Sunday, December 1, 2024

LGU Accomplishment Report - November 2024

 

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

LSB, Tinalakay ang mga Plano sa 2025

 

Sa pulong ng Local School Board noong October 30, tinalakay ang paghahanda ng budget para sa 2025 Special Education Fund o SEF. Kabilang sa mga plano ang paglaan ng isang milyong piso para sa pagpapatayo ng isang bagong silid-aralan sa Don Teofilo Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue.

 

 Buklat Aklat Project, Inilunsad

 

Noong November 6, inilunsad ng Local Youth Development Office ang Buklat Aklat project sa Alinggan-Banaban Elementary School, bilang parte ng pagdiriwang ng National Children's Month. Ito ay isang programang naglalayong mapabuti ang reading comprehension ng mga mag-aaral at mapataas ang literacy rate sa bayan ng Bayambang. Kabilang sa mga magtuturo sa mga piling kabataan sa sampung elementary schools ay mga Sangguniang Kabataan members at iba pang boluntaryo. Ang proyekto ay magtatagal hanggang December 4.

 

Bayambangueño, Nagwagi sa Global IT Challenge for Youth with Disabilities

 

Si Dallin Jeff E. Moreno ng Bayambang National High School ay nagwagi ng dalawang medalya sa ginanap na IT Challenge for Youth with Disabilities sa Manila Hotel mula November 4 hanggang 8. Si Moreno ay pinarangalan ng isang gold medal sa e-Tool Presentation/Hearing category at silver medal sa e-Tool Spreadsheet/Hearing category. Siya ay kabilang sa Philippine team na nakipagtagisan sa nasabing international competition kung saan may labing-anim na bansa ang nakilahok.

 

"Buklat Aklat," Nagpatuloy sa Amancolising ES

 

Noong November 20, ang Local Youth Development Office ay nagtungo sa Amancosiling Elementary School upang ipagpatuloy ang proyektong Buklat Aklat, na naglalayong mapabuti ang reading comprehension ng mga struggling students sa lahat ng public elementary schools. Naroon bilang volunteer ang SK Bayambang, MTICAO, Binibining Bayambang, at iba pang volunteers gaya nina Councilor Benjie de Vera at kabiyak na si Atty. Charina Cherizze de Vera, na naging special guest reader.

 

 

Buklat Aklat Team, Nagpatuloy sa San Gabriel-Iton ES

 

Ang ‘Buklat Aklat’ project ng Local Youth Development Office ay nagtungo sa San Gabriel-Iton Elementary School noong November 27. Naging special guest sina Councilor Benjie de Vera, Pangasinan LGBTQI Federation President Samuel Lomboy Jr., Municipal Librarian Atty. Melinda Fernandez, at Hero Group CEO, Ms. Lormie Garay. Nakiisa rin ang mga lokal na opisyal, SK Chairpersons, at guro upang suportahan ang proyekto at National Book Week celebration.

 

HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Mga Serbisyo ng Munisipyo, Dinala sa Bacnono

 

Noong November 7, ang team ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay nagtungo sa Bacnono Elementary School upang direktang magbigay ng mga serbisyo ng Munisipyo sa mga taga-Brgy. Bacnono, Ataynan, at Buenlag 1st. Ayon sa ulat ni KSB chairperson, Vice-Mayor IC Sabangan, may daan-daang katao na naman ang nabigyan ng KSB team ng iba't ibat uri ng serbisyo, gaya ng libreng medical checkup at dental services, bakuna sa hayop, legal advice, at pagproseso ng iba't ibang dokumento.

 

LGU, May Bagong Ambulansya

 

Isang bagong ambulansya ang binili ng LGU para mas lalong mapalakas ang emergency response sa bayan ng Bayambang. Ito ay nagkakahalaga ng P1,840,000, gamit ang DRRM Fund for Disaster and Emergency Preparedness.

 

Big Catch-Up Immunization, Isinagawa

 

Noong November 28, isinagawa ang Big Catch-Up Immunization sa Bayambang, sa pangunguna ni DOH Usec. Gloria J. Balboa. Ito ay bahagi ng ika-limampung taon ng Expanded Program on Immunization ng ahensya. Sa pagtutulungan ng ating mga Rural Health Units kasama ang World Health Organization at DOH, nagkaroon ng mass vaccination laban sa human papillomavirus, tetanus, pneumonia, at influenza.

