Thursday, January 30, 2025

MONDAY REPORT - FEBRUARY 3, 2025

MONDAY REPORT - FEBRUARY 3, 2025

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _________ mula sa _______ Office.

 NEWSCASTER 2: At ako naman po si __________ mula sa ________ Office.

 NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

 [SALITAN NA KAYO RITO]

 Sa ulo ng nagbabagang balita:

 1. ๐‚๐’๐Ž ๐…๐ž๐๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ , ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ 

Tinipon ang mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO) Federated Officers ng Bayambang sa isang pulong na naglalayong pagtibayin ang pagkakaisa ng pribadong sektor sa patuloy na laban kontra kahirapan. Kasama sa mga napag-usapan ang pagsumite ng Accomplishment Report batay sa kani-kanilang Action Plan, CSO accreditation, at pagpapalakas ng partisipasyon ng mga CSO at NGO sa mga pagpupulong at iba’t ibang inisyatibo ng LGU. 

 2. Grupong Feeding Angels, May 185 Beneficiaries

Ang grupong Feeding Angels of Bayambang ay muling nakipag-ugnayan sa Nutrition Office upang maghandog ng mga regalo para sa may 185 na undernourished na kabataan noong January 27. Kabilang sa mga bagong benepisyaryo ang mga daycare learners ng Brgy. Iton, Paragos, Cadre Site, at Pugo, at mga undernourished, PWD, at indigent na kabataan ng Brgy. Manambong Norte, Buayaen, Tamaro, San Gabriel 2nd, Iton, at Bongato West.

 3. Oplan "Business Permit Sita," Nag-umpisa Na

 A. Upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga business owners pagdating sa pagbabayad ng kanilang buwis, ang Oplan "Business Permit Sita" ay kasalukuyang iniimplementa ng LGU katuwang ang ilang national agencies. Matapos ang paghahanda sa isang pulong, nagpamahagi ang LGU ng mga pamphlet sa mga stallholders at business owners ukol sa deadline ng pagbabayad ng business permit.

B. Kinahapunan, nagsagawa naman ng isang orientation para sa mga miyembro ng 10 deputized teams na binuo mula sa iba’t ibang departamento ng LGU. Ang mga grupong ito ay magkakaroon ng awtoridad na sumita at hanapin ang orihinal na kopya ng business permit. Sisimulan ang kanilang pag-inspeksyon sa February 3, at ang mga non-compliant business owners ay bibigyan ng tatlong araw na palugit upang makapagcomply at makaiwas sa aberya.

4. Preventive Maintenance, Tinalakay sa IT TWG Meeting

Noong January 28, tinalakay sa unang pulong ng Information Technology Technical Working Group ang regular na preventive maintenance activity para sa lahat ng IT equipment ng LGU at ang kahalagahan ng paggamit ng Network Attached Storage. Idinetalye dito ng mga ICTO staff ang mga dapat ihanda ng bawat opisina sa pagsasagawa ng preventive maintenance, kabilang ang mga computers at iba pang IT equipment.

5. Mga BHW at BNS, Pinulong ukol sa mga 1Q Activities

Noong January 28, tinalakay ng RHU sa pulong ng mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ang kanilang mga first quarter activities. Kabilang sa naging usapin ang kritikal na papel ng mga BHW at BNS bilang Health Education and Promotion Officer sa mga barangay, Non-Communicable Disease Risk Assessment, deworming campaign, Health Promotion for Teens, at iba pang programa.

6. ๐ƒ๐š๐š๐ง-๐๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐žรฑ๐จ, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐…๐ฅ๐ฎ ๐•๐š๐œ๐œ๐ข๐ง๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐Ž๐๐„ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Noong January 30, nagbigay ng libreng bakuna laban sa flu ang HOPE Foundation, katuwang ang RHU, para sa daan-daang Bayambangueรฑo. Kabilang ang mga LGU employees sa mga nabakunahan ng libre, mula sa 500 shots na inilaan ng HOPE Foundation para sa Bayambang. Sa mga pribadong ospital, ang isang flu vaccine shot ay nagkakahalaga ng P1,500.  

7. ๐—ฅ๐—›๐—จ, Naghanda para ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต 2025

Noong February 28, ang Municipal Health Office (MHO) ay nagsagawa ng coordination meeting bilang paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Oral Health Month 2025 na bahagi ng 21st National Oral Health Month Celebration. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga plano para sa selebrasyon, kabilang ang 1st Toothbrushing Marathon, opening/kick-off ceremony, Project BUNTIS, Project Hope, at 2nd Orally Fit Child Awarding Ceremony.

