Friday, January 17, 2025

Monday Report - January 20, 2025

Monday Report - January 20, 2025

 [INTRO]

 NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Maria Karen Junio.

 NEWSCASTER 2: At ako naman po si Eduardo M. Angeles Jr., at kami po ay mula sa Ecological Solid Waste Management Office.

 NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

 ***

 [SALITAN NA KAYO RITO]

 Sa ulo ng nagbabagang balita:

 1.๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—•๐—œ๐—ฆ ๐—–๐—ผ-๐—ผ๐—ฝ, ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด Mini-Rice Mill

 Isang village-type rice mill o kiskisan ang natanggap ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang brown rice at pigmented rice production, dahil sa pakikipag-ugnayan ng Agriculture Office sa DA-PhilRice at Department of Trade and Industry. Ang rice mill ay nagkakahalaga ng P888,000 mula sa Service Facility Program ng DTI. Ang awarding ay ginanap noong January 10 sa Brgy. Tampog at pinangunahan ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten. 

2. ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ž๐˜‚๐—ฏ๐—ผ, ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ

Tinanggap ng isa na namang benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong ipinagkaloob ni Mr. Chavit Singson, salamat sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao bilang parte ng kanyang pabahay project. Ang bahay kubo, na nagkakahalaga ng P45,000, ay inihatid ng LGU sa tinitirhan ni G. Richard Borromeo sa Brgy. Pangdel noong January 10 sa pagtutulungan ng Administrator's Office, MSWDO, Engineering Office, at Pangdel Barangay Council. Si Borromeo ay isang farm laborer na nakikitira lamang sa mga kaanak kasama ang kanyang partner at anak.

3. ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

 Sa ilalim ng direktiba ni Mayor Niรฑa, nagsagawa ng pulong ang Municipal Local Government Operations Office upang talakayin ang mga nararapat gawin para sa 4th quarterly validation at assessment ng Barangay Road Clearing Operations, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, at Search for Cleanest Barangays sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Marcos. Pinag-aralan sa pulong ang progreso at tagumpay ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga nakapaloob sa programang ito, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at food sustainability sa buong bayan.

 4.  2 Bayambangueรฑo na Walang Maayos na Tirahan, Tinulungan

Dalawang Bayambangueรฑo na walang maayos na tirahan ang tinulungan ni Mayor Niรฑa sa pamamagitan ng MDRRMO at MSWDO matapos mapag-alaman ang kanilang kondisyon. Nagsasagawa noon ng damage assessment ang MDRRMO sa Brgy. Hermoza sa kasagsagan ng bagyong 'Kristine' nang kanilang mapansin ng kalunos-lunos na kalagayan ng mga residenteng sina Gng. Agripina Camorongan at G. Roberto Camorongan. Matapos ang koordinasyon ng MDRRMO sa alkalde, agad na pinalitan ang barung-barong ng dalawang senior citizen ng dalawang maliit ngunit mas maayos na tahanan bago mag-Pasko.

5.  Mayor Niรฑa, Namahagi ng Generator Sets sa 77 Barangays

Ang pitumpu’t-pitong barangay ng Bayambang ay tumanggap ng tig-iisang generator set mula sa lokal na pamahalaan noong January 13, sa pamamagitan ng MDRRMO. It ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng munisipalidad sa mga posibleng kalamidad, partikular na ang pagtugon sa pangangailangan sa kuryente sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya.

6.   Iba't Ibang Isyu, Tinalakay sa Buwanang Pulong

Sa buwanang pakikipagpupulong ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao sa mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan Chairperson, at farmers' association president noong January 13, tinalakay ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng bayan at mga barangay kabilang na ang kaso ng harabas sa Manambong, road repairs, road clearing operations, pagbabayad ng amilyar at iba pang buwis, pagkuha ng business permit at Mayor's Clearance, at iba pa.

7.  "Buklat Aklat,” Nagpatuloy sa Idong at Inirangan

Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niรฑa ay nagpatuloy sa Idong-Inanlorenza Elementary School noong January 14 at Inirangan-Reynado Elementary School noong January 16, upang bigyan naman ng pagkakataon ang mga mag-aaral doon na makaranas ng book reading session katulad nang mga nasigawa na sa iba't ibang paaralan sa Bayambang. Naging guest storyteller si Councilor Mylvin 'Boying' Junio at Bb. Bayambang Reign Joy Lim, kasama ang LYDO, SK, BPRAT, at iba pang mga Binibining Bayambang.

8. Urbiztondo MPDC at HRMO, Nag-benchmarking Dito

Ang Municipal Planning and Development Coordinator ng bayan ng Urbiztondo ay nag-benchmarking sa MPDC at HRMO ng Bayambang noong January 14. Sila ay nagcourtesy call kay Mayor Niรฑa, at nakinig sa best practices ng LGU sa Strategic Performance Management System bilang paghahanda sa kanilang accreditation sa PRIME-HRM ng Civil Service Commission.

9. Assistive Devices, Ipinamahagi sa 4 PWDs

Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ay nagpamahagi ng iba't ibang assistive devices sa mga nagrequest na PWD. Gamit ang PDAO at Senior Citizen Fund, apat na katao ang nabigyan ng PDAO ng pedia walker, adult walker, adult wheelchair, at pediatric wheelchair sa nasabing tanggapan noong January 14.