 

Mayor Niña at Buong Red Cross San Carlos Council, Nanumpa!

 

Matapos maluklok sa ikalawang pagkakataon bilang Presidente ng Philippine Red Cross San Carlos Branch Council si Mayor Niña, ang kaniyang kinatawan na si Bb. Sheina Mae Gravidez ng MTICAO ay nanumpa kasama ang iba pang miyembro ng konseho, sa 2024 PRC Pangasinan Chapter Assembly na ginanap sa Gia's Farm and Events Place, Urdaneta City, Pangasinan. Bukod pa rito, ginanap din sa naturang pagtitipon ang eleksyon ng mga bagong Board of Directors ng organisasyon kung saan ilan sa mga napabilang sa listahan ng sampung newly elected BODs sina 3rd District Board Member Sheila Baniqued, 5th District Board Member Nicholi Jan Louie Sison, Vice-Governor Mark Ronald Lambino, at Pangasinan First Lady Maan Guico.

 

 

- Nutrition (MNAO)

 

Sancagulis BNC, Most Outstanding Barangay Nutrition Committee

 

Ang Brgy. Sancagulis ay nagwaging champion sa Search for Most Outstanding Barangay Nutrition Committee 2024 na isinagawa ng Bayambang Municipal Nutrition Committee (MNC). Ang naturang barangay ay nakatanggap ng P20,000. First runner-up naman ang Brgy. Bacnono, 2nd runner-up ang Brgy. Caturay, 3rd runner-up ang Brgy. Magsaysay, at 4th runner-up ang Brgy. Hermoza.

 

"Idol Ko si Nanay" Training, Tumutok sa First 1,000 Days

 

Isa na namang "Idol Ko si Nanay" Training ang inorganisa ng Municipal Nutrition Action Office para sa 44 Barangay Nutrition Scholars at Nutrition Office staff upang sila ay matuto mula sa mga eksperto. Kabilang sa mga tinalakay na paksa sa tatlong araw na training ang "Breastfeeding," "Complementary Feeding," "Nutrition During Pregnancy and Lactation," at "Danger Signs During Pregnancy." 

 

School Nutrition Programs, Patuloy na Binabantayan

 

Ang Municipal Nutrition Committee ay patuloy sa pagmomonitor sa implementasyon ng nutrition programs ng ating mga paaralan. Nitong November 14, kanilang binisita ang San Gabriel-Iton, Amancosiling, at Telbang Elementary Schools, at Buayaen Central School.

 

Bayambang, Pinakaunang Munisipyo na may NSG sa Region I

 

Noong November 21, isang pulong ang inorganisa ng DOH at MNAO ukol na pagkakabuo ng Nutrition Support Groups (NSG) sa lahat ng barangay ng Bayambang. Ang NSG ay binubuo ng 539 members mula sa iba’t ibang sektor at kanilang bibigyang-diin ang kahalagahan ng tamang nutrisyon bilang pundasyon ng mas malusog na pamumuhay. Ayon sa DOH, ang Bayambang ang kauna-unahang munisipalidad sa rehiyon na nakapagtatag ng ganitong inisyatibo.

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Kick-off Activity para sa National Children's Month, Idinaos

 

Bilang kick-off activity para sa National Children's Month 2024 celebration, nagsilbing host ang mga lokal na kabataan sa ginanap na flag ceremony noong November 4 sa Events Center. Sila ay nagpamalas ng kani-kanilang talento sa pagiging emcee, newscaster, at group dance performer, sa pangunguna ng mga winners ng Little Mr. and Ms. Bayambang 2023 at 2024. Sa programa ay sabayang binigkas ng lahat ang Panatang Makabata bilang pakikiisa sa pagtaguyod ng mga karapatang pambata.

 

 

Bayambang Pre-K Learners, Tinuruan ng Backyard Gardening

 

Ang mga pre-kindergarten learners ng 77 Child Development Centers ng Bayambang ay sabay-sabay na tinuruang magtanim ng mga gulay noong November 11, bilang bahagi pa rin ng Children's Month. Mismong ang mga bata ang nagtanim ng mga gulay sa mga paso o katabing bakuran, matapos silang turuan ng kanilang mga Child Development Workers ng mga wastong hakbang sa backyard gardening. Ito ay bahagi ng pagsulong ng kanilang "survival rights."

