Wednesday, December 4, 2024

Trivia: Municipal Assessor's Office

 It's Trivia Time!

Alam nyo ba…?

Sa loob ng darating na dalawang taon o hanggang Hulyo 9, 2026 ay may ipapatupad na Real Property Tax Amnesty.

Ang amnesty na ito sa amilyar ay nakapaloob sa RA 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) na nilagdaan ng ating pangulo noong Hunyo 13, 2024 at naging epektibo simula noong Hulyo 10, 2024.

Sa pamamagitan ng amnesty, ang mga PENALTIES, SURCHARGES at INTERESTS mula sa di bayad na real property taxes kasama ang Special Education Fund, idle land tax at iba pang special levy taxes mula Hulyo 9, 2024 at pababa ay hindi na sisingilin.

Tandaan na ito ay tatagal lamang ng dalawang taon at pwedeng magbayad ng one-time payment o installment payment.

Ang pagbabayad ng amilyar ay obligasyon ng bawat isa.

Kaya’t tara na at magbayad ng tamang real property tax.

Ano pa ang hinihintay ninyo? Samantalahin na ang RPT amnesty!


No comments:

Post a Comment