10.                    Construction ng BPC, Nasa Bidding Stage Na!

 Ang konstruksyon ng permanenteng gusali ng Bayambang Polytechnic College sa Brgy. Bical Norte ay nasa bidding stage na, matapos buksan ng Bids and Awards Committee ang public bidding para rito noong January 14. Naroon sa aktibidad si BPC President, Dr. Rafael Saygo, at iba pang opisyal upang tutukan ang bidding at siguruhing dumaan ito sa tamang proseso. Inaasahan ang groundbreaking ceremony sa February 6.

11.               MDRRM Council, Tinutukan ang Risk Communication sa Pulong

 Noong January 16, nagpulong ang MDRRM Council para sa unang quarter ng taon, sa pangunguna ni Mayor Niรฑa at ng MDRRMO. Tinutukan dito kung ano ang risk communication at ang kahalagahan nito upang magkaroon ng mas ligtas at resilient na komunidad. Nirepaso rin sa pulong ang mga naging pinakahuling accomplishments ng council at tinalakay ang mga nararapat pang gawin sa larangan ng DRRM.

12. Emergency Meeting ukol sa Harabas, Isinagawa

Nagpatawag ng isang emergency meeting si Mayor Niรฑa Jose-Quiambao sa Municipal Agriculture and Fishery Council noong January 9 at mga kapitan at farmers' president naman noong January 13, kung saan tinalakay ang mga dapat gawin. Noong January 15, agad na nagsagawa ang MDRRMO ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa mga apektadong sakahan upang ivalidate ang mga nakalap na datos.

13. Mga Insecticide at Fungicide, Inumpisahan nang Ipamahagi sa mga Apektado ng Harabas

 Noong January 17 naman, agarang nagpamahagi ang Agriculture Office ng mga insecticide at fungicide sa mga onion at corn farmers na nag-ulat ng pinsala sa pananim dulot ng harabas o armyworm. Ang mga pestesidyo ay binili ng LGU-Bayambang katuwang ang MDRRMO na siyang naglaan ng pondo. Ang agarang pagbili at distribusyon ng mga pesticides mula sa direktiba ni Mayor Nina ay isang pagtugon upang makontrol ang paglawak ng pinsala na dulot ng harabas sa mga apektadong pananim.

14. Bagong Budget Officer, Kinumpirma ng SB

Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang appointment ni Ms. Marie Christine Bautista bilang bagong Municipal Budget Officer, sa plenary session ng SB noong January 13. Si Bautista ay isang Certified Public Accountant, at ngayon ay may rangkong Municipal Government Department Head I. Kanyang pinalitan ang dating Municipal Budget Officer na si Peter Caragan matapos itong magmandatory retirement sa LGU.

 ***

 It's Trivia Time!

Alam ninyo ba na ang official municipal flower ng Bayambang ay bougainvillea? Bongga 'di ba?

At dahil diyan, kasama sa adhikain ng ating mayora ang maging mas malinis at maging bali-bali ang ating bayan sa pagmamagitan ng malawakang pagtatanim ng bougainvillea.

Ang opisina ng ESWM ang naging punong abala sa programang ito, kung saan aming binibisita ang bawat barangay at kanilang mga Material Recovery Facility.

 ***

At alam ba ninyo na gumagastos ang munisipyo ng humigit-kumulang na tatlong milyong piso taun-taon para sa pagdispose ng mga basura?

Kaya't dapat sa bahay pa lamang ay kontrolado na ang dami ng ating itinatapong basura!

 Ating tandaan na regular na kinokolekta ng ESWMO ang mga basura ayon sa sinusunod na schedule. 

 Atin ding tandaan na maayos na ihiwalay o isegregate ang mga basura, ayon sa uri nito:

- Biodegrable o nabubulok (magflash ng mga ehemplo tulad ng mga tirang pagkain at pinagtalupang prutas at gulay sa kusina + kulay berde na trash can)

- Non-biodegradable o 'di nabubulok (magflash ng mga ehemplo gaya ng plastic + kulay asul na trash can)

- Recyclable o nareresiklo o mga kalakal (magflash ng mga ehemplo tulad ng mga lata + kulay dilaw na trash can)

- Residuals o di na mapapakinabangan pa (magflash ng mga ehemplo: used diaper, cigarette butts, baby wipes, used/discarded clothes)

- Hazardous o mapanganib (magflash ng mga ehemplo tulad ng chemicals, used medical supplies, basag na bombilya, langis na nagamit na, at mga sirang elektronic devices + kulay pulang trash can)

 Ipinagbabawal din ng batas na Clean Air Act (RA 8749) at Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) ang pagsusunog ng anumang basura sa inyong bakuran. Ang pagsusunog halimbawa ng inyong natuyong maisan ay maaari ring mauwi sa malawakang wildfire lalo na kung tagtuyot.

 No segregation, no collection policy po tayo, mga kabaleyan! Kaya maging responsableng Bayambangueรฑo, at panatilihin nating bali-bali ang ating pinablin baley na Bayambang!

 (Background jingle: Basura Isegregate Mo La!)

 ***

 [OUTRO]

 NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Maria Karen Junio.

 NEWSCASTER 2: At ako naman po si Eduardo M. Angeles Jr. mula pa rin sa Ecological Solid Waste Management Office.

 [SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueรฑews!

No comments:

Post a Comment