 

GAD Monitoring and Evaluation Training, Isinagawa

 

Noong November 5 to 7, muling nagsagawa ang MSWDO ng isang Gender and Development Training para sa mga miyembro ng GAD Focal Point System, upang matuto sa tamang monitoring and evaluation ng mga gender-sensitive programs, projects and activities ng bayan ng Bayambang. Naging lecturer ang isang independent GAD specialist, at naging facilitator naman ang mga taga-Municipal Planning and Development Office.

 

 

 P15,000 Start-up Capital, Ibinigay ng DSWD sa 129 Katao

 

Noong November 5, nagpamahagi ang Department of Social Welfare and Development ng panibagong ayuda sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program nito para sa 129 na Bayambangueño na nakitang kwalipikado at may kapasidad na magtayo ng maliit na negosyo. Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa iba’t ibang barangay at nakatanggap ng P15,000 start-up capital kada isa at samakatwid ay tumanggap ng may kabuuang 1,935,000 pesos. Ang payout activity ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.

 

 

700 Katao, Tumanggap ng Ayuda 

 

Isang profiling at payout activity ang isinagawa ng DSWD at MSWDO para sa AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), gamit ang pondo mula sa ABONO Party-List at kina Congressman Robert Raymund Estrella at Board Member, Dr. Sheila Baniqued. Ang aktibidad ay ginanap sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong November 13. May 700 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing ayuda.

 

 Bayambang, Naging Host ng Regional SLP Congress

 

A. Mula November 12 hanggang 15, ang Bayambang ay nagsilbing host ng 5th Regional SLP Congress ng Department of Social Welfare and Development, kung saan sari-saring aktibidad ang ginanap sa unang pagkakataon. Nagbukas ang Congress sa isang trade fair sa Bayambang Central School grounds, tampok ang mga de kalidad na produkto ng iba’t ibang SLP associations sa Rehiyon.

 

B. Sinundan ito ng isang fashion show noong gabi ng November 12, kung saan inirampa ng mga Bb. Bayambang ang mga produktong gawa ng mga 4Ps SLP Associations sa Rehiyon Uno habang suot ang mga gown na gawa ng mga sikat na fashion designers sa bansa.

 

C. Ito ay sinundan noong November 13 ng isang live selling activity upang itampok online ang naturang items at iba't iba pang produkto ng mga SLP Associations.

 

D. Kasabay nito ay ang SLP Usbong Dunong Forum Series sa Events Center, kung saan ang mga tinaguriang SLP Champions ay nag-share ng kanilang mga sikreto sa tagumpay sa mga estudyanteng may kursong konektado sa pagninegosyo.

 

E. Noong November 14 naman, idinaos ang Punla: The Future of MSMEs, isang forum ukol sa pagtatayo ng maliliit na Negosyo at ang Yabong, na isang business-matching activity kung saan dumalo si Gov. Ramon V. Guico III.

 

F. Kinagabihan ay nagkaroon naman ng Hiraya Creative Awards para sa samu’t saring contests na sinalihan ng mga partisipante sa mga serye ng forum. Isang Himigsikan Singing Contest din ang ginanap sa gabing iyun.

 

G. At sa ikahuling araw, November 15, isinagawa naman ang Tuupan, kung saan inimbitahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao ang mga business enterprises sa Bayambang at Pangasinan na subukang mag-invest sa Bayambang dahil ang business sector at investors ay malaking susi sa tagumpay ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.

 

MSWDO, Nag-organisa ng Orientation for Child Protection

 

Nagsagawa ng orientation ang MSWDO tungkol sa Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) noong November 19 sa Balon Bayambang Events Center. Dito ay tinatalakay ni Atty. Sherwin Flores, pangunahing tagapagsalita, ang mga batas na nagpoprotekta laban sa pang-aabuso sa mga kabataan.

 

4Ps Stakeholders Orientation, Mas Pinaigting

 

Ang MSWDO ay nagdaos ng orientation activity para sa mga partner stakeholders ng programang 4Ps, upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng gobyerno sa mga benepisyaryo. Tinalakay ng mga resource speakers ang ukol sa tatlong sistema ng programa: ang Beneficiary Data Management System, Compliance Verification System, at Grievance Redress System.

