EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Mayor Niña, Dinagdagan ang Sports Fund para sa mga Atletang Bayambangueño
Sa latest na pulong ng Local School Board, sinang-ayunan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagdagdag ng adisyunal na pondo sa nauna nang P528,000 budget mula sa Special Education Fund para sa mga atletang Bayambangueño, partikular na para sa Division Meet 2025. Ito ay kanyang pinadagdagan pa ng P200,000 mula sa budget ng LGU at adisyunal na P410,000 para naman sa uniporme ng mga atleta sa pamamagitan ng Cultural Affairs Fund.
'Buklat Aklat,' Nagpatuloy sa Tatarac-Apalen ES
Ang 'Buklat Aklat' project ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pagtutulungan ng Local Youth Development Office, Sangguniang Kabataan, at Bb. Bayambang Foundation, ay nagpatuloy sa Tatarac-Apalen Elementary School noong December 2. Ang team ay winelcome ni Tatarac-Apalen ES Principal I Elvira Agbuya. Naging guest storyteller ang businessman/entrepreneur na si Mr. GP Geronilla.
Global IT Challenge Winner, Ginantimpalan ng Laptop
Si Mayor Niña ay nag-award ng dalawang laptop para sa student na PWD na naging global winner sa Global ICT Challenge, bilang pagsuporta sa mga PWD at inclusive education. Tinanggap nina Dallin Jeff Moreno at kanyang coach na si Mr. Raffy Carungay ng Bayambang National High School ang bagong laptop noong Disyembre 9 sa Events Center.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
World AIDS Day, Muling Ginunita
Noong December 2, ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng isang candle-lighting ceremony kasama ang mga estudyante ng PSU-Bayambang bilang paggunita sa World AIDS Day tuwing Disyembre. Layunin nitong maitaas ang antas ng kamalayan ng komunidad at lalo na sa mga kabataan upang maproteksyunan laban sa sakit na AIDS at stigma na dulot ng naturang sakit.
ONGOING: Oral Health Activities sa mga CDCs
Noong Nobyembre 26, sinimulan ng oral health team ng Municipal Health Office ang kanilang inisyatibo sa kalusugan ng ngipin para sa mga Child Development Centers ng Bayambang para sa School Year 2024-2025. Kabilang sa mga aktibidad ang unang aplikasyon ng fluoride, pagsulong sa kalusugan ng ngipin, at isang lektyur at drill tungkol sa pagsepilyo ng ngipin para sa mga bata.
RHU at PDA Pangasinan, Lumagda sa Kasunduan ukol sa Project BUNTIS
Noong November 28, pormal na pinagtibay ng Philippine Dental Association - Pangasinan Chapter at ng Rural Health Unit ng Bayambang ang kanilang kasunduan na mapabuti ang kalusugan ng ngipin ng mga ina at mga bata sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Project BUNTIS o "Bantay sa Unang Ngiti, Tagumpay ng Ina at Sanggol - First 1000 Days Oral Health Program para sa mga First-Time Moms." Ang inisyatibang ito ay nakatuon sa kalusugan ng ngipin ng mga kababaihang magiging ina sa unang pagkakataon at kanilang mga sanggol sa pinakaunang sanlibong araw ng buhay ng mga ito.
Huling Blood Drive ng Taon, May 120 Blood Bags
Sa pinakahuling blood donation drive ng taon, nakaipon ang RHU at Red Cross ng 120 bags ng dugo out of 160 na nagparehistro sa aktibidad na ginanap sa Events Center noong December 9. Sa aktibidad ay nag-donate si Mayor Niña Jose-Quiambao ng 120 spaghetti packs para sa first 120 successful donors.
RHU III, PhilHealth-Accredited Na!
Ang Rural Health Unit (RHU) III sa Brgy. Carungay ay E-Konsulta, Animal Bite Treatment Center, at PhilHealth-accredited na! Dahil dito, makaka-avail na ang mga pasyente ng libreng health services package sa naturang pasilidad, at ang PhilHealth ang nakatakdang magbabayad ng mga gastusin sa RHU III. Maaari na ring magpatingin at magpabakuna dito ang mga malalapit na residenteng nakagat ng alagang aso o pusa.
