Friday, October 16, 2026

MONDAY REPORT – October 19, 2026

 

MONDAY REPORT – October 19, 2026

 

Newscasters:

 

Nathaniel John ‘Pepe’ Mejia

Lea Meryl Ravina

 

Emcees:

Regina Cayabyab

Haziel Ann Gundayao

 

 

[Observe proper pacing/speed, volume, and energy, and don’t forget to smile.]

 

INTRO

 

1: Magandang araw ng Lunes, mga Kabaleyan! Ako po si ___________.

 

2: At ako naman po si ___________, at kami po ay mula sa ___________ Office.

 

1: Hatid namin sa inyo ang mahahalagang balita hinggil sa mga programa, proyekto, at inisyatiba ng lokal na pamahalaan, tungo sa tuluy-tuloy na progreso.

 

2: Samahan ninyo kami sa pagtunghay sa mga kaganapang sumasalamin sa tapat na paglilingkod, malasakit, at pagkakaisa para sa isang mas maunlad na bayan.

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang… BayambangueNews

 

 

[Salitan na kayo rito.]

 

 

 

1. Student Achievers, Sinurpresa ni Mayor Niña

 

A.     Noong Lunes, sinurpresa ni Mayor Niña ang mga estudyanteng nagwagi saa magkakaibang larangan.  Kabilang dito ang basketball team ng Saint Vincent Catholic School na kampeon sa Danny Ildefonso G-League Western Pangasinan Interschool Division Under-17 Category at  Bayambang Central School na nagkampeon at nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2026. Sila ay binigyan ₱1,000 cash bawat isa, lunch pack mula sa Jollibee, merienda mula Clark’s Brookside Burger, at ride-all-you-can sa Blue Sky Theme Park.

 

B.     Samantala, tumanggap naman ang Bayambang National High School (BNHS) ng ₱50,000 personal na donasyon, bilang suporta sa proyektong K.H.A.N. Academy.

 

2. Mayor Niña, Pinangunahan ang Pledge of Commitment ng mga Kawani

Pinangunahan ni Mayor Niña ang pledge of commitment ng mga kawani ng LGU noong October 12, sa pamamagitan ng paglagda sa Lingkod Bayani Commitment Wall bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary. Alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 8, series of 2026, muling pinagtibay dito ang pangako ng mga kawani sa tapat, mahusay, at responsableng serbisyo publiko.

 

3. Camacho Family and Friends, May Feeding at Gift-Giving Activity Muli

Muling nagsagawa ng feeding program at gift-giving activity sina Mr. and Mrs. Oscar Camacho at kanilang mga kamag-anak at kaibigan noong October 12, para sa mga mag-aaral ng Bical Elementary School at San Gabriel-Iton Elementary School. Gamit ang pondong nalilikom sa America, sila ay nagbahagi ng mga pagkain, school supplies, bigas, at groceries sa mga kababayan, katuwang si Councilor Raymond Camacho.

 

4. DELETED

 

5. Food Handlers Seminar, Dinaluhan ng 121 Kalahok

May 121 kalahok mula sa mga lokal na food business ang dumalo sa isang Food Handlers Seminar na isinagawa ng Rural Health Unit noong October 12. Tinalakay rito ang mga pamantayan sa waste management, business permits, gusali, sanitasyon, at pagpaplano upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili.

 

 

6-7 DELETED

 

8. Scholarship Allocation Bawat Barangay, Ipinamahagi

 

Pinangunahan nina Mayor Niña at iba pang lokal na opisyal ang ceremonial awarding noong Oktubre 12 para sa Barangay Presidential Scholars Program ng Pangulong Marcos. Ang programang ito ay naglaan ng ₱100,000 scholarship assistance para sa bawat isa sa 77 barangays ng Bayambang, kung saan nagkakaloob ng tig-₱20,000 para sa limang kwalipikadong incoming fourth-year college students mula sa bawat barangay. Malaking tulong ito sa mga gastusin ng mga naturang estudyante upang makapagtapos ng kolehiyo.

 

9. Dalawang Kooperatiba, Pinarangalan sa P.A.C.E. 2026

 

Kinilala ang BAMACADA Transport Cooperative at Managos Farmers Agricultural Cooperative (MFAC) sa kauna-unahang Pangasinan Awards for Cooperative Excellence (PACE) 2026 na ginanap sa Lingayen noong Oktubre 13. Tumanggap ang BAMACADA ng Outstanding Service Cooperative Award para sa maaasahang serbisyong pangtransportasyon, habang pinagkalooban naman ang MFAC ng Certificate of Commendation bilang pagkilala sa dedikasyon at pakikilahok nito sa programa.

 

10. Ikalawang Bugso ng UPLIFT, Naghatid ng Tulong sa mga Benepisyaryo

 

Mula October 13 to 15, isinagawa ang isang payout para sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program, na naglalayong makatulong sa 3,387 kwalipikadong benepisyaryo. Batay sa DSWD, ang mga benepisyaryo ay tinukoy mula sa opisyal na listahan ng pambansang tanggapan gamit ang datos ng 2024 Community-Based Monitoring System upang matukoy ang mga pamilyang mahihirap at malapit sa poverty threshold.

 

11. ₱20 Kada Kilo ng Bigas, Pormal nang Inilunsad sa Bayambang

 

Pormal na inilunsad sa Bayambang noong Oktubre 13 ang ₱20 Rice Program o Benteng Bigas ng Pangulong Marcos, na tatagal hanggang Oktubre 15 upang makapagbigay ng mas murang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Kabilang sa mga maaaring makinabang ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap na pamilya, magsasaka, mangingisda, transport workers, minimum dwage earners, at mga kawani ng DepEd, alinsunod sa itinakdang limitasyon ng alokasyon.

 

12. Sectoral Meeting ukol sa BPRP, Tinukoy ang mga Prayoridad na Hakbang

 

Muling nagsagawa noong Oktubre 12 to 14 ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng isang serye ng sectoral meeting upang repasuhin ang progreso ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) para sa ikatlong kwarter. Tinalakay ng iba’t ibang sektor ang mga nagawa, hamon, at rekomendasyon para higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga naturang PPAs. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan tungo sa mas epektibong serbisyo at mas maayos na kalagayan ng mga Bayambangueño.

 

13. DELETED

 

14.  PhilRice, Narito para sa Bagong Proyekto ukol sa Pigmented Rice

 

Nakipag-ugnayan ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kasama ang RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC), sa LGU para sa isang bagong proyektong magpapalawak sa produksyon ng pigmented rice sa bayan. Layunin nitong mahikayat ang mas maraming magsasaka na magtanim ng masustansiyang uri ng palay sa pamamagitan ng teknikal na suporta, pagsasanay, at pagpapalaganap ng makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

 

 

15.  LSB, Tinalakay ang mga Proyekto at Kagamitan para sa mga Paaralan sa Bayambang

 

Tinalakay ng Local School Board (LSB) sa pulong ang mga panukalang proyekto, kabilang ang mga update sa Tampog Elementary School at ang pagkukumpuni ng mga pasilidad sa DepEd Bayambang I at Don Teofilo C. Mataban Memorial School, ang mapagkukunan ng pondo para sa 2026 Division Meet, gayundin ang paghahanap ng additional 20 applicants para sa ARAL Program.

