Wednesday, December 11, 2024

MONDAY REPORT - December 16, 2024

MONDAY REPORT (December 16, 2024)

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Jan Andrea M. Dacones mula sa Bids and Awards Committee.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Wilfredo T. Petonio mula sa Municipal Legal Office.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

Sa ulo ng nagbabagang balita:

 

1. LCR, Nag-info Drive sa Alinggan

Ang Local Civil Registry ay nagtungo sa Alinggan-Banaban Elementary School, Brgy. Alinggan noong November 28 upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa mga memorandum circulars ng Philippine Statistics Authority. Inimbitahan dito ang mga teachers at parents upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

 

2. 30 CDCs, Sumailalim sa External Evaluation

Noong December 6, may 30 Child Development Centers sa Bayambang ang sumailalim sa isang evaluation ng mga assessors mula sa Provincial SWDO para sa accreditation ng center at kanilang mga Child Development Workers. Ang external accreditation ng lahat ng CDCs ay isa sa mga requirements para makapasa ang LGU sa Seal of Child-Friendly Local Governance audit ng DILG at upang masiguro na standardized service ang naibibigay sa ating mga pre-kindergarten learners.

 

3. ONGOING: Oral Health Activities sa mga CDCs

Noong Nobyembre 26, sinimulan ng oral health team ng Municipal Health Office ang kanilang inisyatibo sa kalusugan ng ngipin para sa mga Child Development Centers ng Bayambang para sa School Year 2024-2025. Kabilang sa mga aktibidad ang unang aplikasyon ng fluoride, pagsulong sa kalusugan ng ngipin, at isang lektyur at drill tungkol sa pagsepilyo ng ngipin para sa mga bata.

 

4. RHU at PDA Pangasinan, Lumagda sa Kasunduan ukol sa Project BUNTIS

Noong November 28, pormal na pinagtibay ng Philippine Dental Association - Pangasinan Chapter at ng Rural Health Unit ng Bayambang ang kanilang kasunduan na mapabuti ang kalusugan ng ngipin ng mga ina at mga bata sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng Project BUNTIS o "Bantay sa Unang Ngiti, Tagumpay ng Ina at Sanggol - First 1000 Days Oral Health Program para sa mga First-Time Moms." Ang inisyatibang ito ay nakatuon sa kalusugan ng ngipin ng mga kababaihang magiging ina sa unang pagkakataon at kanilang mga sanggol sa pinakaunang sanlibong araw ng buhay ng mga ito.

 

5. COA, Nagsagawa ng Entrance Conference para sa Fiscal Year 2024

Noong December 5, nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng isang entrance conference upang simulan ang proseso ng pag-audit para sa Calendar Year 2024 sa LGU-Bayambang. Layunin ng pulong na itakda ang mga layunin, pamamaraan, at mga inaasahang outcome para sa fiscal audit ng taong 2024. Kabilang sa mga tinalakay ng COA ang timeline ng audit, mga kinakailangang dokumento, at ang mga responsibilidad ng auditor at auditee sa pagpapadali ng maayos na auditing process.

 

6. Mga Inirereklamong Provincial Roads, Isinasa-ayos Na

Naisaayos na ang ilan sa mga inerereklamong provincial roads, kabilang ang:

1. Brgy. Wawa-Dusoc Road

2. Brgy. Pangdel Rd. –

3. Manganaan - Del Pilar Road, at

4. Bical Norte corner street

Ito ay dahil sa agarang paghiling ni Mayor Niña sa provincial government, sa pamamagitan ni Gov. Ramon Guico III. Kaugnay nito, inutusan ni Mayor Niña ang Engineering Office na magsumite ng isang komprehensibong ulat ukol sa estado ng mga daan sa bayan ng Bayambang, at gumawa na rin ng scope of work at detailed engineering design ang iba pang daan na nangangailangan ng repair upang agad na mahanapan ng pondo at maayos sa lalong madaling panahon.

 

7. Mayor Niña, Dinagdagan ang Sports Fund para sa mga Atletang Bayambangueño

Sa latest na pulong ng Local School Board, sinang-ayunan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagdagdag ng adisyunal na pondo sa nauna nang P528,000 budget mula sa Special Education Fund para sa mga atletang Bayambangueño, partikular na para sa Division Meet 2025. Ito ay kanyang pinadagdagan pa ng P200,000 mula sa budget ng LGU at adisyunal na P410,000 para naman sa uniporme ng mga atleta sa pamamagitan ng Cultural Affairs Fund.

 

8. Global IT Challenge Winner, Ginantimpalan ng Laptop

Si Mayor Niña ay nag-award ng dalawang laptop para sa student na PWD na naging global winner sa Global ICT Challenge, bilang pagsuporta sa mga PWD at inclusive education. Tinanggap nina Dallin Jeff Moreno at kanyang coach na si Mr. Raffy Carungay ng Bayambang National High School ang bagong laptop noong Disyembre 9 sa Events Center.