Project BUNTIS: Inilunsad para sa First-Time Moms
Noong December 17, opisyal na inilunsad ang Project BUNTIS, ang proyekto ng Municipal Health Office Conference Room katuwang ang Philippine Dental Association Pangasinan Chapter, na may layunin na mapanatiling orally fit ang mga first-time moms at kanilang mga sanggol sa kanilang unang dalawang taon. May tatlumpu’t limang (35) first-time moms ang lumahok. Ang programa ay inaasahang magreresulta sa pagiging orally fit ng mag-ina pagkalipas ng isang libong araw.
Meat at Fish Section ng Public Market, Ininspeksyon
Ang Rural Health Unit I, kasama ang Office of the Special Economic Enterprise, ay nagsagawa ngayong araw ng inspeksyon sa Meat Section at Fish Section ng Bayambang Public Market upang mamonitor ang sanitasyon ng mga naturang section at masiguradong ligtas ang mga paninda sa ating mga mamimili.
- Nutrition (MNAO)
Mga Bagong BNS, Nag-Basic Course Training
May 26 na bagong Barangay Nutrition Scholars ang sumailalim sa training sa basic course para sa mga BNS sa tulong ng Municipal Nutrition Action Office. Ang pagsasanay ay ginanap noong December 9 sa Mayor's Conference Room.
Grupong Feeding Angels, Naghandog ng Pamasko sa Ilang Kabataan
Ang grupong Feeding Angels, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Action Office, ay muling namigay ng mga food packs sa mga undernourished at indigent na kabataan noong December 16. Kanilang nabiyayaan ang may 53 na undernourished na kabataan sa Brgy. Malimpec, Tococ West, Alinggan, Amanperez, at Ligue, 116 na indigent na kabataan sa Tococ East, at 4 PWD na kabataan sa Amanperez.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
- Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
1,000 Katao, Bagong Benepisyaryo ng AICS
Noong November 30, isang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. Ang ayuda ay nagkakahalaga ng isang milyong piso sa kabuuan, at ipinamahagi ito sa mga nangangailangang estudyante ng Bayambang Polytechnic College at mga job order employees ng munisipyo.
Mga Bagong SLPA, Nag-workshop sa Marketing at Inventory Management
Noong December 1, ang DSWD at MSWDO ay nagsagawa ng isang workshop ukol sa Strategic Marketing and Inventory Management para sa mga kasalukuyan at bagong tatag na Sustainable Livelihood Program Associations sa Bayambang. May 64 SLP members mula sa iba't ibang barangay ang dumalo sa nasabing aktibidad. Malaking tulong ito sa pagnenegosyo ng mga SLP associations, lalo na ang pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pagpaplano, marketing, at pag-imbentaryo.
Former DILG Sec. Benhur Abalos, Bumisita
Noong December 3, bumisita sa Bayambang si former DILG Secretary, Atty. Benhur Abalos upang mangumusta partikular na sa mga lokal na estudyante. Siya ay sinalubong ng mga officials ng PSU-Bayambang at ng mga LGU officials. Bumati rin si Sec. Abalos sa ating mga kababayan sa bigayan ng Pamaskong Handog 2024 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, kung saan siya ay winelcome ni former mayor, Dr. Cezar Quiambao.
PWD Singing Champ, Performer sa Provincial Concert for a Cause
Ang local PWD singing champ na si Christian Joel Dueñas ay naging topbill performer sa isang concert-for-a-cause na inorganisa ng Provincial PWD Affairs Office noong December 3 sa Sison Auditorium sa kapitolyo. Sa concert na pinamagatang "Harmonizing Hope," nag-perform ng si Dueñas kasama ang iba pang PWD performers mula sa probinsya. Mayroon din siyang mga solo performances na pinalakpakan ng mga manonood.