 

Ginawaran naman ng Certificate of Commendation si dating MFPTA President Gilbert Galsimbilang pagkilala sa kanyang ambag at paglilingkod sa sektor ng edukasyon.

 

 

16. KSB Year 9, Nagpatuloy sa Alinggan

 

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 ay nagpatuloy sa Alinggan-Banaban Elementary School upang hatiran ng serbisyo ang mga barangay ng Alinggan at Banaban. Ang mga residente ay nag-avail ng iba't ibang libreng medical at dental services, bakuna sa hayop, seeds at seedlings, at marami pang iba. Sila rin ay nakapag-uwi ng iba’t ibang handog na surpresa mula kay Mayor Niña kabilang ang spaghetti packs, fresh, milk at pa-raffle na bigas.

 

17. MDRRMC, Nagpulong ukol sa Super El Niño at Undas

 

Noong October 17, ginanap ang pulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para sa ikaapat na quarter. Kabilang sa mga tinalakay ang ating kahandaan sa paparating na Super El Niño, mga preparasyon para sa paggunita ng Undas 2026, proyektong urban gardening, at massive clearing, pruning, trimming, at declogging project sa lahat ng barangay.

 

 

18. GAD Training at Leadership Seminar, Tampok sa Youth Summit 2026

 

Itinampok sa Youth Summit 2026 na inorganisa ng LYDO at SK ang isang Gender and Development (GAD) Training at Leadership Seminar noong October 16 sa Pook ni Urduja, upang mapaunlad ang kaalaman sa GAD at kakayahan sa pamumuno ng mga kabataan. Pinangunahan ng PPCLDO ang naturang Training, at ng National Youth Commission-Baguio ang Leadership Seminar. Matagumpay na isinulong sa aktibidad ang diwa na "Hindi kailangang maging lider para makilahok sa mga programang pangkabataan."

 

 

19. Exotic Pet Bird, Boluntaryong Isinuko

 

Boluntaryong isinuko ang isang pares ng budgerigar o budgie sa mga Wildlife Enforcement Officer ng ESWMO noong October 13 sa Brgy. Nalsian Sur, at pormal na itinurn-over ang mga ito sa CENRO Dagupan kinabukasan. Ipinaalala ng MENRO na saklaw ng Republic Act No. 9147 ang pangangalaga at pagmamay-ari ng exotic at native na wildlife, kabilang ang mga kinakailangang permit at dokumento bago mag-alaga ng mga ito.

 

 

20. Financial Literacy at Cooperative Education, Isinagawa

 

Nagsagawa ang Municipal Cooperative Development Office ng information-education campaign tungkol sa financial literacy at ang mga pangunahing prinsipyo ng pagiging ng isang kooperatiba sa Moises B. Rebamontan National High School sa Brgy. Carungay noong October 16. Tinalakay sa mga mag-aaral ang wastong paghawak ng pera, pag-iimpok, pagbabadyet, at kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtatatag ng isang kooperatiba.

 

 

21. Libreng Chest X-Ray, Ipinagkaloob sa 200 Katao

 

Nagsagawa ang Rural Health Unit ng libreng chest X-ray sa Malioer Covered Court noong October 15, sa pakikipagtulungan ng Philippine Business for Social Progress at RCG Premier Foundation. Target ng aktibidad na mapagsilbihan ang 200 na benepisyaryo, partikular ang mga kapamilya at kasambahay ng dati at kasalukuyang pasyente na may tuberculosis, gayundin ang iba pang vulnerable sector. Nakatulong ito sa maagang pagtukoy ng posibleng kaso ng TB upang maipagkaloob ang angkop na pagsusuri at pangangalaga.

 

 

22. The Tent Sports Hub, Binuksan sa BYB Metro!

 

Pormal na binuksan noong October 15 ang The Tent Sports Hub sa BYB Metro, Brgy. Bani, upang magbigay ng karagdagang espasyo para sa iba't ibang sports at recreational activities. Sinimulan ang programa sa dedication at blessing, mga mensahe mula kina Mr. Philip Jose ng AILC, Mayor Nina at Dr. Cezar Quiambao, ribbon-cutting ceremony, at inaugural open play ng pickleball game.

 

23. Bayambang, Most Business-Friendly Municipality Level 1 ng Bansa!

 

Isang makasaysayang pagkapanalo ang natamo ng Bayambang, matapos itong kilalanin sa kauna-unahang pagkakataon bilang kampeon sa 2026 Most Business-Friendly LGU Awards – Municipality Level 1 Category ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Ang prestihiyosong pagkilala ay tinanggap nina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao sa Manila Hotel. Nanaig ang bayan sa apat na iba pang finalist mula sa La Union, Rizal, at Bulacan dahil sa pagsusulong ng mahusay na serbisyo publiko, modernisasyon, at pagpapadali ng pagnenegosyo.

 

Congratulations, LGU-Bayambang!

 

***

 

CONCLUSION

 

1: At iyan po ang mahahalagang balitang nagbigay-linaw sa mga programa, proyekto, at kaganapan sa ating bayan. Muli, ako po si ___________ ng ____________________ Office.

 

2: At ako naman po si ___________ ng _______

 

_____________. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa ating mga balita.

 

1: Sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng bawat mamamayan, patuloy nating maisusulong ang mga adhikain para sa ikabubuti ng ating komunidad.

 

2: Sa pagkakaisa, pananagutan, at patuloy na paglilingkod, sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at mas maliwanag na kinabukasan ng Bayambang.

 

1: Muli, maraming salamat po. Hanggang sa susunod na paghahatid ng mga balita!

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang mga balitang makabuluhan, paglilingkod na maaasahan, para sa bawat Kabaleyan. Ito ang… BayambangueNews!

 

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – SEPTEMBER 28, 2026 - Dos and Donts sa Undas

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – SEPTEMBER 28, 2026

(Estimated runtime: 3 minutes and 35 seconds)

 

(Kuya Ngen Intro)

 

Bayambang, Dapat Alam Mo na papalapit na naman ang Undas, panahon ng pag-alala sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. At siguradong marami sa atin ang bibisita sa sementeryo para mag-alay ng kandila at bulaklak, magdasal, at makasama ang pamilya.

 

Pero bukod sa paghahanda ng mga dadalhin, mahalagang alam din natin ang mga dapat at hindi dapat gawin para maging maayos, ligtas, at makabuluhan ang ating pagdalaw.

