic Enterprise, ay nag-inspeksyon sa Meat Section at Fish Section ng Bayambang Public Market upang mamonitor ang sanitasyon ng mga naturang section at masiguradong ligtas ang mga paninda para sa ating mga mamimili.

5. Motorcade, Nagpaalala sa Lahat na Umiwas sa Paputok

Noong Decmber 20, ang Bayambang Fire Station ay nagsagawa ng isang motorcade para sa "Oplan Paalala: Iwas Paputok." Kasama sa aktibidad ang iba pang frontliner kabilang ang MDRRMO, BPSO, RHU, at PNP sa pagpapaaala sa lahat na umiwas sa mga ipinagbabawal na paputok.

6. 2,255 Kilo ng Soil Ameliorant, Na-produce ng ESWMO

Ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ay nakapag-produce ng 2,255 kilo ng soil ameliorant noong buwan ng Disyembre bilang parte ng waste diversion activity ng LGU alinsunod sa R.A. 9003. Ang nasabing soil ameliorant ay produkto galing sa mga biodegradable materials na nakokolekta ng opisina, kung saan ito ay magagamit bilang organikong pataba sa lupa para sa mga pananim.

7. Mga Departamento, Nagdaos ng Simpleng Year-End Celebration

Sa pagtatapos ng taon, ang iba't-ibang departamento ng LGU ay nagsagawa ng kani-kaniyang Year-End Assessment at celebration sa iba't ibang venue. Bagamat simple lamang ang mga naging aktibidad, ito ay nagbigay ng pagkakataon sa lahat upang irepaso ang mga naging accomplishment sa nakaraang taon at ipagdiwang ang mga naging tagumpay at napagnilayan ang mga napulot aral.

8. Grupong 'Born to Serve,' Nagbigay ng Pamasko sa PWDs

Noong December 28, ang grupong Born to Serve o BTS, sa tulong ng Nutrition Office at mga barangay officials, ay nagsagawa ng isang Christmas gift-giving activity para sa 123 na PWD sa Bayambang at selected alumni ng Bayambang National High School Batch 1990. Sila ay nagtungo sa Brgy. Nalsian Norte, Nalsian Sur, M.H. Del Pilar, at Pantol.

9. 163rd Rizal Day, Ginunita

Ang bayan ng Bayambang ay naging kaisa sa pambansang paggunita sa Araw ni Gat Jose Rizal, bilang pagpupugay sa kanyang naging sakripisyo para sa kalayaan at kasarinlan ng ating bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa kanyang bantayog sa harap ng municipal plaza sa pamamagitan ng Tourism Office.

10. Taong 2025, Sinalubong ng Fireworks Display sa Prayer Park

Naging tradisyon na ng pamilya Jose-Quiambao ang pagdaos ng isang engrandeng fireworks display sa bayan ng Bayambang bilang pagsalubong sa bagong taon. Sa pagbubukas ng taong 2025, isa na namang fireworks display ang isinagawa sa St. Vincent Ferrer Prayer Park bilang tanda ng pasasalamat, kagalakan, at pag-asa para sa Bagong Taon.

***

It's Trivia Time!

Nakapag-painit na ba ng natirang spaghetti ang lahat?

Tuwing Bagong Taon, sari-saring kaugalian na ang nakasanayan nating mga Pinoy. Kabilang na rito ang paghanda sa hapag-kainan ng mga bilog na prutas at ang pagpapaputok ng mga firecrackers upang diumano ay maitaboy ang mga masasamang espiritu.

Alam niyo ba na ang mga Pangasinense ay may tradisyunal na paputok gamit ang puno ng kawayan? Ito ay ang bamboo cannon na tinatawag na bongbong, gamit ang kalburo upang ito ay paputukin. Bagamat ito ay nakagagawa ng nakabibinging ingay, di ito gaanong nakakapaminsala tulad ng mga ipinagbabawal na paputok sa ngayon.

Sana ay walang napinsala sa atin sa mga naging putukan noong bisperas ng Baong Taon.

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, ____, ng ____ Office.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _____ mula sa Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews! HAPPY NEW YEAR!!!!


No comments:

Post a Comment