30 CDCs, Sumailalim sa External Evaluation
Noong December 6, may 30 Child Development Centers sa Bayambang ang sumailalim sa isang evaluation ng mga assessors mula sa Provincial SWDO para sa accreditation ng center at kanilang mga Child Development Workers. Ang external accreditation ng lahat ng CDCs ay isa sa mga requirements para makapasa ang LGU sa Seal of Child-Friendly Local Governance audit ng DILG at upang masiguro na standardized service ang naibibigay sa ating mga pre-kindergarten learners.
Orientation on Solo Parents, Isinagawa
Isang orientation activity patungkol sa mga solo parents ang isinagawa ng MSWDO para sa naturang sektor noong December 9 sa SB Session Hall. Naging resource speaker sina Atty. Melinda Rose Fernandez at Social Welfare Officer Evelyn Dismaya ng Pangasinan PSWDO. Kanilang tinalakay ang mga karapatan ng solo parents sa ilalim ng batas at mga benepisyo na maaari nilang i-avail sa tulong ng DSWD. Ang mga solo parents ay hinihikayat magparehistro sa MSWDO para kanilang ma-avail ang mga nasabing benefits at privileges.
Ukay for a Cause, Muling Nagbalik
Muling nagbalik ang Ukay for a Cause ni Mayor Niña upang makalikom ng panibagong pondo para makatulong sa ating mga kababayan na walang maayos na tirahan. Ang pagtinda ng mga pre-loved items galing sa mga LGU officials at employees ay muling ginanap sa Events Center noong December 12 to 13. May kasama ring live selling sa tulong ng mga volunteers mula sa iba’t ibang departamento.
Pamaskong Handog para sa Kabataan, Nasa Year 22 Na!
Ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa Kabataan ay muling idinaos, salamat sa kabutihang loob ng pamilya Jose-Quiambao. Libu-libong kabataan mula sa CDC, SPED, at STAC ang dumalo sa St. Vincent Ferrer Parish church grounds noong December 10 to 11, upang umattend sa isang thanksgiving mass, makisaya sa mga fun and games, magsalu-salo sa inihandang pagkain, at tumanggap ng mga regalo mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao, sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation.
Joint Quarterly Meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, MAC, at BPRAT, Isinagawa
Isang joint quarterly meeting ang isinagawa noong December 12 ng lahat ng miyembro ng apat na special bodies: ang Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC), Municipal Advisory Council (MAC), at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT). Pangunahing tinalakay ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance laban sa mga kaso ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSEM), gayundin ang pagrerepaso at pag-update sa social protection thrust ng BPRAT.
Mayor Niña, May Surpresang Pamasko sa LGU Employees
Ang lahat ng empleyado ng Munisipyo ay lubos na nagpapasalamat, matapos surpresang magpamahagi ng libreng saku-sakong bigas si Mayor Niña Jose-Quiambao noong December 17. Ang mga job order employees ay nakatanggap ng limang kilong bigas. Ten kilos naman ang natanggap ng bawat casual at permanent employee, at 25 kilos ang natanggap ng mga department at unit heads.
Wheelchairs mula PSWDO, Inaward sa 5 PWDs, Senior Citizens
Limang wheelchair ang iniaward ng Persons with Disability Affairs Office ng Bayambang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa limang PWD at bed-ridden na senior citizen, matapos magrequest ang tanggapan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office. Agad na itinurn-over ang mga naturang mobility devices sa mga anak at apo ng limang benepisyaryo noong December 19 sa MWSDO.
- Civil Registry Services (LCR)
LCR, Nag-info Drive sa Buayaen Central School
Noong November 22, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Buayaen Central School upang magsagawa ng information campaign ukol sa tamang pagrerehistro at tungkol sa updates sa memorandum circulars ng Philippine Statistic Authority (PSA). Inimbitahan dito ang mga teachers at mga magulang upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
LCR, Nag-info Drive sa Alinggan
Ang Local Civil Registry ay nagtungo sa Alinggan-Banaban Elementary School, Brgy. Alinggan noong November 28 upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa mga memorandum circulars ng Philippine Statistics Authority. Inimbitahan dito ang mga teachers at parents upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
ESWMO, Nakatanggap ng Composting Facility mula BSWM
Tinanggap noong December 2 ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ang isang unit ng composting facility for biodegradable waste na isang grant mula sa Bureau of Soil and Water Management. Ito ay malaking tulong para sa produksyon ng soil ameliorant sa ESWMO.