 

Una, panatilihing malinis ang sementeryo.

 

Magdala ng sariling supot para sa basura at itapon ito sa tamang lalagyan. Kung walang malapit na basurahan, iuwi muna ang inyong mga kalat. Tandaan, ang sementeryo ay hindi tambakan, at ang paglilinis dito ay responsibilidad nating lahat.

 

Pangalawa, mag-ingat sa paggamit ng kandila.

 

Ilagay ang mga kandila sa ligtas na lugar, malayo sa tuyong dahon, papel, at iba pang madaling masunog. Huwag iwanang nakasindi ang mga ito nang walang nagbabantay. Sundin din ang mga patakaran ng sementeryo tungkol sa paggamit ng kandila at iba pang materyales.

 

Pangatlo, igalang ang mga puntod at ang ibang dumadalaw.

 

Iwasang tapakan ang mga puntod, galawin ang mga palamuti ng ibang pamilya, o harangan ang mga daanan. Kung may makakasabay kayong nagdarasal o nagluluksa, panatilihing mahinahon ang boses at iwasan ang sobrang lakas na tugtog.

 

At panghuli, maging responsable sa pagbiyahe.

 

Bago bumiyahe, tiyaking maayos ang sasakyan at alamin ang posibleng daloy ng trapiko. Sundin ang mga traffic sign at utos ng mga awtoridad. Kung magmamaneho, huwag magmaneho kapag inaantok o nakainom ng alak. Mas mabuting ma-late nang kaunti kaysa malagay sa panganib ang sarili at ang ibang tao.

 

At higit sa lahat, dapat alam mo ang mga ipinatutupad na patakaran sa araw na iyon, kabilang ang mga posibleng limitasyon sa pagpasok ng sasakyan at mga ipinagbabawal na bagay.

 

Ngayon, ano naman ang mga HINDI DAPAT gawin tuwing Undas?

 

Huwag magkalat.

Huwag mag-iwan ng kandilang walang nagbabantay.

Huwag magdala o gumamit ng mga ipinagbabawal na bagay.

Huwag gumawa ng anumang makagagambala sa ibang dumadalaw.

 

Bayambang, dapat alam mo na ang Undas ay hindi lang tungkol sa mga kandila, bulaklak, at pagdalaw sa puntod. Panahon din ito para magnilay, magdasal, at alalahanin ang mga taong naging bahagi ng ating buhay.

 

Kaya sa papalapit na Undas, sama-sama nating panatilihing malinis ang sementeryo, igalang ang bawat pamilya, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.

 

 

Bayambang ang lahat ng ito ay dapat alam mo

Muli ako si kuya na nagsasabing:


Thursday, October 15, 2026

MONDAY REPORT – October 19, 2026 v1

 

MONDAY REPORT – October 19, 2026

 

Newscasters:

 

Nathaniel John ‘Pepe’ Mejia

Lea Meryl Ravina

 

Emcees:

Regina Cayabyab

Haziel Ann Gundayao

 

 

[Observe proper pacing/speed, volume, and energy, and don’t forget to smile.]

 

INTRO

 

1: Magandang araw ng Lunes, mga Kabaleyan! Ako po si ___________.

 

2: At ako naman po si ___________, at kami po ay mula sa ___________ Office.

 

1: Hatid namin sa inyo ang mahahalagang balita hinggil sa mga programa, proyekto, at inisyatiba ng lokal na pamahalaan, tungo sa tuluy-tuloy na progreso.

 

2: Samahan ninyo kami sa pagtunghay sa mga kaganapang sumasalamin sa tapat na paglilingkod, malasakit, at pagkakaisa para sa isang mas maunlad na bayan.

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang… BayambangueNews

 

 

[Salitan na kayo rito.]

 

 

 

1. Student Achievers, Sinurpresa ni Mayor Niña

 

A.     Noong Lunes, sinurpresa ni Mayor Niña ang mga estudyanteng nagwagi saa magkakaibang larangan.  Kabilang dito ang basketball team ng Saint Vincent Catholic School na kampeon sa Danny Ildefonso G-League Western Pangasinan Interschool Division Under-17 Category at  Bayambang Central School na nagkampeon at nagwagi sa iba’t ibang kategorya ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2026. Sila ay binigyan ₱1,000 cash bawat isa, lunch pack mula sa Jollibee, merienda mula Clark’s Brookside Burger, at ride-all-you-can sa Blue Sky Theme Park.

 

B.     Samantala, tumanggap naman ang Bayambang National High School (BNHS) ng ₱50,000 personal na donasyon, bilang suporta sa proyektong K.H.A.N. Academy.

 

2. Mayor Niña, Pinangunahan ang Pledge of Commitment ng mga Kawani

Pinangunahan ni Mayor Niña ang pledge of commitment ng mga kawani ng LGU noong October 12, sa pamamagitan ng paglagda sa Lingkod Bayani Commitment Wall bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary. Alinsunod sa CSC Memorandum Circular No. 8, series of 2026, muling pinagtibay dito ang pangako ng mga kawani sa tapat, mahusay, at responsableng serbisyo publiko.

 

3. Camacho Family and Friends, May Feeding at Gift-Giving Activity Muli

Muling nagsagawa ng feeding program at gift-giving activity sina Mr. and Mrs. Oscar Camacho at kanilang mga kamag-anak at kaibigan noong October 12, para sa mga mag-aaral ng Bical Elementary School at San Gabriel-Iton Elementary School. Gamit ang pondong nalilikom sa America, sila ay nagbahagi ng mga pagkain, school supplies, bigas, at groceries sa mga kababayan, katuwang si Councilor Raymond Camacho.

 

4. DELETED

 

5. Food Handlers Seminar, Dinaluhan ng 121 Kalahok

May 121 kalahok mula sa mga lokal na food business ang dumalo sa isang Food Handlers Seminar na isinagawa ng Rural Health Unit noong October 12. Tinalakay rito ang mga pamantayan sa waste management, business permits, gusali, sanitasyon, at pagpaplano upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili.

 

 

6-7 DELETED

 

8. Scholarship Allocation Bawat Barangay, Ipinamahagi

 

Pinangunahan nina Mayor Niña at iba pang lokal na opisyal ang ceremonial awarding noong Oktubre 12 para sa Barangay Presidential Scholars Program ng Pangulong Marcos. Ang programang ito ay naglaan ng ₱100,000 scholarship assistance para sa bawat isa sa 77 barangays ng Bayambang, kung saan nagkakaloob ng tig-₱20,000 para sa limang kwalipikadong incoming fourth-year college students mula sa bawat barangay. Malaking tulong ito sa mga gastusin ng mga naturang estudyante upang makapagtapos ng kolehiyo.

