Wednesday, January 15, 2025

Trivia: ESWMO

 It's Trivia Time!

Alam ninyo ba na ang official municipal flower ng Bayambang ay bougainvillea? Bongga 'di ba?

At dahil diyan, kasama sa adhikain ng ating mayora ang maging mas malinis at maging bali-bali ang ating bayan sa pagmamagitan ng malawakang pagtatanim ng bougainvillea.

Ang opisina ng ESWM ang naging punong abala sa programang ito, kung saan aming binibisita ang bawat barangay at kanilang mga Material Recovery Facility.

 ***

At alam ba ninyo na gumagastos ang munisipyo ng humigit-kumulang na tatlong milyong piso taun-taon para sa pagdispose ng mga basura?

Kaya't dapat sa bahay pa lamang ay kontrolado na ang dami ng ating itinatapong basura!

 Ating tandaan na regular na kinokolekta ng ESWMO ang mga basura ayon sa sinusunod na schedule. 

 Atin ding tandaan na maayos na ihiwalay o isegregate ang mga basura, ayon sa uri nito:

- Biodegrable o nabubulok (magflash ng mga ehemplo tulad ng mga tirang pagkain at pinagtalupang prutas at gulay sa kusina + kulay berde na trash can)

- Non-biodegradable o 'di nabubulok (magflash ng mga ehemplo gaya ng plastic + kulay asul na trash can)

- Recyclable o nareresiklo o mga kalakal (magflash ng mga ehemplo tulad ng mga lata + kulay dilaw na trash can)

- Residuals o di na mapapakinabangan pa (magflash ng mga ehemplo: used diaper, cigarette butts, baby wipes, used/discarded clothes)

- Hazardous o mapanganib (magflash ng mga ehemplo tulad ng chemicals, used medical supplies, basag na bombilya, langis na nagamit na, at mga sirang elektronic devices + kulay pulang trash can)

 Ipinagbabawal din ng batas na Clean Air Act (RA 8749) at Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) ang pagsusunog ng anumang basura sa inyong bakuran. Ang pagsusunog halimbawa ng inyong natuyong maisan ay maaari ring mauwi sa malawakang wildfire lalo na kung panahon ng tagtuyot.

 No segregation, no collection policy po tayo, mga kabaleyan! Kaya maging responsableng Bayambangueño, at panatilihin nating bali-bali ang ating pinablin baley na Bayambang!


No comments:

Post a Comment