 

 

Mayor NJQ at Sir CTQ, Nagtreat ng Lunch

 

Noong November 19, nagpamahagi ng libreng lunch sina Mayor Niña Jose-Quiambao at dating Mayor Dr. Cezar Quiambao, bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng kaarawan at wedding anniversary. Kabilang sa mga nakatanggap ang mga LGU employees, BDH staff at patients, TODA members, market vendors, at private companies.

 

 

Laro ng Lahi, Tampok sa Children's Month

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Children's Month 2024, isang makulay at masayang Laro ng Lahi ang idinaos ng MSWDO at Child Development Workers Federation noong November 20. Dito ay nagpaligsahan ang mga child development learners sa mga larong gaya ng sack race, Maria went to town, calamansi relay, paper plate relay, cup pyramid, at straw relay.

 

1,000 na Katao, Beneficiaries ng Ayudang AKAP

 

Noong November 21, mahigit isang libong Bayambangueño ang nakatanggap ng financial grant sa ilalim ng AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ni Cong. Rachel “Baby” Arenas. Sila ay mga Sangguniang Kabataan members, Barangay Secretaries, at Barangay Treasurers.

 

 

868 4Ps Members, Graduate Na!

 

Noong November 22, may 868 na benepisyaryo ng 4Ps ang nagsipagtapos sa programa, at 37 sa mga ito ang nagkusang mag-waive ng kanilang membership. Ayon sa DSWD, ang Bayambang muli ang may pinakamataas na bilang ng nagsipagtapos sa Rehiyon Uno.

 

Street Dance Festival at Mr. & Ms. Pre-K, Ginanap

 

Noong November 22, ginanap ang makulay na Street Dance Festival at ang Coronation ng Mr. & Ms. Pre-Kindergarten 2024, bilang bahagi ng Children’s Month celebration. Nagkampeon ang Cluster 6, na nag-perform ng street dance na may temang Mango at Bamboo Festival. Kinahapunan, itinanghal namang Mr. at Ms. Pre-Kindergarten  2024 sina Jovanne Ian Bombiza at Caruella Antheia Buquir.

 

Mayor Niña, Nagdeliver ng Kanyang State of the Children’s Address

 

Noong November 24, matagumpay na inihatid ni Mayor Niña Jose Quiambao ang kanyang taunang State of the Children’s Address (SOCA) sa Bayambang Events Center sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 32nd National Children’s Month. Tampok dito ang pakikipagdayalogo sa mga kabataan. Kinahapunan, nagkaroon naman ng isang Komprehensibong Serbisyo para sa Bata, na nagbigay ng libreng health, dental, at wellness services sa mga kabataan at child development workers. Namigay din ng libreng ice cream at tsinelas bilang bahagi ng selebrasyon.

 

Pamaskong Handog 2024, Nag-umpisa nang Ipamahagi sa 42,000 Pamilya

 

Noong November 25, nag-umpisang ipamahagi ng pamilya Jose-Quiambao at Team Quiambao-Sabangan ang mga Noche Buena package sa may 42,000 pamilyang Bayambangueño upang ang lahat ng kabahayan ay siguradong mayroong handa sa araw ng Kapaskuhan. Pinangunahan nina Mayor Niña Jose Quiambao, Dr. Cezar Quiambao, SB members, at Team Quiambao-Sabangan ang naturang pamamahagi.

 

Orientation on Sexual Abuse and Exploitation of Children, Nagpatuloy

 

Noong November 25, nagpatuloy ang MSWDO sa pagbibigay ng Orientation on Sexual Abuse and Exploitation of Children para sa mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children at Barangay Council for the Protection of Children. Ipinaliwanag ni Atty. Jet Mark Ortiz ng Public Attorney's Office ang mga batas na nagpoprotekta sa mga kabataan laban sa anumang uri ng pang-aabuso, partikular na sa digital platforms.

 

OVP, Namigay ng Gift Packs sa 1,000 Indigent Solo Parents

 

Noong November 26, ang Office of the Vice-President ay namigay ng gift packs sa 1,000 na indigent solo parents sa Events Center, sa pakikipagtulungan sa Municipal Social Welfare and Development Office.