 

9. Dalawang Kooperatiba, Pinarangalan sa P.A.C.E. 2026

 

Kinilala ang BAMACADA Transport Cooperative at Managos Farmers Agricultural Cooperative (MFAC) sa kauna-unahang Pangasinan Awards for Cooperative Excellence (PACE) 2026 na ginanap sa Lingayen noong Oktubre 13. Tumanggap ang BAMACADA ng Outstanding Service Cooperative Award para sa maaasahang serbisyong pangtransportasyon, habang pinagkalooban naman ang MFAC ng Certificate of Commendation bilang pagkilala sa dedikasyon at pakikilahok nito sa programa.

 

10. Ikalawang Bugso ng UPLIFT, Naghatid ng Tulong sa mga Benepisyaryo

 

Mula October 13 to 15, isinagawa ang isang payout para sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program, na naglalayong makatulong sa 3,387 kwalipikadong benepisyaryo. Batay sa DSWD, ang mga benepisyaryo ay tinukoy mula sa opisyal na listahan ng pambansang tanggapan gamit ang datos ng 2024 Community-Based Monitoring System upang matukoy ang mga pamilyang mahihirap at malapit sa poverty threshold.

 

11. ₱20 Kada Kilo ng Bigas, Pormal nang Inilunsad sa Bayambang

 

Pormal na inilunsad sa Bayambang noong Oktubre 13 ang ₱20 Rice Program o Benteng Bigas ng Pangulong Marcos, na tatagal hanggang Oktubre 15 upang makapagbigay ng mas murang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Kabilang sa mga maaaring makinabang ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap na pamilya, magsasaka, mangingisda, transport workers, minimum dwage earners, at mga kawani ng DepEd, alinsunod sa itinakdang limitasyon ng alokasyon.

 

12. Sectoral Meeting ukol sa BPRP, Tinukoy ang mga Prayoridad na Hakbang

 

Muling nagsagawa noong Oktubre 12 to 14 ang Bayambang Poverty Reduction Action Team ng isang serye ng sectoral meeting upang repasuhin ang progreso ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) para sa ikatlong kwarter. Tinalakay ng iba’t ibang sektor ang mga nagawa, hamon, at rekomendasyon para higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga naturang PPAs. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan tungo sa mas epektibong serbisyo at mas maayos na kalagayan ng mga Bayambangueño.

 

13. DELETED

 

14.  PhilRice, Narito para sa Bagong Proyekto ukol sa Pigmented Rice

 

Nakipag-ugnayan ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice), kasama ang RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC), sa LGU para sa isang bagong proyektong magpapalawak sa produksyon ng pigmented rice sa bayan. Layunin nitong mahikayat ang mas maraming magsasaka na magtanim ng masustansiyang uri ng palay sa pamamagitan ng teknikal na suporta, pagsasanay, at pagpapalaganap ng makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

 

 

15.  LSB, Tinalakay ang mga Proyekto at Kagamitan para sa mga Paaralan sa Bayambang

 

Tinalakay ng Local School Board (LSB) sa pulong ang mga panukalang proyekto, kabilang ang mga update sa Tampog Elementary School at ang pagkukumpuni ng mga pasilidad sa DepEd Bayambang I at Don Teofilo C. Mataban Memorial School, ang mapagkukunan ng pondo para sa 2026 Division Meet, gayundin ang paghahanap ng additional 20 applicants para sa ARAL Program.

 

Ginawaran naman ng Certificate of Commendation si dating MFPTA President Gilbert Galsimbilang pagkilala sa kanyang ambag at paglilingkod sa sektor ng edukasyon.

 

 

16. KSB Year 9, Nagpatuloy sa Alinggan

 

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 ay nagpatuloy sa Alinggan-Banaban Elementary School upang hatiran ng serbisyo ang mga barangay ng Alinggan at Banaban. Ang mga residente ay nag-avail ng iba't ibang libreng medical at dental services, bakuna sa hayop, seeds at seedlings, at marami pang iba. Sila rin ay nakapag-uwi ng iba’t ibang handog na surpresa mula kay Mayor Niña kabilang ang spaghetti packs, fresh, milk at pa-raffle na bigas.

 

17. MDRRMC, Nagpulong ukol sa Super El Niño at Undas

 

Noong October 17, ginanap ang pulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para sa ikaapat na quarter. Kabilang sa mga tinalakay ang ating kahandaan sa paparating na Super El Niño, mga preparasyon para sa paggunita ng Undas 2026, proyektong urban gardening, at massive clearing, pruning, trimming, at declogging project sa lahat ng barangay.

 

 

18. GAD Training at Leadership Seminar, Tampok sa Youth Summit 2026

 

Itinampok sa Youth Summit 2026 na inorganisa ng LYDO at SK ang isang Gender and Development (GAD) Training at Leadership Seminar noong October 16 sa Pook ni Urduja, upang mapaunlad ang kaalaman sa GAD at kakayahan sa pamumuno ng mga kabataan. Pinangunahan ng PPCLDO ang naturang Training, at ng National Youth Commission-Baguio ang Leadership Seminar. Matagumpay na isinulong sa aktibidad ang diwa na "Hindi kailangang maging lider para makilahok sa mga programang pangkabataan."

 

 

19. Exotic Pet Bird, Boluntaryong Isinuko

 

Boluntaryong isinuko ang isang pares ng budgerigar o budgie sa mga Wildlife Enforcement Officer ng ESWMO noong October 13 sa Brgy. Nalsian Sur, at pormal na itinurn-over ang mga ito sa CENRO Dagupan kinabukasan. Ipinaalala ng MENRO na saklaw ng Republic Act No. 9147 ang pangangalaga at pagmamay-ari ng exotic at native na wildlife, kabilang ang mga kinakailangang permit at dokumento bago mag-alaga ng mga ito.

 

 

20. Financial Literacy at Cooperative Education, Isinagawa

 

Nagsagawa ang Municipal Cooperative Development Office ng information-education campaign tungkol sa financial literacy at ang mga pangunahing prinsipyo ng pagiging ng isang kooperatiba sa Moises B. Rebamontan National High School sa Brgy. Carungay noong October 16. Tinalakay sa mga mag-aaral ang wastong paghawak ng pera, pag-iimpok, pagbabadyet, at kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtatatag ng isang kooperatiba.

 

 

21. Libreng Chest X-Ray, Ipinagkaloob sa 200 Katao

 

Nagsagawa ang Rural Health Unit ng libreng chest X-ray sa Malioer Covered Court noong October 15, sa pakikipagtulungan ng Philippine Business for Social Progress at RCG Premier Foundation. Target ng aktibidad na mapagsilbihan ang 200 na benepisyaryo, partikular ang mga kapamilya at kasambahay ng dati at kasalukuyang pasyente na may tuberculosis, gayundin ang iba pang vulnerable sector. Nakatulong ito sa maagang pagtukoy ng posibleng kaso ng TB upang maipagkaloob ang angkop na pagsusuri at pangangalaga.

