Monday Report - December 9, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Ashley Mae P. Cayabyab.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Catrina D. Jimenez, at kami po ay mula sa Municipal Assessor's Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang…. BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
Sa ulo ng nagbabagang balita:
1. LCR, Nag-info Drive sa Buayaen Central School
Noong November 22, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Buayaen Central School upang magsagawa ng information campaign ukol sa tamang pagrerehistro at tungkol sa updates sa memorandum circulars ng Philippine Statistic Authority (PSA). Inimbitahan dito ang mga teachers at mga magulang upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.
2. Special Recruitment Activities, Isinagawa ng PESO
Ang PESO-Bayambang ay nag-organisa ng dalawang special recruitment activities, kung saan naging recruiter ang mga kumpanyang Sutherland at JAC International Manpower Services. Ang aktibidad ay isinagawa mula November 27 hanggang 29 sa harap ng tanggapan ng PESO.
3. MAO Staff at Farmer Leaders, Dumalo sa National Biotechnology Week
Tatlong staff ng Municipal Agriculture Office at 15 farmer leaders ang dumalo sa National Biotechnology Week noong November 28 sa University of the Philippines - Los Baños, Laguna, kung saan isinulong ang ligtas at responsableng paggamit ng modernong biotechnology upang ma-achieve ang food security. Sila ay sumali sa isang guided tour sa iba’t ibang research centers ng UPLB, kung saan sila ay nagkaroon ng panibagong kaalaman sa modernong agrikultura.
4. Employee Orientation, Isinagawa para sa JO Employees
Noong November 28, nagsagawa ang Human Resource Management Office ng isang employee orientation program sa SB Session Hall para sa mga bagong job order employees ng LGU. Layunin ng hakbang na ito na tiyakin na ang bawat kawani ng gobyerno ay may malalim na pang-unawa sa kanilang mga tungkulin at kung paano ito isasagawa nang may responsibilidad, integridad, at malasakit sa publiko.
5. LGU-Sto. Tomas, Nagbenchmarking Dito
Ang LGU ng Sto. Tomas, Pangasinan, sa pangunguna ni Mayor Dickerson Villar, ay bumisita sa Bayambang noong November 28 upang magbenchmarking activity. Sila ay nagcourtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao, at sila ay ipinasyal sa Agri-Industrial Leasing Corp., E-Agro, One Food Corp., at Bayambang Dairy Farm.
6. 1,000 Katao, Bagong Benepisyaryo ng AICS
Noong November 30, isang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Ramon 'Bong' Revilla Jr. Ang ayuda ay nagkakahalaga ng isang milyong piso sa kabuuan, at ipinamahagi ito sa mga nangangailangang estudyante ng Bayambang Polytechnic College at mga job order employees ng munisipyo.
7. Byaheng Tirad, Muling Nag-stop Over sa Bayambang
8. Mga Bagong SLPA, Nag-workshop sa Marketing at Inventory Management
Noong December 1, ang DSWD at MSWDO ay nagsagawa ng isang workshop ukol sa Strategic Marketing and Inventory Management para sa mga kasalukuyan at bagong tatag na Sustainable Livelihood Program Associations sa Bayambang. May 64 SLP members mula sa iba't ibang barangay ang dumalo sa nasabing aktibidad. Malaking tulong ito sa pagnenegosyo ng mga SLP associations, lalo na ang pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pagpaplano, marketing, at pag-imbentaryo.
9. COMELEC, Nag-demo ng Automated Counting Machine
Noong December 2, ang Commission on Elections ay nagsagawa ng demonstrasyon sa paggamit ng Automated Counting Machine para sa mga first-time voters. Ayon kay Acting Election Officer Michael Bryan Onia, bahagi ito ng layunin ng COMELEC na mapalawak ang kaalaman ng bawat botante ukol sa bagong makina na gagamitin sa darating na national at local elections at sa BARMM parliamentary election sa May 12, 2025.
10. ESWMO, Nakatanggap ng Composting Facility mula BSWM
Tinanggap noong December 2 ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) ang isang unit ng composting facility for biodegradable waste na isang grant mula sa Bureau of Soil and Water Management. Ito ay malaking tulong para sa produksyon ng soil ameliorant sa ESWMO.
11. Huling Job Fair ng Taon, Idinaos
Noong December 3, idinaos ng PESO-Bayambang ang huling job fair ng taon. Ito ay ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, at dinaluhan ng pitong lokal na kumpanya. Ang job fair ay may 45 na aplikante, kung saan 20 sa mga ito ang hired on the spot.
12. Former DILG Sec. Benhur Abalos, Bumisita
13. World AIDS Day, Muling Ginunita
Noong December 2, ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng isang candle-lighting ceremony kasama ang mga estudyante ng PSU-Bayambang bilang paggunita sa World AIDS Day tuwing Disyembre. Layunin nitong maitaas ang antas ng kamalayan ng komunidad at lalo na sa mga kabataan upang maproteksyunan laban sa sakit na AIDS at stigma na dulot ng naturang sakit. Dumalo sa aktibidad si Vice-Mayor IC Sabangan.
