MONDAY REPORT - December
23, 2024
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Gelian E. Flores, at kami po ay mula sa Bayambang Public Safety Office.
Sa ulo ng nagbabagang balita:
1. ICS Course Completers, Nag-apprentice bilang Trainors
Noong November 19-22, naging apprentice trainor ang LGU staff na sina Annika Rose Malicdem at Catherine Piscal sa Incident Command System Position Course para sa 40 participants na kinabibilangan ng MDRRMC ng Bauang, La Union sa Baguio City. Sila ay dalawa sa 25 graduates sa All-Hazard Incident Management Team noong nakaraang taon. Dito ay nahasa ang kanilang kaalaman sa pagpapatupad ng mga tungkulin at responsibilidad ng isang Incident Commander at mga tungkulin ng iba't ibang section heads.
2. Pangkat Tagapagkasundo ng Barangay, Nagseminar
Ang Municipal Legal Office ay nagdaos ng isang seminar para sa mga Punong Barangay at iba pang mga kasapi ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay hinggil sa "Mahalagang Papel ng Pangkat Tagapagkasundo sa Mabisa at Ganap na Pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay' Ang seminar na ginanap noong December 12 ay dinaluhan ng mga Punong Barangay bilang Lupong Tagapamayapa Chairman at limang iba pang miyembro ng Lupon. Naging resource persons sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr.; Legal Officer III, Atty. Melinda Rose Fernandez; at Juris Doctor Charlemagne Papio.
3. "Other Earning Groups," Nag-avail ng PAG-IBIG Loyalty Cards
Noong December 12, ang PAG-IBIG Fund, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Special Economic Enterprise, ay nagproseso ng mga ID para sa Loyalty Card ng ahensya para sa mga "other earning groups" na kinabibilangan ng mga vendors, drivers o TODA members, at iba pa, sa tabi ng tanggapan ng SEE.
4. Joint Quarterly Meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, MAC, at BPRAT, Isinagawa
Isang joint quarterly meeting ang isinagawa noong December 12 ng lahat ng miyembro ng apat na special bodies: ang Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC), Municipal Advisory Council (MAC), at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT). Pangunahing tinalakay ang pagpapatupad ng Municipal Ordinance laban sa mga kaso ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at child sexual abuse or exploitation materials (CSEM), gayundin ang pagrerepaso at pag-update sa social protection thrust ng BPRAT.
5. Natagpuang Lawin, Inihatid ng ESWMO sa DENR
Isang ibong ligaw ang isinurrender ng isang residente sa Ecological Solid Waste Management Office noong December 12. Ayon kay Rene Barrientos, ang ibon -- na isang brahminy kite o lawin -- ay nakita sa may bukid ng Brgy. Buayaen noong December 11. Maayos namang naihatid ng ESWMO ang naturang lawin sa CENRO Dagupan noong December 13.
6. Grupong Feeding Angels, Naghandog ng Pamasko sa Ilang Kabataan
Ang grupong Feeding Angels, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Action Office, ay muling namigay ng mga food packs sa mga undernourished at indigent na kabataan noong December 16. Kanilang nabiyayaan ang may 53 na undernourished na kabataan sa Brgy. Malimpec, Tococ West, Alinggan, Amanperez, at Ligue, 116 na indigent na kabataan sa Tococ East, at 4 PWD na kabataan sa Amanperez.
7. 4Q MAFC Meeting, Nag-update ukol sa Agri at Fisheries Sector
Nagsagawa ng quarterly meeting ang Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) sa pangunguna ni Mayor Niña noong December 16. Tinalakay dito ang update sa mga kasalukuyang programa sa agrikultura at pangingisda na naka-angkla sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan; mga nakaplanong proyekto at inisyatiba; at mga isyung naka-apekto sa lokal na agrikultura at pangingisda.
8. LGU-Diffun, Quirino, Nag-Benchmarking sa Bayambang
Ang pamahalaang lokal ng Diffun, Quirino ay nag-benchmarking activity sa bayan ng Bayambang noong Disyembre 17, sa pangunguna ng kanilang Municipal Administrator at MPDO Charito Yangat. Sila ay malugod na tinanggap ng opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ipinasyal sa ICT, Budget, at Planning and Development Office, Paskuhan sa Bayambang, at Saint Vincent Ferrer Prayer Park.
9. Mayor Niña, May Surpresang Pamasko sa LGU Employees
Ang lahat ng empleyado ng Munisipyo ay lubos na nagpapasalamat, matapos surpresang magpamahagi ng libreng saku-sakong bigas si Mayor Niña Jose-Quiambao noong December 17. Ang mga job order employees ay nakatanggap ng limang kilong bigas. Ten kilos naman ang natanggap ng bawat casual at permanent employee, at 25 kilos ang natanggap ng mga department at unit heads.