 

 

22. The Tent Sports Hub, Binuksan sa BYB Metro!

 

Pormal na binuksan noong October 15 ang The Tent Sports Hub sa BYB Metro, Brgy. Bani, upang magbigay ng karagdagang espasyo para sa iba't ibang sports at recreational activities. Sinimulan ang programa sa dedication at blessing, mga mensahe mula kina Mr. Philip Jose ng AILC, Mayor Nina at Dr. Cezar Quiambao, ribbon-cutting ceremony, at inaugural open play ng pickleball game.

 

23. Bayambang, Most Business-Friendly Municipality Level 1 ng Bansa!

 

Isang makasaysayang pagkapanalo ang natamo ng Bayambang, matapos itong kilalanin sa kauna-unahang pagkakataon bilang kampeon sa 2026 Most Business-Friendly LGU Awards – Municipality Level 1 Category ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Ang prestihiyosong pagkilala ay tinanggap nina Mayor Niña at SATOM, Dr. Cezar Quiambao sa Manila Hotel. Nanaig ang bayan sa apat na iba pang finalist mula sa La Union, Rizal, at Bulacan dahil sa pagsusulong ng mahusay na serbisyo publiko, modernisasyon, at pagpapadali ng pagnenegosyo.

 

Congratulations, LGU-Bayambang!

 

***

 

CONCLUSION

 

1: At iyan po ang mahahalagang balitang nagbigay-linaw sa mga programa, proyekto, at kaganapan sa ating bayan. Muli, ako po si ___________ ng ____________________ Office.

 

2: At ako naman po si ___________ ng _______

 

_____________. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa ating mga balita.

 

1: Sa sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at ng bawat mamamayan, patuloy nating maisusulong ang mga adhikain para sa ikabubuti ng ating komunidad.

 

2: Sa pagkakaisa, pananagutan, at patuloy na paglilingkod, sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at mas maliwanag na kinabukasan ng Bayambang.

 

1: Muli, maraming salamat po. Hanggang sa susunod na paghahatid ng mga balita!

 

1 AT 2 (SABAY): Ito ang mga balitang makabuluhan, paglilingkod na maaasahan, para sa bawat Kabaleyan. Ito ang… BayambangueNews!

 

 

Sunday, October 11, 2026

MONDAY REPORT - OCTOBER 12, 2026


MONDAY REPORT - OCTOBER 12, 2026

Magandang araw, Bayambang! 

Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan. 

Tampok ang iba’t ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

Ito ang... BayambangueNews!

1. 30 Katao, Tumanggap ng Sewing Machine 

Tatlumpung benepisyaryo mula sa marginalized sector ang tumanggap ng sewing machines sa ilalim ng PESO-Bayambang Livelihood Program upang magkaroon ng dagdag na oportunidad sa kabuhayan. Mga graduate sila ng 45 days ng TESDA training sa rag-making at basic sewing machine repair. Ang livelihood assistance at ang natutuhang kasanayan ay inaaasahang magdaragdag sa sariling pagkakakitaan. 

2. Cybersecurity Awareness Seminar, Isinagawa 

Isinagawa noong October 5 ang isang Cybersecurity Awareness Seminar para sa mga personnel ng LGU sa pangunguna ng ICT Office. Dito ay pinalakas ang kaalaman ng mga kawani ukol sa cybersecurity at itinaguyod ang wastong pangangalaga sa government information at digital resources.

3. 36 Work Immersion Students, Mainit na Tinanggap 

Winelcome ng LGU ang 36 na mag-aaral mula sa Tococ National High School para sa sampung araw na Work Immersion Program simula October 5. Personal silang binati ni Mayor Nina, at sila ay hinikayat na sulitin ang pagkakataong matuto mula sa isang aktuwal na work environment, sa gabay ng PESO-Bayambang.

4. BPSO at TFD, Nakipagpulong sa Royal Mall at CSI 

Nakipagpulong ang BPSO at Task Force Disiplina sa pamunuan Royal Mall, Royal Supermarket, at CSI Bayambang upang mapabuti ang pamamahala ng parking at daloy ng trapiko sa paligid ng kanilang mga establisimyento. Tinalakay ang parking discipline, pag-iwas sa obstruction, at mga praktikal na hakbang para sa mas ligtas at maayos na galaw ng mga sasakyan at pedestrian. 

5. Managos FAC, Tumanggap ng Pondo para sa Fertilizer Facility

Pormal na tinanggap ng Managos Farmers Agriculture Cooperative ang P150,000 funding intervention mula sa Agricultural Training Institute ng DA para sa pagtatatag ng organic at biological input production facility sa kanilang Learning Site for Agriculture. Gagamitin ang pasilidad sa paggawa ng organic concoctions at pataba at bilang karagdagang learning facility para sa mga magsasakang nais matuto ng organic farming technologies. 

6. School Security, Pinaigting; Vendors, Nabigyan ng Alternatibong Puwesto

Nakipagpulong kay Mayor Niña ang mga vendor malapit sa Bayambang Central School at pangatlong gate ng Bayambang National High School upang talakayin ang epekto sa kanilang kabuhayan ng pagsasara ng naturang gate bilang bahagi ng pinaigting na school security. Bilang tugon, pinag-usapan ang pagbibigay sa kanila ng alternatibong puwesto sa gilid ng lumang Bayambang Central School upang maipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay habang napapanatili ang seguridad ng mga mag-aaral at school personnel. 

7. Nutrisyon ng mga Mag-aaral, Tinutukan sa Pulong

Tinalakay sa 3rd Quarter Meeting ng Municipal Nutrition Committee (MNC) noong October 6 ang pagpapalakas ng mga nutrition progrm para sa mga mag-aaral, kabilang ang feeding program, libreng gatas, at pamimigay ng multivitamins. Dinaluhan ni Mayor Niña ang pulong, kung saan iniulat din ang pagbabalik ng Bayambang bilang contender sa CROWN Award ng National Nutrition Council. Inilatag din sa pulong ang mga estratehiya para sa mas tumpak na school-based nutrition data mula sa DepEd.

8. Tatlong Wheelchair, Hatid-Ginhawa sa mga Bayambangueño

Tatlong Bayambangueño na may mobility limitation mula sa Brgy. San Vicente, Tamaro, at Buenlag 2nd ang tumanggap ng libreng wheelchair mula kay Mayor Niña upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Dahil dito, naging mas ligtas at madali nilang nagagawa ang paglabas ng bahay at pakikibahagi sa mga simpleng gawain kasama ang pamilya, kaya't laking pasasalamat ng mga nasabing residente at kani-kanilang pamilya.