Bayambang, Compliant sa Solid Waste Management Plan
Tagumpay na naipatupad ng bayan ng Bayambang sa pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang sampung mahahalagang aspeto ng 𝗧𝗲𝗻-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 (SWMP) nito para sa taong 2023. Ito ay batay sa isinagawang pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources noong November 11-12. Ayon sa ulat, naging compliant ang Bayambang sa sampung aspeto ng solid waste management mula 𝘚𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 hanggang 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘋𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘰𝘯.
Natagpuang Lawin, Inihatid ng ESWMO sa DENR
Isang ibong ligaw ang isinurrender ng isang residente sa Ecological Solid Waste Management Office noong December 12. Ayon kay Rene Barrientos, ang ibon -- na isang brahminy kite o lawin -- ay nakita sa may bukid ng Brgy. Buayaen noong December 11. Maayos namang naihatid ng ESWMO ang naturang lawin sa CENRO Dagupan noong December 13.
2,255-Kg Soil Ameliorant, Na-produce ng ESWMO sa Disyembre
Ang Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ay nakapag-produce ng 2,255 kgs ng soil ameliorant sa buwan ng Disyembre 2024. Ito ay parte ng waste diversion activity ng LGU-Bayambang alinsunod sa R.A. 9003. Ayon kay OIC-ESWM Officer Eduardo M. Angeles Jr., ang nasabing soil ameliorant ay produkto galing sa mga biodegradable materials na nakokolekta ng opisina, kung saan ito ay magagamit bilang organikong pataba sa lupa para sa mga pananim.
Ambayat 1st, Grand Winner Ulit sa BBB 2.0
Muling itinanghal ng ESWMO ang Brgy. Ambayat 1st ng District 1 bilang grand winner para sa Bali-Balin Bayambang 2.0 sa buwan ng Disyembre noong Disyembre 23, 2024. Bilang pagkilala, tumanggap ang barangay ng sertipiko, bougainvillea cuttings, at soil ameliorant bilang gantimpala para sa kanilang dedikasyon sa pangangalaga ng kapaligiran.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
Market Stallholders, Pinulong ukol sa Fire Safety, CCTV Ordinance, at Business Permit
Noong December 3, ang lahat ng stallholders sa Bayambang Public Market ay pinulong ng Office of the Special Economic Enterprise patungkol sa Fire Safety, CCTV Ordinance, at Business Permit, sa tulong ng BFP, PNP, at Business Processing and Licensing Office. Kabilang sa mga tinalakay ang online application para sa Fire Safety Evaluation Clearance (FSIC), ang ordinansang nag-uutos sa lahat ng business establishment na magkaroon ng sariling CCTV, at mga isyu ukol sa business permit.
Peace & Order at Public Safety Cluster, Pinulong
Noong December 12, ang Peace & Order at Public Safety Cluster ay pinulong ni Mayor Niña para sa 4th quarter. Kabilang sa mga tinalakay ang accomplishments, issues, and concerns sa anti-criminality, anti-illegal drugs, anti-insurgency, disaster risk reduction and management, conduct of assessment and validation of Barangay Road Clearing Operations, Local Peace and Order and Public Safety Plan and Local Anti-Drug Plan of Action.