9. Orientation on Solo Parents, Isinagawa

Isang orientation activity patungkol sa mga solo parents ang isinagawa ng MSWDO para sa naturang sektor noong December 9 sa SB Session Hall. Naging resource speaker sina Atty. Melinda Rose Fernandez at Social Welfare Officer Evelyn Dismaya ng Pangasinan PSWDO. Kanilang tinalakay ang mga karapatan ng solo parents sa ilalim ng batas at mga benepisyo na maaari nilang i-avail sa tulong ng DSWD. Ang mga solo parents ay hinihikayat magparehistro sa MSWDO para kanilang ma-avail ang mga nasabing benefits at privileges.

 

10. Huling Blood Drive ng Taon, May 120 Blood Bags

Sa pinakahuling blood donation drive ng taon, nakaipon ang RHU at Red Cross ng 120 bags ng dugo out of 160 na nagparehistro sa aktibidad na ginanap sa Events Center noong December 9. Sa aktibidad ay nag-donate si Mayor Niña Jose-Quiambao ng 120 spaghetti packs para sa first 120 successful donors.

 

11. Mga Bagong BNS, Nag-Basic Course Training

May 26 na bagong Barangay Nutrition Scholars ang sumailalim sa training sa basic course para sa mga BNS sa tulong ng Municipal Nutrition Action Office. Ang pagsasanay ay ginanap noong December 9 sa Mayor's Conference Room.

 

12. Joint Inspection ng CCTVs sa Public Market, Isinagawa

Ang Office of the Special Economic Enterprise, Bayambang Public Safety Office, at Business Processing and Licensing Office ay nagconduct ng joint inspection ng mga stalls sa Bayambang Public Market kaugnay ng mandatory na pag-install ng mga CCTV cameras alinsunod sa Municipal Ordinance No. 6 series of 2024. Ang naturang ordinansa ay nagsusulong unang-una ng seguridad at kaayusan sa pamamagitan ng crime deterrence at close monitoring.

 

13. Ukay for a Cause, Muling Nagbalik

Muling nagbalik ang Ukay for a Cause ni Mayor Niña upang makalikom ng panibagong pondo para makatulong sa ating mga kababayan na walang maayos na tirahan. Ang pagtinda ng mga pre-loved items galing sa mga LGU officials at employees ay muling ginanap sa Events Center noong December 12 to 13. May kasama ring live selling sa tulong ng mga volunteers mula sa iba’t ibang departamento.

 

14. Cold Storage sa Nalsian Norte, Pinasinayaan

Isang 20,000-bag capacity cold storage ang pinasinayaan noong December 13 sa Brgy. Nalsian Norte. Dahil sa inisyatibo ni Mayor Niña, ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Agriculture-Regional Field Office I sa ilalim ng High-Value Crop Development Program nito. Inaasahang malaking tulong ito sa lahat ng mga magsasaka, dahil hindi na nila kailangang mag-imbak pa ng mga ani sa malalayong lugar.

 

15. Pamaskong Handog para sa Kabataan, Nasa Year 22 Na!

Ang tradisyunal na Pamaskong Handog para sa Kabataan ay muling idinaos, salamat sa kabutihang loob ng pamilya Jose-Quiambao. Libu-libong kabataan mula sa CDC, SPED, at STAC ang dumalo sa St. Vincent Ferrer Parish church grounds noong December 10 to 11, upang umattend sa isang thanksgiving mass, makisaya sa mga fun and games, magsalu-salo sa inihandang pagkain, at tumanggap ng mga regalo mula kay Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar Quiambao, sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation.

 

16. RHU III, PhilHealth-Accredited Na!

Ang Rural Health Unit (RHU) III sa Brgy. Carungay ay E-Konsulta, Animal Bite Treatment Center, at PhilHealth-accredited na! Dahil dito, makaka-avail na ang mga pasyente ng libreng health services package sa naturang pasilidad, at ang PhilHealth ang nakatakdang magbabayad ng mga gastusin sa RHU III. Maaari na ring magpatingin at magpabakuna dito ang mga malalapit na residenteng nakagat ng alagang aso o pusa.

 

17. LGU at PESO, Pinarangalan sa Provincial Awards

Ang LGU, sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao, at si Public Employment Services Officer Gernalyn Santos ay kinilala sa ginanap na Bolun Awards ng Pangasinan Migration and Development Council sa Sison Auditorium, Lingayen, noong December 5. Si Santos ay pinarangalan bilang 2nd runner-up Outstanding Migrant Desk Officer of Pangasinan sa taong 2024. Ang Federation of Bayambang Overseas Workers naman ay 2nd runner-up din sa kanilang kategorya, at nakatanggap ng P15,000 na pondo bilang pagkilala sa kanilang volunteer work para sa mga kapwa OFW.