 

Sen. Bong Go, Namigay din ng Ayuda

 

Noong November 28, namigay naman ang opisina ni Senator Bong Go ng Local Government Support Fund sa LGU na nagkakahalaga ng P2,500 kada benepisyaryo na kinabilangan ng 1,000 na 4Ps graduates at farmers na apektado ng bagyo. Ang distribusyon ay ginanap sa tulong MSWDO. Pagkatapos nito ay binisita ni Sen. Go ng itinayong Training Center sa Brgy. Magsaysay kasama ng mga local officials.

 

 

1,000 Katao, Bagong Benepisyaryo ng AICS

 

May isang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. Ang ayuda ay nagkakahalaga ng P1,000,000 sa kabuuan, at ipinamahagi ito sa mga nangangailangang estudyante ng Bayambang Polytechnic College at mga job order employees ng munisipyo. Ginanap ang payout sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, ika-30 ng Nobyembre 2024.

 

 

- Civil Registry Services (LCR)          

 

LCRO, Naglunsad ng Info Drive Tungkol sa Civil Registration

 

Noong November 19, nagdaos ang Local Civil Registry ng information drive sa Bayambang Central School upang ipalaganap ang tamang proseso ng civil registration at mga bagong memorandum circulars mula sa Philippine Statistics Authority. Ang infor drive ay dinaluhan ng mga kaguruan at mga magulang.

 

 

 

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

 

 

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

Pagdiriwang ng Undas 2024, Naging Maayos at Ligtas

 

Naging maayos at ligtas ang pagdalaw ng mga Bayambangueño sa kani-kanilang namayapang mahal sa buhay sa tatlong sementeryo sa bayan, salamat sa matagumpay na operasyon ng Task Force Kaluluwa 2024. Sa pamumuno ng Bayambang Public Safety Office, tanging minor incidents lamang ang naitala, bukod pa sa inasahang pagsikip ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga 25,000 na katao sa mga sementeryo.

 

Brgy. Tampog, Binigyan ng Service Patrol Vehicle

 

Isang bagong patrol service vehicle ang idinonate ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Brgy. Tampog sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation at Agricultural Infrastructure Leasing Corporation (AILC), sa seremonyang ginanap noong November 11. Ang patrol service vehicle ay magsisilbing kagamitan ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang anumang krimen o kaguluhan.

 

 

 Traffic Management and Safe Spaces Act Seminar, Isinagawa

 

Ang Bayambang Public Safety Office ay nagsagawa ng isang Traffic Management and Safe Spaces Act Seminar noong November 8 para sa lahat ng BPSO traffic enforcers at official drivers ng LGU. Kabilang sa mga naging lecturer ang Highway Patrol Group, Land Transportation Office, at ang PNP.

 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

Local Farmers, Nakilahok sa Bamboo Product Technology Demo at Research

 

May 80 local farmers ang nakilahok sa isang bamboo product technology demo at research ng Department of Science and Technology - Forest Products Research and Development Institute noong November 7. Kabilang sa mga iprinisenta ng FPRDI ang kanilang naimbentong bamboo soap, bamboo liquor, bamboo deodorizer, at bamboo leaf fertilizer. Pagkatapos ng technology demo ay nagsagawa naman ng isang survey at product acceptability test sensory evaluation.

 

Technical Briefing for Corn Model Farm, Isinagawa sa Bani

 

Isang technical briefing ang isinagawa ng Department of Agriculture-Regional Field Office I noong November 7 para sa gagawing Corn Model Farm sa Brgy. Bani. Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga magmamais para sa isasagawang 50-hectare model farm, isang proyekto ng DA-RFO 1 Corn Program upang mapataas ang produksyon ng mais bilang isa sa mga importanteng pananim sa bansa.

 

 Corn Seeds at Inorganic Fertilizer, Ipinamahagi ng PAO

 

Ang Provincial Agriculture Office ay nagpamahagi ng corn seeds at inorganic fertilizer sa farmer-cooperators sa ilalim ng Corporate Farming Program ng probinsya noong November 7. Layunin ng korporasyong pagsasaka na mapabuti ang produktibidad sa agrikultura at pagpapataas ng kita.