Motorcade, Nagpaalala sa Lahat na Umiwas sa Paputok
Ang Bayambang Fire Station, sa pamumuno ni Fire Marshall SInsp Divine Cardona, ay nagsagawa ng isang motorcade para sa "Oplan Paalala: Iwas Paputok" noong Disyembre 20, 2024. Kasama sa aktibidad ang mga counterpart at co-frontliner ng BFP na MDRRMO, BPSO, RHU, at PNP sa pagpapaaala sa lahat ng Bayambangueño na umiwas sa mga ipinagbabawal na firecrackers o paputok. Sa halip nito anila ay gumamit na lamang ng mas ligtas na pamamaraan ng pagsalubong sa bagong taon tulad ng mga torotot.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
MAO Staff at Farmer Leaders, Dumalo sa National Biotechnology Week
Tatlong staff ng Municipal Agriculture Office at 15 farmer leaders ang dumalo sa National Biotechnology Week noong November 28 sa University of the Philippines - Los Baños, Laguna, kung saan isinulong ang ligtas at responsableng paggamit ng modernong biotechnology upang ma-achieve ang food security. Sila ay sumali sa isang guided tour sa iba’t ibang research centers ng UPLB, kung saan sila ay nagkaroon ng panibagong kaalaman sa modernong agrikultura.
LGU-Sto. Tomas, Nagbenchmarking Dito
Ang LGU ng Sto. Tomas, Pangasinan, sa pangunguna ni Mayor Dickerson Villar, ay bumisita sa Bayambang noong November 28 upang magbenchmarking activity. Sila ay nagcourtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao, at sila ay ipinasyal sa Agri-Industrial Leasing Corp., E-Agro, One Food Corp., at Bayambang Dairy Farm.
Allied Botanical, Nagdonate ng Onion Seeds at Fertilizers
Ang kumpanyang Allied Botanical Corporation ay nag-donate ng 240 cans ng onion seeds at 1,440 packs ng iba’t ibang foliar fertilizers na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P685,000.00. Ang mga nasabing donasyon ay para sa may 240 onion farmers sa iba’t ibang barangay ng Bayambang. Malugod na tinanggap ng Agriculture Office ang mga donasyon noong December 3.
55 Magsasaka, Tumanggap ng Hybrid Yellow Corn Seeds at Pataba para sa Corn Model Farm Program
Ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay nagpamahagi ng isang daang sako ng hybrid yellow corn seeds at 525 na sako ng inorganic fertilizers para sa 55 farmer-cooperators ng 50-hectare Corn Model Farm Program noong December 4. Kasama rin sa programa ang paggamit ng Nutrient Expert for Maize Philippines (NEMPh), isang software na nagbibigay ng rekomendasyon sa tamang dami ng pataba. Layunin ng inisyatibang ito na madagdagan ang ani ng mga magsasaka ng 1 metric ton bawat ektarya at maging mas efficient ang produksyon ng mais.
Cold Storage sa Nalsian Norte, Pinasinayaan
Isang 20,000-bag capacity cold storage ang pinasinayaan noong December 13 sa Brgy. Nalsian Norte. Dahil sa inisyatibo ni Mayor Niña, ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Agriculture-Regional Field Office I sa ilalim ng High-Value Crop Development Program nito. Inaasahang malaking tulong ito sa lahat ng mga magsasaka, dahil hindi na nila kailangang mag-imbak pa ng mga ani sa malalayong lugar.
4Q MAFC Meeting, Nag-update ukol sa Agri at Fisheries Sector
Nagsagawa ng quarterly meeting ang Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) sa pangunguna ni Mayor Niña noong December 16. Tinalakay dito ang update sa mga kasalukuyang programa sa agrikultura at pangingisda na naka-angkla sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan; mga nakaplanong proyekto at inisyatiba; at mga isyung naka-apekto sa lokal na agrikultura at pangingisda.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Special Recruitment Activities, Isinagawa ng PESO
Ang PESO-Bayambang ay nag-organisa ng dalawang special recruitment activities, kung saan naging recruiter ang mga kumpanyang Sutherland at JAC International Manpower Services. Ang aktibidad ay isinagawa mula November 27 hanggang 29 sa harap ng tanggapan ng PESO.
Huling Job Fair ng Taon, Idinaos
Noong December 3, idinaos ng PESO-Bayambang ang huling job fair ng taon. Ito ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, at dinaluhan ng pitong lokal na kumpanya. Ang job fair ay may 45 na aplikante, kung saan 20 sa mga ito ang hired on the spot.