14.
Market
Stallholders, Pinulong ukol sa Fire Safety, CCTV Ordinance, at Business Permit
Noong December
3, ang lahat ng stallholders sa Bayambang Public Market ay pinulong ng Office
of the Special Economic Enterprise patungkol sa Fire Safety, CCTV Ordinance, at
Business Permit, sa tulong ng BFP, PNP, at Business Processing and Licensing
Office. Kabilang sa mga tinalakay ang online application para sa Fire Safety
Evaluation Clearance (FSIC), ang ordinansang nag-uutos sa lahat ng business
establishment na magkaroon ng sariling CCTV, at mga isyu ukol sa business
permit.
15. Allied Botanical, Nagdonate ng Onion Seeds at Fertilizers
Ang kumpanyang Allied Botanical Corporation ay nag-donate ng 240 cans ng onion seeds at 1,440 packs ng iba’t ibang foliar fertilizers na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P685,000.00. Ang mga nasabing donasyon ay para sa may 240 onion farmers sa iba’t ibang barangay ng Bayambang. Malugod na tinanggap ng Agriculture Office ang mga donasyon noong December 3.
16. PWD Singing Champ, Performer sa Provincial Concert for a Cause
Ang local PWD singing champ na si Christian Joel Dueñas ay naging topbill performer sa isang concert-for-a-cause na inorganisa ng Provincial PWD Affairs Office noong December 3 sa Sison Auditorium sa kapitolyo. Sa concert na pinamagatang "Harmonizing Hope," nag-perform ng si Dueñas kasama ang iba pang PWD performers mula sa probinsya. Mayroon din siyang mga solo performances na pinalakpakan ng mga manonood.
17. 55 Magsasaka, Tumanggap ng Hybrid Yellow Corn Seeds at Pataba para sa Corn Model Farm Program
Ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay nagpamahagi ng isang daang sako ng hybrid yellow corn seeds at 525 na sako ng inorganic fertilizers para sa 55 farmer-cooperators ng 50-hectare Corn Model Farm Program noong December 4. Kasama rin sa programa ang paggamit ng Nutrient Expert for Maize Philippines (NEMPh), isang software na nagbibigay ng rekomendasyon sa tamang dami ng pataba. Layunin ng inisyatibang ito na madagdagan ang ani ng mga magsasaka ng 1 metric ton bawat ektarya at maging mas efficient ang produksyon ng mais.
18. 'Buklat Aklat,' Nagpatuloy sa Tatarac-Apalen ES
Ang 'Buklat Aklat' project ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pagtutulungan ng Local Youth Development Office, Sangguniang Kabataan, at Bb. Bayambang Foundation, ay nagpatuloy sa Tatarac-Apalen Elementary School noong December 2. Ang team ay winelcome ni Tatarac-Apalen ES Principal I Elvira Agbuya. Naging guest storyteller ang businessman/entrepreneur na si Mr. GP Geronilla.
19. Municipal Treasury, Tumanggap ng 3 Parangal
Ang Municipal Treasurer’s Office ay nakatanggap ng tatlong parangal mula sa Bureau of Local Government Finance, sa ginanap na Regional Year-end Assessment Conference noong November 26-29 sa Quezon City. Ang mga ito ay ang:
1. Top 5 Among 1st Class Municipalities in Region I in Terms of Ratio of Locally Sourced Revenues to Total Current Operating Income for Fiscal Year 2023
2. Top 3 Highest Locally Sourced Revenues in
Nominal Terms for Fiscal Year 2023
3. Top 4 Highest Locally Sourced Revenues in
Nominal Terms for Fiscal Year 2022
Ang mga ito ay isang pagkilala sa kahusayan at kontribusyon ng LGU-Bayambang sa mga implementasyon ng mga programa at proyektong pampinansyal.
***
It's Trivia Time!
Alam nyo ba…?
Sa loob ng darating na dalawang taon o hanggang Hulyo 9, 2026 ay may ipapatupad na Real Property Tax Amnesty.
Ang amnesty na ito sa amilyar ay nakapaloob sa RA 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) na nilagdaan ng ating pangulo noong Hunyo 13, 2024 at naging epektibo simula noong Hulyo 10, 2024.
Sa pamamagitan ng amnesty, ang mga PENALTIES, SURCHARGES at INTERESTS mula sa di bayad na real property taxes kasama ang Special Education Fund, idle land tax at iba pang special levy taxes mula Hulyo 9, 2024 at pababa ay hindi na sisingilin.
Tandaan na ito ay tatagal lamang ng dalawang taon at pwedeng magbayad ng one-time payment o installment payment.
Ang pagbabayad ng amilyar ay obligasyon ng bawat isa.
Kaya’t tara na
at magbayad ng tamang real property tax.
Ano pa ang hinihintay ninyo? Samantalahin na ang RPT amnesty!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Ashley Mae P. Cayabyab.
NEWSCASTER 2: At Catrina D. Jimenez mula sa Municipal Assessor's Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
Samantala, 16 days na lang… Pasko na!
No comments:
Post a Comment