8. 57 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation and Counseling

Noong January 30, ginanap ang isang Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa mga mag-iisang dibdib sa darating na Kasalang Bayan. Nasa 57 couples ang dumalo sa aktibidad na inorganisa ng LCR at MSWDO. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang: pagpapatibay ng samahan bilang mag-asawa, pagiging responsableng magulang, at pagpaplano ng pamilya.

 9. HRMO, May Libreng Review para sa Civil Service Exam

Noong February 1, nagsimula na ang Human Resource Management Office na magbigay ng libreng review sa mga government employees na gustong mag-take ng Civil Service Examination. Ang unang session ng libreng review ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.

 10. Uniporme ng mga Atletang Bayambangueรฑo, Sinagot ng LGU

Sa direktiba ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, muling sinagot ng lokal na pamahalaan ang uniporme ng mga atletang Bayambangueรฑo na sasali sa Pangasinan I SDO Meet, gamit ang Gender and Development Fund.

Sinagot din ng LGU ang kanilang pamasahe at food allowance gamit ang Special Education Fund at Municipal Sports Fund. Dalawang bus naman ang ipinahiram ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa mga naturang atleta.

 ***

It's Trivia Time!

[PESO]

Alam ba ninyo na katuwang ng PESO-Bayambang ang Department of Labor and Employment sa pagpapatupad ng proyekto nitong TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa ating Displaced o Disadvantaged Workers?

Noong nakaraang taon, 3,849 na Bayambangueno ang natulungan ng PESO at DOLE na makatanggap ng naturang ayuda.

Alam ba ninyo na sa PESO-Bayambang din nakasentro ang pagpoproseso ng mga request ng mga paraalan para sa iba't ibang programa gaya ng Work Immersion, OJT o on-the-job training, SPES o Special Program for Employment of Students, at GIP o Government Internship Program?

Noong nakaraang taon, sa tulong ng PESO:

- 692 na estudyante mula sa iba't ibang paaralan ang natulungang sumailalim sa Work Immersion sa LGU.

- 125 naman ang naging OJT

- 34 ang naging SPES beneficiaries, at

- 44 na college graduates ang nagtapos sa GIP.

Bukod pa rito, nagkaroon ng 6 na job fair at 17 Local at Special Recruitment Activities na nagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga Bayambangueรฑo.

Maging ang ating mga Overseas Filipino Workers ay tinutulungan din ng PESO-Bayambang! Noong nakaraang taon, 6 na OFW repatriation cases ang naasikaso.

Sa ilalim ng Livelihood Program and Training, mayroong 49 beneficiaries na nabigyan ng oportunidad na makapagsimula ng kanilang kabuhayan.

 ***

[IAS]

Alam niyo ba na ang Internal Audit Service ang siyang nagsisilbing independent advisor para mapabuti ang governance, risk management, at control processes ng pamahalaan?

Sa kasalukuyan ang Internal Audit Service ay kinabibilangan ng apat (4) na Certified Public Accountants (CPAs) mula sa siyam (9) na CPAs ng LGU.

Kabilang sa mga pangunahing tungkuling ginagawa ng Internal Audit ay magsagawa ng:

1.        Cash Examination - upang siguraduhing lahat ng koleksyon ng LGU ay nadedeposito ng tama at may sapat na pera pambayad sa iba’t ibang gastusin at proyekyo ng LGU.

2.        Procurement Audit - upang siguraduhing lahat ng procurement activities ay alinsunod na itinakda ng RA 9184 o Government Procurement Reform Act.

3.        Compliance and Operations Audit - upang siguraduhing nasusunod ang lahat ng itinakdang batas, regulasyon at polisiya sa paghahatid ng serbisyo-publiko.

 Alam niyo rin ba na ang Internal Audit Service, Commission on Audit, at Internal Quality Audit ay magkakaibang tanggapan na may kani-kaniyang itinakdang tungkulin?

Ang Internal Audit Service ay nakatuon sa pagpapabuti ng Internal Control System ng LGU upang siguraduhing lahat ng itinakdang batas, regulasyon, polisiya at proseso sa paghahatid ng serbisyo-publiko ay nasusunod.

Ang Commission on Audit or COA naman ay nakatuon sa pagsusuri sa mga transakyon ng LGU upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng taong bayan.

Samantala, ang Internal Quality Audit or IQA ay nakatuon upang tiyakin na ang mga proseso at sistema ng LGU ay sumusunod sa mga pamantayang itinakda sa ISO 9001:2015 standard.

Kaya laging tandaan, ang Internal Audit Service ay katuwang ng tapat na pamahalaan.

 ***

[OUTRO]

 NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _______, ng _____ Office.

 NEWSCASTER 2: At ako naman po si ____________ mula sa ______ Office.

  [SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews!

No comments:

Post a Comment