Thursday, January 30, 2025

Trivia: PESO

It's Trivia Time!

[PESO]

Alam ba ninyo na katuwang ng PESO-Bayambang ang Department of Labor and Employment sa pagpapatupad ng proyekto nitong TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa ating Displaced o Disadvantaged Workers?

Noong nakaraang taon, 3,849 na Bayambangueno ang natulungan ng PESO at DOLE na makatanggap ng naturang ayuda.

Alam ba ninyo na sa PESO-Bayambang din nakasentro ang pagpoproseso ng mga request ng mga paraalan para sa iba't ibang programa gaya ng Work Immersion, OJT o on-the-job training, SPES o Special Program for Employment of Students, at GIP o Government Internship Program?

Noong nakaraang taon, sa tulong ng PESO:

- 692 na estudyante mula sa iba't ibang paaralan ang natulungang sumailalim sa Work Immersion sa LGU.

- 125 naman ang naging OJT

- 34 ang naging SPES beneficiaries, at

- 44 na college graduates ang nagtapos sa GIP.

Bukod pa rito, nagkaroon ng 6 na job fair at 17 Local at Special Recruitment Activities na nagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga Bayambangueño.

Maging ang ating mga Overseas Filipino Workers ay tinutulungan din ng PESO-Bayambang! Noong nakaraang taon, 6 na OFW repatriation cases ang naasikaso.

Sa ilalim ng Livelihood Program and Training, mayroong 49 beneficiaries na nabigyan ng oportunidad na makapagsimula ng kanilang kabuhayan.

  

No comments:

Post a Comment