9. Karapatan ng Kabataan, Itinampok sa Legal Education Program

Isinagawa sa Bayambang ang kauna-unahang Legal Education and Awareness Program on Juvenile Justice System noong October 7, sa pag-oorganisa ng Municipal Legal Office. Tampok dito ang talakayan ni Deputy Provincial Prosecutor Emmanuel Laforteza hinggil sa R.A. 10630 at Juvenile Justice and Welfare Act. Dumalo rito ang mga Punong Barangay, SK Chairperson, school head, at PTA president upang higit na maunawaan ang mga karapatan at pangangailangan ng kabataan at mapalakas ang paggabay at proteksyon sa kanila.

10. DILG-Pangasinan, Nagmonitor ng Kanilang mga Proyekto Rito

Ang DILG-Pangasinan ay nagsagawa ng project monitoring sa LGU noong October 7, bilang bahagi ng pagsusuri sa mga proyektong pinondohan ng ahensya sa ilalim ng Local Government Support Fund–Financial Assistance to LGUs at Seal of Good Local Governance Incentive Fund. Kabilang sa mga sinuri ang ang konstruksyon ng Teen Hub, pagbili ng ambulansya, at Assistance to Indigent Individuals or Families, mga kinakailangang dokumento at papeles, at iba pang mga bagay na kinakailangang subaybayan ng ahensya.

11. Urban Barangays, Pinagtibay ang Koordinasyon sa Solid Waste Management

Pinangunahan ng ESWMO ang isang consultative meeting kasama ang mga pinuno at kinatawan ng 11 urban barangays upang palakasin ang koordinasyon sa wastong pamamahala ng basura, kabilang ang segregation at waste management information campaigns. Tinalakay rin ang mga mungkahi ng mga barangay, at inanunsyo naman ng ESWMO ang planong pagkilala at parangal sa mga best practices sa Solid Waste Management Summit sa susunod na taon.

12. Kabataan at Senior Citizens, Nagbonding sa Board Games Battle

Naging masaya at makabuluhan ang Board Games Battle ng mga kabataan at senior citizen bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026 at Linggo ng Kabataan 2026. Sa chess at Scrabble, nagtagisan sila sa talino at diskarte, na naging daan din sa bonding, kuwentuhan, at palitan ng kaalaman at karanasan ng dalawang henerasyon. Nagwagi sina Jesus Gangano at Kim Canilang sa Scrabble, at Marcelo Ambat at Agapito Saulon sa chess. Tumanggap ang mga nagwagi ng tig-isang chess set at Scrabble set bilang gantimpala.

13. Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang

"Mayroong halaga at karapatan, boses, at ambag sa bayan ang mga nakakatandang Bayambangueño." Ito ang naging diwa ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week noong October 8, sa pag-oorganisa ng OSCA at Federation of Senior Citizens-Bayambang Chpter. Dito ay masayang nagbonding ang mga senior citizen sa iba't ibang aktibidad, kabilang ang mga health talk, free check-up, sayawan, fun and games, at paggawad kina Gng. Iluminada Mabanglo at G. Casemero Peralta ng Distinguished Service Award. Nagkaroon din ng awarding of cash grants para sa mga centenarian. 

14. Feeding at Gift-Giving, Inihatid ng Camacho Family and Friends sa San Gabriel 2nd

Nagsagawa ang pamilya at mga kaibigan ni G. Oscar Camacho ng taunang feeding program at gift-giving outreach activity para sa mga batang Bayambangueño sa Bical, Manambong Sur, at San Gabriel 2nd Elementary School at Sitio Botut, Lagare, at Nalseban ng Brgy. San Gabriel 2nd. Hatid ang pagkain, regalo, at saya sa mga komunidad, taunang isinasagawa ng pamilya ang outreach program bilang paraan ng pagbabahagi sa mga bata at komunidad, lalo na sa mga nangangailangan. 

15. Limang Proyektong Pinondohan ng Landbank, Sumabak sa Assessment 

Limang proyektong pinondohan ng LandBank sa Bayambang ang sumailalim sa Environmental and Social Assessment (ESA), kabilang ang walong warehouses, Central Terminal, RHU, Public Market Extension, at Cold Storage Facility. Isinagawa ang assessment noong October 8 sa pakikipagtulungan ng mga kaukulang tanggapan ng LGU upang masuri ang mga aspetong pangkapaligiran at panlipunan ng mga proyekto. Matagumpay na natapos ang assessment, at lahat ng designated Pollution Control Officers ng LGU ay naiulat na accredited na ng DENR-EMB.

15. Teachers' Day, Ipinagdiwang sa Isang Engrandeng Selebrasyon

Isang engrandeng pagkilala sa mga guro ng Bayambang ang idinaos ni Mayor Niña noong October 9 sa The Tent Sports Hub sa BYB Metro, Brgy. Bani, isang makabagong sports facility. Ang aktibidad ay napuno ng mga surpresa gaya ng raffle draw, mga regalo, at live performances, bilang pagpupugay sa lahat ng sakripisyo ng mga guro sa kanilang tungkulin. Naging espesyal na panauhin ang trending content creator na si 'Unfiltered Karla' o Ms. Karla Ong-Bagtas, isang public school teacher.

16. Organic Agriculture, Isinusulong 

Muling isinusulong ng Agriculture Office ang sustainable at organic farming sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng training sa paggawa ng organic foliar fertilizers noong October 8. Tinuruan dito ang mga magsasaka na gumawa ng sariling organic farm inputs gamit ang mga lokal at madaling makuhang materyales. Layunin nitong mabawasan ang gastusin sa pagsasaka at maisulong ang mas ligtas at makakalikasang produksyon.

***

Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpupunyagi ng ating pamahalaan.

Sa bawat programa at serbisyo, sama-sama nating itinataguyod ang isang progresibong Bayambang.

At ito ang... BayambangueNews!

Friday, October 9, 2026

Editorial - September 2026 - Karahasan, Walang Puwang sa Paaralan

Karahasan, Walang Puwang sa Paaralan

Ang paaralan ay tahanan ng kaalaman, paghubog ng pagkatao, at paglinang ng mga pangarap. Hindi ito lugar ng suntukan, pambubully, o anumang uri ng pananakit. Kaya naman, ang mga ulat ng alitan at karahasang kinasasangkutan ng mga mag-aaral saa iba’t ibang lugar sa bakamakailan ay dapat magsilbing paalala sa ating lahat na kailangang higit pang palakasin ang pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng kabataan.

Anuman ang dahilan—pang-aasar, selosan, hindi pagkakaunawaan, o simpleng pagpikon—hindi kailanman katanggap-tanggap na humantong sa pananakit ang isang sigalot. Ang isang suntok ay maaaring magdulot ng pinsala sa katawan, matinding takot, at traumang matagal bago mapagaling. Sa ilang pagkakataon, maaari rin itong humantong sa pananagutang legal. Hindi sapat na sabihing “away-bata lang iyan,” sapagkat ang epekto ng karahasan ay hindi nasusukat sa edad ng mga sangkot o sa tagal ng kanilang pag-aaway.