 

4 Farmers’ Associations, Tumanggap ng Composting Machine

 

Apat na farmers’ associations sa Bayambang ang nakatanggap ng tig-iisang composting facility for biodegradable waste (CFBW) mula sa Bureau of Soils and Water Management noong November 14. Ang mga ito ay ang Balon Sapang Farmers Association, Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association, Pangdel Farmers Association, at Manambong Norte Farmers Association. Bawat composting unit ay nagkakahalaga ng isang milyong piso at kayang makalikha ng isang toneladang organikong pataba kada buwan.

 

 

RiceBIS Team ng PhilRice, Nagpulong Dito

 

Idinaos dito ng Rice Business Innovation System (RiceBIS) ng PhilRice ang kanilang Quarterly Meeting noong Nobyembre 14. Dumalo ang mga partner agencies, kabilang ang DA Region I, DOST, DTI, BPI, E-Agro, at iba pa. Layunin ng meeting na palakasin ang suporta sa mga kooperatiba at rice farmers ng Bayambang sa naturang programa.

 

SB, Nakipagpulong sa RiceBIS Team

 

Nakipagpulong ang mga konsehal ng Bayambang sa RiceBIS team ng DA-PhilRice upang talakayin ang progreso ng implementasyon ng RiceBIS 2.0 sa bayan. Tinalakay ang mga issues and concerns ng mga magsasaka at mga hakbang na maaaring gawin ng Sangguniang Bayan upang matulungang maresolba ang mga ito at nang mapataas ang kita at produktibidad ng mga local farmers.

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

Basic Occupational Safety and Health Training, Idinaos

 

Noong November 15, nagdaos ang DOLE, sa tulong ng PESO-Bayambang, ng isang training ukol sa Basic Occupational Safety and Health para sa mga safety officers ng mga local micro-enterprises. Dito ay tinalakay ang health and safety principles, hazard identification, at emergency preparedness sa lahat ng workplaces.

 

DOLE TUPAD Monitoring, Nagpatuloy

 

Patuloy ang monitoring ng DOLE at PESO-Bayambang sa work output ng TUPAD beneficiaries sa 77 barangays. Noong November 19, kanilang binisita ang M.H. Del Pilar, Magsaysay, Bacnono, Ataynan, Buenlag 2nd, Sapang, at Tamaro.

 

 

Special Recruitment Activity

 

Ang PESO-Bayambang ay nag-organisa ng isang special recruitment activity, kung saan naging recruiter ang JAC International Manpower Services Inc.

 

Ang aktibidad ay isinagawa mula November 28 hanggang November 29, 2024, sa harap ng PESO-Bayambang. (RSO; PESO)

 

 

 

- Economic Development (SEE)

 

LGU-Villasis, Nagpa-calibrate ng mga Timbangan sa SEE

 

Ang LGU-Villasis ay nagtungo sa Bayambang noong November 26, upang magpacalibrate ng mga timbangan sa kanilang public market sa tulong ng mga DOST-trained weighing scale calibrators ng Special Economic Enterprise.

 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

Singkapital 2024, Muling naging Makasaysayan

 

 Isang makasaysayang araw sa bayan ng Bayambang ang muling naganap noong November 13 sa selebrasyon ng Singkapital 2024. Dahil kasabay ng paggunita sa digmaang Pilipino-Americano noong taong 1899, naging highlight din ng programa ang unveiling ng isang bago at updated na commemorative marker na inihanda ng National Historical Commission of the Philippines.

 

Nagkaroon din ng painting contest sa lumang Bayambang Central School, kung saan nagtagisan ng galing sa pagpinta ang mga talentadong manlilikha, sa temang “Flights of Freedom."

 

Digital Projection Mapping sa Paskuhan 2024, Kauna-unahan sa Hilagang Luzon

 

Noong November 23, muling dinumog ng libu-libong bisita ang pagbubukas ng Paskuhan sa Bayambang. Ito ay dahil sa kakaiba na namang atraksyon, ang kauna-unahang digital projection mapping sa Northern Luzon. Muling dinagsa ang municipal plaza dahil sa mga nakamamanghang visual effects at mechatronic characters hango sa pelikulang Star Wars. Bukod dito ay nagkaroon din ng isang mini-concert ang sikat na bandang Lola Amour.

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)        

 

Mahigit 20 thousand Katao, Lumahok sa 4th Quarter NSED

 

Isa na namang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang isinagawa noong November 14 kung saan may 25,652 participants ang lumahok, kabilang ang mga LGU staff at mga barangay. Kabilang din sa lumahok ang mga participant ng DSWD SLP Congress.