10. Ms. Universe Philippines - Pangasinan 2025 Candidates, Nag-courtesy Call sa SB
Ang 12 candidates ng Ms. Universe Philippines - Pangasinan 2025 ay nag-courtesy call sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan noong December 17. Kabilang sa mga kandidato ang ating si Bb. Bayambang Aliyah Macmod. Sila ay nakatakdang magtagisan sa Grand Coronation Night sa darating na January 17 sa Pozorrubio, Pangasinan.
11. Project BUNTIS: Inilunsad para sa First-Time Moms
Noong December 17, opisyal na inilunsad ang Project BUNTIS, ang proyekto ng Municipal Health Office Conference Room katuwang ang Philippine Dental Association Pangasinan Chapter, na may layunin na mapanatiling orally fit ang mga first-time moms at kanilang mga sanggol sa kanilang unang dalawang taon.
May tatlumpu’t limang (35) first-time moms ang
lumahok. Ang programa ay inaasahang magreresulta sa pagiging orally fit ng
mag-ina pagkalipas ng isang libong araw.
12. Peace & Order at Public Safety Cluster, Pinulong
Noong December 12, ang Peace & Order at Public Safety Cluster ay pinulong ni Mayor Niña para sa 4th quarter. Kabilang sa mga tinalakay ang accomplishments, issues, and concerns sa anti-criminality, anti-illegal drugs, anti-insurgency, disaster risk reduction and management, conduct of assessment and validation of Barangay Road Clearing Operations, Local Peace and order and Public Safety Plan and Local Anti-Drug Plan of Action.
13. BPRAT, Nagsagawa ng Serye ng Sectoral Meetings
Noong December 12 hanggang 18, nagsagawa ng isang serye ng pagpupulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team kasama ang iba't ibang sektor upang mamonitor ang implementasyon ng lahat ng nakalatag na programa at proyekto ayon sa Recalibrated Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028. Naunang pinulong ang Sociocultural Development and Protection sector at Environmental Protection and Disaster Resiliency sector. Pagkatapos ay sumunod ang at Economic and Infrastructure sector, Good Governance sector, at Agricultural Modernization sector.
14. MOO-Bayambang, Nakatanggap ng mga Parangal
Ang DSWD Municipal Operations Office (MOO) ng Bayambang ay nakatanggap ng mga parangal mula sa katatapos na 2024 4Ps Program Implementation Review na ginanap sa Baguio City noong November 6-8. Ang MOO-Bayambang ay itinanghal bilang may "Best Gender and Development (GAD) Lens," "SWDI Tool Champion," at may "Highest Percentage of Self-sufficient Household Beneficiaries." Bukod pa ito sa mga individual category awards. Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok o convergence ng bawat opisina ng LGU at sa maalab na suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
15. Bayambang, Gawad KALASAG “Beyond Compliant” National Awardee Muli!
Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang ang parangal na "BEYOND COMPLIANT" Gawad KALASAG Seal sa ginanap na Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance Ceremony noong December 17 sa San Fernando City, La Union. Sa pangunguna ni MDRRMC Chairperson, Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na tinanggap ni LDRRMO Genevieve N. Uy at ilan sa kanyang kawani ang mataas na pagkilala mula sa Office of the Civil Defense.
16. Mga Bagong PRDP Infra Projects, Matagumpay na Naidepensa ng LGU
Matagumpay na naidepensa ng LGU-Bayambang ang dalawang infrastructure projects sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project noong December 18 sa Kabaleyan Cover Resort, San Carlos City. Ito ay ang Farm-to-Market Road na nagkakahalaga ng ₱319.8 million at Cold Storage na nagkakahalaga ng P246.01 million. Ang dalawang proyektong ito ay mga grant mula sa DA-PRDP at World Bank.
***
It's Trivia Time!
Alam ba ninyo na may lumang Christmas carol ang mga Pangasinense na itinuturing na isa sa mga pinakamahabang kanta sa Pasko? Ito ay tinatawag na aligando, hango sa salitang aguinaldo.
Ito ay may 143 na stanza o saknong at inaalala ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo hanggang sa pagbisita ng Tatlong Mago at pagtakas ng pamilya sa Ehipto.
Ito ay tradisyunal na kinakanta ng nagsasagutang grupo mula January 6 (Feast of the Epiphany) hanggang February 2 (Feast of Purification).
May shorter version ang aligando, at ang tawag dito ay galikin.
[Play sample video from Internet]
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Jimly Fausto de Vera.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si Gelian E. Flores mula sa Bayambang Public Safety Office.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
Samantala, tatlong araw na lang… Pasko na!
No comments:
Post a Comment