Mahalagang maunawaan na bagama't may mga batas at prosesong nagbibigay ng natatanging proteksiyon sa mga batang nasasangkot sa paglabag sa batas, hindi ito nangangahulugang walang pananagutan ang sinumang gumawa ng seryosong pananakit. Depende sa edad, kalagayan, at mga pangyayari, maaaring ipatupad ang angkop na mga hakbang sa ilalim ng batas. May mga pagkakataon ding maaaring magkaroon ng pananagutan ang mga magulang, alinsunod sa mga kondisyong itinatakda ng batas.

Gayunman, higit sa takot sa parusa, ang dapat nating itanim sa isipan ng kabataan ay ang pagpapahalaga sa kapwa. Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa lakas ng kamao o sa dami ng taong kinatatakutan. Mas kahanga-hanga ang taong marunong magtimpi, umunawa, humingi ng tawad, at lumutas ng problema sa mahinahon at magalang na paraan.

May pananagutan din ang mga nakasasaksi sa pambubully o pananakit. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang ganitong mga insidente o ituring na libangan ang paghihirap ng iba. Kung may nakikitang karahasan, nararapat itong iulat agad sa guro, pamunuan ng paaralan, o kinauukulang awtoridad. Hindi kailangang ilagay sa panganib ang sariling kaligtasan upang makatulong; ang maagap at wastong pag-uulat ay maaari nang makapigil sa mas malubhang pangyayari.

Sa tahanan nagsisimula ang paghubog sa asal ng mga bata. Malaki ang papel ng mga magulang at tagapag-alaga sa pagtuturo ng disiplina, pagpipigil sa galit, at paggalang sa dignidad ng bawat tao. Samantala, tungkulin ng mga paaralan na tiyaking may ligtas na paraan ang mga mag-aaral upang magsumbong, humingi ng tulong, at makapagsalita laban sa pambubully nang walang pangambang paghihigantihan.

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang mga programa at inisyatibang nagtataguyod ng ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa mga paaralan. Kaakibat nito ang pagkilala sa karapatan ng bawat mag-aaral na matuto nang walang takot sa pang-aapi, pananakot, o pananakit.

Ngunit ang pagkakaroon ng ligtas na paaralan ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan o ng mga guro. Nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral, magulang, paaralan, at buong pamayanan. Bawat isa ay may kakayahang tumulong upang mapigil ang karahasan at mapalaganap ang paggalang at pag-unawa.

Walang puwang ang karahasan sa paaralan! Ang bawat batang Bayambangueño ay may karapatang matuto, mangarap, at umunlad sa isang kapaligirang ligtas, mapayapa, at may paggalang sa kanyang pagkatao.

 

Thursday, October 8, 2026

Bayambang in 2025-2026

 2025

On February 3, Municipal Dentist, Dr. Francis Dave Junio, together with collaborators, held the first-ever municipality-wide "toothbrushing marathon," or to be exact, simultaneous toothbrushing drill, with thousands of individuals participating.

On February 6, a groundbreaking ceremony for the campus of Bayambang Polytechnic College was conducted in Brgy. Bical Norte beside Bayambang District Hospital on a lot donated by Dr. Cezar T. Quiambao. First Lady Louise Araneta-Marcos and Commission on Higher Education Chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera led the ceremony together with Dr. Cezar T. Quiambao, BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, and other dignitaries.

On March 7, Governor Ramon 'Mon-Mon' Guico III and other Pangasinan provincial government officials, together with municipal officials, inaugurated the first-ever CT scan and new stationary and portable ultrasound and X-ray machines at the Bayambang District Hospital, and led a groundbreaking ceremony for a new hemodialysis center there.

On April 5, the St. Vincent Ferrer Parish Church was officially proclaimed by Lingayen-Dagupan Archbishop, Most Reverend Socrates Villegas, as an archdiocesan shrine. The parish was renamed as Santuario de San Vicente Ferrer. 

This development coincided with the ordination of a new priest from Bayambang, Fr. Alexander I. Martinez, OCarm., after 29 long years.

A groundbreaking ceremony for the rehabilitation of Wawa Bridge was held as an opening activity for the town fiesta.

‘Rhianna’ Cerezo Poquiz of Brgy. San Gabriel 2nd was crowned as the first “Binibeking Bayambang.”

The local government won two other major infrastructure projects from DA-PRDP Scale-up and WB: the Pantol-to-San Gabriel Farm-to-Market Road with Bridge Project, a grant worth ₱319,180,000, and the Nalsian Cold Storage Project, a grant worth ₱246,015,000.

Bayambang was recognized by the National Nutrition Council with the CROWN or Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition Award in the presence of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

A Central Terminal for big buses was completed on the leftmost side of PSU-Bayambang Campus.

Kangaroo Hill Pavilion and Resort opened in Brgy. Sancagulis.

On May 12, Mayor Niña Jose-Quiambao was reelected on her second term after a close fight with Dr. Cathy de Vera. The Municipal Councilors included Nazer Junio, former Vice-Mayor Jose ‘Boy’ Ramos, Gerardo ‘Gerry’ Flores, Levinson Nessus M. Uy, Jocelyn S. Espejo, Engr. Zerex Terrado, Raymund Camacho, and Rhyan de Vera, with Rodelito Bautista, Liga ng mga Barangay President, and Marianne Cheska Dulay, Sangguniang Kabataan President, remaining as ex-officio members.

However, not long after, in June, SK Federation Chair Marianne Cheska Dulay resigned from her post, an unprecedented move, citing protection of her mental health as reason. She was replaced by her Vice-President, John Roy Jalac.

Regene ‘Seven’ Sendaydiego Odon, a singer-actor born and raised in Bayambang, was cast in a Tony Award-winning musical-play, “Kimberly Akimbo,” which toured 80 cities in the USA.

In June, Señor Ihaw, a chicken inasal place, and Angkong Noodle House, a Chinese restaurant, opened at the Bayambang Centro, which took over the commercial place formerly occupied by Magic Supermarket at the public market. Soon, Watsons health and beauty care shop opened in Bayambang.

On August 18, two buildings were inaugurated: the MSWDO Bldg., where the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) was transferred, and the ECCD Bldg., where the daycare or Early Child Care and Development (ECCD) focal staff of MSWDO were transferred.

On August 25, the Bayambang Central Terminal and Bagsakan Market were formally opened at the extreme left side of the PSU-Bayambang Campus, with the LGU granted with usufructuary rights by PSU.

In October, the commemorative book, “The Journey: Santuario de San Vicente Ferrer,” was released in connection with the declaration of the St. Vincent Ferrer Parish Church as a diocesan shrine.