 

18. Bayambang, Compliant sa Solid Waste Management Plan

Tagumpay na naipatupad ng bayan ng Bayambang sa pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang sampung mahahalagang aspeto ng 𝗧𝗲𝗻-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 (SWMP) nito para sa taong 2023. Ito ay batay sa isinagawang pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources noong November 11-12. Ayon sa ulat, naging compliant ang Bayambang sa sampung aspeto ng solid waste management mula 𝘚𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 hanggang 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘋𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘰𝘯.

 

19. MHO, May 4 Gawad Kalusugan mula DOH

Ang Municipal Health Office ay nakatanggap ng apat na Gawad Kalusugan sa ginanap na parangal ng DOH Ilocos Center for Health Development Region noong December 9 sa Candon City, Ilocos Sur. Ang mga ito ay ang:

1. Newborn Screening Exemplary Award

2. Top Implementer of Pharmaceutical Management

3. Best Oral Health Program Implementer in Municipal/City Level

4. Best Nutrition Program Implementer in Municipal/City Level

 

 

20. Kasama Kita sa Barangay Foundation, 1st Place Winner Muli sa National Literacy Awards!

Muling tumanggap ng pinakamataas na parangal ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. bilang 1st place winner sa National Literacy Awards, sa kategoryang “Sustainable Literacy and Livelihood Program." Ito ay isang pagkilala sa mga iniimplementa ng KKSBFI sa ating bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga trainings sa kanilang iba't ibang livelihood beneficiaries. Ang parangal ay iginawad ng Department of Education Literacy Coordinating Council noong December 12 sa Mandaue City, Cebu. Ang KKSBFI ay pinamumunuan ni dating alkalde, Dr. Cezar Quiambao.

 

21. 2024 Seal of Good Local Governance, Pormal na Tinanggap ng LGU-Bayambang

Noong December 10, pormal nang tinanggap ng LGU ang Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government para sa taong 2024, sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. Naging kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si SATOM, Dr. Cezar Quiambao, sa nasabing seremonya. Ang SGLG ang pinakamataas na karangalang maaaring makamit ng isang LGU mula sa national government.

 

***

It's Trivia Time!

Alam niyo ba na hindi lamang pagbibigay ng legal na serbisyo ang ginagampanan ng Municipal Legal Office o MLO?

Ang MLO ay naatasan din bilang Secretariat ng Local Zoning Board of Appeals (LZBA) ayon sa Executive Order No. 50 series of 2022 at bilang focal person na tumutugon sa mga reklamo sa 8888 Citizen's Complaint Hotline batay naman sa Executive Order No. 36 series of 2022.

Alam niyo rin ba na sa mahigit tatlong taon na pagbibigay serbisyo ng MLO, may 19 na kaso na ng munisipyo ang hinawakan at ipinaglaban nito sa Prosecutor's Office, korte, Office of the Ombudsman at Sandiganbayan.

Flash: 19 cases

• 16 cases dismissed/won/settled

• 3 active and ongoing cases

• 0 case lost

***

Its Trivia Time…

Alam niyo ba na ang Bids and Awards Committee ay may bagong Government Procurement Act… Mula sa R.A 9184 o Government Procurement Reform Act of 2003?

Ang Bagong Procurement Act ay ang Republic Act No. 12009 or New Government Procurement Act, at ito ay nailathala 15 days matapos malagdaan ni President Ferdinand Marcos, Jr noong Hulyo 20, 2024 at kamakailan lamang ay inilabas na ang draft ng Implementing Rules and Regulations of the New Government Procurement Act 12009, at ito ay inilathala upang humingi ng komento sa publiko ukol dito hanggang December 20, 2024 bago ito mai-finalize.

Layunin ng bagong batas na ito na itaguyod ang mas malaking transparency, accountability, operational efficiency, and value for money. Ang PhilGEPS (Philippine Government Electronic Procurement System) ang magiging single electronic portal na magsisilbing pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at channel sa pagsasagawa ng lahat ng aktibidad sa gobyerno.

*As of October 14, 2024, mayron tayong natipid na higit sa 17 million pesos mula sa 68 bidded projects*

[FLASH]

Number of Bidded Projects: 68

Total amount of Purchase Request: P 106,199,611.26

Total Amount of Purchase Orders: P 88,793,598.88

Total amount of Unexpended Balance/Savings: P 17,406,012.38

 

*As of November 2024, mayron tayong natipid na halagang mahigit sa Apat na milyong piso mula sa Alternative Methods of Procurement *

[FLASH]

Total number of Purchase Requests received: 1,020

Total amount of Unexpended Balance/Savings: P4,412,725.14


***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEsWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Jan Andrea M. Dacones mula sa Bids and Awards Committee.

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Wilfredo T. Petonio mula sa Municipal Legal Office.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 ***

Samantala, 9 days na lang… Pasko na!


No comments:

Post a Comment