BPRAT, Nagsagawa ng Serye ng Sectoral Meetings
Noong December 12 hanggang 18, nagsagawa ng isang serye ng pagpupulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team kasama ang iba't ibang sektor upang mamonitor ang implementasyon ng lahat ng nakalatag na programa at proyekto ayon sa Recalibrated Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028. Naunang pinulong ang Sociocultural Development and Protection sector at Environmental Protection and Disaster Resiliency sector. Pagkatapos ay sumunod ang at Economic and Infrastructure sector, Good Governance sector, at Agricultural Modernization sector.
- Economic Development (SEE)
Joint Inspection ng CCTVs sa Public Market, Isinagawa
Ang Office of the Special Economic Enterprise, Bayambang Public Safety Office, at Business Processing and Licensing Office ay nagconduct ng joint inspection ng mga stalls sa Bayambang Public Market kaugnay ng mandatory na pag-install ng mga CCTV cameras alinsunod sa Municipal Ordinance No. 6 series of 2024. Ang naturang ordinansa ay nagsusulong unang-una ng seguridad at kaayusan sa pamamagitan ng crime deterrence at close monitoring.
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Byaheng Tirad, Muling Nag-stop Over sa Bayambang
Noong December 1, muling nagbalik ang taunang Byaheng Tirad Pass o Tirad Pass Heroes' Trek sa Bayambang mula nang matigil ito dahil sa pandemya. Ang organizer nito na Bulacan Salinlahi Inc., sa pamumuno ni G. Isagani Giron, katuwang ang National Historical Commission of the Philippines, ay sinalubong ng MTICAO staff, inalok ng simpleng agahan, at pagkatapos ay ipinasyal sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Preparatory Meeting, Ginanap para sa Bayambang Town Fiesta 2025
Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpatawag ng isang preparatory meeting si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, sa lahat ng department at unit heads ng LGU ukol sa pagdiriwang ng ika-411 Bayambang town fiesta sa taong 2025. Upang matiyak ang tagumpay ng engrandeng pagdiriwang na ito, ang lahat ng mga naturang pinuno o kanilang representante ay dumalo sa pulong kung saan natalakay ang mga posibleng tema, binuo ang iba’t ibang komite, iminungkahi ang line-up ng mga aktibidad at programa, at plinano ang budget, schedule ng mga aktibidad, at iba pang kaugnay na usapin.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Mga Bagong PRDP Infra Projects, Matagumpay na Naidepensa ng LGU
Matagumpay na naidepensa ng LGU-Bayambang ang dalawang infrastructure projects sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project noong December 18 sa Kabaleyan Cover Resort, San Carlos City. Ito ay ang Farm-to-Market Road na nagkakahalaga ng ₱319.8 million at Cold Storage na nagkakahalaga ng P246.01 million. Ang dalawang proyektong ito ay mga grant mula sa DA-PRDP at World Bank.
Mga Inirereklamong Provincial Roads, Isinasa-ayos Na
Naisaayos na ang ilan sa mga inerereklamong provincial roads, kabilang ang: 1. Brgy. Wawa-Dusoc Road 2. Brgy. Pangdel Rd. 3. Manganaan - Del Pilar Road, at 4. Bical Norte corner street
Ito ay dahil sa agarang paghiling ni Mayor Niña sa provincial government, sa pamamagitan ni Gov. Ramon Guico III. Kaugnay nito, inutusan ni Mayor Niña ang Engineering Office na magsumite ng isang komprehensibong ulat ukol sa estado ng mga daan sa bayan ng Bayambang, at gumawa na rin ng scope of work at detailed engineering design ang iba pang daan na nangangailangan ng repair upang agad na mahanapan ng pondo at maayos sa lalong madaling panahon.