 

MDRRMO at BDRRMC, Nag-monitor sa Kailugan

 

Noong Nobyembre 15-18, nag-monitor ang MDRRMO at Barangay DRRMC sa ating mga kailugan upang bantayan ang pagtaas ng tubig dulot ng Bagyong Pepito at ang pagrelease ng tubig mula sa San Roque Dam. Kanila ring tinanggal ng mga hazard tulad ng mga tarpaulin signages at mga bumagsak na sanga. Sa kabutihang palad ay walang naitalang casualty.

 

 

 

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS 

 

Monthly Meeting ng Pangasinan Budget Officers, Idinaos Dito

 

Noong November 7, ang buwanang pagpupulong ng na Pangasinan League of Local Budget Administrators ay ginanap sa Niña’s Café. Ito ay pinangunahan ng kanilang presidente na si Atty. Jessa Joy Royupa. Ang mga bisita ay mainit na winelcome ni OIC Municipal Budget Officer Christine Bautista at kanyang staff.

 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

Ms. Torio, Naging Speaker sa Int’l Urban Planning Conference

 

Ang Planning Officer ng LGU na si Ms. Ma-lene Torio ay kabilang sa mga naging speaker sa Sustainable Development Futures Conference 2024 sa Lungsod ng Maynila noong November 12 to 13. Kanyang tinalakay ang paggamit ng GeoRiskPH platform sa disaster risk reduction at climate change initiatives ng LGU.

 

 

 

- Legal Services (MLO)

 

 

 

- ICT Services (ICTO)

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

HRMO, Nagbigay ng Seminar sa Writing at Public Speaking

 

Isang seminar sa "Effective Written Communication & Public Speaking" ang inihandog ng HRMO sa mga kawani ng LGU noong November 11 sa Events Center. Ito ay para sa lahat ng mga kawani na kailangang matuto sa mga communication at public speaking skills na magagamit nila sa pang-araw-araw na transaksyon. Naging lecturer sina Dr. Vincent Capanang at Mrs. Josephine Loresca ng Bayambang National High School.

 

 

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

 

Bayambang, 3rd Place sa Business Competitiveness - Infrastructure Category sa Region I CMCI 2024 

 

Ang LGU-Bayambang ay nagkamit ng 3rd place region-wide sa business competitiveness sa larangan ng imprastraktura (1st-2nd Class Municipalities category), sa ginanap na awarding ng 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry noong November 6 sa Candon City, Ilocos Sur. Sa ngalan ng LGU, tinanggap ang parangal nina MPDO Ma-lene Torio bilang CMCI focal person at Engr. Genuel Mabanglo ng Engineering Office.

 

Bayambang MADAC, Highly Functional sa Ginanap na 2024 ADAC Audit

 

Ang Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council ay nagtamo ng "High Functional" rating, sa ginanap na 2024 audit ng Anti-Drug Abuse Council ng Department of the Interior and Local Government. Patunay ito ng commitment ng LGU at partner agencies na panatiling drug-free ang bayan ng Bayambang.

 

SGLG 2024, Nasungkit ng Bayambang!

 

Ang LGU-Bayambang ay nabubunyi sa isa na namang karangalang nakamit nito, ang Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa taong 2024.

 

Ang pinakamataas na pagkilalang ito para sa isang LGU mula sa national government ay sumasalamin sa masigasig, maayos, tapat, at epektibong panunungkulan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa bawat Bayambangueño at sa bayan ng Bayambang, sa gabay ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Congratulations, LGU-Bayambang!

 

Bayambang, "Beyond Compliant" Muli sa 24th Gawad KALASAG

 

Muling nakamit ng LGU-Bayambang ang "Beyond Compliant" rating sa 24th Gawad KALASAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council - Office of Civil Defense. Ito ay isa na namang pagkilala para sa kahusayan sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance ng LGU sa pamamagitan ng Local DRRM Council at MDRRMO. Nakatakdang tanggapin ng LGU ang naturang parangal sa December 17 as La Union.

 

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

 

 

 

 

 

 

 

Prepared by

Certified by

 

 

 

RESTY S. ODON

PUBLIC INFORMATION OFFICER

 

 

 

 

 

 

DR. RAFAEL L. SAYGO

MTICAO, HEAD

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment