Wednesday, January 8, 2025

Monday Report - January 6, 2025

Monday Report - January 6, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Engr. Bernadette D. Mangande.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Engr. Jojo J. De Guzman, at kami po ay mula sa Municipal Engineering Office.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 ***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

1. Lubak-lubak na Kalsada, Inayos Na!

Natapos na ang pagsasagawa ng asphalt overlaying sa Bical-Tanolong Road, sa inisyatibo ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao at sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Governor Ramon Guico III. Ang proyekto ay naglalayong pansamantalang tugunan ang problema ng lubak-lubak na daan, na araw-araw na binabagtas ng mga motorista at mga magsasaka sa bayan. Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niรฑa sa DPWH, nakapag-secure na rin ng pondo ang lokal na pamahalaan at inaasahan na bago matapos ang taong 2025, magiging kongkreto na ang naturang daan.

2. KALIPI, May Unang Ani sa Hydroponics Project

Simula noong July 2024, ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay nag-organisa ng isang training ukol sa hydroponics farming para sa mga miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI) - Bayambang Chapter sa Brgy. Zone II. Ito ay upang mabigyan ang grupo ng isang project na popondohan sa ilalim ng GAD budget ng MAO. Noong January 6, nagsimulang magbenta ng kanilang ani ang mga miyembro sa LGU bilang paghingi ng suporta.

3.   Road-Clearing, Muling Isinagawa sa Nalsian Norte

Ang Road-Clearing Task Force ay muling nagsagawa ng operasyon matapos maiulat ang pagbabalik ng mga illegal vendors sa gilid ng national highway sa may Brgy. Nalsian Norte. Ang kanilang mga kagamitan ay kinumpiska ayon sa batas na nagbabawal sa peligrosong pagtatayo ng tindahan kung saan mayroong mga rumaragasang sasakyan. Nananawagan ang Task Force sa mga vendors na sumunod sa batas trapiko at Market Code para na rin sa kanilang kaligtasan at ng lahat ng mamimili at motorista.

4. Buklat Aklat, Dumako sa Bacnono at Bical

Muling nagpatuloy ang proyekto ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao na Buklat Aklat sa Bacnono Elementary School noong January 7 at sa Bical Elementary School noong at January 9. Ito ay upang walang mag-aaral ang mapag-iwanan sa larangan ng literasiya, lalo na sa pagbabasa. Naging guest readers sina Vice-Mayor IC Sabangan at Councilor Amory Junio.

5. Mga Magulang ng Child Laborers, May Sari-Sari Store Package

Noong January 7, ang DOLE Central Pangasinan Office, sa tulong ng PESO-Bayambang, ay nagpamahagi ng P27,000 worth ng livelihood package kada isa sa anim na magulang ng mga na-identify na mga child laborer. Kabilang sa livelihood package ang sari-sari store items at bigas na pangbenta. Ang aktibidad ay isinagawa sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

6.  ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ค๐™˜๐™–๐™ก ๐™๐™š๐™˜๐™ง๐™ช๐™ž๐™ฉ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™จ๐™– 2025

Noong January 7 hanggang 9, ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng unang local recruitment activity ng taong 2025, sa harap ng kanilang tanggapan. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng oportunidad sa mga lokal na aplikante na makahanap ng trabaho sa pagbungad ng taong 2025.

7.  Mga Usaping Pampinansiyal, Pinagpulungan

Noong January 8, pinulong ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao ang mga department head ng LGU upang pagtuunan ng pansin ang mga usaping pampinansiyal. Kanilang inilahad ang mga dapat gawin para sa taong 2025 upang masigurong ang lahat ng hakbang ay karapat-dapat at naayon sa itinakda ng batas.

8.   2025 Budget na P651,584,937.22, Aprubado na ng SP

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ang budget ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P651,584,937.22. Ito ay ayon ulat ng Sangguniang Bayan ng Bayambang matapos maglabas ng sertipikasyon ang SP noong January 5.

9. DPWH, Nagcourtesy Call ukol sa Nalalapit na Konstruksyon ng Wawa Bridge

Noong January 9, bumisita ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office I upang talakayin ang nalalapit na konstruksyon ng Carlos P. Romulo Bridge o "Wawa Bridge." Kasama ang nanalong contractor, ibinalita ng ahensya ang gaganaping public consultation ngayong buwan, at pagtapos nito ay ang konstruksyon ng isang two-way temporary bridge, at ang nakatakdang groundbreaking ceremony sa March 31.

***

It's Trivia Time!

Alam niyo ba na isa sa mga mandato ng Municipal Engineering Office ang ipatupad ang PD 1096 o ang National Building Code of the Philippines at ang Revised Implementing Rules and Regulations nito?

At bukod sa Building Permit, nagbibigay din ang Engineering Office ng mga Ancillary Permits, gaya na lamang ng mga sumusunod:

 Electrical Permit para sa ating electrical connections and installation

-        Mechanical Permit para sa ating mga air-condition units, generator sets, elevators, atbp.

-        Sanitary / Plumbing Permit para sa ating mga septic at water connections

-        At Electronics Permit para sa ating mga communication at electronic devices na ilalagay sa ating bahay at establishment, gaya na lamang ng CCTVs, ATM, switching equipment, PABX, at mga communication station ng radio, TV at ng mga telcos.

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Engr. Bernadette D. Mangande ng Engineering Office.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Engr. Jojo J. De Guzman mula rin sa Engineering Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews! HAPPY NEW YEAR!!!!

No comments:

Post a Comment