Issues at Concerns Kaugnay ng RA 11285 (o Energy Efficiency and Conservation Act), Pinagpulungan
Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nagpulong ang iba't ibang departamento upang talakayin ang patungkol sa RA 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act at ang mga nararapat gawin kaugnay nito. Nakapaloob sa RA 11285 ang GEMP or Government Energy Management Program, na nagmamandato sa lahat ng LGU na isakatuparan ang target na 10% energy savings. Batay din sa batas na ito, kinakailangang ang mga miyembro ng Local Energy Efficiency and Conservation (EEC) Council ay magconvene upang buuin at ipatupad ang mga Local Energy Efficiency and Conservation Plan 2025-2027, kabilang ang paghahanap ng pondo para sa 2025 EEC projects; energy efficiency and conservation policy, measures, and issuances; renewable energy projects; at Energy Audit and Energy Management System.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
ICS Course Completers, Nag-apprentice bilang Trainors
Noong November 19-22, naging apprentice trainor ang LGU staff na sina Annika Rose Malicdem at Catherine Piscal sa Incident Command System Position Course para sa 40 participants na kinabibilangan ng MDRRMC ng Bauang, La Union sa Baguio City. Sila ay dalawa sa 25 graduates sa All-Hazard Incident Management Team noong nakaraang taon. Dito ay nahasa ang kanilang kaalaman sa pagpapatupad ng mga tungkulin at responsibilidad ng isang Incident Commander at mga tungkulin ng iba't ibang section heads.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
COMELEC, Nag-demo ng Automated Counting Machine
Noong December 2, ang Commission on Elections ay nagsagawa ng demonstrasyon sa paggamit ng Automated Counting Machine para sa mga first-time voters. Ayon kay Acting Election Officer Michael Bryan Onia, bahagi ito ng layunin ng COMELEC na mapalawak ang kaalaman ng bawat botante ukol sa bagong makina na gagamitin sa darating na national at local elections at sa BARMM parliamentary election sa May 12, 2025.
COA, Nagsagawa ng Entrance Conference para sa Fiscal Year 2024
Noong December 5, nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng isang entrance conference upang simulan ang proseso ng pag-audit para sa Calendar Year 2024 sa LGU-Bayambang. Layunin ng pulong na itakda ang mga layunin, pamamaraan, at mga inaasahang outcome para sa fiscal audit ng taong 2024. Kabilang sa mga tinalakay ng COA ang timeline ng audit, mga kinakailangang dokumento, at ang mga responsibilidad ng auditor at auditee sa pagpapadali ng maayos na auditing process.
- Planning and Development (MPDO)
LGU-Diffun, Quirino, Nag-Benchmarking sa Bayambang
Ang pamahalaang lokal ng Diffun, Quirino ay nag-benchmarking activity sa bayan ng Bayambang noong Disyembre 17, sa pangunguna ng kanilang Municipal Administrator at MPDO Charito Yangat. Sila ay malugod na tinanggap ng opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ipinasyal sa ICT, Budget, at Planning and Development Office, Paskuhan sa Bayambang, at Saint Vincent Ferrer Prayer Park.
- Legal Services (MLO)
Pangkat Tagapagkasundo ng Barangay, Nagseminar
Ang Municipal Legal Office ay nagdaos ng isang seminar para sa mga Punong Barangay at iba pang mga kasapi ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay hinggil sa "Mahalagang Papel ng Pangkat Tagapagkasundo sa Mabisa at Ganap na Pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay' Ang seminar na ginanap noong December 12 ay dinaluhan ng mga Punong Barangay bilang Lupong Tagapamayapa Chairman at limang iba pang miyembro ng Lupon. Naging resource persons sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr.; Legal Officer III, Atty. Melinda Rose Fernandez; at Juris Doctor Charlemagne Papio.
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
Employee Orientation, Isinagawa para sa JO Employees
Noong November 28, nagsagawa ang Human Resource Management Office ng isang employee orientation program sa SB Session Hall para sa mga bagong job order employees ng LGU. Layunin ng hakbang na ito na tiyakin na ang bawat kawani ng gobyerno ay may malalim na pang-unawa sa kanilang mga tungkulin at kung paano ito isasagawa nang may responsibilidad, integridad, at malasakit sa publiko.
- Transparency/Public Information (PIO)
"Other Earning Groups," Nag-avail ng PAG-IBIG Loyalty Cards
Noong December 12, ang PAG-IBIG Fund, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Special Economic Enterprise, ay nagproseso ng mga ID para sa Loyalty Card ng ahensya para sa mga "other earning groups" na kinabibilangan ng mga vendors, drivers o TODA members, at iba pa, sa tabi ng tanggapan ng SEE.