In November, the Blue Sky Theme Park and Events Center at Brgy. Bani was inaugurated, a first of its kind in the province of Pangasinan and in the entire Region I.

Bayambang District Hospital became a “Malasakit Center,” offering 100% coverage or “zero balance billing” and free laboratory tests -- previously an unthinkable feat attributed to Senator Christopher ‘Bong’ Go.

A Department of Migrant Workers desk was opened at PESO-Bayambang.

On November 19, minimum wage in Pangasinan was increased from P468 to P505.

Two Alfamart grocery stores opened in Bayambang.

A four-day "compressed work week" was implemented by the LGU to save energy and drastically reduce expenses.

2026

By January 2026, as part of the professionalization of the local government, LGU-Bayambang had in its employ 5 medical doctors, 2 dentists, 9 CPAs, 7 lawyers (including 3 recent bar passers), 16 licensed engineers, 1 licensed architect, and at least 4 doctorate degree holders, including those hired as consultants. 

In January, Bayambang Municipal Police Station under OIC Chief, PLtCol Rommel Bagsic, was adjudged by the PNP central office as the Best Municipal Police Station (Class A) nationwide. In the same month, PLtCol Bagsic received a Medalya ng Kadakilaan from his alma mater, the Philippine National Police Academy in Cavite. 

Mayor Niña Jose-Quiambao donated a responder vehicle to BFP.

Ms. Christien P. Garcia, Zone VI Barangay Nutrition Scholar won as 2024 Most Outstanding BNS of Pangasinan.

UPLB brought its Biotech Program to Bayambang anew.

Atty. Melinda Rose Fernandez was appointed as new HRM Officer while concurrently serving as Municipal Librarian and Municipal Cooperative Development Officer.

In the February 2026 Philippine Nursing Licensure Examination, 100% of first-time examinees of PSU-Bayambang Campus' Institute of Nursing passed.

SSS on Wheels made a regular schedule in Bayambang, and began accepting payments through GCash.

The first 92 graduates of Bayambang Polytechnic College were presented to LGU officials, and a fresh P15-million in cash was donated by the Dr. Cezar Quiambao and Mayor Niña Jose-Quiambao. Noted scientist Dr. Mudjekeewis D. Santos was guest of honor and speaker.

15,005 Bayambangueños participated in municipal-wide simultaneous toothbrushing drill.

As part of the 2026 town fiesta celebrations, the Enhanced Bayambang Community Service Card was launched in partnership with GCash as a tool for fast-tracked distribution of government cash assistance.

The Bayambang Youth Hub was inaugurated beside the Municipal Museum, to serve as a space for youth-oriented activities. The LGU gym equipment was transferred to this building.

The Bayambang Animal Shelter was inaugurated in Brgy. Amanperez to serve as a pound or animal control facility for stray and potentially rabid pets.

A "Grand Ukay for a Cause" was held as a fund-raising activity to procure bahay kubos for 35 certified indigent or homeless families.

LGU-Bayambang received a new firetruck from the national government.
 
DPWH Secretary Vince Dizon visited to inspect Wawa Bridge.

Bayambang became one of the pilot areas for DOT's "Slow Food Travel Program."

A pigmented rice coffee brew brand was launched by RBAC or RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative in partnership with the LGU, DA-PhilRice, and DTI.

Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center Inc. received a 'Corporate Wellness Initiative' Award from Healthcare Asia Awards in Singapore.

O!Save grocery store opened in Bayambang.

El Siesta Hotel and Resort opened in Brgy. Bical Norte.

A branch of Red Ribbon opened in Royal Mall.

Mister Donut opened a branch in Brgy. Alinggan.

On the political scene, a major rift between the Quiambao and Guico camps resulted in an intense word war in social media, among other sudden changes in the political weather.  On the other hand, a reconciliation between the Espino-Camacho and Quiambao camps resulted in a renewed tandem.

EnP Ryan Dizon from Palafox Associates Inc. was hired as the new Municipal Planning and Development Coordinator.

The Social Annex Building A (Bougainvillea Building) was inaugurated in Brgy. Magsaysay on May 11 where the Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) and Local Youth Development Office (LYDO) were transferred, and an LGU Dance Studio was opened on the third floor.

 PSU-Bayambang Campus was officially declared as a "Center of Learning."

In June, Mayor Jose-Quiambao announced that the LGU-Bayambang had acquired the new Bayambang Central School campus (both the titled two-hectare lot and its buildings and facilities) from its private owner. It also signed a Deed of Usufruct for the Department of Education, to give DepEd and Bayambang Central School the right to make improvement works on the campus without owning the lot. 

The LGU acquired a new rescue boat.

In July, Councilor Jan Nazer David "Kulas" B. Junio died from a car crash in San Carlos City. A few months later, he was replaced by his father Mylvin upon the mayor's recommendation.

Philips Azurion 7 Biplane B20 System, a specialized cardiac imaging equipment installed at JKQ Medical and Wellness Center, was a first in Pangasinan. It is an advanced image-guided therapy platform designed for complex cardiac, vascular, and neuro-interventional procedures.

During the eighth anniversary of the Rebolusyon Laban sa Kahirapan, National Anti-Poverty Commissioner Lope K. Santos III declared that Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2017-2028 should serve as a model nationwide.

Construction of the Bayambang Polytechnic College Training Center began at the BPC campus in Brgy. Bical Norte.

New Nutrition Month contests and activities conceptualized: Baby Crawl Challenge, Healthiest LGU Department contest, and a food vlog.

Separate Hip-hop Dance, Social Dance, and Ballet Dance classes were held at the LGU Dance Studio, as organized by Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad as a new venue for talented youth to spend time as an alternative to digital addiction as well as for interested LGU personnel to realize work-life balance. The course finishers performed in a recital.  

The Varsitarian modern dance group was revived by Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad by auditioning for new members. They newest batch was trained by local dance instructor John Jeremy Ong.

Wilcon Depot broke ground in Brgy. Dusoc on September 11.

Dr. Jose 'Dong' V. Camacho Jr. was elected as University of the Philippines Los Baños Chancellor for the third time--a historic reappointment as he is the first UPLB Chancellor to serve three terms.

ICT Office's Electronic Records Management System (ERMS) was in the works.

Another initiative of Mayor Niña Jose-Quiambao, a new Municipal Trial Court Building was inaugurated on September 28. 

The first-ever Legal Education and Awareness Program on Juvenile Justice System was held by the Municipal Legal Office.

Another first: Tourism Office's launching of the first-ever tourism-related coffee table book, titled "A Million Reasons Why Bayambang Is the Place Where the Best Things Happen." 

The Tent Sports Hub, a modern sports facility, opened in BYB Metro on October 15.

A first in the town's and the province's history: Bayambang was adjudged the Most Business-Friendly LGU (Level 1 Municipality category) for 2026 in the country by the Philippine Chamber of Commerce and Industry.