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Municipal Treasury, Tumanggap ng 3 Parangal
Ang Municipal Treasurer’s Office ay nakatanggap ng tatlong parangal mula sa Bureau of Local Government Finance, sa ginanap na Regional Year-end Assessment Conference noong November 26-29 sa Quezon City. Ang mga ito ay ang:
1. Top 5 Among 1st Class Municipalities in Region I in Terms of Ratio of Locally Sourced Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023
2. Top 3 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2023
3. Top 4 Highest Locally Sourced Revenues in Nominal Terms for Fiscal Year 2022
Ang mga ito ay isang pagkilala sa kahusayan at kontribusyon ng LGU-Bayambang sa mga implementasyon ng mga programa at proyektong pampinansyal.
LGU at PESO, Pinarangalan sa Provincial Awards
Ang LGU, sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao, at si Public Employment Services Officer Gernalyn Santos ay kinilala sa ginanap na Bolun Awards ng Pangasinan Migration and Development Council sa Sison Auditorium, Lingayen, noong December 5. Si Santos ay pinarangalan bilang 2nd runner-up Outstanding Migrant Desk Officer of Pangasinan sa taong 2024. Ang Federation of Bayambang Overseas Workers naman ay 2nd runner-up din sa kanilang kategorya, at nakatanggap ng P15,000 na pondo bilang pagkilala sa kanilang volunteer work para sa mga kapwa OFW.
MHO, May 4 Gawad Kalusugan mula DOH
Ang Municipal Health Office ay nakatanggap ng apat na Gawad Kalusugan sa ginanap na parangal ng DOH Ilocos Center for Health Development Region noong December 9 sa Candon City, Ilocos Sur. Ang mga ito ay ang:
1. Newborn Screening Exemplary Award
2. Top Implementer of Pharmaceutical Management
3. Best Oral Health Program Implementer in Municipal/City Level
4. Best Nutrition Program Implementer in Municipal/City Level
2024 Seal of Good Local Governance, Pormal na Tinanggap ng LGU-Bayambang
Noong December 10, pormal nang tinanggap ng LGU ang Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government para sa taong 2024, sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. Naging kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si SATOM, Dr. Cezar Quiambao, sa nasabing seremonya. Ang SGLG ang pinakamataas na karangalang maaaring makamit ng isang LGU mula sa national government.
MOO-Bayambang, Nakatanggap ng mga Parangal
Ang DSWD Municipal Operations Office (MOO) ng Bayambang ay nakatanggap ng mga parangal mula sa katatapos na 2024 4Ps Program Implementation Review na ginanap sa Baguio City noong November 6-8. Ang MOO-Bayambang ay itinanghal bilang may "Best Gender and Development (GAD) Lens," "SWDI Tool Champion," at may "Highest Percentage of Self-sufficient Household Beneficiaries." Bukod pa ito sa mga individual category awards. Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok o convergence ng bawat opisina ng LGU at sa maalab na suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Bayambang, Gawad KALASAG “Beyond Compliant” National Awardee Muli!
Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang ang parangal na "BEYOND COMPLIANT" Gawad KALASAG Seal sa ginanap na Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance Ceremony noong December 17 sa San Fernando City, La Union. Sa pangunguna ni MDRRMC Chairperson, Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na tinanggap ni LDRRMO Genevieve N. Uy at ilan sa kanyang kawani ang mataas na pagkilala mula sa Office of the Civil Defense.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Ms. Universe Philippines - Pangasinan 2025 Candidates, Nag-courtesy Call sa SB
Ang 12 candidates ng Ms. Universe Philippines - Pangasinan 2025 ay nag-courtesy call sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan noong December 17. Kabilang sa mga kandidato ang ating si Bb. Bayambang Aliyah Macmod. Sila ay nakatakdang magtagisan sa Grand Coronation Night sa darating na January 17 sa Pozorrubio, Pangasinan.
No comments:
Post a Comment